You are on page 1of 19

4

Filipino
Unang Kwarter – Modyul 7:
Kasingkahulugan at Kasalungat
Filipino – Ika-limang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kasingkahulugan at Kasalungat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jailie V. Tulabing
Editor: Josie G. Estrella, Arnulfo M. Girasol, Mary Mae M. Torres
Tagasuri: Josie G. Estrella
Tagaguhit Meriam E. Gatdula
Tagalapat: Maria Katrina Pasko, John Sedrick V. Tabio
Tagapamahala: Ma. Theresa V. Avanzado - CESO VI, SDS
Samuel J. Malayo - ASDS
Milagros S. Mananquil - Chief, CID
Milagros G. Suyo - Chief, SGOD
Glenda T. Catacutan – EPS, LRMS
Arnulfo M. Girasol – Coordinator, ADM/ESP
Josie G. Estrella – EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Departamento ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tanjay


Departamento ng Edukasyon – Rehiyon VII
Office Address: Barangay 9, Tanjay City, Negros Oriental
Telefax: 415 9360
E-mail Address: depedtanjaycity@yahoo.com
4
Filipino
Unang Kwarter – Modyul 7:
Kasingkahulugan at Kasalungat
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ika-apat Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasingkahulugan at
Kasalungat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa mga guro sa
pagtuturo ng araling ito. Hinihikayat po namin kayo na
gamitin ito ng buong puso upang maihatid natin sa ating mag-
aaral ang wastong kaalaman na nararapat sa kanila.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ika-apat na Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasingkahulugan at Kasalungat.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw. Kumusta ka na? Handang-handa ka na


ba sa iba na namang gawain?

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman ang


kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita, gamit ang
pahiwating at diksyunaryong kahulugan na inyong matutunan
sa araling ito.

Sa araling ito, inasahang:

Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa:

- Kasingkahulugan
- Kasalungat
- Gamit ng Pahiwatig
- Diksyunaryong kahulugan
- F4PT-Ig-1.4

1
Subukin

A. Panuto: Piliin ang kasalungat ng mga salitang nasa


kahon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang taong iyon ay talagang batugan.
A. malaki B. tamad C. mangmang D. bayani
2. Ang kanyang kapatid ay madaldal.
A. tahimik B. makulit C. magulo D. maingay
3. Siya ay kaakit-akit na babae.
A. maganda B. gusgusin C. pangit D. masipag
4. Ang sinasakyan kong jeepney ay tumakbo ng matulin.
A. makupad B. mabagal C. mabilis D. paikot-ikot
5. Nagluto si nanay ng ulam, ito’y talagang malinamnam.
A. malasa B. masarap C. walang lasa D. matamis

B. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa


kahon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Siya’y matipid sa pera.


A. maingat B. palabili C. waldas D. mahilig gumastos
2. Masyadong malakas ang ulan kagabi kaya bumaha ang ilog.
A. matipuno B. mabilis C. pumapatak D. mahina

3. Dalisay ang tubig sa lawa ng Danao sa Calicanan.

A. malinis B. marumi C. malinaw D. makintab

4. Siya ay may matibay na pangangatawan kaya hindi siya


madaling dapuan ng sakit.
A. sakitin B. malakas C. matamlay D. mahina

5. Mag-aaral akong mabuti upang makaahon sa mahirap na


buhay ang aking mga magulang.
A. dukha B. mayaman C. maykaya D. maayos

2
Aralin
Kasingkahulugan at
7 Kasalungat

Balikan

Panuto: Isulat ang mga panghalip sa sumusunod na


pangungusap. Piliin lamang ang mga isasagot na nasa kahon sa
ibaba at isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. ______ay nag-aaral sa ika-apat na baiting.


2. Magiging matagumpay ang lahat kung ______ay
magtutulungan.
3. Ang keyk na iyan ay para sa _______.
4. Apat _______sa bawat pangkat.
5. ________ ay masisipag na bata.

Sila kami iyo tayo Ako

Mga Tala para sa Guro


Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga
panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-
aaral na gumagamit ng hiwalay na papel sa pagsulat
sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga
proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang
mabigyan ng nararapat na marka.

3
Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang tula at pagtuonan ng pansin


ang mga may salungguhit at nakakahon na mga
salita. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

Masaya sa Nayon

Masaya sa nayon, maligayang tunay,


Dito sy tahimik, payapa ang buhay;
Sagana sa isda, marami ang gulay,
Na lasa’y masarap, sadyang malinamnam.

Ayoko sa lungsod na lubhang maingay,


Di tulad sa nayon na payapang tunay;
Marumi ang hangin na hindi dalisay;
Di tulad sa nayong aking sinilangan.

Suriin

Ang tawag sa may salungguhit na salita o pares na salita ay


kasingkahulugan na salita.
Kasingkahulugan ay pares na salitang magkapareho ang
kahulugan, depenasyon, o ibig sabihin.

Halimbawa:
masaya - maligaya
tahimik - payapa
sagana - marami
masarap - malinamnam

4
Ang mga nakakahon na salita o pares ng mga salita ay tinatawag
na kasalunggat na salita.
Kasalungat- ay pares ng salitang may kabaligtaran na
kahulugan.

Halimbawa:

maingay- payapa marumi - dalisay

Tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa tulang


inyong nabasa?
2. Ano ang tawag sa mga pares ng salita na ito?
3. Anu-ano naman ang mga salitang nakakahon?
4. Ano ang tawag sa pares ng mga salitang ito?
5. Ano ang kasingkahulugan at kasalungat sa salitang
masaya?

5
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit para makabuo ng pangungusap sa
inyong sagutang papel.

1. Magiting si Andres Bonifacio. Siya ay ____________.


A. mabilis
B. matapang
C. mayaman

2. Wasto ang iyong sulat. ________ang iyong sagot.


A. tama
B. mali
C. tuwid

3. Matulin tumakbo si Jose. Siya ay _________sa lahat.


A. mabagal
B. mabilis
C. mahina

Gawain B
Panuto: Hanapin sa hanay B ang salitang kasingkahulugan ng
salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
A B

1. magtungo A. magpunta
2. maliksi B. makupad
3. mabagal C. mabilis
4. makita D. sinayang
5. inaaksaya E. matanaw

6
Isaisip

Kasingkahulugan ay pares na salitang magkapareho ang


kahulugan, depenasyon, o ibig sabihin.
Kasalungat- ay pares ng salitang may kabaligtaran na
kahulugan.
Iba pang mga halimbawa:

Kasingkahulugan Kasalungat

maganda-marikit maganda-pangit
malaki- malawak malaki-maliit
tamad- batugan tamad-masipag
Malalalalaman rin natin ang kahulugan at kasalungat ng mga
salita sa pamamagitan ng paghahanap sa pahiwatig o
palatandaan (context clue) na ginagamit.
Malalaman din natin ang kahulugan ng salita, gamit ang
depenasyon na makukuha natin sa diksyunaryo.

Isagawa

Panuto: Buuin ang bawat pangungusap. Piliin ang kasalungat


ng mga salitang nasa panaklong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong papel.

1. Ang mesa ay ______. (mahaba)


A. malaki B. kaunti C. maikli

7
2. Ang pintuan ay ______. (sarado)
A. bukas B. malapit C. malaki
3. ______ang mga bulaklak. (mabango)
A. mabaho B. maganda C. maliit
4. ______ang sorbetes. (malamig)
A. marami B.mainit C. masarap
5. Ang aklat ko ay _______. (mabigat)
A. makapal B.magaan C. kaunti

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik A kung ito ay pares ng salitang


kasingkahulugan at B kung kasalungat.
A- Kasingkahulugan
B- Kasalungat

_____ 1. mabait-matapang
_____ 2. tuwid- deritso
_____ 3. mahirap- dukha
_____ 4. magaling-mahusay
_____ 5. makitid-malapad
_____ 6. asul-bughaw
_____ 7. mataas-mahaba
_____ 8. marunong-matalino
_____ 9. magulo-malikot
_____ 10. malamig-mainit

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang kasingkahulugan sa mga salita na nasa


bilang 1-3 at kasalungat naman sa bilang 4-5. Gawin ito
sa inyong sagutang papel.

1. malalim - __________
2. malinis - __________
3. tahimik - __________
4. makinis - __________
5. maputi - __________

9
10
Pagyamanin
Isagawa Isagawa
Gawain A 1. maikli 1. maikli
1. B 2. bukas 2. bukas
2. B 3. mabaho 3. mabaho
3. B 4. mainit 4. mainit
5. magaan 5. magaan
Gawain B
1. A
2. C
3. B
4. E
5. D
Tayahin Balikan Subukin
1. B 1. Ako A.
2. A 2. tayo
3. A 3. iyo 1. B
4. A 4. kami 2. D
5. B 5. Sila 3. C
6. A 4. C
7. A 5. C
8. A B.
9. A 1. A
10. B 2. B
3. A
4. B
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa Filipino 4, Patnubay ng Guro.


.”80-81

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.c
om%2Fsearch%3Fq%3Dlarawan%2520ng%2520magkasalungat
%26tbm%3Disch%26hl%3Den-
US%26sa%3DX%26ved%3D2ahUKEwiA3fWw8-
XrAhUbK6YKHQu7A4sQtI8BKAJ6BAgBED8%26biw%3D360%26
bih%3D702%26dpr%3D2%26fbclid%3DIwAR3M-
Em5fXcch0S32E6KHphnoo13La7V1EGExRP9S5gKGoD6Stp8aK-
oKlI%23imgrc%3D0pV3q3eFKx34pM%26imgdii%3DsbinXcZZagq
7tM&h=AT2P0oSBIFJOmS4t2VAFmRPqphSgLjebkUxH6nQMlQU
uXMHGzCiVv9QXwz-
yIXfyz5VwbsCP6OjCp_lnASr6wEmqY6jOGJHXmYMJczRvaWxhgs
ZripX1vctoUevtZO7LgPFEdA
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slidesha
re.net%2Fmobile%2Falicetejero9%2Ffilipino-6-dlp-4-
magkasingkahulugan-o-magkasalungat%3Ffbclid%3DIwAR3M-
Em5fXcch0S32E6KHphnoo13La7V1EGExRP9S5gKGoD6Stp8aK-
oKlI&h=AT2P0oSBIFJOmS4t2VAFmRPqphSgLjebkUxH6nQMlQU
uXMHGzCiVv9QXwz-
yIXfyz5VwbsCP6OjCp_lnASr6wEmqY6jOGJHXmYMJczRvaWxhgs
ZripX1vctoUevtZO7LgPFEdA

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Tanjay City

Nationaa Highway, Barangay IX, Tanjay City, Negros Oriental

Telefax: 415-9360

Email Address: depedtanjaycity@yahoo.com

12
13

You might also like