You are on page 1of 19

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Mayroon Akong Kakayahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mayroon Akong Kakayahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod


Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mylene V. Castillo


Editor: Rolando O. De Guia, Elma R. Nunag, Maryan D. Mendez
Tagasuri: Salve T. Imperial, Roena Roselle F. Aquino, Heidee F. Ferrer
Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, Tagapamanihala
Fredie V. Avendaǹo, Pangalawang Tagapamanihala
Juan C. Obierna, Puno, CID
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-LRMS
Marietta S. Caballero, Tagamasid Pansangay-EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon

Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

3456-0343

sdoqcactioncenter@gmail.com
3
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Mayroon Akong Kakayahan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Mayroon Akong Kakayahan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambulikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon para sa mag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao III ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mayroon Akong
Kakayahan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mag-aaral ng Ikatlong


Baitang upang matukoy ang kakayahan o talento na bigay ng
Diyos.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng mga kakayahan


na bigay ng Diyos.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, kayo ay inaasahang:


1. Nakatutukoy ng natatanging kakayahan na bigay ng Diyos:
2. Naiisa-isa ang aking kakayahan;
3. Napapahalagan ang paggamit ng kakayahan;
4. Naipamamalas ang kakayahan na may pagpapahalaga
sa sarili.

1
Subukin

Pag-aralan ang mga larawan. Piliin ang sa palagay mo ay


makatutulong sa iyong kakahayan. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa sagutang papel.

A. B. C.

D. E. F.

2
Aralin
Mayroon Akong
1 Kakayahan

Ang bawat bata ay may natatanging kakayahan o talento. Lahat


ng mga ito ay biyaya ng Diyos. Dapat itong paunlarin at
pagyamanin.

Balikan

Noong ikaw ay nasa Ikalawang Baitang nalaman mo na ang


bawat bata ay may angking kakayahan na maaring linangin.
Ano-ano ang mga ito?

Mga Tala para sa Magulang


Inaasahan po ang masusing paggabay sa inyong
mga anak sa pagsagot sa modyul na ito. Hangad
po naming ang inyong pakikiisa upang lalong
matuto ang iyong mga anak.

3
Tuklasin

Basahin ang kuwento.


Ang Kakayahan ni Jerson
Isinulat ni Mylene V. Castillo
Si Jerson ay mahilig magsayaw. Bukod sa
pagsasayaw, mahilig din siyang kumanta. Tuwing Sabado
at walang pasok, tinuturuan din siya ng kanyang ina at
ama sa pagpinta. Madalas siyang makilahok sa mga
paligsahan sa paaralan. Gustong-gusto niyang
makibahagi sa mga patimpalak lalo na sa pag-awit,
pagsayaw at pagpinta. Madalas naman siyang manalo
sa mga nasabing paligsahan. Sa ganitong paraan
naibabahagi niya ang kanyang talento o kakayahan na
bigay ng Diyos sa kanyang kapwa.

Suriin

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano-ano ang mga kakayahan o talento ni Jerson?
2. Sino-sino ang mga tumutulong sa kanya sa pagpinta?
3. Bakit niya kaya gustong-gusto ang pagsali sa mga
patimpalak?
4. Paano niya pinapahalagan ang mga talento o kakayahan
na bigay ng Diyos?
5. Kung ikaw si Jerson, paano mo ipapakita ang
pagpapahalaga sa mga kakayahan o talento na bigay ng
Diyos?

4
Pagyamanin

A. Alin sa mga sumusunod ang iyong kakayahan? Isulat ang titik


ng mga ito sa sagutang papel.

A. umawit B. maglaro ng tennis C. sumulat ng tula

D. sumayaw E. maglaro ng basketball

B. Gumuhit ng asul na bilog ( ) kung ang mga sumusunod na


talento o kakayahan ay taglay mo na at berdeng parisukat
( ) kung hindi.
__________ 1. pag-arte
__________ 2. pagsayaw
__________ 3. pag-awit
__________ 4. pagpinta ng mga larawan
__________ 5. pagtula

5
Isaisip

Lahat ng bata na katulad mo ay may angking kakayahan na


ipinagkaloob ng Panginoong Diyos. Ito ay espesyal at natatangi
na kailangang linangin at tuklasin. Nararapat lamang na ito ay
pagyamanin upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga ito
at upang matupad ang iyong pangarap.

Isagawa

Isulat ang iyong mga talento o kakayahan.


1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
4. _______________________________
5. _______________________________

Isulat ang mga gusto mong matutuhan.


1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
4. _______________________________
5. _______________________________

6
Tayahin

Isulat ang tsek (✓) kung ang pangunugusap ay tumutukoy sa


tamang gawi upang mapaunlad ang kakayahan at ekis (X)
naman kung hindi.
__________ 1. Sasali ako sa mga paligsahan sa paaralan upang
maibahagi ko sa mga kamag-aral ang aking kakayahan.
__________ 2. Pagtatawanan ko ang kamag-aral na
nakakalimutan ang mga salita sa tula.
__________ 3. Magsasanay pa ako nang madalas upang
mapagsuhay ang aking kakayahan.
__________ 4. Makikilahok ako sa mga organisasyon sa paaralan
na makakatulong sa akin upang mapagyaman ang mga talento
na bigay ng Diyos.
__________ 5. Ang pag-awit ng pagpupuri sa Diyos ay isang
paraan upang maipakita ang pagpapasalamat sa Diyos.

7
Karagdagang Gawain
Magkuwento tungkol sa iyong kakayahan sa pamamagitan ng
pagbuo ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

Ako si ____________. Marunong akong __________,


___________, ____________ at __________. Ito ay bigay ng Diyos.

8
9
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. ✓
A A. 1. A
2. B 2. X
B 3. ✓
3. C
C 4. D 4. ✓
5. E 5. ✓
D B. 1.
E 2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ceñidoza, Melissa Marie. ( 2019 ). Lilok, Edukasyon sa


Pagpapakatao 3 Ikalawang Edisyon. 1835 E. Rodriguez
Sr. Avenue, Cubao 1109, Quezon City. Trinitas Publishing
Inc.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO-Quezon City

Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telephone No. 8352-6806/6809 Telefax-3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

Telefax – 3456-0343

You might also like