You are on page 1of 32

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Ang Kuwento ng Buhay
Araling Panlipunan -Unang Baitang
Unang Markahan-Modyul 8: Ang Kuwento ng Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Chrystal Irish L. Daclan


Editor: Karen D. Duay
Tagasuri: Lovelyrose Mary L. Sabuga-a
Karen D. Duay
Tagaguhit: Chrystal Irish L. Daclan
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonora Liza D. Dacillo, Ed. D. (EPS AP)
Christopher P. Felipe (EPS LRMDS)
Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos City,
Davao del Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Ang Kuwento ng Buhay

i
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 1 ng Learning Resource Management Section
(LRMS) Modyul para sa araling Ang Kuwento ng Buhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang nilikha ng mga
edukador upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa Mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng
Learning Resource Management Section (LRMS) Modyul
para sa araling Ang Kuwento ng Buhay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin Natin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Natin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito
ng modyul.

Aralin Natin Sa bahaging ito, ang


bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na

iii
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Gawin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka


ng maikling pagtatalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga
kasanayan.
Sanayin Natin Binubuo ito ng mga
gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Tandaan Natin Naglalaman ito ng
paglalahat sa aralin.
Maaaring ito ay isang
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Suriin Natin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Payabungin Natin Binubuo ito ng mga gawain
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.

Pagnilayan Natin Sa bahging ito, ditto


makikita ang panapos na
salita, kahulugan at
konsepto patungkol sa
aralin na magagamit sa
pang araw-araw na
gawain.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga


tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkukunan sa paglikha
o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang

v
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi


sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong
matutuhan sa nasabing baitang. Atin pong
matutunghayan sa araling ito na may iba’t iba
tayong karanasan sa buhay na maaaring
magkasintulad o magkaiba.

Pagkatapos matutuhan ang mga aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naihambing ang sariling kwento o karanasan sa


buhay sa kuwento at karanasan ng mga
kamag-aral, ibang miyembro ng pamilya tulad
ng mga kapatid, mga magulang (noong sila ay
nasa parehong edad), mga pinsan at iba pa; o
mga kapitbahay.

1
Subukin Natin
Tingnan ang mga larawan na nasa ibaba. Ano
ang napapansin mo sa mga larawan. Naranasan
mo ba ang mga ito?
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung sa
tingin mo ay nasubukan mo ang nasa larawan, eks
naman ( x ) kung hindi.

1. ______

larong luksong tinik

2. ______

2
mga batang naliligo sa ilog

3. ______

mga batang umakyat sa puno

4. ______

3
pagkain ng bobot

5.______

tumbang preso

4
Aralin Natin

Aralin
Ang Kwento ng Buhay
1
Basahin ang kuwento.

Ang Kuwento ni Inang

5
Si Mika ay isang anim na taong gulang na bata.
Araw-araw ay palagi siyang naglalaro sa kanyang
computer at cellphone. Hindi siya lumalabas ng
kanilang bahay. Kung minsan ay matagal pa siyang
natutulog.

Labis itong ikinabahala at ipinag-alala ng Inang


ni Mika dahil nagdudulot ito ng masamang epekto
sa kalusugan. Kaya naisipan niya na kuwentohan

6
ang kanyang anak ng mga masasayang karanasan
noong siya ay bata pa.

Alam mo ba anak, noong ako ay nasa iyong


kapanahunan pa ay marami kaming masasayang
larong pisikal na kinaaabalahan. Tumbang preso,
habol-habulan luksong tinik at marami pa.

7
Masaya bang laruin ang mga larong iyan
Inang? Ang mausisang tanong ni Mika.

“Oo naman anak, masisipag din kaming


tumutulong sa gawaing bahay gaya ng pag iigib,
pagsisibak, paglalaba sa ilog at marami pang iba.
Doon na rin kami kumakain at naliligo pagkatapos
maglaba.” Ang kuwento ng Inang ni Mika.

8
Habang nakikinig si Mika sa kanyang Inang,
naisipan ni Mika na pakiusapan ang kanyang Ina na
subukan ang mga ito. Galak na galak naman ang
kanyang Inang at pumayag ito.

“Mabuti naman anak at napag-isip isip mo na


sumubok” ang sabi ni Inang.

“Masaya pala Inay at nakakatulong pa sa aking


kalusugan”, sagot ni Mika.

Sagutin Natin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong?


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang bata na nasa kuwento?


A. Ara
B. Miko
C. Mika

9
2. Bakit nag-aalala ang Inang ni Mika?
A. Dahil mabait ito
B. Dahil masipag ito
C. Dahil labis ang paglalaro ng gadgets

3. Ano ang naisipan ni Inang upang hikayatin ang


anak sumubok ng pisikal na laro at gawain?
A. Tinakot
B. Pinalo ang anak
C. Nagkuwento ng sariling karanasan

4. Sinubukan ba ni Mika ang mga ito?


A. Oo
B. Hindi
C. Hindi sigurado

5. Ano ang nararamdaman ni Mika habang


sinubukan ang mga pisikal na libangan?
A. nagalit
B. nasiyahan
C. natakot

Gawin Natin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong.


Lagyan ng hugis puso ( ) ang angkop na kahon sa
bawat bilang ng iyong sagot at gawin ito sa
kuwaderno.
10
Mga Tanong Oo Hindi

1. Nagustuhan mo ba ang iyong


kwentong nabasa?

2. Nakikita mo ba ang iyong sarili kay


Mika?

3. Kung Oo, naging malungkot rin ba


ang iyong Ina?

4. Kung ikaw si Mika mas gugustuhin


mo bang maglaro lamang ng
gadgets kaysa maglaro sa labas?

5. Naranasan mo na bang maglaro


kasama ang iyong kaibigan?

6. Kung Oo, mas masaya bang


maglaro sa labas kaysa maglaro
ng gadgets?

Sanayin Natin

Mga Kagamitan:
Krayola
11
Lapis
Bond paper

Gawin ang mga sumusunod:


1. Makipagkuwentohan sa iyong mga
magulang.
2. Paghambingin ang sariling karanasan at sa
karanasan nila noong sila ay nasa parehong
edad.
3. Sa isang bond paper, iguhit ang mga
karanasan ng iyong mga magulang na iyo
ring naranasan. Kulayan ang mga ito.

Karanasan mo, Karanasan ko.

Mabuti at iyong naunawaan ang mga


tinatalakay sa mga gawain. Mahusay!

Tandaan Natin

12
Tandaan Natin

• Karanasan ang tawag sa isang pangyayari


sa iyong buhay.

• Bawat isa ay may sariling kuwento o


karansan sa buhay, magkaiba man ito o
magkatulad.

• Sa bawat kuwento nito ay may


napupulutang aral na ating makukuha na
nagsisilbing gabay o inspirasyon.

• May masasayang alaala naman na ating


binabalikbalikan at pilit natin itong
binubuhay.

Suriin Natin

13
Panuto: Ayon sa kuwento o karanasan na iyong
napakinggan galing sa iyong mga magulang,
magtala ng mga karanasan na nais mo ring
subukan. Isulat ang mga ito sa loob ng mga damit.
Gawin ito sa kuwaderno.

14
Payabungin Natin

Pag-isipan

Ano ang iyong karanasan na kasingtulad


ng iyong kamag-aral. Itala ito sa loob ng
hugis puso at gawin ito sa iyong
kuwaderno.

15
Pagnilayan Natin

Panuto: Paghambingin ang iyong karanasan sa


ibang bata. Isulat ang Oo sa kahon kung ito ay
naranasan na at Hindi kung wala pa gawin ito sa
iyong kuwaderno.

KARANASAN Oo o Hindi

1. Si Ben ay naglalaro ng tumbang


preso.

2. Si Chris John ay palaging lumiliban


sa klase.

16
3. Si Keke ay nakipag-away sa
kanyang kaklase.

4. Si Leyla ay palaging nagbabasa


ng aklat.

5. Si Kent ay naglalaro ng basketball.

Susi sa Pagwawasto

b 5.
a 4.
a 3.
b 2.
c 1.
(Sagutin Natin)
Aralin Natin

Bigyan ng angkop na marka ang mga gawain


gamit ang pamantayang nasa ibaba. Bawat puntos
ay may angkop na kahulugan.
Sanayin Natin:
Pamantayan sa Pagwawasto

17
Nangangaila-
Pamantayan Napakahusay Mahusay ngan pa ng
(3) (2) Kasanayan
(1)
Nilalaman Tiyak at Bahagyang Hindi
malinaw ang naibigay ang naibigay ang
naibigay na tamang tamang
impormasyon impormasyon. impormasyon
.
Presentasyon Buong husay na Bahagyang hindi Hindi
nailahad ang nailahad ang nailahad ang
mga mga tamang
impormasyon. impormasyon. impormasyon

Kalinisan sa Malinis ang Medyo malinis Magulo at


Pagguhit pagkaguhit ang pagkaguhit hindi
masining ang
pagkagawa
Takdang Oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Gawain ng Gawain ngunit ang Gawain.
buong husay sa lumagpas ng
loob ng limang minute
itinakdang oras

Puntos Kahulugan
12-10 Napakahusay
9-7 Mahusay
6-4 Nangangailangan pa ng
kasanayan

Suriin Natin:

Pamantayan sa Pagwawasto
Kraytirya Napakahusay Mahusay Nangangailan
(3) (2) gan pa ng
Kasanayan
(1)

18
Nilalaman Tiyak at Bahagyang Hindi naitala
malinaw ang naitala ang ang tamang
naitala na tamang impormasyon.
impormasyon impormasyon.

Presentasyon Buong husay na Bahagyang hindi Hindi nailahad


nailahad ang nailahad ang ang tamang
mga mga impormasyon
impormasyon. impormasyon.

Takdang Oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos


Gawain ng Gawain ngunit ang Gawain.
buong husay sa lumagpas ng
loob ng limang minute
itinakdang oras

Puntos Kahulugan
9-6 Napakahusay
5-3 Mahusay
2-0 Nangangailangan pa ng kasanayan

Payabungin Natin:

Pamantayan sa Pagwawasto
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailan
(3) (2) gan pa ng
Kasanayan
(1)

19
1. Nilalama Tiyak at Bahagyang Hindi naibigay
n malinaw ang naibigay ang ang tamang
naibigay na tamang impormasyon.
impormasyon impormasyon.

2. Presentasyon Buong husay na Bahagyang hindi Hindi nailahad


nailahad ang nailahad ang ang tamang
mga mga impormasyon
impormasyon. impormasyon.

3. Kalinisan sa Malinis ang Medyo malinis Magulo at


pagguhit pagkaguhit ang pagkaguhit hindi masining
ang
pagkagawa
4. Takdang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Oras Gawain ng Gawain ngunit ang Gawain.
buong husay sa lumagpas ng
loob ng limang minute
itinakdang oras

Puntos Kahulugan
12-10 Napakahusay
9-7 Mahusay
6-4 Nangangailangan pa ng
kasanayan

20
Mahusay!!!
Natapos mo ang
modyul na ito.

21
Sanggunian

Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili,


PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines
1600; Araling Panlipunan– Unang Baitang Kagamitan ng
Mag-aaral: Tagalog Unang Edisyon, 2012

Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity


A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily
R. Quintos, Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S.
Magsino, Maria Lucia L. Manalo,Jose B. Nabaza, Evelyn P.
Naval, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue.
Pasig City, Philippines 1600; Araling Panlipunan – Unang
Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon 2015

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search/naliligo
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search/tumban
gpreso
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search/emotic
ons

22
Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division


Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos
City, Davao del Sur
Telefax: _________________________________
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph

23

You might also like