You are on page 1of 21

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Pakikipagkapwa
(Unang Linggo)

1
Edukasyon sa Pagpapakatao
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pakikipagkapwa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: SHIMI LOVE R. BALANSAG

Tagasuri: JAY GARRY T. TANGENTE, EdD.


MARY GRACE N. GUERRERO

Editor: LUISA H. IGOS


FRANKLIN S. ALKUINO
GIRLIE M. PAGLINAWAN

Tagaguhit: EMMANUEL D. MANLUN-UYAN


CRIL PHILIP G. OMOYON

Tagalapat: JENRIL A. NATIAL


ROSGLORIOSO K. DE LA PEÑA
JAMAICA E. ORACION

Tagapamahala: SALUSTIANO T. JIMENEZ, EdD., J.D., CESO V


CRISTITO A. ECO, Ph.D., CESO V
LELANIE T. CABRERA, CESO VI
MARIA JESUSA C. DESPOJO, PhD.
MAURETTE F. PONCE
LORENZO M. ARCON, EdD.
ANNABELLA P. EVA, EdD.

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas


Kagawaran ng Edukasyon – SDO Bayawan City

Office Address: National Highway, Brgy. Villareal, Bayawan City, Negros Oriental
Telefax: 035-430-0529
E-mail Address: bayawan.city@deped.gov.ph

2
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Pakikipagkapwa
(Unang Linggo)

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pakikipagkapwa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pakikipagkapwa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

3
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
Isaisip kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
Isagawa sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang
kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha
Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Sigurado ako na naging masaya ang


paglalakbay mo sa nakaraang aralin
kaibigan. Muli, ako si Bay ang
makasasama at gagabay sa iyo. Ano
pang hinihintay mo? Tara na!
Magsimula na tayo.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a) Natutukoy ang mga taong itinuturing na kapwa at ang


kahalagahan ng pakikipagkapwa. (EsP8P-IIa-5.1)

b) Nasusuri ang mga impluwensya ng kapwa sa aspektong


intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. (EsP8P-IIa-5.2)

c) Pagsasanib sa lokal na pamahalaan


-Character First Program
-Pagtaguyod para sa kabutihang panlahat

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Masasabi mo bang maaari kang mag-isa sa mundo? Ito ba ay posible? Ang


tao ay may pangangailangang makipag-ugnayan sa iba, hinahanap-hanap niya ang
pagkakaroon ng makakasama at ang mapabilang sa isang pangkat.

Hindi lahat ng iyong karanasan sa


paghahanap ng taong makakasundo mo ay naging
madali o maganda, hindi ba? Nakasalalay sa iyo ang
lawak at lalim ng iyong pakikipag-ugnayan sa iba.
Kaya mahalaga ang pag-unawa mo sa mga konsepto
tungkol sa pakikipagkapwa. Magtatagumpay ka sa
layuning mapaunlad at maging makabuluhan ang
iyong pakikipagkapwa kung maipamamalas mo ang
mga inaasahang kasanayang pampagkatuto sa modyul
na ito.

Paano magiging makabuluhan ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa?


Paano ka makatutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan?

1
Inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-unawang ito upang
maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na inaasahan sa mga modyul na
ito. Pagkatapos ng mga gawain sa modyul, inaasahang masasagot mo ang
mahahalagang tanong tulad ng:

Paano nagiging ganap ang tao sa


Bakit mahalaga ang
pamamagitan ng
pakikipagkapwa?
pakikipagkapwa?

Sandali lang kaibigan! Bago tayo


magpapatuloy ay sagutin mo muna ang mga
katanungan sa ibaba upang malaman kung
ano na ang nalalaman mo kaugnay sa aralin
natin. Alam kong madali lang ito para sa’yo!

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang
titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang maituturing mong kapwa?


A. tatay B. guro C. kaaway D. lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng pakikipagkapwa?
A. mag-aaral ng mabuti upang tumaas ang marka
B. maglilinis ng bahay
C. magtatrabaho para may pambili ng damit
D. makikilahok sa bayanihan
3. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling
pangangailangan.
B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang
alaala.
D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

2
4. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
D. pagkaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
5. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa _______________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

6. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang


magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang
panlahat.
A. hanapbuhay B. libangan C. pagtutulungan D. kultura

7. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng


paghahanapbuhay?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Politikal D. Intelektwal
8. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa
at pakikibahagi sa mga samahan.
A. kusa at pananagutan C. talino at kakayahan
B. sipag at tiyaga D. tungkulin at karapatan
9. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B. kakayahan nilang makiramdam
C. kanilang pagtanaw ng utang na loob
D. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
10. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
11. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
A. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
12. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay
nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

3
Aralin

1 Ang Pakikipagkapwa

“Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang


panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.” Galacia 6:9

Ngayon, may inihanda akong gawain


hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda
na may lubos kang pagkatuto. Alam kong
kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa
lang binabati na kita.

Balikan

Panuto: Hanapin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit ang
puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o
padayagonal. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

A T A X F G K Y L T O P E G U K

T T A T N X F A L S D F G H J A

Y T N T R N B H D O K T O R B A

F U V A A T R A V A T A R U A W

X R O N O Y Y B A B A Y U R H A

C O A K A P A T I D O R G O A Y

A Y F E E L N I T X Z F G Y Y Y

D I K T O R A P P W E D E H O X

Y Y A Y A A K A K L A S E A B Z

P S W A K A Y K A I B I G A N O

U P U L I S T A K A I B Z G A T

4
Tuklasin

Kaibigan, basahin mong mabuti ang tula sa ibaba


na nagpapakita ng kahalagahan ng
makabuluhang pakikipagkapwa. Pagkatapos,
tuklasin mo ang mga kaalamang nakapaloob dito.

Ang Pakikipagkapwa

Ang tao’y likas na panlipunang nilalang


Pakikipagkapwa-tao’y dapat na malinang;
Aspektong intelektwal, politikal, panlipuna’t pangkabuhayan
Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.
Pangangailanga’y madaling matugunan

Sa pagkakaroo’t pagiging bahagi ng mga samahan


Nalilinang ating kusa’t pagiging mapanagutan
Pati na ang pagtataguyod sa ating karapatan.
Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?

Ayaw makiisa, lubha pang makasarili?


Huwag magpaapekto at magpakagalit
Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip.
Pakikipagkapwa’y linangin nang may pagmamalasakit

Laging isipin na kapwa’y kapantay, katulad din natin


Sa bawat salita’t kilos, iwasang makasakit
Nakabubuti sa atin, sa kapwa’y gawin din.
Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan

Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran


Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan
Kapanatagan, kaligayahan, at kaganapan,
Ating ngang makakamtan.
-ecm

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong matapos na basahin ang tula.

1. Anu-anong aspekto ng pagkatao ang nabanggit sa tula na malilinang sa


pakikipag-ugnayan sa kapwa? Ipaliwanag ang mga ito.

2. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan?


Magbigay ng halimbawa.
3. Pagnilayan kung anong katangian ang kailangan nating paunlarin upang
maisakatuparan ang pagtataguyod para sa kabutihang panlahat.

5
Suriin

Kailangan kita… Kailangan mo ako… Kapwa-tao tayo…

“Kaya kong mabuhay nang nag-iisa!” pahayag


ng isang mag-aaral na sanay mapag-isa. May mga
pagkakataon naman daw na naiiwan siyang mag-isa
sa bahay at nakakaya niyang mabuhay dahil
marunong siya sa mga gawaing-bahay. Ipinaunawa
ng kaniyang mga kaklase na kahit nag-iisa siya,
kailangan pa rin niya ang ibang tao at
naiimpluwensyahan pa rin siya ng iba. Katwiran
nila, bumibili daw siya sa tindahan at palengke,
nanonood siya ng palabas sa telebisyon, mayroon
siyang damit na isinusuot na gawa ng ibang tao,
nagbabasa siya ng aklat, at mayroon siyang
cellphone at computer na maaari siyang makipag-
chat. Kaya, hindi siya tunay na nag-iisa.

Ano kaya ang mararamdaman mo kung sa loob ng 48 oras, mag-isa kang


nakakulong sa silid na madilim at sobrang tahimik? Isang dokumentaryo ang
ipinalabas sa British Broadcasting Corporation (BBC) noong Enero, 2008
(http://documentarystorm.com/total-isolation/) na may pamagat na “Total
Isolation” ang nagpakita ng naging kalagayan at kinahantungan ng mga tao na
nakakulong sa loob ng 48 oras nang nag-iisa at walang kahit munting sinag ng
liwanag. Ang tatlo sa anim na nagboluntaryo ay iniwan sa madilim na silid na
hindi pinapasok ng anumang ingay, samantalang ang tatlo pang iba ay binigyan ng
madilim na ‘goggles’ at pantakip sa tainga na ang kanilang tanging naririnig ay
‘white noise’.

Bago simulan ang eksperimento, binigyan muna sila ng paunang pagsusulit


sa sumusunod na aspekto: visual memory, information processing, verbal
fluency at suggestibility. Pagkatapos ng 2 gabi at 2 araw, nakaranas ng guni-guni
(hallucinations) ang tatlo sa kanila; ang paniwala naman ng isa sa kanila, basa
ang kanilang higaan at dalawa sa kanila ang maayos na napagtagumpayan ang
sitwasyon. Upang malaman kung may epekto, binigyan muli sila ng pagsusulit sa
mga naunang nabanggit na aspekto. Batay sa resulta, bumaba at humina ang
kakayahan nila sa pagkumpleto ng simple at payak na mga gawain. Ang memorya
ng isa sa kanila ay bumaba ng 36% at lahat sa kanila ay nagkaroon ng suliranin sa
pagtatantya ng oras at pag-iisip ng mga salita, lalo na ng mga salitang nagsisimula
sa titik “F.” Tumaas naman ang suggestibility ng apat na lalaking nagboluntaryo.

6
Ayon sa isang nagboluntaryo, mahirap talagang gumana ang isip kung
walang liwanag. Naramdaman niyang blangko at ayaw ng gumana ang kaniyang
isip (Total Isolation, 2008).

Ano kaya ang ipinakita ng eksperimento?


Tama ka! Kailangan ng ating utak ang regular
na istimulasyon. Makakamit lamang ito ng
isang tao kung magkakaroon siya ng ugnayan
sa ibang tao at sa kaniyang kapaligiran. Ang
pangmatagalang pagkakait ng pagkakataon sa
isang tao na makipag-ugnayan ay may negatibo
at masamang epekto sa kaniyang pagkatao. Mahirap para sa tao ang mabuhay
nang normal kung ang kakayahan niyang makipag-ugnayan ay ipagkakait sa
kaniya. Ang resulta ng eksperimento ay isa lamang sa maraming pagpapatunay na
ang tao ay isang panlipunang nilalang.

Sa loob ng isang minuto, tumigil at tumahimik sandali. Bigyang pansin ang


mga bagay o gamit na mayroon ka na gawa ng ibang tao.

Hindi ba’t likas sa tao na tugunan ang


May mga pangangailangan ka na
mga pangangailangang makapagbibigay sa
maaari lamang na matugunan sa
kaniya ng kasiyahan? Halimbawa, kumakain pamamagitan ng pakikipag-
ka ng karne ng hayop at iba pang produkto ugnayan mo sa iyong kapwa.
nito; sumasakay ka sa iba’t ibang uri ng
transportasyon upang marating mo ang iyong destinasyon; ginagamit mo ang
halaman, puno, at bunga nito; at nakikinabang ka sa marami pang mga bagay
upang mapunan ang iyong kakulangan sa ibang aspekto. May mga
pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa.

Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-


ugnayan natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Inaasahan na matutugunan mo ang
iyong sariling pangangailangan sa abot ng iyong makakaya. Maunawaan mo at
kilalanin na ikaw rin ay may pananagutang magbahagi ng iyong kaalaman at
kakayahan sa iyong kapwa na gagawin mo nang may kalayaan, pananagutan, at
pagmamahal.

Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang


Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay
isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon
sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang;
at binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. Niloob ng Diyos na ang
tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being
at hindi ang mamuhay nang nagiisa o solitary being. Kaya’t ang panlipunang
aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang

7
kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social
nature of human beings (Pontifical Council for
Justice and Peace, 2004).

Sa panahon ngayon, laganap na ang


kasamaan sa lipunan at ikaw ang nagdurusa
sa mga naging kinahinatnan nito.
Gayunpaman, dapat mong ilagay sa iyong
isipan na upang maalis ang kadiliman ay
dapat ipalaganap ang ilaw; kaya naman,
kailangan mong itaguyod ang kabutihang panlahat. Ngunit, paano mo nga ba
itataguyod ang kabutihang panlahat? Dapat mong matanto na hindi lamang ito
maitataguyod sa simpleng pagpapakita ng kabaitan – ito rin ay nakakapagbago ng
buhay ng isang tao. Maaari kang maging daan para ang isang tao ay gumaling,
mapabuti, at mapaunlad ang sarili. Ang kabutihan ay matatagpuan sa iyong puso
at espiritu sapagkat nilikha ka ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Hindi ka dapat
mamuhay sa paggawa ng kasamaan na magiging sanhi ng pinsala sa iba, ngunit
ibigay mo ang di-makasariling pagmamahal, kagalakan, kapayapaan, tiyaga,
kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinhinan at disiplina upang itaguyod ang
kabutihang panlahat.

Pagyamanin

GAWAIN 1: Kapwa mo, Iguhit mo!

Opps! Isa pang gawain ang iyong


sasagutan kaibigan. Payayabungin
pa natin ang iyong kaalaman.
Galingan mo! Alam kong kayang-
kaya mo ito!

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pakikipagkapwa-tao


na nangyayari sa inyong lugar at ilarawan kung papaano ito
nakakatulong sa pagpapaunlad ng iyong pakikipagkapwa? Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

KRAYTERIA:
Pagkamalikhain: 10 PTS.
Mensahe: 10 PTS.
Kahusayan sa Paglalahad: 10 PTS.
Kabuuan: 30 PTS

8
Isaisip
GAWAIN 2: Ipahayag mo na!

Kaibigan, panahon na para ipahayag mo ang


iyong saloobin, kaya sagutan ang mga tanong sa
ibaba ng taos sa iyong puso. Alam kong magaling
kang sumulat. Galingan mo pa lalo! Isulat mo ito
sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang iyong mararamdaman kung hindi mo maipahayag ang iyong mga
ninanais at nararamdaman?
2. Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo makasundo,
maaaring dahil mayabang siya o makasarili at na iniisip niya na siya’y mas
magaling, mas matalino o mas mataas kaysa sa iyo? Paano mo siya
pakikisamahan?
3. Paano mo babaguhin ang iyong sarili na maging kapakipakinabang ka sa
ibang tao?

Isagawa
GAWAIN 3: Isasabuhay ko!
Panuto: Balikan ang tula na PAKIKIPAGKAPWA. Mag-isip ng konseptong
maisasabuhay mo. Pumili ng dalawang salita na sa tingin mo ay
napakahalaga. Ipaliwanag ito at iugnay sa kasalukuyang hinaharap na
Pandemyang COVID. May rubrik na batayan sa paggawa nito.

Rubrik sa Gawain ng Pagsasabuhay


Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Naipaliwanag ng Hindi gaanong Hindi
maayos ang naipaliwanag ng naipaliwanag ang
Nilalaman napiling konsepto maayos ang napiling konsepto
mula sa tula napiling konsepto mula sa tula
mula sa tula
Angkop at tama Hindi masyadong Hindi angkop at
ang mga salitang angkop at tama tama ang mga
Organisasyon
nagamit ang mga salitang salitang nagamit
nagamit
Kabuuang Puntos 20 puntos

9
Tayahin

Kumusta kaibigan? Umaasa ako na naging


aktibo ka sa aralin natin sa modyul na ito.
Handa ka na bang malaman kung gaano
kalawak ang iyong natutuhan? Halina at
sagutan ang pagtataya.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang
wastong titik sa napiling sagot

1. Alin sa mga sumusunod ang maituturing mong kapwa?


A. tatay B. guro C. kaaway D. lahat ng nabanggit

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng pakikipagkapwa?


A. mag-aaral nang mabuti upang tumaas ang marka
B. maglilinis ng bahay
C. magtatrabaho para may pambili ng damit
D. makikilahok sa bayanihan

3. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang


magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang
panlahat.
A. hanapbuhay B. libangan C. pagtutulungan D. kultura

4. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng


paghahanapbuhay?
A. Panlipunan B. Pangkabuhayan C. Politikal D. Intelektwal
5. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa
at pakikibahagi sa mga samahan.
A. kusa at pananagutan C. talino at kakayahan
B. sipag at tiyaga D. tungkulin at karapatan
6. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling
pangangailangan.
B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
D.Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
7. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. pagtrato nang may paggalang at dignidad.
D. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.

10
8. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa _______________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

9. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.


A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B. kakayahan nilang makiramdam
C. kanilang pagtanaw ng utang na loob
D.kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot

10. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D.Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
11. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
A. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.

12. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-


ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay
nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

11
Karagdagang
Gawain

Binabati kita, Kaibigan! Napakahusay mo


naman! Huwag kang mag-alala panghuling
gawain na ito. Galingan mo pa lalo kaibigan!

Gawain 4: Salamat Po!


Panuto: Pumili ng isang taong nais mong pasalamatan. Gumawa ng isang liham at ipahayag ang
kanyang kahalagahan sa iyong buhay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pamantayan sa pagmamarka
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos) (5 puntos)

Lubusang Hindi lubusang Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayag ang ang damdamin ng
Nilalaman
damdamin ng damdamin ng pasasalamat
pasasalamat pasasalamat

Angkop at wasto
May iilang salitang Walang kaugnayan
ang mga salitang
ginamit na hindi at hindi wasto ang
Pagkakabuo ginamit sa
angkop at wasto mga salitang
pagbuo
ginamit

Kabuuang Puntos

12
13
Tayahin
Pagyamanin
1. D
(Ito ay malayang sasagutin ng mga
2. D mag-aaral)
3. C Isaisip
4. B (Ito ay malayang sasagutin ng mga
5. A mag-aaral)
6. C Isagawa
7. C (Ito ay malayang sasagutin ng mga
8. C mag-aaral)
9. A Karagdagang Gawain
10.C (Ito ay malayang sasagutin ng mga
11.B mag-aaral)
12.B
Subukin
Balikan
1. D
Mga posibleng sagot
2. D
KAPATID
DOKTOR 3. C
KAAWAY
PULIS 4. C
NANAY 5. C
KAKLASE
GURO 6. C
KAIBIGAN
7. B
KAPITBAHAY
TATAY 8. A
Tuklasin
9. A
(Ito ay malayang sasagutin ng
mga mag-aaral) 10.C
11.B
12.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bognot, Regina Mignon C. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Modyul para sa


Mag-aaral.Pasig City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2013.

Council for the Restoration of Filipino Values. Transforming the Nation through
Values. 2nd. n.d.

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bayawan City

Office Address: National Highway, Brgy. Villareal, Bayawan City


Telefax: 035-430-0529
E-mail Address: bayawan.city@deped.gov.ph

15

You might also like