You are on page 1of 19

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay
ng mga Pilipino

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay ng mga
Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Rhona Mae A. Caday


Editors: Leslie A.Terio, MaryAnn B. Silay, Pearl S. Camero
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Pagharap sa Hamon ng
Globalisasyon

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Markahan – Modyul 8: Epekto ng
Globalisasyon sa Pamumuhay ng mga Pilipino!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay ng mga Pilipino!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
Subukin (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
Pagyamanin mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Most Essential Learning Competency:


Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Mga Layunin:
K - Natatalakay ang epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino;
S - Nasusuri ang mga sa epekto ng globalisasyon sa pamamagitan ng paggawa ng photo
collage.
A - Napapahalagahan ang mga saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng
mga bansa sa mundo.
3. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng globalisasyon maliban sa isa:
A. Napadali ang mga gawaing panlipunan
B. Panatili ng produkto at serbisyo sa isang lugar
C. Pagdami ng mga taong nangingibang bansa
D. pagtangkilik ng mga produktong mula sa ibang bansa.
4. Alin sa sumusunod ang suliraning dulot ng globalisasyon?
A. Pagdami ng trabaho
B. malaking sahod
C. migrasyon
D. pagtaas ng agwat ng mayaman at mahirap
5. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal

1
Balikan

_______________ ay proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig

Tuklasin

Panuto: Punan ng sagot ang sumusunod na sitwasyong dulot ng Globalisasyon. Isulat sa


kwaderno ang sagot.

Di-Mabuting
Mabuting Epekto
Epekto

BPO-Call Center
(Business Process
Outsourcing)

Rubriks sa Pagmamarka:
1. Kaangkupan ng mga salita ---------- 2 puntos
2. Kaayusan ng mga ideya ---------- 2 puntos
3. Kalinisan ---------- 1 puntos
Kabuuan ---------- 5 puntos

2
Suriin
Globalization: Progress or Profiteering?
(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang
lokal patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig.
Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad
na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng
trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga
Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalaking negosyante
at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng
manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa
kanila ng higit na kita.
Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi
maging ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na handang makipagkompetensya
upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang
trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ng North American Free Trade Agreement
(NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa
Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga produktong ito
ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang
pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng
mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning bansa.
Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa
papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga
korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa.

Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines

(Ma. Stella F. Arnaldo)

Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng


ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa
bansa mula taong 2018 hangagang 2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines
Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula
taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mga programa na may
kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad na
pagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga
Peninsula.

Ayon din sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na


handang mamuhunan hanggang malinawan sila sa makroekonomikong kondisyon ng
bansa. Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, ang kabuuangforeign direct
investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang 2015.
Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita ang huli ng

3
$136 milyon sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa
Espanya ay patuloy ang paglago na may average na 11.13% kada taon simula ng 2011.

Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa


Espanya tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ngAyala Group consortiumpara
sa Cavite-Laguna Expressway (Calax), Grupo ACS (Actividades de Construccion y
Servicios) para sa proyektong paliparan, at Abengoa para sa mga proyektong patubig.

Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang
nakatanggap ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang
pinag-aaralan ng Espanya na magaya ang proyekto nitong national disaster risk-reduction
managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na tinukoy ng Department of the
Interior and Local Government (DILG).

4
Pagyamanin

Gawain A

Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabubuti o nakasasama ang globalisasyon sa


pamumuhay ng mga Pilipino? Isulat ang sagot sa kwaderno.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay makatutuhanan, at MALI


kung ang pahayag ay di-makatotohanan.

______1. Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa


pamilihang lokal patungo sa ibang bansa.

______2. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng
€50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula taong 2014 hanggang
2017.

______3. Isa ang Globalisasyon sa nagpapahirap ng mga tao sa Pilipinas.

______4. Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-region ang
nakatanggap ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya.

_____5. Kasalukuyang pinag-aaralan ng USA na magaya ang proyekto itong national


disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na
tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

5
Isagawa
Panuto:

1. Gumawa ng isang photo collage tungkol sa epekto ng globalisasyon sa


buhay ng mga tao. Gawin ito sa isang bondpaper.
2. Narito ang rubriks ng pagmamarka
A. Kabuuan ng ideya ------------------------------ 5 puntos
B. Pagsasaayos ng mga larawan ----------- 5 puntos
C. Pagkamalikhain ------------------------------ 3 puntos
D. Kalinisan sa paggawa------------------------------ 2 puntos
KABUUAN ---------------------------------------- 15 PUNTOS

6
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.

1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon

2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at rodukto
sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
A. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal
ng mga bansa sa mundo.

3. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng globalisasyon maliban sa isa:


A. Napadali ang mga gawaing panlipunan
B. Panatili ng produkto at serbisyo sa isang lugar
C. Pagdami ng mga taong nangingibang bansa
D. Pagtangkilik ng mga produktong mula sa ibang bansa.

4. Alin sa sumusunod ang suliraning dulot ng globalisasyon?


A. Pagdami ng trabaho
B. malaking sahod
C. migrasyon
D. pagtaas ng agwat ng mayaman at mahirap

5. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal

7
Karagdagang Gawain

Magsaliksik!

Magsaliksik ng mga datos tungkol sa Covid-19 at kung paano ito nai-uugnay sa


globalisayon at kung ano ang dulot nito sa mga Pilipino.

8
TALAHULUGANAN
• GLOBALIZATION - the act of globalizing :the state of being globalized:
The development of an increasingly integrated global economy.

• PROGRESS - a forward or onward movement (to a goal)

• PROFITEERING - The act or activity of making an unreasonable profit on


the sale of essential goods.

• ECONOMIC ELITE - The most dominant and central elites or group of


people (business man/entrepreneur)

• MIDDLE CLASS - Is a class of people in the middle of a social hierarchy.


Its uses has often been vague whether defined in terms of occupation, income,
education or social status.

9
10
Subukin/Tayahin :
1. D
2. B
3. B
4. D
5. D
Isaisip:
1.TAMA
2.TAMA
3.MALI
4.TAMA
5.MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat:

1. Batayang Aklat para sa Araling Panlipunan 10 Gabay ng guro


2. Batayang Aklat para sa Araling Panlipunan 10 Gabay ng mga ma-aaral

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like