You are on page 1of 21

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Salvacion R. Quiqui


Jireh Joy J. Ragay
Editors: Germelina V. Rozon
Emy A. Tingson
Riza B. Vailoces
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit:
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Markahan – Modyul 5: Migrasyon:
Perspektibo at Pananaw!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Migrasyon: Perspektibo at Pananaw!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
Subukin (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
Pagyamanin mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating katangian at pag-unawa tungkol sa mga
katangian ng isyu at hamong panlipunan. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa
susunod na gawain.

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang pananaw at perspektibo ng migrasyon.

2. Nailalahad ang mga epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan sa pamamagitan


ng pagsulat ng mahalagang ambag o mga kontribusyon.

3. Napapahalagahan ang mga positibong epekto ng migrasyon sa aspektong


panlipunan.

1
Subukin
I. Panuto: Sagutan ang paunang pagsusulit matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t- ibang aralin sa modyul na
ito.Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Tumutukoy sa paglipat ng pook-panirahan ng tao upang makahanap ng mas


magandang pamumuhay.
A. Kalakalan B. Migrasyon C. Rebolusyon D. Pamahalaan

2. “Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig.” Anong obserbasyon ang nabibilang dito?
A. Mabilisang paglaki ng migrasyon C. pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
B. Paglaganap ng migration transition D. wala sa nabanggit

3. Annual average ng mga babae ng nandarayuhan mula 2005-2014.


A. 65, 345 B. 112, 375 C. 34, 097 D. 47, 647

4. Sila ang mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bahagi ng daigdig para


mapataas ang kanilang antas ng pamumuhay.
A. DOLE B. kapulisan C. OFW D. OWWA

5. Katawagang tumutukoy sa mga lalaking natitira sa tahanan, habang ang asawang


babae’y nagtatrabaho.
A. House husband C. “Job-Skills Mismatch”
B. Brain Drain D. Early pregnancy

II. Tama o Mali. Suriin ang sinalungguhitang pangungusap kung ito’y tama ba o mali.
Isulat ang T kung ito’y tama; M naman kung mali. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

6. Refugee ang tawag sa taong lumipat ng pook tirahan dahil sa nangyayaring sigalot o
labanan sa kanilang lugar o bansa.

7. Bansang Indonesia ay nagkaroon din ng panukala na ang lahat ng employer o


recruitment agency ay dapat na magkaroon ng approval permit mula sa kanilang
embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker upang maprotektahan ang
kanilang mga mamamayan at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang
bansa.

8. Isa sa may pinakamalaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang ating OFW dahil sa
kanilang remittances.

9. Ang US, Canada at New Zealand ang kalimitang destinasyon ng mga migrante
galing Asya at Africa.

2
10. Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan.

Balikan
GAWAIN: KNOW-THE-WORDS

Alamin ang depenisiyon ng bawat salita base sa unang modyul. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

3
Tuklasin

GAWAIN 1. PICTURE-OUT!

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa
larawan. Tatlo hanggang apat na pangungusap lamang. Isulat sa kwaderno ang sagot.

SANAYSAY:

Rubriks sa Pagmamarka:
1. Organisasyon------3 puntos
2. Kalinisan------------2 puntos
Kabuuan------------5 puntos

4
Suriin
Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng
kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya
ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad
(politikal) o maging personal.

Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing


sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng
bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa
lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.

Manwal na Manggagawa Highly Qualified Specialist


Iba’t-ibang
Anyo ng
Migrasyon
Bilang isang Miyembro ng
Pamilya Entrepreneur

Mayroon ka bang R Sa konteksto ng Pilipinas,


kamag-anak o kakilala e malaki ang ginampanan ng
na nangibang bansa, f dahilang pang-ekonomiya sa
alin sa mga ito ang u pagpunta ng maraming mga
dahilan kung bakit sila g
Pilipino sa ibang bansa.
nasa ibang bansa? e
e Binanggit sa mga naunang
s modyul sa kwarter na ito na
malaki ang naipadadalang
dolyar ng mga OFW sa kani-
kanilang kamag-anak sa
bansa na nag-aambag naman
sa pag-angat ng ekonomiya ng
bansa.

5
Pangkalahatang Obserbasyon Tungkol sa Migrasyon

1. Globalisasyon ng Migrasyon
Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand,
Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng
mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Aprika.

2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon


Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

3. Pagkakaiba-iba ng Uri ng Migrasyon


Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay. Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants.
Annual Average ng ng migrasyon ayon sa kasarian: 2005-2014
Lalaki: 31,868, Babae: 47,647 TOTAL: 79,515 RATIO: 67 lalaki/100 babae

4. Pagturing sa Migrasyon bilang Isyung Politikal


Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas
nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang
polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

5. Paglaganap ng “migration transition”


Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng
South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.

6. Peminisasyon ng Migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa
nagdaang panahon, ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki.
Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour
migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa
Italy, Pilipinas sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

6
Pagyamanin

Gawain A: PUZZLED PUZZLE


Isulat sa kwaderno ang mga salitang makikita mo sa kahon na may kinalaman
sa paksa. (5 salita)

D M I G R A S Y O N
O R R Y E L U Z F B
M E A B F R S E W H
E H S L U G A R A C
S I Y O G Q V N K O
T Y A O E J W I R A
I O T B E L A B A S
C N H Q M B A N S A

1. Sa palagay mo ano ang kinalaman ng mga salita ito sa perspektibo at pananaw ng


migrasyon?

7
Isaisip

Panuto: Isulat ang katotohanan kung ang pangungusap ay totoo at isulat ang hindi
katotohanan kung ang pangungusap ay hindi totoo.

1. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang


polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
2. Ang mga Refugees ay tinatawag na permanent migrants.
3. Mula sa Asya, Latin America at Africa ang may malaking bilang ng mga migrante sa
daigdig.
4. Ang paglanap ng migration transition ay nararanasan sa South Korea.
5. Naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa Labour Migration sa taong 1960.

8
Isagawa

Larawan Suri: Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa mahalagang ambag o


kontribusyon ng mga nasa larawan sa larangan ng migrasyon.

https://dlpng.com/png/5485107

https://www.pinterest.ph/pin/279645458091927073/

https://all-free-download.com/free-vector/bus.html

9
Tayahin

A. Panuto: Subukin mong sagutin ang panghuling pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay. Titik lamang ang isulat sa kwaderno.

1. Sila ang mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bahagi ng daigdig para mapataas
ang kanilang antas ng pamumuhay.
A. DOLE B. kapulisan C. OFW D. OWWA

2. Katawagang tumutukoy sa mga lalaking natitira sa tahanan, habang ang asawang


babae’y nagtatrabaho.
A. House husband C. “Job-Skills Mismatch”
B. Brain Drain D. Early pregnancy

3. Annual average ng mga babae ng nandarayuhan mula 2005-2014.


A. 65,345 C. 34, 097
B. 112, 375 D. 47, 647

4. Tumutukoy sa paglipat ng pook-panirahan ng tao upang makahanap ng mas


magandang pamumuhay.
A. Kalakalan B. Migrasyon C. rebolusyon D. pamahalaan

5. “Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon
ng daigdig.” Anong obserbasyon nabibilang ito?
A. A.Mabilisang paglaki ng migrasyon
B. B.Paglaganap ng migration transition
C. pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
D. wala sa nabanggit

B. Tama o Mali. Suriin ang sinalangguhitang pangungusap kung ito’y tama ba o mali.
Isulat ang T kung ito’y tama; M naman kung mali.

6. Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan.


7. Ang US, Canada at New Zealand ang kalimitang destinasyon ng mga migrante galing
Asya at Africa.
8. Isa sa may pinakamalaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang ating OFW dahil sa
kanilang remittances.
9. Bansang Indonesia nagkaroon din ng panukala na ang lahat ng employer o recruitment
agency ay dapat na magkaroon ng approval permit mula sa kanilang embahada bago
kumuha ng mga Nepalese worker upang maprotektahan ang kanilang mga
mamamayan at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang bansa.
10. Refugee ang tawag sa taong lumipat ng pook tirahan dahil sa nangyayaring sigalot o
labanan sa kanilang lugar o bansa.

10
Karagdagang Gawain

Sa inyong palagay, anu - ano ang mga dahilan ng migrasyon? Isulat ang tatlong (3)
kasagutan sa inyong kwaderno.
Mga dahilan ng migrasyon
1.
2.
3.

11
12
Isagawa – Depende sa ideya ng mag-aaral
Karagdagang Gawain - Depende sa ideya ng mag-aaral
ISAISIP PAGYAMANIN
1. Katotohanan • MIGRASYON
2. Hindi katotohanan • DOMESTIC
3. Katotohana • REHIYON
4. Katotohanan • ASYA
5. Katotohanan • REFUGEE
• OFW
• LUGAR
• LABAS
• BANSA
• USA
Pangwakas na Pagtataya Paunang Pagtataya
1. C 1. B
2. A 2. A
3. D 3. D
4. B 4. C
5. A. 5. A.
6. T 6. T
7. T 7. M
8. T 8. T
9. M 9. T
10. T 10. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ang modyul na ito ay gumagamit ng mga karagdagang impormasyon at


larawan mula sa internet.
❑ https://www.google.com/search?q=migration+in+the+philippines+illustratio
n&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7hN66iojrAhWQAaYKHbyrCQAQ2-
cCegQIABAA&oq=migration+in+the+philippines+illustration&gs_lcp=CgNp
bWcQA1DLuwFY6OYBYO7pAWgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC
2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OMEsX7uIO5CDmAW81yY&bih
=657&biw=1349&hl=en#imgrc=Apl--JUoEcD5iM
❑ https://www.google.com/search?q=migration+in+the+philippines+illustratio
n&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7hN66iojrAhWQAaYKHbyrCQAQ2-
cCegQIABAA&oq=migration+in+the+philippines+illustration&gs_lcp=CgNp
bWcQA1DLuwFY6OYBYO7pAWgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC
2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OMEsX7uIO5CDmAW81yY&bih
=657&biw=1349&hl=en#imgrc=Vi8bjytSI_NEAM
❑ https://lrmds.deped.gov.ph/create/
❑ https://dlpng.com/png/5485107
❑ https://www.pinterest.ph/pin/279645458091927073/
❑ https://all-free-download.com/free-vector/bus.html
❑ Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan Learners’ Guide

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like