You are on page 1of 27

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Mga Pagdiriwang sa Aking
Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Mga Pagdiriwang sa Aking Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine P. Marquez
Editor: Mailen D. Cabillan, Glee S. Cavan, Adelma D. Cudera
Tagasuri: Rheex G. Castor, Ramon S. Gravino Jr., Eduardo Jr. A. Eroy
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.
Caduyac, Eduardo Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, MaRvin
P.Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan C.
Padillos, Nylie Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson Lopez
Janette G. Veloso Cheerylyn Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Mga Pagdiriwang sa Aking
Rehiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Ang Mga Pagdiriwang sa Aking Rehiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mga
Pagdiriwang sa Aking Rehiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Nasaksihan mo ba ang pagdiriwang ng iyong lalawigan?


Nakikiisa ka ba sa pagdiriwang ng iyong bayan?
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga pagdiriwang ng
iba’t ibang lalawigan sa ating rehiyon. Sa pamamagitan ng pag-
aaral sa mga pagdiriwang na ito makikita at maiintindihan mo
ang kultura ng isang lugar.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. nailalarawan ang mga kultura ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon (AP3PKR-IIIa-1);
2. nilalarawan ang pagkakakilanlang kultura ng kinabibilangang
rehiyon; at
3. napahahalagahan ang mga pagdiriwang sa sariling rehiyon.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Sinisimbolo ng pagdiriwang na ito ang pagkakaisa ng mga
taga-Davao de Oro.
A. Bulawan Festival
B. Kadig’aran Festival
C. Sambuokan Festival
D. Kadagayaan Festival

1
2. Ang pagdiriwang na ito ng Davao del Norte ay ipinagdiriwang
sa pamamagitan ng street dancing, lighted float parade, at
agri-trade fair.
A. Bulawan Festival
B. Kadig’aran Festival
C. Sambuokan Festival
D. Kadagayaan Festival
3. Ang Gaginaway Festival ay isang pagdiriwang sa____________.
A. Davao del Norte
B. Digos, Davao del Sur
C. Mati, Davao Oriental
D. Malita, Davao Occidental
4. Ipinagdiriwang ang Sambuokan Festival sa ______________.
A. Davao del Norte
B. Digos, Davao del Sur
C. Mati, Davao Oriental
D. Malita, Davao Occidental
5. Ang tanyag na Kadayawan Festival ay ipinagdiriwang tuwing
buwan ng __________.
A. Hulyo
B. Hunyo
C. Agosto
D. Setyembre

2
Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin ang iba’t ibang


kuwento at mga sagisag na naglalarawan ng sarili at mga karatig
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
Tingnan natin kung naaalala mo pa ba ang detalye ng mga
aralin sa Ikalawang Markahan. Hanapin sa Hanay B ang sagisag
na inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay ay sumisimbolo a. Kulay azure blue
sa pagiging sagana sa yamang
mineral ng lalawigan.
2. Sinisimbolo nito ang kalangitan b. gold bar
at kalayaan ng ating bansang
Pilipinas.
3. Ito ay nagpapahiwatig ng c. kulay asul, puti,
masaganang lupa. at pula
4. Ito ay tanda ng pagiging d. kulay luntian
mayaman sa yamang dagat
ng lugar na ito.
5. Ito ay sumisimbolo sa kataas- e. tuna
taasang kapangyarihan
ng Republika ng Pilipinas.

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasulat sa


ibaba.

Kadayawan Festival ng Davao City

Photo Credits: Edward F. Dizon

Ang Kadayawan Festival ang pinakatanyag na pagdiriwang


sa Rehiyon ng Davao. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo
ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang Kadayawan ay
nagmula sa salitang Dabawenyo na Madayaw na ang ibig
4
sabihin ay maganda, mahalaga, at nakatataas. Isinasagawa ang
okasyong ito upang ipagdiwang ang buhay at pasasalamat sa
mga biyayang handog ng kalikasan, yaman ng kultura,
magandang ani, at kapayapaan ng pamumuhay.
Ginagawa sa pagdiriwang na ito ang Indak-indak sa
Kadalanan o street dancing, Pamulak Float Parade, at iba pa.

Kadagayaan Festival ng Davao del Norte

https://rappler.com/bulletin-board/davnor-celebrates-kadagayaan-festival
Retrieved: September 2, 2020 5:10 PM

Ang Kadagayaan Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-28


ng Hunyo. Sinisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng
pagpapasalamat. Nananalngin din ng mga katutubong
Ata-Manobo na maging matagumpay ang pagiriwang
ng Kadagayaan.

5
Kasama sa pagdiriwang ang street dancing, lighted float
parade, at agri-trade fair. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na
ito naipamamalas ang kultura, tradisyon at kasaganaan sa likas
na yaman ng mga taga-Davao del Norte.

Kadig’aran Festival sa Digos City

Ang Kadig’aran Festival ay pagdiriwang ng Digos City na


idinaraos tuwing huling buwan ng Setyembre bilang
pagpapasalamat sa mga natanggap na biyaya, masaganang
ani, malusog na pangangatawan, at magandang pamumuhay.
Ang salitang kadig’aran ay galing sa salitang Bagobo na ang
ibig sabihin ay pasasalamat. Isinasagawa rin ang street dancing
sa pagdiriwang na ito.

Photo Credits: Ian Alpa

6
Sambuokan Festival ng Mati City

Ang Sambuokan Festival ng Mati City, Davao Oriental ay


ginaganap tuwing Oktubre 29. Ang pagdiriwang na ito ay
ginagawa bilang paggunita sa pagkatatag ng naturang bayan.
Ang salitang Sambuokan ay nagmula sa salitang Mandaya na
‘buok’ na ang ibig sabihin ay iisa.
Sa pagdiriwang na ito, naipapakita ang mga kultura at
tradisyon ng mga katutubong naninirahan dito. Ang pagtitipong
ito ay ginagawa bilang pasasalamat sa Dakilang Lumikha.

https://www.sunstar.com.ph/article/1772572/Davao/Lifestyle/One-with-Sambuokan
Retrieved: September 2, 2020 5:10 PM

7
Gaginaway Festival ng Davao Occidental

Photo Credits: Edward F. Dizon

Ang Gaginaway Festival ng Malita, Davao Occidental ay


idinaraos tuwing kabilugan ng buwan ng Nobyembre. Sa
pagdiriwang na ito napagtitipon ang pangunahing katutubong
pangkat ng Malita: ang Tagakaulo, Manobo, at B’laan. Para sa
mga B’laan, ang Gaginaway ay nangangahulugang pag-ibig sa
pagkakaibigan. Para sa mga pangkat-etnikong Moro, ito ay
pagsasama. Samantala, sa mga Manobo naman ito ay
pagkakaisa.

8
Bulawan Festival ng Davao de Oro

https://www.sunstar.com.ph/article/422481/Bulawan-Festival-at-its-finest
Retrieved: September 2, 2020 – 5:25 PM

Ipinagdiriwang ang Bulawan Festival tuwing Buwan ng


Marso. Sinisimbolo ng pagdiriwang na ito ang pagkakaisa ng mga
taga-Davao de Oro. Ginagawa rin ito bilang handog
pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa masaganang
ani, sa mayamang kultura ng lalawigan, at pangako ng
malagintong kinabukasan.

9
Suriin

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga pagdiriwang sa bawat lalawigan ng


ating rehiyon?
________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Bakit natin ito ipinagdiriwang?


________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

3. Paano mo maitataguyod ang mga pagdiriwang sa


Rehiyon ng Davao?
________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

4. Paano mo mailalarawan ang mga tao sa rehiyon sa mga


pagdiriwang na idinaraos sa bawat lalawigan?

_________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

10
Pagyamanin

Isulat sa Data Retrieval Chart ang mga pagdiriwang ng


bawat lalawigan at isulat din kung kailan ito ipinagdiriwang. Isulat
ang sagot sa sagutag papel.

Mga Pook Pangalan ng Buwan ng


Pagdiriwang Pagdiriwang

Davao City

Digos City

Mati City

Malita, Davao
Occidental

Davao del Norte

Davao de Oro

11
Isaisip

Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga lalawigan sa ating rehiyon?


Ang mga lalawigan ng ating rehiyon ay Davao
del Sur, _____________, ____________, ___________, at
____________.
2. Ano-ano ang pagdiriwang ng bawat lalawigan?
Ipinagdiriwang sa –
Davao del Sur ang Kadig’aran Festival,
sa Davao Oriental ang _____________________,
sa _______________ ang Bulawan Festival,
sa Davao del Norte ang ___________________,
at sa Davao Occidental ang _______________.

12
Isagawa

Gawain A
Pumili ng isa sa mga tanyag na pagdiriwang sa Rehiyon ng
Davao. Punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa
ng talata.

______________________ Festival

Ang pagdiriwang sa ____________ay

tinatawag na _____________. Ito ay idinaraos

tuwing buwan ng __________________. Ang

pagdiriwang na ito ay ginagawa upang

_________________. Kadalasan na

ginagawa sa pagdiriwang na ito, ay ang

______________, ______________, ______________, at

iba pa.

13
Gawain B

Iguhit ang kung tama ang ginagawa ng tauhan sa


pangungusap at naman kung mali ang ginagawa ng tauhan
sa pangungusap.

1. Masayang nanonood ang magkaibigang Precious at


Lannie sa Float Parade sa kalsada. Nakasanayan na nila
itong gawin taon-taon.
2. Pinagtawanan nina Angelo at Mario ang mga katutubong
bata na sumasayaw sa entablado. Kakaiba daw ang kilos
ng mga ito kung ikompara sa sayaw nila.
3. Ayaw ni Dexter ang dumalo sa pagdiriwang ng kanilang
lungsod. Hindi naman daw siya kasali at wala naman daw
itong maidudulot na maganda sa kanya.
4. Nakasanayan na ni Melba ang sumayaw ng tribal dance
taon-taon. Masaya siyang ipakita ang kultura ng
kanilang pangkat.
5. Nag-eensayo nang maigi sa pagsasayaw ng ethnic dance
si Christine. Nakahiligan na iyang dumalo sa mga
pagdiriwang sa kanilang lugar.

14
Tayahin

Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot.


1. Sa pagdiriwang na ito nagkakaisa ang apat na pangkat ng
katutubo sa isang lugar; ang mga Tagakaulo, B’laan,
at Manobo.
A. Kadagayaan Festival
B. Sambuokan Festival
C. Gaginaway Festival
D. Kadig’aran Festival
2. Ang pagdiriwang na ito ay idinaraos tuwing Oktubre 29.
A. Kadagayaan Festival
B. Kadig’aran Festival
C. Sambuokan Festival
D. Bulawan Festival
3. Ang Kadig’aran Festival ay isang pagdiriwang sa____________.
A. Malita, Davao Occidental
B. Digos, Davao del Sur
C. Mati, Davao Oriental
D. Davao del Norte
4. Ipinagdiriwang ang Kadayawan Festival sa ______________.
A. Malita, Davao Occidental
B. Mati, Davao Oriental
C. Digos, Davao del Sur
D. Davao City

15
5. Ang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at
kasaganaan sa likas na yaman ng mga taga-Davao del Norte.
A. Kadagayaan Festival
B. Kadig’aran Festival
C. Sambuokan Festival
D. Bulawan Festival

Karagdagang Gawain

Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa


sagutang papel.
1. Ano ang pagdiriwang sa inyong lungsod?
2. Kailan ito ipinagdiriwang?
3. Sino-sino ang dumadalo sa pagdiriwang na ito?
4. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa
pagdiriwang?

16
17
Tayahin
1. C
2. C
3. B
4. D
5. A
Lalawigan Pagdiriwang Buwan ng
Isagawa Pagdiriwang Subukin Balikan
Davao City Kadayawan Agosto
Festival
Gawain B Digos City Kadig’aran Septyembre 1. A 1. b
Festival
Mati, Sambuookan Oktubre
2. D 2. a
Davao Festival 3. D 3. d
1. Oriental
Malita, Gaginaway Nobyembre 4. C 4. e
2. Davao Festival
Occidental 5. C 5. c
Davao del Kadagayaan Hunyo
3. Norte Festival
Compostela Bulawan Marso
Valley Festival
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alpa, Ian

Dizon, Edward F.

https://en.wikipedia.org/wiki/Kadayawan_Festival

https://escapemanila.com/event/bulawan-festival-2019

https://rappler.com/bulletin-board/davnor-celebrates-
kadagayaan-festival

https://www.sunstar.com.ph/article/1772572/Davao/Lifestyle/One
-with-Sambuokan

https://www.sunstar.com.ph/article/422481/Bulawan-Festival-at-
its-finest

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like