You are on page 1of 33

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Aking Paglaki
Araling Panlipunan -Unang Baitang
Unang Markahan-Modyul 6: Ang Aking Paglaki
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Karen D. Duay


Editor: Karen D. Duay
Tagasuri: Lovelyrose Mary L. Sabuga-a
Tagaguhit: Oliver A. Allawan
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonora Liza D. Dacillo, Ed. D. (EPS AP)
Christopher P. Felipe (EPS LRMDS)

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos City,
Davao del Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Aking Paglaki

i
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 1 ng Learning Resource Management Section
(LRMS) Modyul para sa araling Ang Aking Paglaki.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang nilikha ng mga
edukador upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa Mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng
Learning Resource Management Section (LRMS) Modyul
para sa araling Ang Aking Paglaki.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin Natin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Natin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito
ng modyul.

Aralin Natin Sa bahaging ito, ang


bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Gawin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtatalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga
kasanayan.
Sanayin Natin Binubuo ito ng mga
gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Tandaan Natin Naglalaman ito ng
paglalahat sa aralin.
Maaaring ito ay isang
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang ma proseso
kung anong natutunan mo
mula sa aralin.
Suriin Natin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Payabungin Natin Binubuo ito ng ng mga


gawain para sa
mapatnubay at malayang
iv
pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.

Pagnilayan Natin Sa bahaging ito, dito


makikita ang panapos na
salita, kahulugan at
konsepto patungkol sa
aralin na magagamit sa
pang araw-araw na
gawain.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga


tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkukunan sa paglikha
o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:

v
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi


sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong
matutuhan sa nasabing baitang. Ang araling ito ay
naglalaman ng mga konsepto tungkol sa
pagbabago ng pisikal na anyo ng isang tao.

Pagkatapos matutuhan ang mga aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapaghihinuha ng konsepto ng
pagpapatuloy at pagbabago sa pamamagitan
ng pagsasaayos ng mga larawan ayon sa
pagkasunod-sunod
(AP1NAT-IF10).

15
Subukin Natin

Pag-aralan ang sumusunod na larawan.


Isulat ang bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-
sunod sa mga pagbabagong naganap sa
buhay ng isang tao. Isulat sa kuwaderno ang
sagot.

1.____

16
2.____

3.____

17
4.____

5.____

Aralin Natin

Aralin

1 Ang Aking Paglaki

18
Ang araling ito ay naglalaman ng mga
konsepto tungkol sa pagbabago ng pisikal na anyo
ng isang tao. Ang bawat isa ay nakararanas nito
kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan
at ang pagdami ng mga kaya nilang gawin. Ating
tunghayan sa modyul na ito.

Basahin ang maikling kuwento ng isang ina


tungkol sa karanasan niya sa pag-aalaga ng
kanyang anak.

Sa Gitna ng Pagbabago
Isinulat ni: Karen D. Duay

Naayos na ni Aling Linda ang kanilang higaan.


Tinawag niya ang kanyang anak na si Nena para
papasukin na sa kanilang kuwarto.

Bitbit ni Nena ang kanyang paboritong laruan


na manika na palagi niyang katabi tuwing
matutulog.

19
Alam mo ba Nena noong ikaw ay sanggol pa,
aliw na aliw kami ng tatay mo. “Bakit po ba inay? “
tanong ng anak.
Napakataba mo kasi at nahihirapan ka sa
iyong paggapang sa sobrang bigat ng iyong
katawan .

20
Ang hindi ko malimutan noong ikaw ay
dalawang taong gulang na, paa mo’y laging
nasusugatan. “Bakit po?” tanong ni Nena.
Napakalikot mo kasi at hindi ka pa masyado
marunong maglakad.

21
Na Naka N
Nakakatuwa namang isipin ang mga bagay
na ginagawa ko. Di ba mayroon tayong
kapitbahay noon na si Allan?
Oo, siya palagi ang kalaro mo at apat na
taong gulang ka pa noon.

22
Nakalipat na kasi ng tahanan si Allan ng
pumasok siya sa kindergarten at ikaw naman dito
ka nag-aral sa lugar natin.
Ang galing mo anak dahil binigyan ka ng
medalya noon. “Salamat po inay”, sabi kasi ng
tetsir ko ang galing ko daw magbilang at
magsulat.

Anak ngayong nasa unang baitang ka na


mas lalo mo kaming pinasaya ng tatay mo. Ang
galing mo nang bumasa.
“ Magsipag po ako sa pag-aaral para po sa
inyo ni tatay dahil kayo po ang inspirasyon ko…I
Love You nanay”. 23
Sagutin Natin

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa


kuwentong binasa.

1. Sino ang pinag-uusapan sa kuwento?


_________________________________

2. Ilang taong gulang si Nena noong siya ay


palaging naglaro ng bahay-bahayan?
_________________________________

3. Ano ang kaya niyang gawin sa edad na


tatlong taong gulang?
_________________________________

4. Sinabitan ng medalya si Nena sa


paaralan.Ilang taon siya noon.
_________________________________

5. Nais mo bang gayahin ang kasipagan ni


Nena sa pag-aaral? Bakit?
_________________________________

Binabati kita! Ang galing


mo!
24
Gawin Natin

Tingnan ang mga pagbabagong naganap


sa buhay ni Nena. Isulat ang bilang 1-6 sa patlang
ayon sa pagkasunod-sunod ng mga larawan.

A.____ D.____

D.

B.____ E.____

E.

C.____ F.____

25
F

Ang galing
mo!

Sanayin Natin
Tingnan ang halimbawa ng timeline sa ibaba.
Sa loob ng kahon may nakalagay na mga larawan
ng bata ayon sa pagkasunod-sunod ng kanilang
edad.

Gawin ang mga sumusunod:


1. Magkalap ng iyong larawan simula
pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
2. Gumawa ng kahon sa bondpaper at ilagay
ang iyong mga larawan simula pagkabata
hanggang sa kasalukuyan.
3. Sundin ang halimbawa ng timeline.

26
Mga Kagamitan:

bondpaper, pandikit at mga larawan

Ang Aking Paglaki


Ang Aking Paglaki

27
Mabuti at iyong naunawaan ang
mga tinatalakay sa mga gawain.
Mahusay!

Tandaan Natin

• Mayroong mga mahahalagang pangyayari sa


buhay ng tao na may kinalaman sa kanyang
paglaki simula isilang hanggang sa
kasalukuyang edad.

• Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago


sa kanyang pisikal na anyo. Kasabay ng mga
pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami
ng mga kaya nilang gawin.

Suriin Natin
28
Handa ka na ba sa bagong gawain?

Isulat ang mga bagay na iyong ginamit simula


bata hanggang sa kasalukuyan. Tingnan ang edad
na nakasulat sa bituin. Gayahin ang halimbawa sa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang mga Pagbabagong Nagaganap sa


Buhay
ng Isang Tao

1 4

2 5

29
3 6

Magaling!
Ngayon isangguni
mo ang iyong
mga sagot sa susi
ng pagwawasto.

30
Payabungin Natin

Ngayon handa ka na bang sanayin ang iyong


sariling kaalaman?
Isulat ang Tama o Mali sa patlang at ilagay ito
sa iyong kuwaderno.
1. Nagbabago ang mga kasuotan habang
lumalaki ang bata.

2. May pagbabagong nagaganap sa


buhay ng isang tao.

3. Patuloy na nadaragdagan ang mga


gawain na kayang gawin ng bata
habang siya ay lumalaki.

4. Kuwento ang tawag sa mga pangyayari


na nagaganap sa buhay ng isang bata.

5. Bawat tao ay makararanas ng iba’t


ibang pagbabago sa buhay.

Napakahusay mo at nagampanan mo ng
wasto ang gawaing ito.

31
Pagnilayan Natin

Panuto: Tingnan ang timeline. Lagyan ang


bawat kahon ng mga kakayahang gawin ng bata
ayon sa edad na nakasulat. Pumili ng sagot sa ibaba
at isulat sa kuwaderno.

• Makapaglaro na
• Gumagapang pa
• Marunong nang maglakad
• Nasa unang baitang na sa elementarya
• Pumapasok na sa kindergarten

32
1

Magaling!
Ngayong
natapos mo
na ang
bahaging ito,
isangguni
ang sagot sa
iyong guro.

33
F. 5 3. 5
4. 1
Payabungin Natin: 5. 4
34
1. Tama
2. Tama Sagutin Natin:
3. Tama
4. Mali 1. Nena
Susi sa Pagwawasto
Sanayin Natin:

Ang puntos na iyong makukuha sa gawaing ito ay


naaayon sa mga pamantayan na iyong makikita sa ibaba.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos


5 3-4 1-2
Pagkamalikhain Lubos na Sapat na Di-gaanong
nagpapakita malikhain sa malikhain sa
ng ginawa ginawa
pagkamalikhain
sa ginawa
Kaugnayan sa Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita
Paksa ng malawak na ng sapat na ng kaunting
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Kalinisan sa Napakaayos Maayos at Di-gaanong
Paggawa ng at malinis. maayos at
napakalinis. di-gaanong
malinis.
Kabuuan 15 pts.

35
Suriin Natin:

Ang puntos na iyong makukuha sa gawaing ito ay


naaayon sa mga pamantayan na iyong makikita sa ibaba.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos


5 3-4 1-2
Kahanga- Mahusay ang Katamtaman
Kaangkupan ng hanga ang paraan ng ang paraan ng
paraan ng paraan ng pagkakalahad pagkakalahad
pagkakalahad pagkakalahad ng ideya at ng ideya
ng mga ideya ng mga ideya maunawaan
at madaling ang mensahe
maunawaan
ang mensahe

Kasiningan Kitang-kita Bahagyang Hindi nakita ang


ang kalinisan nakita ang kalinisan at
at kaayusan kalinisan at kaayusan ng
ng timeline na kaayusan ng timeline na
ginawa timeline na ginawa
ginawa
10pts

36
Mahusay! Natapos mo na rin ang modyul
na ito.

Sanggunian

Miranda,Noel P.,Ocampo, Odilon B., Amita, Rodel Q., Reyes,


Violeta E., De Ramos, Malou M., Tiamzon, Lenie A., Adriano,
Ma. Corazon V., at Quintos, Emily R. Araling Panlipunan1
Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya.Pasig City,
Philippines: 2017

https://www.google.com/search?q=hanging+clothes+clipa
rt+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwidz92K6dDqAhX
YzYsBHSrTAxMQ2-

isch&ved=2ahUKEwidz92K6dDqAhXYzYsBHSrTAxMQ2-

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;nPH818PH
818#imgrc=RaGCaZCtrOv6jM

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search?

37
Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos
City, Davao del38
Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph

You might also like