You are on page 1of 31

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-
loob Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ms. Riza A. Bermido - MT
Editor: Ms. Margie Lazacarias – Chairman at Ms. Imelda S. Follosco - HT
Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap – PSDS, Dr. Corazon P. Zinampan - PSDS at Dr.
Rodolfo de Jesus, EPS - Filipino
Tagaguhit: Michael Angelo U. Asuncion
Tagalapat: Michael Angelo U. Asuncion
Tagapamahala: Dr. Jennilyn Rose Corpuz, Schools Division Superintendent
Dr. Fredie Avedaño, Assistant Schools Division Superintendent
Mr. Juan C. Obierna, Chief, CID
Dr. Heidee Ferrer, EPS - LRMDS
Ms. Marietta Caballero – EPS - ESP

Lokal ng Pamahalaan ng Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City


Telepono: 3456 – 0343
Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at
tunguhin ng Isip at Kilos-loob.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-loob.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
GawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin

iv
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
v

Alamin
Natatangi kang nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka rin
naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang misteryo subalit ito ay totoo. Sa madaling
salita ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi
sa iyo. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang tungkol dito. Ano ang taglay mo na
nagpapabukod tangi sa iyo kaya’t mas pahahalagahan mo ang buhay na ipinagkaloob sa iyo
ng Diyos? Tuklasin mo!
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod:
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga konsepto tungkol sa
paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos- loob
sa paglilingkod/ pagmamahal.
Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Mga kasanayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang gamit at tungihin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
(EsP10MP-la-1.1)
2. Napaghahambing ang kakayahang taglay ng tao at hayop.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob mula
sa mga naranasang sitwasyon sa buhay.

Subukin
Basahin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang malinis na
papel

1. Ano ang ibig sabihin ng “Ang tao ay obra maestra ng Diyos”?


A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
B. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
C. Ang tao ay may kakayahang magmahal.
D. Ang tao ay isang umiiral na nagmamahal.

1
2. Ang tinutungo ng kaisipan (intellect) ay ang:
A. Kabayanihan B. Kapayapaan C. Kabutihan D. Katotohanan

3. Ang kahulugan ng “ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan


upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob ay:
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na
impormasyon ng isip.
C. Kailangang maging matalino ang isip sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil
magkakaugnay ang mga ito.
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip b. maghusga c. makaunawa d. mangatwiran 5. Ano ang
nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa? A. Kakayahang mag-
abstraksiyon
B. Kamalayan sa Sarili
C. Pagmamalasakit
D. Pagmamahal
6. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng
sitwasyon?
A. Pagmamahal B. Paglilingkod C. Hustisya D. Respeto 7. Ito ang
kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran?
A. Kamalayan B. Imahinasyon C. Memorya D. Instinct 8. May tatlong
kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao maliban sa: A. Konsensiya
C. Pagkagusto
B. Pandama D. Pagkilos o paggalaw 9. Ito ay kakayahang kilalanin at
alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan?
A. Memorya B. Kamalayan C. Instinct D. Imahinasyon 10. Ang tao ay
binubuo ng materyal at ispiritwal na kalikasan, ito ay ayon sa Pilosopiya ni:
A. Scheler B. Sto. Tomas C. Manuel Dy D. Esteban

11.Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao?


A. Sapagkat buo na siya mula pagsilang niya.
B. Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang
kahihinatnan niya mula sa kanyang kapanganakan, o magiging sino
siya sa kanyang paglaki.
C. Sapagkat kailangan pa niyang makatapos ng pag-aaral.
D. Sapagkat alam na niya ang kanyang pagkatao.

12.Ito ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at


nakapaguunawa.
A. Imahinasyon B. Memorya C. Instinct D. Kamalayan

13.Ang katotohanan ayon sa kanya ay ang “tahanan ng mga


katoto”. A. Fr. Roque Ferriols C. Manuel Dy
B. Scheler D. Esteban

2
14.Ang mga sumusunod ay ang mga kakayahan ng isip maliban
sa: A. Kakayahang magnilay o magmuni-muni
B. Kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay
na umiiral
C. Kakayahang mangatwiran
D. Kakayahang pumili o gumusto

15.Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama


ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip. C.
Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip. D.
Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang
impormasyon na naihahatid dito.

Aralin 1 at Tunguhin ng Isip at


Kilos-loob
Ang Mataas na Gamit

Sa aralin na ito, ating babalikan ang taglay mong kakayahan bilang tao nang
sa gayon ay matugunan mo ang mga hamon ng pagpapakatao. Paano mo nga ba
gagamitin ang mga pakultad na ipinagkaloob ng Diyos sa atin na maaari rin nating
ituring na kapangyarihan? Sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao, naging
malinaw sa iyo na ang tao ay ang natatanging nilikha ng Diyos na nabubuhay sa
mundo. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay
upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa
kaniyang pag
iisip, pagpapasya at pagkilos, nagiging bukod tangi ang tao.

Balikan
Basahin ang mga salita o pahayag sa ibaba at isulat sa loob ng kahon na
naglalarawan ng mga katangian ng tao at katangian ng nagpapakatao. Isulat ito sa
tamang talahanayan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga Katangian ng Tao Mga Katangian ng Nagpapakatao

• may kakayahang mag-reflect o magnilay ng kanyang sarili


• may kakayahan ang isang nilalang na mag-alay ng sarili sa mundo •
may isip at kilos-loob
• may kakayahang magbigay ng awa at pag-ibig / pagmamahal •
may kalayaan
• may dignidad
• may kakayahang mag-abstraksiyon
• may konsensiya

Tuklasin
Suriin ang dalawang larawan. Sa isang malinis na papel sagutan ang mga tanong
at gawain sa ibaba nito.
Tanong Tao Hayop
1. Ano ang mayroon sa bawat isa
upang makita ang nakasulat na
babala?
2. Ano ang kakayahang taglay ng
bawat isa upang maunawaan ang
nakasulat sa babala?
3. Ano ang kakayahang taglay ng
bawat isa upang sundin ang
sinasabi ng nakasulat sa babala?
4. Ano ang inaasahang magiging
tugon ng bawat isa sa nakasulat
sa babala?

5. Saan ibinatay ang pagtugon ng


bawat isa sa nakasulat sa
babala?

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng tao at hayop?


2. Ano ang pagkakaiba ng tao at hayop?
3. Paano kumilos ang tao? Ang hayop?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa tao at sa hayop batay sa
pagsusuri ng mga larawan?

Suriin
Pag-aralang mabuti at magbigay ng iyong saloobin tungkol sa awiting
“WE HEAL AS ONE” https://youtu.be/8Se73XXJzQA

We Heal As One
Sa wari mo’y nag-iisa Isa sa pag-iingat

Lahat kanya-kanya Isa sa ‘ting dasal

Ngunit di man nagsasama Kaya pang Lahing nagpapatunay

magkaisa Na tayo’y makatao pa


Together we are being called To make a Is when we heal as one

future world

The test we face is for us to prove That we can We heal as one with kindness We heal as

heal as one one

We serve, we share, we show compassion

We heal as one with kindness We heal as We heal as one

one

We serve, we share, we show compassion Sa wari mo’y nag-iisa

We heal as one But when we heal, we heal We heal as

one

Sa wari mo’y nag-iisa

But when we heal, we heal We heal as We heal as one with kindness We heal as

one one

We serve, we share, we show compassion

Isa sa pag-iingat We heal as one

Isa sa ‘ting dasal

Lahing nagpapatunay Sa wari mo’y nag-iisa


Na tayo’y makatao pa
But when we heal, we heal Yes we will
Together we are being called To make a
heal, we heal
future world
Yes we can heal, we heal
The test we face is for us to prove That we can
We heal as one
heal as one

6
Sa iyong kwaderno sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bilang isang kabataan, nakikiisa ka ba sa mga panawagan na


ipinararating ng awitin?

2. Paano mo ito ginagampanan?

3. Masasabi mo bang ito ay napapanahon?

4. Anong maidudulot ng pagsunod at tamang kilos ng tao kung


makikiisa sila sa panawagan ng ating pamahalaan?

5. Sa iyong pananaw, makakatulong ba ito upang masugpo at maiwasan


ang pagkalat ng COVID 19?

Ang pagkakalikha ng tao ayon sa wangis ng Diyos kaya’t tinawag


niya itong kanyang obra-maestra ay nangangahulugan na tayo ay may mga
katangiang tulad ng mga katangiang taglay din Niya. Binigyan ng Diyos ang
tao ng mga kakayahan upang makapag-isip, makapamili, at makagusto.
Ang tao din ay may likas na kaalaman sa pagkilala ng mabuti at masama.
Ang konsensya ay indikasyon ng orihinal na katayuang ito. Ang
kakayahang makagawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa
paglikha sa tao na kawangis ng Diyos. Ang mga katangian at kakayahang
ito ang nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos. Mahalagang
maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at
maunawaan ito ng lubusan upang mabigyang direksyon ang iyong mga
ikinikilos nang sa gayon ay malinang ka kung sino ka bilang tao. Iyong
matutunghayan sa bahaging ito ang mataas na gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob.

Isa pang mahalagang konsepto na iyong nalaman tungkol sa


pagkakaiba ng tao at ng hayop sa Modyul 1 ay ang kaalamang ikaw, bilang
tao ay nilikhang hindi tapos – hindi tulad nang sa hayop. Ang ibig sabihin
nito na ang hayop ay walang pinaghahandaang kinabukasan sapagkat
simula nang ang hayop ay ipinanganak tukoy na kung ano siya sa kanyang
paglaki.

Ang tao ay sinasabing nilikhang di tapos, sapagkat walang sinuman ang


nakakaalam kung ano ang maaari niyang kahihinatnan mula sa kanyang
kapanganakan, o kung ano o sino siya sa kanyang paglaki.

Nagkakaiba ang paraan kung paano ginagamit ng tao at hayop ang mga
kakayahang taglay nila. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang
tao ay binubuo ng dalawang kalikasan: ang materyal at ispiritwal na
kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao:
ang pangkaalamang pakultad at pagkagustong pakultad.

1
Ipinakita ito ni Esteban sa tsart sa ibaba:

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao

Kalikasan ng tao Pangkaalamang


PakultadPagkagustong Pakultad

Materyal (Katawan) Pandama


Panlabas at Panloob na Emosyon

Ispiritwal ISIP
(Kaluluwa/ Isip Kilos-loob
Rasyonal)

Ating bigyang linaw ang kabuuang kalikasan ng tao upang


maunawaan natin ito nang lubusan. Ayon kay De Torre (1980), ang
kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at
inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. Ibig
sabihin nito na magsisimula lamang na gumana ang isip kapag nalinang na
ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman mula pa sa
kanyang kapanganakan. Nakukuha ng tao ito mula sa kanyang ugnayan sa
reyalidad sa pamamagitan ng kanyang mga panlabas na pandama: ang
kanyang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa. Kung ang
mga nabanggit na pandama ay depektibo, nagkakaroon rin ito ng epekto sa
isip ng tao.

Ang isip ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng


isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, magsuri, mangatwiran,
umunawa ng mga kahulugan ng mga bagay at mag-alaala. May kakayahan
din itong makatuklas ng katotohanan.

Ayon rin kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni
muni kung kaya’t nauunawaan nito ang kanyang nauunawaan. Ito ay
ipinaliwaag at tinalakay sa Modyul 1 na isa sa katangian ng pagpapakatao,
ang kamalayan sa sarili. Dahil sa ang tao ay may isip, may kakayahan
siyang pag-isipan ang kanyang sarili. Halimbawa nito, maaari niyang
sabihin na “mangongopya ako sa aking kaklase sa aming pagsusulit upang
makapasa ako, subalit tama ba ang aking gagawin”.

Ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na


bagay na umiiral (mag-abstraksiyon) ang isa pa sa nagagawa ng tao dahil
sa kanyang isip. Dahil sa kakayahang ito ng isip ng tao, siya ay
nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng bagay. Halimbawa nito ay
kapag ang nakikita kong paraan ng pakikitungo sa kapwa mula sa mga
taong handang tumulong, dumamay at magmahal sa panahon ng
pandemyang Covid 19 ay

2
nagbigay sa akin ng kahulugan na ang pakikitungo sa kapwa ay pagbibigay
galang sa kanya. Ito ang katotohanang matutuklasan ko tungkol sa
pakikitungo sa kapwa. Samakatuwid, ang tao ay may kakayahang
magbigay kahulugan at maghanap ng katotohanan.

KILOS-LOOB
Ang kilos-loob ay inilarawan ni Santo Tomas de Aquino bilang isang
makatuwirang pagkagusto (rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa
mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ang kilos-loob sa isip, kung kaya’t
mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng
kilos-loob. Upang ating maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang
natatanging kakayahan ng tao, mahalagang maihambing natin ito sa
emosyonal na buhay ng isang hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw na
emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Halimbawa, kung ito ay
nagagalit, maaari itong mangagat (depende sa kalikasan ng hayop).
Samantalang sa tao, dahil siya ay may kamalayan at may kakayahang
kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay na umiiral, maaaring ang
emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos.
Halimbawa, sa panahon ng pandemyang Covid 19 maaaring piliin ng kilos
loob na hindi lumabas ng bahay kahit na mahalaga naman ang dahilan
kahit na ang kanyang emosyon ay naaakit dito. Kaya’t sasabihin niyang “
Gusto ko, subalit ayaw ko sapagkat maaari akong mahawa ng sakit at
makahawa pa ng iba”. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang
kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob. Mahalaga ito sa
moral na pagpili sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng ating
nararamdaman o emeosyon at ang ating paghuhusga at pagpapasya
sapagkat may kaakibat itong moral na tungkulin. Tao lamang ang
makagagawa nito at hindi ang hayop.

Ang tao ang inaasahang may malaking papel na gagampanan sa


mundong kanyang kinaroroonan at ginagalawan. Mahalaga rito ang
gagawin niya sa kanyang sariling pagkatao bilang persona upang tuluyang
makamit ang kanyang pagiging personalidad. Sa kanyang pag-iisip,
pagpapasya at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao.

Ang isip at kilos-loob ay mahalagang sangkap upang makamit ang


pagpapahalagang moral. Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay
nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Ang pokus
na ito ay ang pagpapahalaga sa kapwa at paglalagay sa kanila na una bago
ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa
magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong nabasa, ano ang kakayahang taglay ng isip? Ng kilos
loob?

2. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao


ng tao?

Pagyamanin
Sa bahaging ito, iyong subuking gawin ang mga sumusunod na
gawain upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa ginawang talakayan.
Punan ang tsart sa ibaba ng mga impormasyong patungkol sa isip at kilos-
loob. Gawin ito sa malinis na papel.

Isip Kilos-loob

Gamit

Tunguhin

Isaisip
Ang mga sumusunod ay ang mahalagang konsepto tungkol
sa paksang tinalakay sa aralin. Punan ng wastong salita ang
bawat patlang upang mabuo ang bawat kaisipan. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

1. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis Niya kaya’t siya ay tinawag na


kaniyang _____________________.

2. Ang _______________________ dahil sa kanyang panlabas at


panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay
nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran

3. Ang _______________________ dahil sa mga emosyon at dahil sa


kilos-loob.

4. Ang ______________ ay may kakayahang matuklasan ang


katotohanan.

5. Inilarawan ito ni __________________________ bilang isang


makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama.

4
6. Ang ______________ ay may kakayahang matuklasan ang
kabutihan.

7. Kung ang pandama ay _____________________, nagkakaroon ito


ng epekto sa isip.

8. Ibinibigay ng ____________ ang katwiran bilang isang


kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-
loob.

9. Ipinanganak man ang taong hindi ______________, nilikha naman


siyang kawangis ng Diyos na may isip at kilos-loob upang tuklasin
ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagmamahal at paglilingkod sa kanyang kapwa.

10. Tinatawag na blind faculty ang ___________ dahil umaasa sa


impormasyon ng kaisipan.
5

Isagawa
Sa isang malinis na papel gumawa ng isang maikling talatang binubuo ng
limang pangungusap na nagpapaliwanag kung paano dapat gamitin ang isip
at kilos-loob ng tao?
Basahin ang rubric upang maunawaan ang pamantayan sa gawaing
ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
Rubric sa Pagbibigay ng Marka
321
Kraytirya

Makatotohanan pagkakasunud Hindi masyadong


ang sitwasyong malinaw ang
sunod ng
inilahad presentasyon ng solusyong
katwiran ay hindi inilahad.
masyadong Walang
malinaw at sitwasyong
Malinaw at maayos. inilahad.
maayos ang
pagkakasunud
sunod ng Naipakita ang
presentasyon ng gagawing paraan Hindi akma ang
katwiran. sa mga katwiran sa
pagsasakatuparan sitwasyon.
ng solusyon.
Nakabatay sa
karanasan ng iba
May konkretong ang sitwsayong
plano ng
inilahad.
solusyon
kaugnay ng Walang solusyong
sitwasyong Nakalilito ang inilahad.
pagkakasunud
inilahad.
Nakabatay sa sunod ng
sariling karanasan presetasyon ng
ang sitwasyong katwiran.
inilahad.

Ang
6

Tayahin
Basahin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang malinis na
papel.

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng


karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A Mag-isip C. Maghusga
B Makaunawa D. Mangatuwiran
2. Bakit kaya ni Rizalina na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang
damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. May kakayahan ang taong mangatwiran
D. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa
sitwasyong ito?
A. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at
emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon
B. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang
makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang
kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao
kaya nga ang tao ay natatangi.
4. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang
maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag aaral
nang mabuti
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil
magkakaugnay ang mga ito
5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip.
Tama ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip C.
Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip D.
Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang
impormasyong naihahatid dito
6. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque
Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung
sama-samang hinahanap ito
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. May kasama akong nakakita sa katotohanan
D. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. Kakayahang mag-abstraksiyon

7
B. Kamalayan sa sarili
C. Pagmamalasakit
D. Pagmamahal
8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan
at kakayahang mag- abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang
isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na
dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
B. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
C. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
9. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng
sitwasyon?
A. Pagmamahal C. Hustisya B. Paglilingkod D. Respeto 10.Ang hayop
ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong
kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o amoy ng
kanyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kanyang buhay.
Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para
sa kanyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag, para saan ang
kakayahang ito ng hayop?
A. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan
sila
B. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili
C. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

Karagdagang Gawain
Upang mas mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa mataas na gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob ay sagutin natin sa ating sarili: Nabubuhay ba
ako nang may layunin at makabuluhan ngayong tayo ay nakararanas ng
pandemyang Covid 19.
Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa panahon ng pandemya sa
paggawa nito.
1. Nasa loob ka man ng inyong tahanan araw-araw, mahalagang maging
mapagmasid at maging sensitibo ka sa bawat miyembro ng iyong
pamilya.
2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple.
Ituon mo ang iyong pansin at isip sa bawat miyembro ng inyong
pamilya na sa tingin mo ay nangangailangan ng iyong tulong.
3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng
sitwasyon sa abot ng iyong makakaya sa loob ng inyong tahanan.

Halimbawa:

1. Napansin mong abala ang iyong nanay sa mga gawaing bahay at hindi
na siya magkandaugaga sa paggawa nito. Nagmamadali na siyang
matapos ito sa dahilang kailangan pa niyang paliguan ang
nakababata mong kapatid. Inako mo na lamang ang pagpapaligo sa
nakababata mong kapatid o di kaya ay tumulong ka na lang sa mga
gawaing bahay nang madali itong matapos.

2. Hindi agad bumangon mula sa kanilang silid tulugan ang iyong ina
isang araw dahil masama ang kanyang pakiramdam. Nakakaramdam
ka na ng gutom at nag prisinta ka na lamang na ikaw ang magluluto
ng inyong tanghalian sa gabay ng iyong ina.

9
aaral - mag
Ibat ibang sagot mula sa mga

Susi sa
Pagwawasto

ISAGAWA
4 isip

3 pagkagustong pakultad

2 pangkaalamang pakultad

1 obra maestra

Kabutihan Katotohanan Tunguhin Kumilos/Gumawa

Pag unawa Gamit

loob - Kilos Isip


PAGYAMANIN

l loob - kilos 10

9 tapos

8 isip

7 depektibo ISAISIP
15 B 10 B 5 A 14 D 9 A 4
loob - 6 kilos
C 13 A 8 A 3 B 12 D 7 D 2
Sto. Tomas de Aquino 5
D

11 B 6 B 1 B

SUBUKIN
10 B
4B
9C
3A
8B
2A
7D
1B
6C

5B TAYAHIN

10
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Module 2 (Project

Ease) Edukasyon sa Pagpapahalaga IV Modyul Blg. 3

https://youtu.be/8Se73XXJzQA

ESP Most Essential Learning Competencies 2020


ANSWER:
SUBUKIN :
1.B
2.B
3.B
4.C
5.D
6.A
7.D
8.C
9.A
10.A
11.B
12.C
13.A
14.B
15.A

BALIKAN:

Mga Katangian ng Tao Tao Mga Katangian ng Nagpapakatao

• may kakayahang mag-abstraksiyon  • may isip at kilos-loob 


• may kalayaan 
• may kakayahang mag-reflect o magnilay
• may kakayahan ang isang nilalang na mag-alay
ng kanyang sarili   ng sarili sa mundo 
• may kakayahang magbigay ng awa at • may dignidad 
pag-ibig / pagmamahal • may konsensiya
• may kakayahang magbigay ng awa at pag-
ibig / pagmamahal
TUKLASIN :
Tanong Tao Hayop

1. Ano ang mayroon sa MATA-at kakayahan magbasa Meron silang kakayahan makakita
bawat isa upang makita ngunit wala silang kakayahan
ang nakasulat na babala? magbasa

2. Ano ang kakayahang Sa pagbabasa at kakayahan Walang kakayahan ang hayop


taglay ng bawat isa upang makaintindi magbasa ngunit kaya nila ito
maunawaan ang nakasulat madama at maamoy
sa babala?

3. Ano ang kakayahang Ang kakayahan makapagbasa Sa pang amoy o sa paningin at


taglay ng bawat isa upang at makita nadadama
sundin ang sinasabi ng
nakasulat sa babala?

4. Ano ang inaasahang Susunod ito sa nakasulat na Wala silang gagawin dahil di rin
magiging tugon ng bawat babala naman nila ito naiintindihan
isa sa nakasulat sa
babala?

5. Saan ibinatay ang


pagtugon ng bawat isa sa
nakasulat sa babala?

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng tao at hayop? Pareho silang may nakikita


2. Ano ang pagkakaiba ng tao at hayop? Ang tao kayang intindihin ang balala ngunit ang asa
Ay hindi dahil di nila nababasa ang nakasulat
3. Paano kumilos ang tao? Ang hayop?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa tao at sa hayop batay sa pagsusuri
ng mga larawan?Ang tao ay nankakaintindi at nalalaman kung ano ng
mga bagay bagay ngunit ang hayop naman ay walang alam sa mga
batas dahil wala silang kakayahan magbasa
SURIIN
1. Bilang isang kabataan, nakikiisa ka ba sa mga panawagan na ipinararating ng awitin? Opo

2. Paano mo ito ginagampanan? Ang pakikinig sa balita at pagsunod sa mga babala lalo na
ang paglabas ng bahay at pagsuot ng facemask

3. Masasabi mo bang ito ay napapanahon? Opo

4. Anong maidudulot ng pagsunod at tamang kilos ng tao kung makikiisa sila sa panawagan ng
ating pamahalaan? Mabilis naten masusugop ang covid at wala ng magkakasakit pa

5. Sa iyong pananaw, makakatulong ba ito upang masugpo at maiwasan ang pagkalat ng COVID
19? Opo kung makikinig ang mga tao at makikipagisa sa gobyerno

KILOS LOOB

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa iyong nabasa, ano ang kakayahang taglay ng isip? Ng kilos loob? Kakayahang
magisip at alamin ang diwa at buod ng isang bagay At ang kilos loob naman ang
makatwiran pagkagusto

2. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?


Ang isip ang nagiisip ng idea ang kilos loob naman ang nagpapahayag kung tama ba o
mali /masama ba o mabuti

PAGYAMANIN:

ISIP KILOS-LOOB
Kayang alamin ang Gawin
mga bagay bagay
GAMIT

Maghusga ,magsuri

TUNGHIN
ISAISIP

1. Obra-maestra
2.Pangkaalamang-pakultad
3.Pagkagustong pakultud
4.Isip
5.Sto.Tomas de Aquino
6.Kilos loob
7.Depektibo
8.Isip
9.Tapos
10.Kilos looob

ISAGAWA:

TAYAHIN
1.D
2.B
3.B
4.B
5.A
6.D
7.C
8.A
9.D
10A
Karagdagang Gawain

Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa panahon ng pandemya sa paggawa nito.
1. Nasa loob ka man ng inyong tahanan araw-araw, mahalagang maging mapagmasid at maging
sensitibo ka sa bawat miyembro ng iyong pamilya.
2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple. Ituon mo ang iyong
pansin at isip sa bawat miyembro ng inyong pamilya na sa tingin mo ay nangangailangan ng
iyong tulong.
3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon sa abot ng iyong
makakaya sa loob ng inyong tahanan.

1.
Nung Oct 5 nagsimula na ang klase naming magkakapatid di alam ni mama kung paano
Galawin ang computer kaya ako na ang nagpresenta na magasikaso sa online class ng
Aking kapatid at ako na din ang nagaayos pag di nila alam ang gagawin sa computer

2.
Di alam ng kapatid ko kung pano sagotan ang kanyang module nais niyang magpatulong
Kay mama kaso si mama ay may ginagawa kaya ako na ang nagprisinta na turuan ang
Aking kapatid
11

You might also like