You are on page 1of 20

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagpapalakas ng Katawan at
Pagpapanatili ng Kalinisan ng
Kapaligiran

05-25-2020
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Pagpapalakas ng Katawan, Pagpapanatili ng Kalinisan ng
Kapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: AL JOHN U. FEBRERO
Patnugot: BENNEDICK T. VIOLA
MARIE ANN C. LIGSAY, PhD
Tagasuri: AUGUSTO A. MATEO
ROSALINDA S. IBARRA, PhD
Tagaguhit: JINKY H. MARTIN
IMLEDA B. SICAT
Tagalapat: AIZA G. DINGLE
Tagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO V


LIBRADA M. RUBIO, PhD
MA. EDITHA R. CAPARAS, EdD
NESTOR P. NUESCA, EdD
LARRY B. ESPIRITU, PhD
RODOLFO A. DIZON, PhD
MERCEDITA D. SALDERO

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D. M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

05-25-2020
2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagpapalakas ng Katawan at
Pagpapanatili ng Kalinisan ng
Kapaligiran

ii
05-25-2020
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Pagpapalakas ng Katawan at Pagpapanatili ng Kalinisan
ng Kapaligiran
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21
siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito, “Hulwarang
Kontekstuwalisadong Modyul sa Edukasyon sa
Pagpapakatao para sa Baitang 2” ay magkatuwang
na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III. Hinihikayat
namin ang mga gurong gagamit nito na mag-email
ng kanilang puna at mungkahi sa
region3@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at


mungkahi.
iii
05-25-2020
Para sa Pasiliteytor:
Ang modyul na ito ay inihanda upang matukoy ng mag-aaral
ang mga dapat gawin upang mapalakas ang ating
pangangatawan at mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Inaasahan ang pagpapatnubay sa mga mag-aaral habang


isinasagawa ang aktibidad na ito.

Ang mga sagot sa bawat gawain ay matatagpuan sa likod


ng modyul na ito.

Para sa Mag-aaral:
Sa modyul na ito ay inaasahang iisa-isahin ang mga paraan
na makatutulong upang magkaroon ng malakas at malusog na
pangangatawan. Gayundin ang mga gawain na makatutulong
upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling
pagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin.
Upang maging wasto ang paggamit kailangang malinaw sa iyo
ang dapat gawin.
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato 2
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapalakas
ng Katawan at Pagpapanatili ng Kalinisan ng Kapaligiran.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

iv
05-25-2020
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

v
05-25-2020
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

vi
05-25-2020
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
05-25-2020
Alamin
Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing
makatutulong sa iyo upang maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at pag-iingat ng
katawan (EsP2PKP-Id-11)
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:
1. Matukoy ang kahalagahan ng pag-eehersisyo at
malaman ang mga paraan upang maging
malakas ang pangangatawan.
2. Matukoy ang kahalagahan ng kalinisan ng
kapaligiran at malaman ang mga paraan upang
maging malinis ang kapaligiran.

Subukin
Panuto: Maglagay ng nakangiting mukha sa kahon kung
tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na
mukha kung ito ay mali.

1. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw.


2. Huwag panatilihin na malinis ang inyong tahanan.
3. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
4. Ang malusog na puso at baga ay magdudulot ng
malakas na pangangatawan.
5. Sa maruming kapaligiran mas lalakas ang iyong
pangangatawan.

1
05-25-2020
Aralin Pagpapalakas ng Katawan

4 at Pagpapanatili ng Malinis
na Kapaligiran
Bukod sa mga gawaing dapat mong gawin bilang isang
mag-aaral, mahalaga na magkaroon ka rin ng oras upang mag-
ehersisyo. Gumawa ng mga bagay na makapagpapalakas at
makapagpapatibay ito ng iyong katawan. Gayundin, kailangang
panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.
Basahin ang kuwentong may pamagat na “Susi sa Mabuting
Kalusugan Ko” upang mapanatili ang malakas at malusog na
pangangatawan. Ang mga kaalaman na magmumula rito ay
makatutulong sa iyo upang masagutan ng tama ang susunod na
gawain.

“Susi sa Mabuting Kalusugan”


Araw-araw, tuwing ika-anim ng umaga, ay gumigising si
Jose upang mag-ehersisyo. Isinasagawa niya ito upang:
mapanatili niya ang kanyang tamang timbang; mapalakas ang
puso at baga, at upang maging magaan at mabilis sa
paggawa ng iba’t ibang mga gawain.
Pagkatapos ng pag-eehersisyo tumutulong siya sa
pagwawalis ng kanilang kapaligiran. Tuwing araw ng sabado,
tumutulong siya sa paglilinis ng kanilang tahanan. Gayundin,
naghuhugas siya ng mga pinggan. Sinisikap din ng kanyang
pamilya na paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura.
Inihihiwalay nila ang nabubulok sa di-nabubulok na basura.
Ang mga gawaing ito ay nakatutulong upang siya ay
maging malusog at masigla. Gayundin, upang magkaroon ng
malinis na kapaligiran

2
05-25-2020
Balikan
A. Panuto: Lagyan ng puso kung ito ay nakatutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at ekis (X) kung
hindi. Ilagay sa patlang ang iyong sagot.

_____ 1. Pagwawalis ng mga kalat sa bakuran.


_____ 2. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.
_____ 3. Pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.
______4. Pagtulong sa programa para sa paglilinis ng
kapaligiran.
_____ 5. Pagtatanim ng mga puno at halaman.

B. Panuto: Lagyan ng bituin kung ito ay nakatutulong upang


mapalakas ang ating katawan at X kung hindi. Ilagay sa
patlang ang iyong sagot.

______ 1. Pagtulog ng mahabang oras


______ 2. Pagtakbo o pagjojogging
______ 3. Paninigarilyo
______ 4. Paglalakad ng tatlumpung minuto
______ 5. Pagkain ng sapat at masustansiyang pagkain

3
05-25-2020
Mga Tala para sa Guro

Pag -eehersisyo
- ito ay mahalagang gawain na dapat isinasagawa ng
isang tao sa kaniyang pang-araw-araw na buhay. Ito ay
makatutulong upang mapalusog at mapalakas ang ating
pangangatawan.
Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo gumagana ang
mga organ sa loob ng ating katawan tulad ng puso at baga.
Sa pagtibok ng puso, naibibigay ang mga nutrisyon na
kailangan ng katawan sa pamamagitan ng pagdaloy ng
dugo. Ang ating mga baga ang siyang kumikilos upang
magpatuloy ang ating paghinga.

Malinis na Kapaligiran
Ang malinis na kapaligiran ay mahalaga sa atin dahil ito
ang makapaglalayo sa atin sa anumang sakit at
karamdaman.
Ang kalusugan ng bawat tao ay nakasalalay sa kalinisan
ng ating kapaligiran.
Tamang disiplina ang kailangan upang mapanatiling
malinis ang ating kapaligiran.

4
05-25-2020
Tuklasin
Sa bahaging ito ng iyong pagkatuto, ating isa-isahin ang
mga gawain na makatutulong upang magkaroon ng
malakas at malusog na pangangatawan.

Pag-eehersisyo
- ito ay mahalagang gawain na dapat isinasagawa ng isang
tao sa kaniyang pang-araw-araw na buhay. Ito ay
makatutulong upang mapalusog at mapalakas ang ating
pangangatawan.

Malinis na Kapaligiran
Ang malinis na kapaligiran ay mahalaga sa atin dahil ito
ang makapaglalayo sa atin sa anumang sakit at
karamdaman.
Tamang disiplina ang kailangan upang mapanatiling
malinis ang ating kapaligiran.

Mga Gawain na Nagpapanatiling Malinis sa Kapaligiran


1. Pagwawalis.
2. Pagpulot ng mga kalat at pagtatapon sa tamang
lalagyan.
3. Pagtatanim ng mga punongkahoy.
4. Pangangalaga ng mga ilog at dagat.

5
05-25-2020
Suriin
Panuto: Kulayan ang mga gawain na nagpapalakas ng ating
katawan at nagpapanatiling malinis sa kapaligiran.

6
05-25-2020
Pagyamanin
Panuto: Kulayan ng dilaw ang nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran at nagpapalakas ng
katawan.

1. Pumipitas ng Nagdidilig ng mga


halaman. halaman.
2. Nag-eehersisyo Tinatanghali ng gising.
pagkagising sa
umaga.
3. Nagtatapon ng Pinupulot ang mga
basura sa basura na nakakalat sa
kapitbahay. bakuran.
4. Nanonood ng Tumatakbo upang
telebisyon pagpawisan ang
magdamag. katawan.
5. Nagtatanim ng Nagpuputol ng mga
mga puno at puno at halaman.
halaman.

Isaisip
Ang pag-eehersisyo ay nakapagpapalakas at
nakapagpapatibay ng inyong pangangatawan.
Ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay
mailalayo ka sa anumang sakit at karamdaman.

7
05-25-2020
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang larawang nakatutulong sa
pagpapalakas at pagpapatibay ng katawan at ekis (x)
naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. 2. 3.
____________ ____________ ____________

4. 5. 6.
____________ ____________ ____________

7. 8. 9.
____________ ____________ ____________

8
05-25-2020
Tayahin
Panuto: Basahin at tukuyin ang gawi sa pagpapalakas ng
katawan at pagpapanatiling malinis sa kapaligiran.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
__________1. Nakakita si Lito ng balat ng kendi sa daan. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. Ipapupulot sa kaniyang kasama
b. Hahayaan ang balat ng kendi sa daan
c. Pupulutin at itatapon sa tamang basurahan

__________2. Ginising si Ana ng kaniyang ate upang mag-


ehersisyo. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Ipagpapatuloy ang pagtulog
b. Babangon sa higaan at mag-eehersisyo
c. Sisigawan ang ate niya dahil sa panggigising

__________3. Nakita mong maraming basurang nakakalat sa


inyong bakuran. Ano ang iyong gagawin?
a. Wawalisin ang basurang nakakalat
b. Hindi papansinin ang basurang nakita
c. Ilalagay ang basura sa tapat ng kapitbahay

Karagdagang Gawain
Magbigay ng tatlong gawain na nakatutulong sa
pagpapalakas ng katawan at tatlong gawain na nagpapanatiling
malinis ang kapaligiran

9
05-25-2020
05-25-2020
10
Subukin Balikan Suriin Pagyamanin
A. Walang Pumipitas Nagdidilig
1.
1. kulay ang ng halaman ng mga
2. X halaman
2. 3. X ikalawang
4.
Nag- Tinatanghali
5.
kahon. eehersisyo ng gising
3.
B. pagkagising
1. X
sa umaga
4.
Nagtatapon Pinupulot
2. ng basura ang mga
5. 3. X sa basura na
kapitbahay nakakalat
4.
sa bakuran.
5. Nanonood Tumatakbo
ng upang
Isagawa Tayahin telebisyon pagpawisan
magdamag ang
1. / 1. c katawan.
2. x 2. b Nagtatanim Nagpuputol
3. x 3. a ng mga ng mga
4. / puno at puno at
5. X halaman halaman.
6. /
7. /
8. x
9. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
• Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa
Baitang 2, Departamento ng Edukasyon, 2016.

• Patnubay ng Guro Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang


2, Departamento ng Edukasyon, 2016.

• Kagamitan ng Mag-aaral Edukasyon sa Pagpapakatao sa


Baitang 2, Departamento ng Edukasyon, 2016.

• Magandang Asal 2, Departamento ng Edukasyon, 2016.

11
05-25-2020
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

05-25-2020

You might also like