You are on page 1of 25

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-
Modyul 1: PAG-USBONG
AT PAG-UNLAD NG MGA
KLASIKAL NA LIPUNAN
SA EUROPE
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kabihasnang Minoan, Mycenaean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulangbayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catalina Lequin

Editor: Ken Brian C. Alegado

Tagasuri: April Ann R. Dela Concepcion

Tagaguhit:

Tagalapat: Joan L. Pajarilla

Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Allan B. Matin-aw, Mary Jane J. Powao, Aquilo A.


Rentillosa, Cristina T. Remocaldo, Elena C. Labra, Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division


Department of Education – Region VII Central Visayas

Office Address: Department of Education-Carcar City Division


(Learning Resources Management Section)
Telefax: (032) 4878495____________________________________
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com_______
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 1:
Week 1
PAG-USBONG AT PAG-
UNLAD NG MGA
KLASIKAL NA LIPUNAN
SA EUROPE

i
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kabihasnang Minoan, Mycenaean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


Estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang
Klasiko ng Greece

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mgabahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isangs itwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pangunawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapa loob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sana katatanda mong kapatid o sino

iv
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN :

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at


masusuri ang kabihasnan ng mga Minoan, Mycenean at kabihas nang klasiko ng
Greece “Change is inevitable”. Karaniwan nang naririning ang ganitong kasabihan.
Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka
nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggan ngayon. Kung iisipin, tao lang
baa ng nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narrating ng mundo ang
kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng
malaking pagbabago. Nais mob a itong malaman? Sa yunit na ito ay mauunawaan
mo ang mga pangyayari sa Kasaysayay ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na
Panahon. Inaaasahan sa pagtatapos ng iyong paglalakbay sa panahong ito ay
masasagot moa ng katanungang: Paano nakaimpluwensiya ang mga kontribusyon
ng Klasikal at Transisyunal na Panahon sa paghubog ng pakakakilanlan ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig?

Ang modyul na ito ay naka pokus sa pagtalakay tungkol sa ANG DAIDGDIG SA


KLASIKAL NA PANAHON na nahahati sa sumusunod paksa:

 Paksa 1 – Ang mga Minoan


 Paksa 2 - Ang mga Mycenean
 Paksa 3 - Kabihasnang klasiko ng Greece
a.Heagrapiya
b.Ang mga Polis
c.Sparta, ang pamayanan ng mga mandirigma
d.Ang Banta ng Persia
e.Ang digmaang Greece-Persia
f. Ginintuang Panahon ng Athens

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


 Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece
(MELC1)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
 nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece;
 nailalarawan ang mga Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece base
sa nakakapaloob sa teksto; at
 nakakagawa ng slogan tungkol sa pangangalaga ng kabihasnang Greece

SUBUKIN:

Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
Sagutang papel.

1. Ang bansang Gresya ay napapaligiran ng tatlong dagat. Alin sa tatlo ang


hindi?
a. Aegean b. Ionian c. Mediterranean d. Tiber

1
2. Ang mga karagatang pumapalibot sa Gresya ay?
a. Tumutulong upang maging mahusay na mandaragat ang mga Griyego
b. Nag silbing landas ng transportasyon, komunikasyon at kalakalan
c. Daanan ng kultura mula sa kabihasnang Misopotamya at Griyego
d. Lahat mula sa A hanggang C
3. Maliit lamang ang lupain gamit sa pagsasaka. Ito ay dahilan kung bakit ito
ang hanapbuhay ng mga tao. Alin sa mga ito ang hindi?
a. Mandaragat b. mandirigma c. mananakop d. mangangaso
4. Ano ang nagging inspirasyon ng mga Griyego upang sila’y maging malikhain,
mapagmahal sa kagandahan, kalayaan, karunungan at sining?
a. Kalikasan c. kanilang mga Diyos
b. Kanilang bansa d. kanilang pamilya
5. Sa lungsod na ito matatagpuan ang kanilang palasyo na nagsisilbing sentro
ng kaharian ng mga Griyego?
a. Cyprus b. Edessa c.Knossos d. Thera
6. Paano naglaho ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE?
a. Matinding pagsabog ng bulkansa Thera
b. Matinding pagyanig sa lupa
7. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sap ag
unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga naka palibot na anyong-tubig upang
maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe,
Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan
dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Na impluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa
at Asya ang kabihasnang Minoan
a. I at II b. II at III c. II at IV d. I, II, at III
8. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo. Ito ay yumaman sa
pakikipagkalakalan sa ibayon dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Napakalakas ng puwersang pang military ng Minoan
b. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
c. Nakarating sa iba’t-ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
d. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete
9. Sino ang kinikilalang hari ng mga Minoan?
a. Minos b. Agamemnon c. Cyrus d. Alexander
10. Tinaguriang pinakamalaking lungsod ng mga Mycenean?
a. Knossoss b. Athens c. Sparta d. Mycenea
11. Isang akda ni Homer tungkol sa digmaan ng Griyego at Trojan?
a. Odyssey b. Iliad c. Zarsuela d. Ramayana
12. Ito ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Greysa, na tinatayang nasa 90 km.
timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese?
a. Knossos b. Athens c. Sparta d. Mycenea
13. Pagsunggab sa sungay ng toro at pagsirko sa likod nito ang ritwal na ito ay
maaaring nag mula sa alamat ng Minotaur?
a. Bull Dancing b. Fresco c. Linear A d. Linear B
14. Siya ang nakapatay sa Minotaur sa payo ng anak na dalaga ni Haring Minos na
si Adriane?
a. Theseus b.Taurus c. Cyrus d. Darius
15. Tinaguriang “Ama ng Kasaysayan”?
a. Phidias b. Homer c. Arristotle d. Herodutos

2
ARALIN 1

ANG DAIDGDIG SA KLASIKAL NA PANAHON

BALIKAN:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagut sa sagutang
papel.

1.Epikong Isinulat ni Homer?

2.Tawag sa mga taga Mycenea ayon kay Homer?

3.Kabihasnang hinango sa pangalan ni Haring Minos?

4.Matandang Lungsod sa Griyego?

5.Ang nakapatay sa Minotuar?

TUKLASIN:

Isulat sa inyong sagutang papel ang “Sana all” kung ang pahayag ay
katotohanan at “Pak Ganurn” kung ang pahayag opinion.

1.Ipinalagay na nasira ang isang palasyo sa Knossos dahil sa isang malakas na


lindol.
2.Gayun din, nahukay ni Arthur Evans ang mga hinurnong clay tablets na may
dalawang uri ng pagsulat ang Linear A at Linear B.
3.Ang mga Minoan ay may kulturang hindi maunlad dahilan sa kanilang lokasyon.
4.Nagwakas ang kabihasnang Minoan nang sakupin ito ng mga taga- Greece
5.Kilala rin sa tawag na Achaean ang mga Mycenean.
6.Noong 1250 BCE, nagpangkat ang mga Achaean sa pamumuno ng isang haring
Mycenean upang salakayin ang Troy
7.Hanggang 1800, ipinalagay ng mga historyador na walang halaga sa kasaysayan
ang mga nakasulat sa Iliad at Odyssey.
8.Noong 1871, sinimulang hanapin ni Heinrich Schliemann sa Hisarlik, Turkey ang
pinaniniwalaang kinaroroonan ng lungsod ng Troy.
9. Nang bumagsak ng Troy, sinakop ng mga Persiano ang Greece.
10.Naglaho ang kadakilaan ng sibilisasyong Mycenean.

3
SURIIN:

ANG KABIHASNANG MINOANS

Nagsimula ang sina unang sibilisasyon sa Europa sa may isla ng Crete sa


Greece may 4500 taon na ang nakaraan. Tinawag itong sibilisasyong Minoan mula
sa pangalan namaalamat na haring si Minos na namuno nang mga panahong iyon.
Kaunti lang ang kaalaman sa kulturang Minoan ang naisulat bago ang
pagkakatuklas sa isang palasyosa Knossos noong 1900 ng arkeologong British nasi
Arthur John Evans. Ipinalagay na nasira ang palasyo dahil sa isang malakas na
lindol noong 1700 BCE. Isang panibagong dinastiya ang bumuo ng isang
maningning na kultura. Muling itinayo ang palasyo ng Knossos na higit na magarbo
kaysa sa nauna. Umabot ito sa apat na palapag na may malalaking silid, paysahe at
magandang silid nakinalululklukan ng trono. Ang mga santuaryo sa loob ng palasyo
ay nagsisilbing pook-sambahan para sa inang diyosang kung tawagin ng mga
Griyego ay Rhea na ang simbolo ay dalawang palakol.
Natagpuan rin sa mga labing nahukay ang maraming istruktura at mga bagay
na yari sa metal. Gayun din, nahukay ni Evans ang mga hinurnong clay tablets na
may dalawanguri ng pagsulat: ang Linear A at Linear B.
Pinatunayan ng British cryptologist nasi Michael Ventris at ng klasikal na
iskolar na si John Chadwickna ang Linear B ay gingamit ng mga sinaunang Griyego.
Ang Linear A na ginagamit ng mga Minoan ay hindi pa nababasa. Ang pagkatuklas
sa Linear B sa Crete ay sumusuporta sa konklusyon na ang mga Mycenean ay nag
mula sa mga lahi ng mga Minoan.
Itinuturing na isang kabihasnang dagat ang Minoan. Nakasalalay ang
kanilang kayamanan sa pakikipagkalakalan. Tinatayang narating ng mga Minoan
ang kapangyarihan noong 1600BCE nang kontrolin nila ang buong Aegean at
nakipagkalakalan sa mga taga-Egypt. Naglagalag ang mga bangkang Minoan sa
Dagat Mediterranean upang maghanap ng mga lata at tansong ginagamit nila sa
paggawa ng bronse. Kapalit nito, nila ang mga kahoy at langis ng olive sa Egypyt at
Syria.

4
Ang mga Minoan ay may maunlad na kultura. Mayroon silang mga palaro at
palakasan sa kanilang paglilibang. Inilarawan ito sa mga frescoes o pinta sa mga
dingding sapalasyo ng Knossos. May mga frescoes na nagpapakita ng mga batang
lalaki at babae na nagtutunggali sa palarong acrobatics. Mayroon ding mga pinta ng
mga kababaihang elegante ang pananamit na naglalakad sa hardin ng palasyo.
Maliban dito, natuklasan ang mga larawan ng mga isda at iba pang mga hayop sa
dagat. Gayundin, may mga rebultong naglalarawan ng isang tahimik at masayang
lipunan.
Nagwakas ang kabihasnang Minoan nang sakupin ito ng mga taga-Greece.
Ang Knossos ay tuluyang winasak ng lindol, pagsabog ng bulkan o di kaya ay ng
mgamananakop. Gayun paman, naimpluwensiyahan nito ang mga tao sa Greece.

GABAY NA TANONG

1.Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?


___________________________________________

2. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?


_______________________________________________________________

3. Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?


_____________________________________________________________

4. Bakit nag wakas ang Kabihasnang Minoan?


____________________________________________

ANG KABIHASNANG MYCENAEAN

Isang matandang lungsod sa Greece ang Mycenea na lumago mula ika-16


nadantaon BCE. Tinaguriang Mycenean ang kulturang yumabong dito. Naging
sentro ang Mycenea ng sibilisasyong Griyego pagkaraan ng Minoan sa Crete.
Ang mga Mycenean ay dumating sa Greece mula sa Balkan noong 2000 BCE
ay kilala rin sa tawag na Achean. Nagtayo sila ng mga bahay sa gilid ng mga burol
at noong 1650 BCE, marami sa mga pamayanang ito ay lumago at nagging mga
bayan na may mararangyang palasyo at masaganang mga produkto. Binuo ang mga
Mycenea ng higit-kumulang sa dalawampung mga lungsod estado.
Pinalawak ng mga Achaean ang kanilang imperyo sa pamamagitan ng
pakikidigma at pakikipagkalakalan. Nakontrol nila ang Aegean at nasakop ang
Knossos. Nagtayo sila ng matibay na moog at bawat lungsod ay pinamunuan ng
isang haring mandirigma. Sa labas ng bawat napapaderang lungsod, nakatira ang
mga mangangalakal, artisan at mga magsasakang nakatira sa mga maliliit na
pamayanan.
Pinaunlad ng mga Achean ang kulturang Minoan.Muling binuhay ng mga
artisan sa Mycenea ang mga disenyo sa mga alahas, banga at mga kasangkapang
Minoan.

5
GABAY NA TANONG:
Ano-anongimpormasyon ang mahahalawmula a teksto ng mga Mycenean?
1. __________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________

ANG KABIHASNANG KLASIKO NG GREECE


Heograpiya:

Ang kabihasnang Griyego ay nagsisilbing binhi ng iba pang kabihasnan sa


Europe. Halos ginagaya ito ng kabihasnan ng Imperyo ng Rome. Nagkaroon ito ng
malaking impluwensya sa pulitika, wika, Sistema ng edukasyon, pilosopiya, agham
at sining sa imperyo. Kahit lipas na ang katanyagan ng kabihasnang Griyego,
maramdaman pa rin ang tatak nito sa sumusunod na mga kabihasnan.

6
ANG MGA POLIS

Sa panahon ng digmaan, ito ang nagging takbuhan ng mga Greek para sa


kanilang proteksyon. Sa acropolis, matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo
kung kaya’t ito ang nagging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala,
ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran
ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa mga lungsod-estado,
naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung
bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi
lahat ng mga nasa lungsod - estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong
mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak
ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit,
sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis
sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay
nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod estado. Kasabay nito ang mabilis na
paglaki ng populasyon na nagging pangunahing dahilan naman kung bakit
nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang
Mediterranean at Iton. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang panig ng daigdig,
natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician
ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na nagging bahagi naman ng kanilang sariling
alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas
malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang
sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit
ng sinsilyo at barya.

7
SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA

Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa


kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na
angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa
pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at
pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay
dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o taga saka sa malawak nilang lupang
sakahan. Sa makatuwid, nagging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming
pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay
walang nagtagumpay. Dahilan sa palagi ang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon
ang mga Spartan napalakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang
pamayanan ng mga mandirigma upang maging lagging handa sa labanan. Ang
nagging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga
kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng
kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol
ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang
ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na
sa mga kampo – military upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa
serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa
pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay.
Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang
sila na Makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang
mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga
hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit
dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod estado ng
Greece?
2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas?
3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan?

8
ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO

Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sagitna
ng tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop
sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga
minahan, gumawa ng mga ceramics, o nagging mangangalakal o mandaragat. Hindi
nanakop ng mga kolonyaang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo
na nagging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang
pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant
na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng
karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay nagging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na
nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant. Sa simula, ang Athens ay
pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng
mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman
na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon
napinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang lungsod - estado ng Greece?


2. Para saiyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?
3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demoksrasya? Patunayan.

ANG BANTA NG PERSIA

Hangarin ng Persia napalawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546


B.C.E., sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni
Darius I, ang nagmana ng trononicyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499
B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong
ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus
noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni Darius
naparusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pag
sakop sa Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma.

ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA (499-479 B.C.E.)

Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa


ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumabasa Marathon,
isang kapatagan sa hilagang - silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng
Athens ang humigit - kumulang 25,000 puwersa ng Persia. (Battle of Marathon)
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapa bagsak sa Athens.
Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot
nadaanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong
libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga -Sparta sa ilalim ni Leonidas ang
nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang
malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng
mga taga - Sparta sa pakikipag digma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo
ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan
patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas

9
habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na
maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang
labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barkoni Xerxes ang maliliit na barko ng
Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa – isang
lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga
alyansa ng mga lungsod estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta.

GABAY NA TANONG:

Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa


Malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GININTUANG PANAHON NG ATHENS


Si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang
mamamayan ang namuno sa Athens. Taon - taon ay nahahalal si Pericles hanggang
sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E. Sa loob ng mahabang
panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang
pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang
Athens. Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens
kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at
sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong
makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga
ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng
pamahalaan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa
pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala na man ni Thucydides, na
isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya
sa pagkatito ay na sa mga kamay ng nakararami at hinding iilan.” Samantala, ang
mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila
nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan.
Hindi rin sila maaaring mag may-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing
bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga
lalaking napili ng kanilang mga magulang. Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay
ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay
ipinapalit nila ng iba pang kagamitan. Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong
Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato
at Politics ni Aristotle.

10
Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay na perpekto nila
nang husto

Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina


Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona
ng Athens. Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo
ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek naiskultor ay si Phidias.
Ang estatwani Athena sa Parthenon at ni Zeus saOlympia ay ilan lamang sa mga
obra maestro niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes
ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the
AncienHerodotus-ama ng kasaysayan

Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina.

Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon


sakaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng
kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga
numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito ay maswerteng
mga numero Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na
maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang
pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at
ang uri ng pamahalaan na makapag bibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan
nito. Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa
pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawing nangangailangan ng
masusing pagmamasid. Ayon sakaniya, ang alin mang teorya ay maaari lamang
tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala
si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic,

11
isang pagsusuri sa mga iba’tibang duladulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung
paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics
kung saan tinalakay ng mga mamahayag.

TALAHANAYAN, PUNAN MO!

Mula sa binasangtekstotungkolsaginintuangpanahon ng Athens, buuin ang


talahanayan ng mgaambag ng Greece saiba’tibanglarangan.

PAGYAMANIN:

GREECE, SA ISANG TINGIN

Punan ang mga hinihingi na datos tungkol sa kabihasnang Greece.

12
ISAISIP:

13
ISAGAWA:

Gumawa ng isang slogan tungkol sa kung paano mo pahalagahan ang


kabihasnang klasiko ng Greece.Gumamit ng isang kapat (1/4) na illustration
board para sa gawaing ito.

Rubriks Para sa Paggawa ng Slogan


PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANNANGANGAILANGAN PUNTOS
5 PUNTOS 3 PUNTOS NG PAGSASANAY 2
PUNTOS
NILALAMAN NAPAKABISANG MAS MABISANG MABISANG
NAIPAKITA ANG NAIPAKITA ANG NAIPAKITA ANG
MENSAHE MENSAHE MENSAHE
PAGKAMALIKHAIN NAPAKAGANDA MAS MAGANDA MAGANDA AT
AT AT MALINAW MALINAW ANG
NAPAKALINAW ANG PAGKAKASULAT NG
NG PAGKAKASULAT MGA TITIK
PAGKAKASULAT NG MGA TITIK
NG MGA TITIK
KAUGNAYAN NAPAKALAKI NG MAS MALAKING MALAKING
KAUGNAYAN SA KAUGNAYAN SA KAUGNAYAN SA
PAKSA PAKSA PAKSA
KALINISAN NAPAKALINIS MAS MALINIS MALINIS ANG
NG ANG PAGKABUO
PAGKAKABUO PAGKABUO
KABUUANG PUNTOS

TAYAHIN:

Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
Sagutang papel.

1. Sino ang kinikilalang hari ng mga Minoan?


a. Minos b. Agamemnon c. Cyrus d. Alexander
2. Tinaguriang pinakamalaking lungsod ng mga Mycenean?
a. Knossos b. Athenes c. Sparta d. Mycenea
3. Isang akda ni Homer tungkol sa digmaan ng Griyego at Trjoan?
a. Odyssey b. Iliad c. Zarsuela d. Ramayana

14
4. Ito ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa
90 km. timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng
Peloponnese?
a. Knossos b. Athens c. Sparta d. Mycenea
5. Maaaring nag mula sa Alamat ng Minotaur?
a. Bull Dancing b. Fresco c. Linear A D. Linear B
6. Siya ang nakapatay sa Minotaur sa payo ng anak na dalaga ni Haring
Minos na si Adriane?
a. Theseus b. Taurus c. Cyrus d. Darius
7. Ang bansang Gresya ay napapaligiran ng tatlong dagat. Alin sa tatlo
ang hindi?
a. Aegean b. Ionian c. Mediterranean d. Tiber
8. Ang mgakaragatangpumapalibotsaGresya ay?
a. Tumutulong upang maging mahusay na mandaragat ang mga
Griyego
b. Nag silbing landas ng transportasyon, komunikasyon at
kalakalan
c.Daanan ng kultura mula sa kabihasnang Misopotamya at Griyego
d.Lahat mula sa A hanggang C
9. Maliit lamang ang lupain gamit sa pagsasaka. Ito ay dahilan kung bakit
ito ang hanapbuhay ng mga tao. Alin sa mg aito ang hindi?
a. Mandaragat c. mananakop
b. mandirigma d. mangangaso
10. Ano ang nagging inspirasyon ng mga Griyego upang sila’y maging
malikhain, mapagmahal sa kagandahan, kalayaan, karunungan at sining?
a. Kalikasan c. kanilang mga Diyos
b. kanilang bansa d. kanilang pamilya
11. Sa lungsod na ito matatagpuan ang kanilang palasyo na nagsisilbing
sentro ng kaharian ng mga Griyego?
a. Cyprus b. Edessa c.Knossos d. Thera

12.Paano naglaho ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE?


a. Matinding pagsabog ng bulkan sa Thera
b. Matinding pagyanig sa lupa
c. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete
d. Lahat ng nabanggit
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nag papakita ng ugnayan ng
heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong tubing upang maging
ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa,
At Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan
dahil nakahiwalay ito sa Europe
a. I at II b. II at III c. II at IV d. I, II, at III

15
14. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo. Ito ay yumaman sa
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Napakalakas ng puwersang pang military ng Minoan
b. Napalilibutan ng anyong tubing ang Crete at istratehiko ang
lokasyon nito
c.Nakarating sa iba’t-ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete
d. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete
15. Tinaguriang “Ama ng Kasaysayan”?
a. Herodutos b. Phidias c. Aristotle d. Plato

KARAGDAGANG GAWAIN:

Sa iyong palagay, aling lungsod estado ang higit na huwaran? Ang lungsod
estado ng Sparta o ang lungsod estado ng Athens? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

16
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin Balikan

1.a 1. Iliad at Odyssey


2.d 2. Acheaen
3.a 3. Minoan
4.a 4. Knossos
5.a 5. Theseus
6.a
7.d
8.d
9.a
10.c Tuklasin
11.c 1. Sana all
12.a 2. Sana all
13.d 3. Pak Ganurn
14.b 4. Sana all
15.a 5. Sana all
6. Sana all
7. Sana all
Tayahin 8. Sana all
1.a 9. Pak Ganurn
2.d 10. Sana all
3.a
4.a
5.a
6.a
7.d
8.d
9.a
10.c
11.c
12.a
13.d
14.b
15.a

17
SANGGUNIAN:

Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego. 15-21.

Estela, Grace C. ed. Kasaysayan ng Daigdig. 36-154.

Mateo. ed. Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong


Taon. 117-119

Project Ease Modyul 4 Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego. 8-10.

Santiago, Aurora L. ed. Araling Pandaigdig. 94-99.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png

http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif

https://encrypted-
tbn3.gtastic.com/image?1q=tbn.ANd9GReaw15xp8agCB.TOPpqzMKAPluktN69yhizl
-w6d569YyKmPzc7kg

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu, Philippines 6019

Tel. No.: (032) 487-8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com

You might also like