You are on page 1of 25

4

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Sagot sa Tanong!
Filipino – Baitang 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sagot sa Tanong (Pagsagot sa mga tanong mula sa
Alamat, Tula at Awit)
Unang Edisyon, 2020

“Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaron ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaringgawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rema V. Montes
Editor: Maricel Glaiza Villar Magistrado
Tagasuri: Rechie O. Salcedo
Tagaguhit: Emma N. Malapo, Jerome R. Guadalupe, Mark Anthony O. Taduran
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate
Tagapamahala: Regional Director: Gilbert T. Sadsad
CLMD Chief: Francisco B. Bulalacao, Jr.
Regional EPS In Charge of LRMS: Grace U. Rabelas
Regional ADM Coordinator: Ma. Leilani R. Lorico
Regional EPS-Filipino: Nora J. Laguda
CID Chief: Jerson V. Toralde
Division EPS-Filipino: Rechie O. Salcedo
Division EPS In Charge of LRMS: Belen B. Pili
Division ADM Coordinator: Randy A. Bona

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500


Mobile Phone: 0917 178 1288
E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Sagot sa Tanong!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling; Pagsagot sa mga tanong mula sa binasang alamat,
tula at awit.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 4ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa pagsagot sa mga tanong mula sa binasang alamat, tula at awit.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta? Naaalala mo pa ba ang paborito mong alamat,


tula at awit? Babalikan natin ang akdang nabanggit sa modyul
na ito.
Siguradong maaaliw ka sa pagsagot sa mga tanong tungkol
sa mga babasahin mong alamat, tula at awit na inihanda para sa
iyo.
Sa tulong ng modyul na ito, inasahan na nasasagot mo ang
mga tanong mula sa nabasang alamat, tula at awit. Simulan na
natin!

Alamin natin?
Ang alamat ay kuwentong
bayan na naglalahad kung
saan nagmula ang isang
bagay. Ito ay may
naibabahaging
magandang asal, katulad
ng pagiging masipag,
matapat,
mapagpakumbaba,
mapagmahal at iba pa.
Ang tula ay isang uri ng
panitikan na malayang
gumagamit ng mga salita
na kadalasan ay
magkatunog sa huling
pantig ng bawat taludtod.
Ang awit ay nagsasaad ng isang kuwento, karanasan, aral, puna
at iba pa na nilapatan ng himig at tunog upang maging kaaya-
ayang pakinggan o basahin.
1
Subukin

Subukin muna natin kung madali mong masasagutan ang mga


tanong tungkol sa “Alamat ng Damong Makahiya”.
(Larawan ng damong makahiya)
Alamat ng Damong Makahiya
Alamat na Patula

Noong una, Makahiya’y kilala,


magandang bulaklak, bituin ang kapara.
May bangong kahali-halina,
walang tinik kanyang mga sanga.
Dahil sa papuri, Makahiya’y nagsuplada.
Ayaw tumingin sa mga kasama.
Ayaw makiusap, ayaw tumawa.

Minsan bumaha.
Langgam na maliit umakyat sa Makahiya.
Ito’y nagalit, Langgam pinababa.
Ni hindi dininig ang pagmamakaawa.
Saka inuga-uga kaniyang mga tangkay.
Nahulog sa sanga ang kawawang Langgam.
Dinala ng agos, nalunod, namatay.

Sa masamang asal lahat nakakita.


Hindi rin nagustuhan ng kanilang diwata.
Upang magtanda, damong Makahiya inalis kanyang ganda.
Nilagyan ng tinik buong katawan niya.
Hindi na mabango bulaklak na taglay.
Sa mga kasama napahiyang tunay.

2
Sa tabing daan malaking abala.
Matinik na sanga nitong Makahiya.
Itong naging ngalan matapos isumpa.
Sapagkat pag nasaling di man sinasadya.
Daho’y tumitiklop tila nahihiya.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat na patula?
A. Langgam B. Makahiya C. Diwata D. walang sagot
2. Saan kaya ito nangyari?
A. sa loob ng bahay C. sa halamanan
B. sa itaas ng punongkahoy D. sa ilalim ng tulay
3. Ano-ano ang mga katangian ni Makahiya noong una?
A. may maganda at mabangong bulaklak
B. walang tinik ang kanyang mga sanga
C. walang mga dahon
D. A, at B
4. Dahil sa mga papuri sa kanya, ano ang kanyang ginawa?
A. nagsasayaw sa tuwa B. nagsuplada
C. nagmalaki D. B at C
5. Noong bumaha, sino ang umakyat kay Makahiya?
A. Tutubi B. Tipaklong C. Langgam D. Paruparo
6. Ano ang ginawa ni Makahiya?
A. pinababa si Langgam at inuga ang kanyang mga sanga
B. hinayaang makaakyat si Langgam
C. pinayungan niya ng kanyang mga dahon si Langgam
D. pinalo niya si Langgam upang bumaba
7. Ano ang nangyari kay Langgam nang mahulog siya sa tangkay
ni Makahiya?
A. dinala ng agos at nalunod
B. bumagsak sa isang dahon
C. iniligtas siya ng kasamahan ni Makahiya
D. nakakapit siya sa umaanod na tangkay
8. Dahil sa masamang asal ni Makahiya, ano ang ginawa sa
kanya ng Diwata?
A. inalis niya ang ganda at bango ni Makahiya
B. inalis niya ang mga dahon ni Makahiya

3
C. nilagyan niya ng tinik ang buong katawan ni Makahiya
D. A at C
9. Bakit Makahiya ang naging pangalan ng damong makahiya
matapos na ito’y isumpa?
A. dahil ito’y di nahihiya
B. dahil kapag nasaling ito ay tumitiklop na parang nahihiya
C. dahil ito’y napahiya
D. walang angkop na sagot
10. Anong aral ang natutuhan mo sa alamat na makahiya?
A. Magpasalamat sa biyayang handog ng Maykapal.
B. Huwag magmataas sa kapwa.
C. Maging mapagpakumbaba lamang.
D. Lahat ng sagot.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 16 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
8-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
5-7 tamang Sagot – MAGALING
1-4 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Aralin
Sagot sa Tanong
(Alamat, Tula at Awit)

Ang mga alamat, tula at awit ay mga uri ng panitikan na


nakapagdaragdag sa ating kaalaman at nagbibigay ng aral.
Kaya naman talagang nakakaaliw itong basahin lalo na ng
mga batang katulad mo.

Balikan

Naalala mo pa ba ang mga panghalip panaklaw sa nakaraang


aralin?

4
Madalas nating gamitin ang mga salitang panghalili o
pamalit sa pangngalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang
o kalahatan.
Basahin ang maikling tula at sagutan ang mga tanong sa
ibaba nito.
Anomang pagsubok ay dapat nating harapin.
Sapagkat ito’y malalampasan din natin.
Pananalig sa Diyos ay gawin ng bawat isa sa atin.
Siguradong makakamtan lahat ng mithiin.

1. Ano-ano ang mga panghalip panaklaw sa tula?


2. Ano ang dapat gawin sa mga pagsubok na dumarating sa atin?
3. Bakit kailangang harapin ang lahat ng pagsubok?
4. Bakit mahalaga ang pananalig sa Diyos?
5. Anong aral ang nais iparating sa atin ng tula?

Ngayong naalala mo na kung ano


ang panghalip na panaklaw, tiyak
na sa araling ito ay mas lalo kang
magkakainteres sa pagbabasa ng
mga alamat, tula at awit.
Masisiyahan ka sa pagsagot sa
mga tanong tungkol dito.

Mga Tala para sa Guro


1. Makabubuti na bago ang araling ito ay ipaalala muna ang
mga bahagi ng isang kuwento;
- tauhan, tagpuan, banghay, katapusan at aral
2. Talakayin din ang mga literal na tanong kung saan ang mga
sagot nito ay matatagpuan lamang sa binasang teksto. Isunod ang
mga tanong na nangangailangan ng pagsusuri at paghihinuha sa
sagot upang maipahayag ng mga bata ang kanilang saloobin at
kaalaman.

5
Tuklasin

Magsimula ka rito.
Gusto mo bang malaman ang pinagmulan ng halamang
Poinsettia? Basahin mo ang alamat nito.

Ang Alamat ng Poinsettia


ni Rema V. Montes

Sa malayong lupain ng bayan ng Nazareth, malapit sa


lungsod ng Jerusalem nakatira ang batang si Hannah at ang
sakitin niyang ina.
Isang gabi ay ginising sila ng nakasisilaw na liwanag. Isang
anghel ang nagbalita sa kanila na isinilang na ang Tagapagligtas,
ang Panginoong Hesus.
Dahil sa galak at tuwa ay sinundan nila ang liwanag ng tala
upang dalawin ang sanggol maliban kay Hannah. Lungkot na
lungkot si Hannah dahil wala siyang madadala kay Hesus.
Mahirap lamang sila at wala siyang ibibiling panghandog at may
sakit pa ang kanyang ina.
Tinanong si Hannah ng kanyang ina kung bakit siya
malungkot. Sinabi niyang isinilang na si Hesus at nais niyang
dumalaw sa Kanya. Gusto rin sana ng kanyang ina na dumalaw
sa Tagapagligtas subalit nanghihina pa siya kung kaya’t sinabi
niyang si Hannah na lamang ang dumalaw sa Sanggol.
Malungkot na sumagot si Hannah na wala siyang maihahandog
kay Hesus.
Sinabi ng kanyang ina na mauunawaan ni Hesus ang
kalagayan nila. Ang mahalaga ay makadalaw si Hannah sa
Kanya. Natutuwang sumunod si Hannah sa ina at nagmamadali

6
lumakad. Sa tabi ng kanilang bahay ay nakakita siya ng
halamang maganda ang dahon. Pinutol niya ang ilang tangkay
nito upang ihandog kay Hesus.
Hapon na nang dumating sa sabsaban si Hannah. Nahihiyang
lumapit si Hannah sa sanggol na nakangiti sa kanya. Lumuhod
siya at inilagay ang halaman sa paanan ng sanggol.
Nagulat si Hannah. Ang luntiang dahon ng halaman ay naging
pula. Naging tila mga bulaklak. Hindi halos makapaniwala si
Hannah subalit totoo. Nagkaroon ng bulaklak ang mga halamang
dala niya.
Pinuri at nagpasalamat si Hannah sa Sanggol at sinabing Siya
nga ang Tagapagligtas. Napaiyak siya sa tuwa at hinalikan ang
mga paa ng sanggol. Nakikiming hinipo ni Hannah ang paa ni
Hesus habang nakangiti sa kanya. Nakadama ng lubos na
katuwaan at kapayapaan si Hannah. Pinauwi na si Hannah ng
ina ni Hesus dahil malapit nang dumilim at sinabing pinagpala
na siya ni Hesus at ang kanyang pamilya.
Tuwang-tuwang umalis si Hannah. Parang nakalutang siya sa
ulap dahil sa kasiyahan. Malayo pa ay nakita na niya ang
kanyang ina na nakatayo sa may pintuan ng kanilang bahay.
Hinihintay siya. Agad siyang yumakap sa ina.
Sinabi niya sa kanyang ina na nakita niya si Hesus. Nahipo
niya ang mga paa ng Sanggol sa sabsaban at nagkaroon ng mga
bulaklak ang mga halamang dala niya.
Sinabi rin ng kanyang ina na mabuti na ang kanyang
pakiramdaman, wala na siyang sakit. Pinuri nila ang Panginoon
at taimtim na nagpasalamat dahil sa biyayang natanggap.
Mula noon, tuwing sasapit ang Kapaskuhan, namumulaklak
ang mga halamang dinala ni Hannah. Tinawag itong Pascua o
Pasko at ngayon ay Poinsettia.
Naunawaan mo ba ang alamat? Nalaman
mo ba ang pinagmulan ng bulaklak na poinsettia?

Sa paanong paraan nito pinapaunlad ang


iyong mga kaalaman?
7
Suriin

Balikan mo ang binasang alamat at himayin-himayin mo


ang mga mahahalagang kaisipan mula dito sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang alamat?
2. Saan siya nakatira?
3. Ano ang gumising sa kanila isang gabi?
4. Bakit malungkot si Hannah?
5. Ano ang sinabi ng kanyang ina sa kanya?
6. Ano ang dinala ni Hannah bilang handog niya kay Hesus?
7. Bakit siya nagulat nang ialay na niya ang dala niya halaman
sa paanan ni Hesus?
8. Dahil sa gulat at saya, ano ang ginawa ni Hannah sa Sanggol?
9. Kung ikaw si Hannah, paano mo pasasalamatan ang
Panginoon?
10. Ibigay ang aral na natutunan mo sa binasang alamat.

Lagi mong tatandaan…


Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa
binasang alamat, tula o awit kailangan
mong magsimula sa mga literal na
katanungan kung saan ang lahat na
kasagutan ay makukuha lamang sa binasa
mo.
Kasunod nito ay ang pagsagot sa mga
tanong na nangangailangan ng pagsusuri
at paghihinuha. Ang mga sagot dito ay hindi matatagpuan sa

8
teksto. Sa mga tanong na ito, kailangan mong ipaliwanag ng
maayos ang iyong sagot o hinuha bilang tanda ng iyong lubusang
pagkaunawa sa alamat, tula o awit na binasa mo.

Pagyamanin

Pagsasanay 1

Basahin ang maikling tula at sagutin ang mga tanong sa


ibaba.
Paraisong masasabi itong kapaligiran
Malilinang mapapaunlad kung pangangalagaan
Lahat ng kailangan idinulot ng Maykapal
Pagkat mahal tayong tao, sa lahat Niyang nilalang.

1. Ano ang maaaring itawag sa ating kapaligiran?


2. Sino ang nagbigay ng kapaligiran sa atin?
3. Bakit ibinigay ng Maykapal ang kapaligiran sa atin?
4. Paano malilinang at mapapaunlad ang ating kapaligiran?
5. Sa papaanong paraan natin mapangangalagaan ang ating
kapaligiran?

Pagsasanay 2

Basahin ang teksto ng awit tungkol sa kapaligiran. Sagutin


ang mga tanong tungkol dito.

Wala ka bang napapansin, saiyong kapaligiran?


Kay rumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Hindi na masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating
narating; Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat; dati’y kulay asul,
ngayo’y naging itim.

9
1. Ano ang nais ipapansin saiyo ng awitin?
2. Anong paglalarawan ang inilahad ng awitin sa ating
kapaligiran?
3. Bakit naging marumi na ang hangin, mga ilog at tubig sa
dagat?
4. Paano ka makakatulong upang mapangalagaan ang ating
kapaligiran?

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay.

Saang pagsasanay ka nahirapan? ___ Pagsasanay 1, o ___ Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Isaisip

Punan ang patlang upang mabuo


ang kaalamang dapat isaisip.
Ang mga ________, _______ at ____ ay nagbibigay kasiyahan
sa lahat ng mambabasa. Nakapagdaragdag ito ng ______ at
nagbabahagi ng magandang _____ lalo na sa mga batang katulad
mo. Kailangan lamang suriing mabuti upang maunawaan mo.

Isagawa

10
Upang matiyak ang iyong kasanayan sa pagsagot sa mga
tanong tungkol sa binasang alamat, tula at awit, isagawa ang
gawain sa ibaba.
Isulat sa loob ng mga ulap ang letra ng tamang sagot sa
mga tanong tungkol sa mga binasa mong alamat, tula at awit.

1. Ano ang kahulugan ng pyascua sa binasang alamat ng


poinsettia?
A. Pasko B. Bagong taon C. Araw ng mga puso D. Pista

2. Sino ang tinaguriang Tagapagligtas sa binasang alamat?


A. Si Hannah B. Si Hesus C. Si Maria D. Ang tala

3. Batay sa maikling tugma o tulang nabasa, bakit masasabing


paraiso ang ating kapaligiran?
A. Dahil tunay na maganda ito na dulot ng Maykapal.
B. Dahil madumi na ang paligid natin.
C. Dahil kalbo na ang kabundukan.
D. Dahil itim na ang kulay ng tubig sa dagat.

4. Bakit itim na ang kulay ng tubig sa dagat ayon sa awit?


A. Dahil sa mga basurang itinatapon dito.
B. Dahil kinulayan ito.
C. Dahil may polusyon na ang tubig dagat.
D. A at C

5. May katuturan ba ang teksto ng awit?


A. Oo dahil pinupuna nito ang masamang nangyayari sa
kapaligiran.
B. Hindi dahil ito’y isang pang aliw lamang sa atin.
C. Oo dahil nais nitong gumawa tayo ng nararapat upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran.
D. A at C

11
1. 2. 3.

4. 5.

Magaling! Matapos mong sagutin ang pagsasanay, tingnan


kung ito ay tama o mali sa susi sa pagwawasto sa pahina
ng modyul na ito

Tayahin

Nahasa na ba ang iyong isipan sa pagsagot sa mga


pagsasanay sa modyul na ito? Hanggang saan na kaya ang
natutunan mo?

Basahin ang teksto ng awitin at sagutin ang mga tanong


sa ibaba nito.

Kapaligiran
Awit ng Bandang Asin

Wala ka bang napapansin, saiyong kapaligiran


Kay rumi ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Hindi na masama ang pag-unlad at
malayo-layo na rin ang ating narating.
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat;
dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim.

12
Ang mga ibong dati ay kay saya,
ngayo’y wala nang madadapuan.
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag,
ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan.
Ang mga batang ngayon lang isinilang,
may hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Lahat ng bagay na narito sa lupa,


biyayang galing sa Diyos kahit noong ika’y wala pa.
Ingatan natin at huwag nang sirain pa;
dahil pag kanyang binawi tayo’y mawawala na,

Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang tinatanong kung walang napapansin sa kapaligiran?


A. Ako B. Ikaw C. Tayo D. Mga batang tulad mo

2. Ano na ang nangyari sa hangin at ilog ngayon?


A. Kay rumi na
B. Malamig ang simoy ng hangin at malinaw ang tubig sa ilog.
C. Presko ang hangin at malamig ang tubig sa ilog.
D. Walang sagot

3. Ano ang kulay ng dagat noon at ngayon?


A. Asul noon at asul pa rin ngayon.
B. Asul noon at itim ngayon.
C. Itim noon at asul ngayon.
D. Itim noon at itim pa rin ngayon.

4. Bakit kaya wala nang madadapuan ang mga ibon ngayon na


dati ay kaysaya noon?
A. Dahil malalago ang mga puno ngayon.
B. Dahil pinuputol na ang mga puno ngayon.
C. Dahil nauubos na ang mga puno sa kabundukan.
D. B at C

13
5. Ayon sa awit ang mga punong dati ay kay tatag ngayo’y
namamatay na. Bakit kaya?
A. Dahil sa ating kalokohan
B. Dahil sa ating pagmamahal
C. Dahil sa ating kasayahan
D. Dahil sa ating kasipagan

6. Ang mga batang ngayon lang isinilang, may hangin pa kayang


matitikman? Anong uri ng hangin ang itinatanong dito?
A. Maruming hangin
B. Sariwang hangin
C. Mabahong hangin
D. Hanging amihan

7. May mga puno pa kaya silang aakyatin, may mga ilog pa


kayang lalanguyan? Anong ilog ang itinatanong dito?
A. Malinis na ilog
B. Maruming ilog
C. Malinaw na ilog
D. Ilog na maraming isda

8. Sino ang nagbigay ng lahat ng bagay dito sa lupa?


A. Ang Diyos
B. Ang kalikasan
C. Ang Maykapal
D. A at C

9. Paano natin dapat ingatan ang lahat ng bagay na bigay ng


Diyos sa atin?
A. Alagaan at huwag nating sirain
B. Mahalin at preserbahin
C. Huwag abusuhin
D. Lahat ng sagot

10. Kung patuloy nating sisirain ang ating kapaligiran, ano ang
mangyayari?
A. Tayo rin ang mawawalan at kawawa.
B. Maaari pa nating palitan ang mga nasira.
C. Papalitan ng susunod na henerasyon ang nasirang
kapaligiran.
D. Walang tamang sagot

14
Susi sa Pagwawasto

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat


Subukin Suriin Balikan
naBpagsasanay. 1.Iwasto
1.
Hannah
mo ang iyong mga 1. anoman, bawat
2. C
kasagutan sa pahina 16.
2. Sa bayan ng Nazareth isa, lahat
3. liwanag ng isang tala
3. D 2. harapin
Anong naramdaman mo matapos
4.wala siyang maihahandog malaman
kay Hesus
4. D 3. ito’y
5.mauunawaan sila ni Hesus
ang resulta ng iyong pagsisikap? malalampasan din
5. C 6. mga tangkay ng halaman
4. upang makamtan
7.naging pula ang mga dahon ng halamang
6. A lahat ng mithiin
dala niya
7. A 8. pinuri at nagpasalamat kay Hesus 5. maging matatag
sa lahat ng hamon
8. D 9. luluhod at magpapasalamat
sa buhay,
10. maging mapagpakumbaba at magkaroon magkaroon ng
9. B
ng matibay na pananalig sa Diyos matibay na
10. D pananalig sa Diyos

Karagdagang Gawain

Upang tuluyan kang maging bihasa, sanayin mo


pa ang iyong sarili sa pagsagot sa mga tanong mula sa tula sa
ibaba.
(hango sa tulang “Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran” ni Paz
M. Belvez)

Ako’y kabataang may isang mithiin


Kalikasan natin ay muling buhayin;
Sipag at tiyaga siyang puhunanin,
Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

1. Sino ang may isang mithiin?


2. Ano ang mithiin niya?
3. Ano-ano ang gagawin niyang puhunan upang muling buhayin
ang kalikasan?
4.Bakit sinasabing susi sa pag-unlad natin ang sipag at tiyaga?
5. Tumutukoy saan ang sipag at tiyaga sa tula? Ipaliwanag ang
sagot.

15
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Isagawa
1. paraiso 1. Ang ating kapaligiran 1. A

2. Maykapal 2. marumi na 2. B

3. dahil mahal Niya 3. dahil sa polusyon sa 3. A


tayo hangin at dumi sa tubig
4. D
4. kung 4. magtanim, huwag
pangangalagaan magtapon ng basura sa 5. D
ilog etc.
5. huwag abusuhin
etc.

Tayahin Karagdagang
1. C Gawain
2. A 1. kabataan
3. B 2. muling buhayin ang kalikasan
4.D
3.sipag at tiyaga
5. A
6. B 4. dahil ang masipag at matiyaga
7. A ay pinagpapala
8. D 5. sipag at tiyaga sa pag-aaral at
9. D
10. A paggawa

Sanggunian:

1. Belvez, P., (2011). Landas sa Pagbasa 6. Quezon City:


EduResources Publishing, Inc., p. 131

16
2. Lalunio, L., Ril, F. at Villafuerte, P., (2010). Hiyas sa
Pagbasa. Manila: SD Publications, Inc., pp. 52-54

3. Liwanag, L., (2011). Landas sa Wika 6. Quezon City:


EduResources Publishing, Inc., pp. 90-91

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

1
2

You might also like