You are on page 1of 26

DIVISION OF NAVOTAS CITY

8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang mga Pagbabagong Naganap
sa Europa sa Gitnang Panahon
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa
Gitnang Panahon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Ligaya L. Alcoy, Pedro I. Gilbueno Jr.
Editor: Ruth R. Reyes
Tagasuri: Thelma L. Singson
Tagaguhit:
Tagalapat: Editha R. Reyes
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang mga Pagbabagong Naganap
sa Europa sa Gitnang Panahon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasaysayan ng Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Kasaysayan ng Daigdig!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
“In the space between chaos and shape there was another chance” ang
katagang ito ay isinulat ni Jeanette Winterson na nangangahulugang sa bawat
kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Ang
tinutukoy na pagkakataon ay marahil para sa pagbangon tungo sa pag-unlad.
Ang mga mahahalagang pangyayari sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon
ay itunuturing na transisyon. Sa iyong buhay, ano sa palagay mo ang maituturing
na mahalagang transisyon?

Matutunghayan natin sa modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyonal


na panahon. Pagtutuunan natin ang mga kaganapan sa kasaysayan na nakasentro
sa Europe na ang mga pangyayari ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval.

Halina’t pag-aralan natin ang mga pangyayari sa Panahon ng Transisyonal


na humubog sa pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

MELC- *Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon


• Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire), • Ekonomiya (Manoryalismo),
• Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

Ang aralin na ito ay nahahati sa limang paksa, ito ay ang mga sumusunod:
• Iba’t ibang Salik sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
• Si Charlemagne at ang Holy Roman Empire
• Ang Krusada
• Ang Piyudalismo
• Ang Manoryalismo

Pag natapos mo ang araling ito, inaasahan na iyong matutunan ang sumusunod na
kasanayan
• Mailahad ang mga mahahalagang pangyayaring nagbigay-diin sa
pag-usbong ng Europe sa panahong medieval.
• Maiugnay ang mga pangyayari sa Gitnang Panahon tungo sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kamalayan.

1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang lahat ay salik sa paglawak ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko


maliban sa isa.
a. Pagbagsak ng Imperyong Roman
b. Uri ng Pamumuno ng Simbahan
c. Pamumuno ng mga Monghe
d. Pag-iral ng Piyudalismo

2. Binigyang –diin niya ang Petrine Doctrine na nagsasabing ang Obispo ng Roma
ang tagapagmana ni San Pedro.
a. Constantine the Great c. Papa Leo the Great
b. Papa Gregory I d. Papa Alexander IV

3. Ang hinirang na emperador ng Holy Roman Empire.


a. Charles Martel c. Pepin the Short
b. Charlemagne d. Papa Leo III

4. Ano ang layunin ng inilunsad na Krusada?


a. Mapalaganap ang Kristiyanismo.
b. Mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim.
c. Mapalawak ang teritoryo ng Imperyo.
d. Mapaunlad ang ekonomiya ng Roma.

5. Ito ang bumubuo sa pangkaraniwang tao o masa sa lipunang Piyudalismo.


a. Serf b. Page c. Squire d. Fief

6. Ang salitang ito ay hango sa Latin na “manerium” o manor na ibig sabihin ay


malaking lupang pansakahan.
a. Piyudalismo c. Manoryalismo
b. Katolisismo d. Militarismo

7. Sa krusadang ito nagkasundo sina Saladin at Richard the Lionheart na itigil


ang kanilang labanan naging resulta ng pansamantalang kapayapaan.
a. Ikatlong Krusada c. Unang Krusada
b. Ikalawang Krusada d. Ikaapat na Krusada

8. Ito ang tawag sa taong pinagkalooban ng lupain kapalit ng proteksiyon ng


panginoong may-ari ng lupa.
a. Panginoon c. Kabalyero
b. Basalyo d. Alipin

2
9. Ang lahat ay kahalagahan ng Holy Land sa Kristiyanismo, Judaismo at Islam
maliban sa isa.
a. Ito ang lupang ipinangako sa kanila.
b. Dito ipinanganak si Kristo.
c. Lugar kung saan umakyat si Muhammad.
d. Mayaman sa kulturang Romano.

10. Sa panahong niya sumampalataya sa Kristiyanismo ang mga bansang


England, Ireland, Scotland at Germany.
a. Constantine the Great c. Papa Leo the Great
b. Papa Gregory I d. Papa Leo III

11. Sa panahong Piyudalismo, ay nahahati sa tatlong uri Pari, Kabalyero at Serf.


Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Serf?
a. Sila ay itinuturing na natatanging sektor sa lipunan.
b. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng pamilya.
c. Malaya nilang mapapaunlad ang kanilang pamumuhay.
d. Sila ang bumubuo ng masa ng tao sa panahong Medieval.

12. Ang lahat ay mahalagang resulta ng Krusada maliban sa isa.


a. Muling naibalik ang kalakalan.
b. Napalaganap ang mga komersiyo.
c. Umunlad din ang kulturang Kristiyano.
d. Naging dahilan ng mga pagdanak ng dugo.

13. Isang mahalagang pangyayari sa panahong Medieval ay ang paglakas ng


Simbahang Katoliko. Kasabay nito ang paglakas ng kapangyarihan ng
Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa
Kapapahan o sa Papacy?
a. Simbolo ng Kapapahan ang malawak ng kapangyarihan ng Simbahang
katoliko.
b. Tumutukoy din ito sa kapangyarihan political ng papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
c. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring
tawag hanggang sa kasalukuyan.
d. Tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihan panrelihiyon bilang pinuno ng simbahang katoliko

14. Sa mga krusadang inilunsad, alin sa mga ito ang naging matagumpay sa
pagbawi ng Jerusalem?
a. Unang Krusada c. Ikatlong Krusada
b. Ikalawang Krusada d. Ikaapat na Krusada

15. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ang ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europe. Kaya naitatag ang “Sistemang Piyudalismo”. Ano ang
nais ipahiwatig ng pahayag?
a. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng ng mga barbaro.
b. Mahina ang pamahalaan noon kaya naging magulo ang tao.
c. Ang sistemang piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
d. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng
proteksyon.

3
Aralin Ang Daigdig sa Panahon ng
Transisyon: Mga Pangyayaring
1 Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval

Tayo ay magbalik tanaw sa natutunan niyo tungkol sa batayan ng mga


Klasiklal na kabihasnan. Sagutan ang gawain sa ibaba.

Panuto: Tukuyin ang mga hinihingi ng pangungusap. Ang unang titik ay


ibinigay upang inyong maging gabay. Isulat ang sagot sa patlang.

C_________1. Lugar kung saan isinagawa ang mga labanan ng


mga gladiator na mga Roman.
N_________2. Ang mga itinatag ng sinaunang pamayanan sa Egypt ay
umaasa rin sa taunang pagbaha ng ilog na ito.
A_________3. Kalsadang nag-uugnay sa Rome at Timog Silangang Italy.
C_________4. Sinasabing ito ang naitala na pinakaunang ebidensya ng
pagsulat sa Kasayasayan.
D_________5. And disenyo ng arkitektura na makikta sa halimbawa ng
Parthenon.
L_________6.Kauna unahang gumamit ng barya para sa pakikipagkalakan.
C_________7. Ang isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Aztec, ito ay
artispisyal na isla mula pinagpatong patong na na lupa at
mga ugat ng puno.
A_________8. Isa ito sa mga nagawa ng mga Roman na siyang
nakapagdaloy
ng tubig mula sa Bukal patungo sa mga lungsod.
L_________9. Nagtatag ng Pilosopiyang Taoismo.
P_________10. Isang matimatiko at astronomo na tumalakay sa halaga ng
Pi at ang pag-ikot hugis sphere ng daigdig.

Mga Tala para sa Guro


Ang mga Klasikal na kabihasnan sa Europa at Africa ay nakapagbigay ng
malaking pagbabago sa sanlibutan. Hanggang sa panahon ngayon ay patuloy pa rin
nating tinatangkilik at tinatamasa ang mga pamana nila.Ito ang bunga ng kanilang
pagpupunyagi upang mapabuti ang ating kalagayan ng sangkatauhan.
4
Gawain 1.1 Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Figure 1: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Medieval-farming.jpg
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mahihinuha sa larawan?
2. Sa inyong palagay, anong panahon sa kasaysayan naganap ang mga
tagpong makikita sa larawan?
3. Ang mga tagpo sa larawan ay makikita pa rin ba sa kasalukuyang
panahon? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Gawain 1.2
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang tinutukoy sa pangungusap.
Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

OBISPO CHARLEMAGNE PIYUDALISMO


MANORYALISMO KRUSADA KABALYERO

______1. Isa itong sistemang sosyo-politiko at militarismo na umiral noong Gitnang


Panahon.
______2. Ekspedisyon na ang layunin ay mabawi ang Jerusalem sa kamay ng
Turkong Muslim.
______3. Hango ito sa wikang latin na “manerium” o manor ibig sabihin ay lupang
pansakahan
______4. Apo ni Charles Martel na pinakamahusay na Emperador noong Gitnang
Panahon.
______5. Pinamamahalaan niya ang mga pari sa bawat parokya ng lungsod.

5
Iba’t ibang Salik sa Paglawak ng Kapangyarihan ng
Simbahang Katoliko.
Mayroon apat na pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglawak ng
kapangyarihan ng simbahan.

Pagbagsak ng Imperyong Romano


Dahil sa maraming suliranin kinaharap ang imperyo hindi naging madali sa
mga sumunod na pinuno na pamahalaan ang buong imperyo, ilan sa mga ito ay ang:
• Paghina ng ekonomiya ng mga lungsod
• Pananalakay ng mga barbaro
• Kakulangan ng mga tapat at may kakayahang pinuno
• Maluhong pamumuhay ng mga pinuno
• Pagbaba ng Moralidad ng mga Romano

Ang pagbagsak ng Imperyong Romano sa Europe noong 476 CE na naghari


sa Kanluran at Silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa sa loob
ng 600 na dantaon, ay maituturing na simula ng paglakas ng Simbahang Katoliko
bilang isang institusyon sa panahong medieval. Kasabay din nito ang paglakas ng
kapangyarihan ng kapapahan bilang pinakamataas na pinuno ng simbahan.
Ang kabulukan ng pamahalaang Romano at ang kaaba-abang pamumuhay
ng mga pangkaraniwang mamamayan sa Imperyong Romano ang naging dahilan ng
tuluyang pagbagsak ng imperyo sa kamay ng mga barbaro.
Malaki ang naging papel ng simbahan sa mamamayang Romano, lalo na sa
panahon ng kaguluhan. Tanging ang Simbahang Kristiyano, na isang institusyon
ang hindi pinakialaman ng mga barbaro. Ang simbahan ang nangalaga at tumugon
sa pangangailangan ng mga mamamayan. Kaya sa panahong ito nakita ng mga tao
ang naging kahalagahan ng simbahan sa kanilang buhay. Ibinigay ng tao ang
kanilang pagtitiwala at pagkilala sa simbahan bilang isang makapangyarihang
institusyon sa pamumuno at pati na rin sa para kaligtasan nila. Ito ang hudyat at
simula ng paglakas ng simbahan sa Europe sa panahong Medieval.

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong unang taon ng Kristiyanismo, pangkaraniwang tao lamang ang mga
pinuno ng simbahan na kinilala bilang Presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula
sa mga ordinaryong tao ito, sumibol ang mga pari at mga hirarkiya.

Ang Diyosesis (Diocese) ay ang kongregasyon ng mga kristiyano sa bawat


siyudad na pinamumunuan ng Obispo. Ang mga pari sa bawat parokya sa lungsod
ay nasa pamamahala ng isang Obispo. Lumaganap ang Kristiyanismo mula sa mga
siyudad patungo sa mga lalawigan. Komukonsulta sa mga Obispo ang mga pari sa

6
kanilang pamumuno. Ang pamamahala ng Obispo ay hindi lamang sa aspetong
espirituwal, pinangagasiwaan din nila ang mga gawaing pangkabuhayan, pang
edukasyon at pagkawanggawa. Nasa kamay din ng Obispo ang pangangasiwa sa
kaayusan at katarungan sa lungsod na kanilang nasasakupan. Tinawag na mga
Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking siyudad at naging sentro ng
Kristiyanismo. Ang Obispo ng Roma ay tinawag bilang Papa o Santo Papa, at kinilala
bilang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe. Siya ay
kabilang sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng parokya.

Uri ng Pamumuno ng Simbahan


Sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano marami sa
mga naging pinuno ng simbahan ay malaki ang naitulong dito. Ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:
Pinuno/Papa Paraan ng Pamumuno
Constantine the Great • Binuo niya ang Konseho ng Nicea at
pinagkaisa ang lahat ng Kristiyano sa
buong Imperyo ng Rome.
• Sa pamamagitan ng Konseho ng
Constantinople ay pinalakas niya ang
Kapapahan. Pinili ang Rome bilang
pangunahing diyoses (Diocese), dahil dito
kinilala ang Obispo ng Rome bilang
Figure 2 https://pixabay.com/vectors/aurelius-
constantine-2028609/ pinakamataas ng pinuno ng Simbahang
Katoliko Romano.
Papa Leo the Great • Ipinakilala niya ang Petrine Doctrine, na
nagsasabing ang Obispo ng Rome ang
tagapagmana ni San Pedro. Inimungkahi
niya rin sa emperador ng Kanlurang Europe
na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo
ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng
Simbahan. Subalit tumanggi naman ang
Simbahang Katoliko sa Silangang Europe
Figure 3
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Leo_the_Great_the_Pope
na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas
_of_Rome.jpg ng pinuno ng Kristiyanimo.
Papa Gregory I • Naging matagumpay naman si Papa
Gregory I nang magawa niyang
sumampalataya ang iba’t ibang barbarong
tribo at maipalaganap ang Kristiyanismo sa
malalayong lugar sa Kanlurang Europe.
Nagpadala rin siya ng mga misyonero sa
iba’t ibang bansa, dahil dito
sumampalataya sa Kristiyanismo ang
Englad, Ireland, Scotland, at Germany.
Figure 4
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gregorius_I._Gregorius_
Magnus._Gregorio_I._Gregorio_Magno,_santo_e_papa.jpg

Pamumuno ng mga Monghe


Sa paglakas ng Kristiyanismo sa Europe, ang mga Monghe na isang pangkat
ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay ay tumira sa monasteryo
upang ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Diyos. Ang tawag sa pamamaraan
ng pamumuhay ng mga Monghe ay Monastisismo.

7
Mahigpit ang mga alituntunin na ipinatutupad sa mga monghe sa loob ng
monasteryo, kaya hindi naging madali ang buhay nila dito. Kailangan nilang
panatilihin ang asetikong pamumuhay o ang disiplinadong pamumuhay na
lumalayo sa kahit na anong luho at kamunduhan.
Bukod sa dulot na inspirasyon ng disiplinadong pamumuhay. Ang mga
Monghe ay nagkaroon din malalaking ambag sa pagpapanatili ng kaalamang klasikal
ng mga sinaunang Griyego at Roman. Ang mga Monghe ay nagtago ng kaalaman sa
kanilang mga aklatan. Ang lahat ng mga libro na kanilang iningatan ay matiyagang
isinulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil dito, ang mga kaalaman
tungkol sa Sinauna at Panggitnang Panahon ay napangalagaan hanggang sa
kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga Monghe sa kanlurang Europe ay
higit na nakatulong upang mas lumawak ang katanyagan at kapangyarihan ng
Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa.

Si Charlemagne at ang Holy Roman Empire


Isa sa mga apo ni Charles Martel si Charlemagne, ang isa sa mga naging
pinakamatagumpay na hari sa Europe sa Gitnang Panahon. Ang ama ni
Charlemagne, si Pepin na anak ni Charles Martel ay hinirang na hari ng mga Frank
at kinoronahan ng Santo Papa. Nang manahin ni Charlemagne ang korona noong
768 CE, nakuha niya ang suporta ng Simbahan. Sa loob ng mahigit sa apat na
dekadang pamumuno ni Charlemagne, pinalawak niya ang kanyang imperyo at isang
malaking bahagi nito ang pagpalaganap ng Kristiyanismo. Noong Pasko ng taong
800 CE, hinirang ni Papa Leo III si Charlemagne bilang emperador ng mga Romano.
Kaya naman matataguriang Holy Roman Empire ang dominion o imperyong
pinamunuan niya.

Sa ilalim ng pamumuno ni Charlemagne, nagkaroon siya ng aktibong


pagtatangka na palaganapin ang kaalaman at pagtataguyod ng relihiyon. Nang
mamatay si Charlemagne noong 814 CE, hindi naging matagumpay ang kaniyang
anak at apo sa pagpapanatili ng Imperyo at muling nagkawatak-watak ang Europe.

Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekpedisyong militar na ipinatupad ng Kristiyanong
Europeo. Ang salitang Krusada na galing sa salitang “Crusade” ay nagmula sa
salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Taglay ng mga Krusador ang
simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.
Taong 1095 nang manawagan si Papa Urban II sa mga kristiyanong hari at
mamamayan na magpadala ng mga hukbo sa Holy Land upang bawiin ito sa mga
Muslim. Hinikiyat niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at kanyang
pinangakuan ang mga ito na patatawarin sa kanilang mga kasalanan, maging
malaya sa pagkakautang, at kalayaan pumili ng Fief mula sa kanilang nasakop.
Ang Krusada ay isang malinaw na halimbawa sa lawak ng kapangyarihan ng
Kristiyanismo sa buhay ng mga Europeo noong gitnang panahon. Sa pagsapit ng
ika-11 na dantaon ang mga Europeo at mga Kristiyano sa Byzantine ay lalong
naalarma sa paglakas ng mga Turkong Muslim (Seljuk Turk)

8
Mahalaga ang Jerusalem para sa tatlong relihiyon ng Kristiyanismo,
Judaismo, at Islam.

Pigura 4.1: Kahalagahan ng Holy Land sa Kristiyanismo, Islam at Judaismo.

Judaismo
Ito ang lupaing
ipinangako ng Diyos sa
kanila.

Kristiyanismo Islam
Ipinanganak at Ito ang lugar kung
namatay si saan umakyat si
HOLY Muhammad sa
Kristo.
langit.
LAND

Talahanayan 4.2: Ilang Mahahalagang Kaganapan Sa Panahon Ng Krusada

Krusada Pangyayari
Unang Krusada • Panghihikayat ni Papa Urban ukol sa pagbawi
(1096-1099) ng Jerusalem
• Matagumpay na pagbawi sa Jerusalem
• Nanatili sila sa Jerusalem ng Limampung Taon
ngunit sinalakay rin sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada • Dahil sa panghihikayat ni St. Bernard ng
(1147-1149) Clairvaux
• Sa pamumuno nina Haring Luis VII at Emperor
Conrad III ng Germany nasakop nila ang
Damascus
Ikatlong Krusada • Nilahukan nina Richard the Lionheart ng
(1189-1192) England, Philip Augustus ng England at
Emperor Frederick Barbossa ng Roman Empire.
• Namatay si Frederick sa pagkalunod at umuwi
naman sa France si Philip dahil sa alitan nila ni
Richard the LionHeart.
• Nagkasundo naman sina Saladin ng mga
Muslim at Richard the Lionheart na itigil ang
sagupaan sa dalawang panig.

Resulta ng Krusada
Ang isa sa magandang naidulot ng Krusada ay muling naibalik ang kalakalan.
Napalaganap ang komersiyo at ito ang nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod
at malalaking daungan. Umunlad din ang Kulturang Kristiyano dahil sa mga
kaalaamang dala ng mga umuwi galing sa Krusada.

9
Mula sa Krusada ang naghudyat ng unti-unting pagtatapos ng Gitnang
Panahon tungo sa pagsibol ng Renaissance.

Ang Piyudalismo
Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal
na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang
tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng
pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng Hari.
Naibangon muli ang mga local na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga
maharlikha katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga Barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga
Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya
kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala
ngayon sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay ng mga Barbaro ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng
proteksyon kaya naitatag ang Sistemang Piyudalismo.
Ang Sistemang Piyudalismo
Ang hari ang nagkakaloob ng lupain sa mga Maharlika. Bilang kapalit
kailangan nilang pamunuan at bigyan proteksiyon ang mga estado at lalawigan nito.
Dito umusbong ang sistemang pulitikal na lumaganap sa Europa noong ika-13
siglo. Dahil hindi pa kilala ang paggamit ng pera noong mga panahong iyon, lupa
ang nagsisilbing kabayaran at kabuhayan ng mga mamamayan dito.
Sa Sistemang Piyudalismo ang lipunan ay nahahati sa iba’t ibang pangkat ng
tao. Ito ay binubuo ng mga Panginoon, Basalyo, Kabalyero at mga alipin (Serf).
Ang panginoon (Land Lord) ang may-ari ng lupain na nagkakaloob sa basalyo
(Vassal) na pinagkalooban ng lupain kapalit ng proteksiyon na ibibigay nila.
Inaasahan ng panginoong may-ari lupa na magiging matapat ang basalyo sa
kanyang paglilingkod.
Ang mga Kabalyero (Knight) ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pagtatanggol sa kanilang pinaglilingkurang panginoong may-ari ng lupa.
Nagsisimula ang pagiging kabalyero sa edad na pitong taon, ang tawag dito ay page.
Bilang isang page, itinuturo sa kanya ang paghawak ng espada sa pakikipaglaban
at wastong pangangabayo. Pinapapalakas rin ang kanyang pangangatawan para sa
paghahanda sa mga mabibigat na gawaing pisikal.
Sa edad na 16 na taon siya ay tinatawag na squire , inaasahan na siya ay
mahusay na sa pakikipaglaban habang nakasakay sa kabayo. At sila ang nag-
aasikaso ng mga personal kagamitan ng mga tunay na kabalyero.
Kapag siya ay tumuntong sa edad na 21, igagawad na sa kanya ang titulong
Kabalyero. Sasaksihan ng kaniyang pamilya ang isang seremonya na kung saan ang
batang squire ay luluhod sa harap ng panginoon at ihahayag na isa na siyang
kabalyero sa pamamagitan ng pagtapik nang mahina sa kanyang balikat na

10
sumisimbolo sa pagiging isang tunay na tagapaglingkod. Ang kabalyero ay
inaasahang magiging matapat, matulungin at magalang sa lahat ng pagkakataon.
Ang Serf ay binubuo ng mga pangkaraniwang tao o “masa”. Sila ang
pinakamababa sa lipunan at walang pagkakataong umangat sa buhay. Nakatali ang
kanilang buhay sa lupang kanilang sinasaka na walang bayad. Maaari lang silang
mag-asawa kung pahihintulutan sila ng kanilang panginoon.

Ang Manoryalismo
Hindi lang sistemang piyudalismo ang umiral noong Gitnang Panahon,
nagkaroon din ng isang sistemang pang-ekonomiya na tinatawag na Manoryalismo.
Ang salitang ito ay hango sa salitang Latin na “manerium” o manor na ibig sabihin
ay malaking lupang pangsakahan. Sa malaking lupaing ito matatagpuan ang bahay
ng may-ari ng lupa (Landlord) at tirahan ng mga serf o mga aliping nagsasaka.
Makikita rin dito ang simbahang pinamamahalaan ng mga pari. Nakapaloob din sa
Manor ang kamalig, kiskisan, panaderya, pandayan at pastulan. Ang Panginoon ay
umaasa sa kita ng pagsasaka sa Manor na kaniyang magiging kayamanan.

Gawain 1.1

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali.

______1. Nakapaloob din sa manor ang kamalig, kiskisan, panaderya, pandayan at


pastulan.
______2. Ang Ikatlong Krusada ay pinamunuan nina Haring Luis VII at Emperor
Conrad III ng Germany
______3. Ang Kabalyero ay binubuo ng mga pangkaraniwang tao o “masa”.
______4. Binuo ni Constantine the Great ang Konseho ng Nicea at pinagkaisa ang
lahat ng Kristiyano sa buong imperyo ng Rome.
______5. Isa sa mga salik sa paglawak ng Kapangyarihan ng Simbahang Katoliko ay
ang pagbagsak ng Imperyong Roman.
______6. Hinirang ni Papa Leo III si Charles Martel bilang unang emperador ng Holy
Roman Empire.
______7. Ang panginoon (Land Lord) ang may-ari ng lupain na nagkakaloob sa
basalyo.
______8. Ipinakilala ni Papa Gregory I ang Petrine Doctrine, na nagsasabing ang
Obispo ng Rome ang tagapagmana ni San Pedro.
______9. Ang isa sa magandang naidulot ng Krusada ay muling naibalik ang
kalakalan.
______10. Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng
Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum.

11
Gawain 1.2
Panuto: Gamit ang Venn Diagram paghaambingin ang pagkakaiba at pagkaktulad
ng Piyudalismo at Manoryalismo.

PIYUDALISMO MANORYALISMO

PAGKAKATULAD

Gawain: Lesson Closure


Panuto: Punan ang mga patlang ng mga wastong salita upang mabuo ang mga
kaisipan mula sa ating napag-aralan.

12
Nalaman ko na mayroon apat na salik ang nagbigay-daan sa paglawak ng
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko ito ay: pagbagsak ng Imperyong Roman,
matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan, (1.)______________, at
pamumuno ng mga monghe.
Noong Pasko ng taong 800 CE, hinirang ni Papa Leo III si (2.)____________
bilang emperador ng mga Roman. Sa kanyang pagkamatay nahati ang imperyo at
humina ang kapangyarihan ng hari. Ito ang nagbunsod upang umiral ang isang
sistemang sosyo-politiko at militarsimo na tinawag na (3.)________. Lupa ang
kabayaraan kapalit ng proteksiyon sa mga lungsod at lalawigan.
Hindi lang Piyudalismo ang umiral noong Gitnang Panahon pati na rin ang
sistemang Manoryalismo. Ito hango sa salitang Latin na (4.)_________ na ibig
sabihin ay malaking lupang pansakahan.
Maging ang (5)_________ o ang ekspedisyong militar na may layunin
mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim ay naganap rin sa Gitnang
panahon at mula sa mga transisyon ito sumilay ang mga kalakalan sa lungsod.

Pamprosesong tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa sa ating aralin.

1. Paano mo maiiugnay ang mga pangyayari sa Gitnang Panahon sa ating


kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.

2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang


pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag.

Gawain 1.1
Panuto: Gumuhit ng painting tungkol sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa
Europa noong Gitnang Panahon. Maaaring gawing batayan ang mga pang-araw-
araw na Gawain ng mga tao sa ilalim ng Sistemang Piyudalismo at Manoryalismo.

13
Criteria sa Pagmamarka:

Nilalaman 10
Pagiging Malikhain 10
Kalinisan 5
Total 25

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
pagpipilian.

14
1. Ang lahat ay salik sa paglawak ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
maliban sa isa.
a. Pagbagsak ng Imperyong Roman
b. Uri ng Pamumuno ng Simbahan
c. Pamumuno ng mga Monghe
d. Pag-iral ng Piyudalismo

2. Binigyang –diin niya ang Petrine Doctrine na nagsasabing ang Obispo ng Rome
ang tagapagmana ni San Pedro.
a. Constantine the Great c. Papa Leo the Great
b. Papa Gregory I d. Papa Alexander IV

3. Ang hinirang na emperador ng Holy Roman Empire.


a. Charles Martel c. Pepin the Short
b. Charlemagne d. Papa Leo III

4. Ano ang layunin ng inilunsad na Krusada?


a. Mapalaganap ang Kristiyanismo.
b. Mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim.
c. Mapalawak ang teritoryo ng Imperyo.
d. Mapaunlad ang ekonomiya ng Roma.

5. Ito ang bumubuo sa pangkaraniwang tao o masa sa lipunang Piyudalismo.


a. Serf c. Squire
b. Page d. Fief

6. Ang salitang ito ay hango sa Latin na “manerium” o manor na ibig sabihin ay


malaking lupang pansakahan.
a. Piyudalismo c. Manoryalismo
b. Katolisismo d. Militarismo

7. Sa Krusadang ito nagkasundo sina Saladin at Richard the Lionheart na itigil


ang kanilang labanan na naging resulta ng pansamantalang kapayapaan.
a. Ikatlong Krusada c. Unang Krusada
b. Ikalawang Krusada d. Ikaapat na Krusada

8. Ito ang tawag sa taong pinagkalooban ng lupain kapalit ng proteksiyon ng


panginoong may-ari ng lupa.
a. Panginoon c. Kabalyero
b. Basalyo d. Alipin

9. Ang lahat ay kahalagahan ng Holy Land sa Kristiyanismo, Judaismo at Islam


maliban sa isa.
a. Ito ang lupang ipinangako sa kanila.
b. Dito ipinanganak si Kristo.
c. Lugar kung saan umakyat si Muhammad.
d. Mayaman sa kulturang Romano.

10. Sa panahong niya sumampalataya sa Kristiyanismo ang mga bansang


England, Ireland, Scotland at Germany.
a. Constantine the Great c. Papa Leo the Great

15
b. Papa Gregory I d. Papa Leo III

11. Sa panahong Piyudalismo, ay nahahati sa tatlong uri pari, kabalyero at serf.


Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa serf?
a. Sila ay itinuturing na natatanging sektor sa lipunan.
b. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng pamilya.
c. Malaya nilang mapapaunlad ang kanilang pamumuhay.
d. Sila ang bumubuo ng masa ng tao sa panahong Medieval.

12. Ang lahat ay mahalagang resulta ng Krusada maliban sa isa.


a. Muling naibalik ang kalakalan.
b. Napalaganap ang mga komersiyo.
c. Umunlad din ang kulturang Kristiyano.
d. Naging dahilan ng mga pagdanak ng dugo.

13. Isang mahalagang pangyayari sa panahong Medieval ay ang paglakas ng


Simbahang Katoliko. Kasabay nito ang pagalakas ng kapangyarihan ng
Kapapahan (Papacy) Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa
Kapapahan o sa Papacy?
a. Simbolo ng kapapahan ang malawak ng kapangyarihan ng Simbahang
katoliko.
b. Tumutukoy din ito sa kapangyarihan political ng papa bilang pinuno
ng estado ng Vatican.
c. Itinuturing ang papa bilang ama ng mga kristiyano na siya pa ring
tawag hanggang sa kasalukuyan.
d. Tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihan panrelihiyon bilang pinuno ng simbahang katoliko.

14. Sa mga krusadang inilunsad alin sa mga ito ang naging matagumpay sa
pagbawi ng Jerusalem?
a. Unang Krusada c. Ikatlong Krusada
b. Ikalawang Krusada d. Ikaapat na Krusada

15. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ang ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europe. Kaya naitatag ang ang Sistemang Piyudalismo. Ano
ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng ng mga barbaro.
b. Mahina ang pamahalaan noon kaya naging magulo ang tao.
c. Ang Sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
d. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng
proteksyon.

Gawain 1.1
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ma sumusuri sa mga dahilan at bunga ng
paglakas ng Simbahang Katoliko bilang institusyon sa Gitnang Panahon.

16
Criteria sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS
Wasto at sapat ang mga inilahad na impormasyon 5

Nakapagbigay ng mga suportang detalye 5

Maayos ang organisasyon at daloy ng sanaysay 5


KABUUANG PUNTOS 15

Gawain 1.2
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba. Itala ang mga mahahalang pangyayari humubog
sa Gitnang Panahon sa Europe.

PANGYAYARI

Paglakas ng Simbahan

Piyudalismo

Manoryalismo

Krusada

17
18
PUBLISHING HOUSE.
& Fronteras, A. (2016). Makisig – Araling Asyano. MAGALLANES
Molina, R. V., Alcantara, B. J., Somera, L., Moncal, J., Sismondo, G., •
Aklat
Sanggunian
Tayahin
1. D
Pagyamanin Balikan 2. C
3. B
1. T 1. Colosseum 4. B
2. M 2. Nile River 5. A
3. M 3. Appian Way 6. C
4. T 4. Cuneiform 7. A
5. T 5. Doric 8. B
6. M 6. Lydian 9. D
7. T 7. Chinampa 10. B
8. M 8. Aqueduct
9. T 9. Lao Tzu 11. D
10. T 10. Pythagoras 12. D
13. D
14. A
15. D
Tuklasin
Isaisip
Gawain 1.2
Gawain 1
1. Piyudalismo
2. Krusada 1. Uri ng
3. Manoryalismo Pamumuno
4. Charlemagne 2. Charlemagne
5. Obispo 3. Piyudalismo
4. Manerium o
manor
5. Krusada
• Blando, R., Mercado, M., Cruz, M. A., Espiritu, A., De Jesus, E.,
Pasco, A., Padernal, R., Manalo, Y., & Asis, K. L. (2014). Kasaysayan
ng Daigidig Araling Panlipunan - Modyul ng Mag-aaral (Unang
Edisyon ed.). VIBAL PUBLISHING HOMES, INC.

• Cruz, M. A., Fietas, M. A., & Mercado, M. (2015). Kasaysayan ng


Daigdig (2015th ed.). VIBAL PUBLISHING HOME, INC.

Larawan
• Leo the Great the Pope of Rome [Illustration]. (2016, September 19).
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Leo_the_Great_the_Pope_of
_Rome.jpg

• Gasperotti, D. (n.d.). ritratti pontefici 1879 [Photograph].


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gregorius_I._Gregorius_Ma
gnus._Gregorio_I._Gregorio_Magno,_santo_e_papa.jpg

• de Rome, G. (2019, October 23). [Português: Trata-se de pessoas


utilizando dos mais diversos métodos de agrícolas para realização de
plantações e colheitas.].
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Medieval-farming.jpg

• Aurelius Constantine [Illustration]. (2017, January 31).


https://pixabay.com/vectors/aurelius-constantine-2028609/

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like