You are on page 1of 21

3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pamumuhay ng mga Tao at
Makasaysayang Kwento sa
Kinabibilangang Rehiyon

CO_Q2_AP 3_ Module 3
3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pamumuhay ng mga Tao at
Makasaysayang Kwento sa
Kinabibilangang Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pamumuhay ng mga Tao at Makasaysayang
Kuwento ng Kinabibilangang Rehiyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ejerely Serrano-Busbos

Editors: Eve B. Espiritu, Glee S. Cavan, Kimberly E. Dueñas

Tagasuri: John B. Visillas, Ignacio L. Jubahib Jr., Alemer O. Veloso

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores, Jecson L. Oafallas

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez

Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa

Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe

Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin

Ang lahat ng mga bagay ay may pinagmulan. Isang


mahalagang kaalaman na dapat nating malaman ang
pinagmulan ng mga lalawigan sa ating rehiyon. Kasali na rito ang
lalawigan na iyong nasasakupan at mga karatig lalawigan na sa
nakalipas na mga taon ay may mga kanya kanyang
pagbabago na nangyayari. Iyong napag-alaman sa mga
nagdaang aralin na may mga batas ang ating bansa na
ipinapatupad upang maging batayan sa pagbuo ng isang
lalawigan o maging sa pagbuo sa isang lungsod o bayan.

Ang laki ng populasyon, lawak, lokasyon, gusali, estruktura,


lansangan, at iba pa ay iilan lamang sa mga makikita nating
nagbabago sa ating lalawigan. Maging ang mga
mahahalagang pangyayari sa ating sariling lalawigan at karatig
lalawigan ng rehiyon ay inyo ring natalakay at natutuhan sa mga
nagdaang aralin. Gamit ang mga natalakay na mga
impormasyon sa nagdaang mga aralin, ikaw ay gagawa ng
isang timeline kung saan lubos na maunawaan ang bawat
pagkakaugnay ng mga pangyayari sa iyong lalawigan at sa
kinabibilangang rehiyon.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

• naiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang


kwento ng mga makasaysayang pook o pangyayaring
nagpapakilala sa sariling lalawigan at ibang panglalawigan
ng kinabibilangang rehiyon. AP3KLR-IId3

1 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Subukin
Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang Araw ng Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao


Oriental ay ipinagdiriwang tuwing anong buwan?
A. Mayo B. Hunyo C. Hulyo D. Agosto

2. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa


ating mga kagubatan at kalikasan sa ating kalikasan?
A. Department of Tourism (DOT)
B. Department of Agriculture (DA)
C. Department of Education (DepEd)
D. Department of Environment and Natural Resources
(DENR)

3. Anong pangalan ang ipinalit sa lalawigan ng Nueva


Guipozcoa?
A. Dawow B. Davah C. Davao D. Dahvao

4. Ano ang pangunahing produkto ng lalawigan ng Davao


Oriental?
A. abaka B. mais C. niyog D. palay

5. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ni Don Jose


Uyanguren sa kasaysayan ng Davao?
A. nagtatag ng isang bayan
B. nagpatayo ng mga paaralan
C. nagpakilala sa kanluraning relihiyon
D. nagpahalaga sa kakayahan ng mga kababaihan.

2 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Aralin Ang Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Tao

1
at Makasaysayang Kwento sa
Kinabibilangang Rehiyon

Balikan

Sa mga natalakay na aralin, natutuhan mo na ang lahat ng


lalawigan ay may nagaganap na pagbabago gaya ng paglaki
ng populasyon, pangalan, lokasyon at mga imprastraktura. Ang
mga pagbabagong naganap sa mga lalawigan ay maaaring
magkakapareho o magkakaiba ngunit pareho itong sumasalamin
sa kaunlaran. Magiging lubos ang ating pag-unawa tungkol sa
isang lalawigan kung alam natin ang mga pagbabagong
nagaganap dito.
Upang nagkaroon tayo ng sapat na batayan sa iyong
pagpapatuloy sa aralin, sagutin muna ang mga tanong sa
sagutang papel.
1. Paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamayan
ang pagbabago ng ating lalawigan at sa
kinabibilangang rehiyon?
2. Ano-ano ang mga pagbabago sa ating lalawigan ang
nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan?

3. Magbigay ng tatlong kabutihang naidudulot ng mga


pagbabago.

3 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga
panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa
mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain.
Lahat ng sagutang papel at mga proyektong
nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng
nararapat na marka.
Text

Tuklasin
Basahin at unawain ang tulang babasahin.

Ako, Ikaw, Tayo


(Hindi nagpapakilala)
Tayong lahat ay Pilipino
Bansang Pilipinas ang siyang idolo
Ipinagmalaki sa buong mundo.
Sa isip, gawa at salita
Pagka-Pilipino ay di mawawala
Lahat ng ginagawa ay ikatutuwa
Ng bayang Pilipinas na iyong mutya.
Iisa ang lahing ating pinagmulan
Kaya’t nararapat na magtulungan
Sa Timog, Silangan, maging
Kanluran
Lahing Pilipino ay ikarangal.

4 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Ang tulang iyong nabasa ay nagsasaad ng pinagmulan ng
ating lahi at ito ay ang lahing Pilipino. Gaya ng tulang iyong
nabasa, ang mga lalawigan at ang lalawigan na iyong
kinabibilangan ay mayroon ding pinagmulan. Sa pagpapatuloy
mo sa ating araling ngayon, nais kong isulat mo sa iyong
sagotang papel kung papaano mo maiiugnay ang tulang
nabasa sa iyong kasalukuyang pamumuhay?

Suriin
Basahin ang kasaysayan at pinagmulan ng mga lalawigan.
Alamin kung paano nabuo ang bawat lalawigan sa ating rehiyon

Kasaysayan ng Davao Oriental


Sa nakalipas na 300 taon, ang Lalawigan ng Davao Oriental
ay bahagi pa lamang ng Lalawigan ng Caraga na binubuo pa
ng Encomienda de Bislig kasama ng Encomienda de Seargao,
Butuan, at Tandag.
Naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ang lalawigan
noong 1846 nang magtatag ng isang bayan si Don Jose
Uyanguren sa utos ni Gobernador Narciso Claveria. Isinabatas
ang paghahati ng Lalawigan ng Caraga sa dalawa noong
Pebrero 27, 1849 sa bisa ng ipinasang dekrito ni Gobernador
Claveria. Ang hilagang bahagi ay tinawag na Lalawigan ng
Surigao at Nueva Guipozcoa ang bahaging timog, alinsunod sa
pangalan ng isa sa mga lungsod ng Espanya bilang pagbibigay
parangal sa lupang sinilangan ni Gobernador Claveria.
Di-kalaunan, noong 1858, ang Lalawigan ng Nueva
Guipozcoa ay napalitan sa pangalang Davao. Bago pa man
natapos ang pananakop ng mga Kastila, ang Lalawigan ng
Davao Oriental ay naging isang politico-military comandancia
na tinatawag na Mati na kung saan napabilang sa kabuoan ng
Lalawigan ng Davao. Ito ay naging sakop ng Moro Province
noong 1903. Noong Setyembre 1914, naging regular na lalawigan
na ito sa ilalim ng Department of Mindanao and Sulu.
Naging ganap na lalawigan ang Davao Oriental noong
Hulyo 1, 1967 kasabay ng Davao del Sur at Davao del Norte.

5 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Taong 1992, nakiisa ang Department of Environment and
Natural Resources (DENR) sa pagkumbinsi sa mga mamamayan
ng lalawigan para pangalagaan ang kanilang kagubatan at
hanggang ngayon ay patuloy itong pinangangalagaan ng
pamahalaan ng lalawigan.
Nakikita natin ngayon sa lalawigan ang epekto ng
pagpapanatili ng mga pag-aalaga ng mga mamamayan sa
lalawigan. Pinaigting pa nila ang agri-turismo sa Davao Oriental
na patuloy na umani ng karangalan sa larangan ng agrikultura at
turismo.

Kasaysayan ng Davao del Norte


Sa pamamagitan ng Republic Act 4867 na nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Mayo 8, 1967 naging
opisyal na lalawigan ang Davao del Norte na binubuo ng 13
munisipyo. Ito ang Asuncion, Babak, Compostela, Kapalong,
Mabini, Mawab, Monkayo, Nabunturan, Panabo, Pantukan,
Samal, Sto. Tomas, at Tagum. Dahil ito sa panukala ni
Kongressman Lorenzo S. Sarmiento Sr. na gawing lalawigan ang
Davao del Norte.
Naragdagan ng anim na munisipyo ang lalawigan ng
Davao del Norte noong Mayo 6, 1970. Ito ay ang Carmen,
Kaputian, Maco, Montevista, New Bataan at New Corella.
Samantala noong Hunyo 17, 1972 sa pamamagitan ng
Republic Act 6430 ipinanukala ang pagpapalit ng pangalan sa
lalawigan ng Davao del Norte sa lalawigan ng Davao.
Naragdagan ng tatlong munisipyo ang lalawigan at ito ay ang
munisipyo ng San Vicente o Laak, Maragusan at Talaingod.
Sa taong 1998 ng Enero 31, nabuo ang bagong lalawigan
ng Compostela Valley at kasabay nito, ibinalik ang pangalan sa
Davao del Norte sa bisa ng Republic Act 8740 na nilagdaan ni
Pangulong Fidel V. Ramos. Ang Tagum na kapital ng lalawigan ay

6 CO_Q2_AP 3_ Module 3
naging syudad sa pamamagitam ng Republic Act 8472 at ang
Island Garden of Samal sa bisa ng Republic Act 8471. Sa bisa ng
Republic Act 8473, nalikha ang Munisipalidad ng Braulio E. Dujali
mula sa munisipyo ng Carmen at Panabo.
Nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang
Republic Act 9015 ang paglikha sa Munisipyo ng Panabo bilang
isang siyudad at Republic Act 9625 para sa Munisipyo ng San
Isidro sa taong 2001.
Sa kasalukuyan ang Davao del Norte ay binubuo na lamang
ng walong munisipyo: Asuncion, Braulio E. Dujali, Kapalong, New
Corella, Sto. Tomas, Talaingod, at San Isidro.
Ang Davao del Norte ay isang lalawigan na ang
pangunahing pamumuhay ay ang pang-agrikultura, pagmimina,
panggugubat, at komersyal na fishing. Ang pangunahing mga
pananim ng lalawigan ay kanin, mais, saging, niyog, abacá, mga
sanga, kape, at ng iba’t ibang prutas. Ang lalawigan din ng Davao
del Norte ay nangunguna sa produksiyon ng saging na may
maraming mga plantasiyon tulad ng Del Monte, at mga lokal na
mga producer tulad ng Lapanday, TADECO, at Marsman. Ang
Turismo ay isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Davao
del Norte.

Kasaysayan ng Davao del Sur


Ang Davao del Sur ay orihinal na kabahagi ng noo’y iisang
lalawigan ng Davao. Ang Kinatawan ng Distrito ng panahong
iyon na si Lorenzo S. Sarmiento, Sr. ay naghain ng panukala na
hatiin ang Davao sa tatlong lalawigan noong Mayo 8, 1967. Ang
panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Act 4867 na
nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang Lalawigan ng
Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng
Davao del Sur. Ang capital nito ay ang Munisipyo ng Digos.
Noong nalikha ang Davao del Sur, ito ay binubuo lamang ng 10

7 CO_Q2_AP 3_ Module 3
munisipyo: Bansalan, Digos, Hagonoy, Jose Abad Santos, Malalag,
Malita, Matanao, Padada, Sta. Cruz, at Sulop.
May 15 Munisipyo na ang lalawigan ng Davao del Sur.
Nadagdag dito ang Magsaysay, Kiblawan, Don Marcelino, Sta.
Maria, at Sarangani. Ang munisipyo ng Digos ay naging lungsod
na. Ngunit sa kasalukuyan, may siyam na lamang na mga
munisipyo ang sakop nito. Ito ang Bansalan, Hagonoy, Kiblawan,
Magsaysay, Malalag, Matanao, Padada, Sta. Cruz, at Sulop.
Ang lalawigan ng Davao del Sur ay tinaguriang “Food
Basket” ng Timog Mindanao dahil sa malawak na kapatagan at
mahabang baybayin nito. Pagsasaka at pagtatanim,
paghahayopan at pangigisda ang mga pangunahing
hanapbuhay ng mga tao rito.

Kasaysayan ng Davao Occidental


Sa ilalim nga Republic Act No. 10360, nalikha ang Lalawigan
ng Davao Occidental na nilagdaan noong Enero 2013 at sa
pamamagitan ng plebesito noong Oktubre 28, 2013 naging
ganap na itong isang lalawigan.
Ang lalawigan ng Davao Occidental ay ang pang walumpu’t
isa na lalawigan na sa bahagi ng Kanlurang Dabaw ay at ang
pinakabagong lalawigan ng bansa. Ang bayan ng Malita ay ang
kabisera ng lalawigan ng Davao Occidental. Maraming
magagandang baybayin sa Davao Occidental at ito ay sagana
sa mga yamang-dagat.
Kasaysayan ng Davao de Oro
Ang Davao de Oro na noo’y Compostela Valley o mas kilala
sa tawag na ComVal ay dating kabahagi ng lalawigan ng Davao
del Norte. Dahil sa lawak at laki ng nasasakupan ng Davao de
Oro, nag-akda ng panukala ng noo’y Congressman Lorenzo S.
Sarmiento Sr. para hatiin sa dalawang lalawigan ang Davao del
Norte. Noong siya ay namatay, humalili sa kanya ang anak na si
Rogelio M. Sarmiento hanggang sa malikha ang bagong
lalawigan.

8 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Sa bisa ng Republic Act 8470 naging ganap na itong
lalawigan na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Enero
30, 1998. Ipinagtibay ito sa pamamagitan ng plebisito noong
Marso 7, 1998. Nahati ang lalawigan sa dalawang Distrito. Ang
distrito 1 ay ang Monkayo, Montevista, Maragusan, New Bataan at
Compostela at ang Distrito 2 ay binubuo ng Laak, Mawab,
Nabunturan, Maco, Mabini at Pantukan.

Sa ika-17 ng Abril 2019, ipinanukala ang pagbabago ng


pangalan ng lalawigan ng Compostela Valley sa Davao de Oro
at sa ika-apat na kwarter ng taong 2019, sa pamamagitan ng
plebesito, ang Compostela Valley ay naging Davao de Oro na
ipinagtibay ng Republic Act 11297 noong Disyembre 7, 2019.

Ang karaniwang mga naninirahan sa lalawigan nga Davao


de Oro ay ang galing sa Cebu, Samar, Bohol at sa mga lalawigan
ng Bisaya. Sa kasalukuyan, marami ring mga cultural minorities na
naninirahan sa iba’t ibang dako ng lalawigan. Ang pamumuhay
ng mga mamamayan sa lalawigang ito ay ang pang-
agrikulturang produkto tulad ng bigas, niyog, kakaw, kape,
papaya, mangga, pinya, durian at saging. Ito ay inaasahan na sa
pagitan ng 2030 ang lalawigan ay magiging isa sa
pinakamayamang lalawigan sa bansa dahil sa kanyang
masaganang likas na yaman.

Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Mula sa nabasang kasaysayan, hanapin sa Hanay B


ang makasaysayang naganap sa mga taon na nasa Hanay A.
Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

9 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Hanay A Hanay B

_____1. 2019 a. Naging ganap na


lalawigan ang Davao Oriental.

_____2. 2001 b. Nakiisa ang Department


of Environment and Natural
Resources (DENR) sa
pangangalaga sa kagubatan.
_____3. 2013 c. Nabago ang pangalan
ng lalawigan ng Compostela
Valley sa Davao de Oro
_____4. 1967 d. Naging Siyudad ang Panabo
at Munisipiyo ang San Isidro
_____5. 1992 e. Naging ganap na lalawigan
ang Davao Occidental.

GAWAIN B
Panuto: Punan ang nawawalang salita. Hanapin ito sa loob ng
kahon upang mabuo ang diwa.

a. epekto b. 1846
c. 1967 d. pananakop
e. 2019

1. Naging ganap na lalawigan ang Davao Oriental noong


Hulyo 1, ____ kasabay ng Davao del Sur at Davao del
Norte.
2. Naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ang
lalawigan noong ____ nang magtatag ng bayan si Don
Jose Uyanguren sa utos ni Gobernador Narciso Claveria.
3. Nakikita natin ngayon sa lalawigan ang ______ ng
pagpapanatili ng mga pag-aalaga ng mga
mamamayan sa lalawigan.

10 CO_Q2_AP 3_ Module 3
4. Bago paman natapos ang _________ ng mga kastila, ang
lalawigan ng Davao Oriental ay naging isang politico-
military comandacia.
5. Sa taong ______ naging ganap na lalawigan ang Davao
de Oro na noo’y kilala sa tawag na Compostela Valley.

Laging pakatandaan na ang lalawigan na iyong kinalakihan


ay may nakaakibat na kasaysayan at mga pangyayari na dapat
mong malaman at pagyamanin.

Isaisip
Paano nabigyang halaga ng mga mamayan sa bawat
lalawigan na ang kasaysayan at pamumuhay sa kanilang
lalawigan?
Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng
mga tao ang kwento ng mga makasaysayang pook o
pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at ibang
panglalawigan ng kinabibilangang rehiyon?
Gawain
Panuto: Mula sa naisulat na mga mahahalagang
pangyayari, alin sa mga pangyayari ang higit na naka
impluwensiya sa iyong pagkatao?
Halimbawa:
Taon Pangyayari Sagot
1903 Ang Davao ay nasakop Pagkakaroon ng
ng Moro Province. Muslim sa rehiyon.

11 CO_Q2_AP 3_ Module 3
1858 Napasailalaim ng
politio-comandancia
ang Davao del Norte.
1967 Tinaguriang “Food
Basket” ang lalawigan
ng Davao del Sur
2013 Sagana sa yamang-
dagat ang Davao
Occidental.
2019 Pagdami ng Cultural
minorities sa Lalawigan
ng Davao de Oro.

Isagawa

Ang timeline ay isang pamamaraan kung saan napag-


uugnay ang mga pangyayari sa grapikong pamamaraan.
Ginagamit ito upang maayos na naiuugnay ang mga pangyayari
at ang pagkakahati-hati ng mga panahon ayon sa itinakdang
interval o pagitan ng taon.
Ang timeline ay paraan upang lubos na maunawaan ang
ugnayan ng mga pangyayari na may kinalaman sa kasaysayan
ng iyong lalawigan.
Panuto: Gumawa ng timeline sa ibang papel ng mga
mahahalagang pangyayari sa iyong rehiyon. Gawing gabay
ang nasa ibaba.
Halimbawa:

•Ang Davao ay nasakop ng Moro Province


1903

12 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra


ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga pamamaraan ng iyong natutuhan upang
maging ganap na lalawigan ang mga lalawigan na nabanggit sa
Tuklasin?
a. sa pamamagitan ng mga distrito at panukalang batas.
b. sa pamamagitan ng plebisito, dikreto at panukalang
batas.
c. sa pamamagitan ng pagkikiisa sa ibang munisipyo at
pagkakaroon ng sariling mamumuno.

13 CO_Q2_AP 3_ Module 3
2. Ano ang pangunahing produkto ng mga taga Davao del Norte?
a. gulay
b. saging
c. tubo

3. Anong lalawigan ang tinaguriang “Food Basket” dahil sa


malawak na kapatagan at mahabang baybayin nito?
a. Davao del Norte
b. Davao de Oro
c. Davao del Sur

4. Naging regular na lalawigan ang Davao Oriental sa ilalaim ng


Department of Mindanao and Sulu. Ano ang naidulot nito sa
mamamayan ng Davao Oriental?
a. pagkakaroon ng lahing Muslim
b. pagkakaroon ng karapatang mamili ng tirahan
c. paglipat ng mga taga Samar sa Davao Oriental

5. Ang Cultural Minorities na nakatira sa bawat lalawigan ay


tumutukoy sa mga ________________________________________.
a. mamayan at kultura ng isang lalawigan
b. mamayan na nakikitira sa isang lalawigan
c. mamayan at hanapbuhay ng mga taong nakatira sa
mga bundok ng bawat lalawigan

14 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Karagdagang Gawain

Panuto: Pangatwiranan ang mga tanong na nasa ibaba.


1. Naging madali ba ang pag-aaral ng ating kasaysayan gamit
ang timeline?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
2. Paano napahalagahan ang kasaysayan sa kasalukuyang
panahon?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

15 CO_Q2_AP 3_ Module 3
CO_Q2_AP 3_ Module 3 16
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. b Gawain A 1. b
2. b 2. b
3. c 1. c 3. b
4. a 2. d 4. a
5. a 3. e 5. a
4. a
5. b
Gawain A
1. c
2. b
3. a
4. d
5. e
1.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang
Patnubay ng Guro
Unang Edisyon-2015

Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral sa Sinugbuanong binisaya
Unang Edisyon-2015

Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral
Revised Edition 2019 (Published)

www.google.com%2Fsearch%3Fbih%3D654%26biw%3D360%26hl%
3Den%26sxsrf%3DALeKk03iMNduEM12OTIeECBIl8oI40YAPw%253A1
605244984026%26ei%3DOBiuX6OKAZbg-
AaYpLPICw%26q%3Dako%2520ikaw%2520tayo%2520tula%26oq%3
Dako%2520ikaw%2520tayo%2520%26gs_lcp%3DChNtb2JpbGUtZ3
dzLXdpei1zZXJwEAEYADIFCAAQyQMyAggAMgIILjICCAAyAggAM
gIIADICCAA6BAgAEEc6BwgjEOoCECc6BwguEOoCECc6BwguEC
cQkwI6BAgjECc6BwgAEMkDEEM6BAgAEEM6BQgAELEDOg0ILhCx
AxDJAxBDEJMCOgcILhCxAxBDOgcIABCxAxBDOgQILhBDOgUILh
CxAzoICAAQsQMQgwE6EAgAELEDEIMBEMkDEEYQ_wFQxRNY53Bg
lIoBaAFwAXgEgAHCAogB_RmSAQgwLjEzLjQuMZgBAKABAbABD8g
BCMABAQ%26sclient%3Dmobile-gws-wiz-
serp%26fbclid%3DIwAR32tt-
4U4dKQDtqCCXT7NaOalJwUeAs9crWFGbv8ajtiDbDihBT04t10T4%2
3imgrc%3DoZppAmV544xPbM&h=AT2l-
KTid4cVmcfzIsdQcMIL5xezywb3Quii7TTVaaHNxVQ1_r_7IuuW-
FTR3gGO9UX5O2_lvYakgjFsprIuVOTvjxu10_DlQMbFc6GG1PMzMwZ
q2vZN0SjMutDAxvPJ9Q-Bhw

17 CO_Q2_AP 3_ Module 3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like