You are on page 1of 20

3

Filipino
Unang Markahan – Modyul 9:
Paggamit ng Panghalip na Ako,
Ikaw at Siya sa Usapan
Filipino– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 9: Paggamit ng Panghalip na Ako, Ikaw at Siya sa
Usapan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Charagin A. Guadalquiber, MAEd
Editor: Russel Huesca- Mutia
Tagasuri: Allene E. Duarte, Mario Shoji N. Romarate, Russel Huesca- Mutia
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet A. Magallanes, EdD
Florencio R. Caballero, DTE
Josephine L. Tomboc, EdD,

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address:charagin.guadalquiber001@deped.gov.ph
3

Filipino
Unang Markahan –Modyul 9:
Paggamit ng Panghalip na Ako,
Ikaw at Siya sa Usapan

+
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 3 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Paggamit ng Panghalip na Ako, Ikaw at Siya sa
Usapan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang mga gawain at estratehiya sa modyul na ito ay kailangang sagutin at
iwasto sa magkasunod-sunod na paraan. Ang bawat gawain ay gagabay sa mga
mag-aaral upang matuklas o malinang ang kasanayan sa araling ito, kaya
dapat mahasa nang husto ang mag-aral sa bawat gawain. Kinakailangang
unawain at sundin ang mga panuto.
Ang modyul na ito ay naglalayon na magamit ng mga mag-aaral ang iba’t
ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol saPaggamit ng Panghalip na Ako, Ikaw at Siya sa Usapan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

iii
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman nggawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

iv
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa.

v
Alamin
Sa modyul na ito ay susuriin at aalamin natin kung paano

nagagamit ang mga Panghalip na Panao (Ako, Ikaw, Siya) sa usapan.

Ang Panghalip na Panao

( Ako, Ikaw at Siya ) ay mga pamalit sa taong nagsasalita, taong

kinakausap at taong pinag-uusapan.

Ito ay naglalayong linanagin at gabayan ang kakayahan ng mga

mag-aaral na palawakin ang kaalaman at isipan sa kahalagahan ng

paggamit ng Panghalip na Panao (Ako, Ikaw, at Siya)

Ang modyul na ito ay tungkol sa:

 Paggamit ng Panghalip na Ako, Ikaw at Siya sa Usapan

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao

( Ako, Ikaw, Siya) F3PS-Ie-h-3

1
Subukin
Panuto: Piliin
ang mga panghalip na ginamit sa
pangungusap.Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sagutang papel.
1. Ako ay mag-aaral nang mabuti.
A) ako B) mabuti
B) nang C) mag-aaral

2. Aalis siya bukas papuntang probinsiya.

A) probinsiya C) bukas
B) aalis D) siya

3. Ikaw ay sasakay ng tren.


A) ng C) tren
B) ikaw D) sasakay

4. Siya ay magluluto ng sinigang.

A) magluluto C) siya
B) sinigang D) ay
5. Ikaw at ako ay maglalaro sa parke.

A) Ikaw at ako C) parke


B) maglalaro D) at, ay

2
Aralin Panghalip na Panao
9 (Ako, Ikaw at Siya)

Ang araling ito ay magiging tulay ng mga mag-aaral


sa pagtuklas kung paano gamitin ang Panghalip na
Panao sa usapan.

Balikan

Noong nakaraang baitang (Filipino 2) ay natalakay


natin ang tungkol sa Panghalip at ang gamit nito sa
pangungusap.
Isulat Ang TAMA kung ang ipinahahayag sa
pangungusap ay patungkol sa Panghalip at MALI naman
kung hindi.

_________1. Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na


panghalili sa Pangngalan.
_________2. Ang Panghalip na Ako ay tumutukoy sa
dalawa o maraming tao.
_________3. Ang Ako, Ikaw at Siya ay mga Panghalip na
Panao.

3
Mga Tala para sa Guro

Mga bagay na dapat ipaalam sa mga mag-aaral;

1. Ipabasa ang tula na Mga Bahagi ng Aklat upang


mas madaling maunawaan ang mga kasanayan o
gawain. (Ipasaliksik nila ito)
2. Maaaring gawing isahan o pangkatan ang
pagbabasa at pagsasagot.
3. Magpatulong sa nakatatandang kapatid kung
nahirapan.
4. Huwang mag-atubiling magchat o tumawag kung
hindi naunawaan.
5. Sundin ang panuto sa bawat gawain.

4
Tuklasin

Basahin natin ang usapan sa ibaba at tuklasin natin ang


pangarap ng magkakaibigan sa kwento.
Pangarap Ko

Nagkuwentuhan na lamang ang magkakaibigan


habang nagpapahinga si Anna sa kaniyang silid.

Itanong:
1. Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan?
2. Ano ang pangarap ng bawat isa?
3. Sino ang tinutukoy ni Jacko nang sabihin niyang
ikaw?

5
4. Sino ang tinutukoy ni Bobie nang sabihin niyang
siya?
5. Sino ang nagsabi ng ako?
6. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
7. Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya?
8. Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Siya?
9. Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga
bata sa umpisa ng klase.

Suriin

Ano ang Panghalip?

Ang mga salitang inihahali o ipinapalit sa ngalan ng


tao ay tinatawag na panghalip.
Panghalip na panao ang tawag sa panghalip na
inihahali sa ngalan ng taong iisa. Ang mga ito ay Ako,
Ikaw at Siya.

Panghalip Inihahali sa Ngalan ng Bilang


1. Ako Taong nagsasalita isa
2. Ikaw Taong kinakausap isa
3. Siya Taong pinag-uusapan isa

6
Gawain 1.1 PUNAN
Panuto: Punan ng Ako, Ikaw o Siya sa patlang para
makompleto ang usapan.

Lilia: _________ si Lilia. _________ ba ang bagong


kaklase namin?
Delfin: Oo, _________ nga.
Lilia: Heto na si Ginang Marcial. _______ ang
guro natin.

Gawain 1.2 KAHON NG KAALAMAN


Panuto:
Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na
nakalap mo mula sa bahaging Suriin at sa mga gawaing
iyong nasagot o nabasa. Isulat sa nakalaang kahon ang
iyong mga sagot.

Panghalip Inihahali sa Ngalan ng Bilang


1. Ako
2. Ikaw
3. Siya

7
Isaisip

Tandaan ang mga mahahalagang impormasyon…

Ang Ako, Ikaw at Siya ay mga panghalip na


panao na ginagamit na pamalit sa isang ngalan ng
tao.
Ako ang ginagamit kung ang sarili ang
tinutukoy ng nagsasalita. Ikaw ang ginagamit kung
ang kausap ang tinutukoy. Siya naman ang
ginagamit kung iba ang tinutukoy o pinag-uusapan.

Isagawa

Panuto:
Panuto: Palitan ng ako, ikaw o siya ang may
salungguhit na salita.

1. Kumusta na ba ang nanay mo? Magaling na ba


_________?
2. Lucy ang pangalan ko. ________ ang panganay sa
aming magkakapatid.
3. Aba, si Roland pala ito! _______ pa rin ba ang bunso sa
inyong magkakapatid?

8
Tayahin

Panuto: Piliin ang wastong panghalip na ipapalit


sa mga sinasalungguhitang salita.Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Sheena ay mabait na bata.

A) Siya C) Ako

B) Ikaw D) Ko

2. Ang pangalan ko ay si Dan.

A) Siya C) Ako

B) Ikaw D) Niya

3. Si Lisa ay may gitara.

A) Ako C) Siya

B) Ikaw D) Ko

4. Abby, nakuha mo ang iyong libro? ______ ang

napiling magbabasa bukas.

A) Ako C) Siya

B) Ikaw D) Ko

9
5. Kinuha ko ang payong ni ate. _______ ang gagamit

ngayon.

A) Siya C) Ikaw

B) Ko D) Ako

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang ako,


ikaw at siya .

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________

3. ______________________________________________________

Subukin

10
Susi sa Pagwawasto

Balikan
1. A
2. D
3. B 1. TAMA
4. C 2. MALI
5. A 3. TAMA

Gawain 1.1

Lilia: Ako si Lilia. Ikaw ba ang bagong kaklase namin?

Delfin: Oo, Ako nga.

Lilia: Heto na si Ginang Marcial. Siya ang guro natin.

Gawain 1.2
Panghalip Inihahali sa Ngalan ng Bilang

1. Ako Taong nagsasalita isa


2. Ikaw Taong kinakausap isa
3. Siya Taong pinag-uusapan isa

Isagawa

1. Siya
2. Ako
Tayahin
3. Ikaw
1. A
2. C
3. C
4. B
5. D

11
Sanggunian

MGA AKLAT:
ANGELITA L. ARAGON, MAGDALENA O JOCSON Bagong Filipino sa Salita at
Gawa, 2003
ELGIE ARINIEGO,ANNA MARIELLE D.BADILLO,GRATCIELO,CHIARAD.
BADILLO,EVELYN DE CASTRO,MARIA CASTILLO-DAVID,MARIA HAZEL J.
DERLA,MA.CRISTINA C.GARCIA,DANIKA ANGELA D. JABINES,MALOU M. de
Ramos et, al. Batang Pinoy Ako- Filipino 3, Unang Edisyon, 2014
RIZALINA R. SANTOS, PH.D. Gintong Sinag 1: Pinagsanib na Wika at Pagbasa

INTERNET SOURCE:

https://www.google.com/search?
q=panghalip+na+panao+worksheet&sxsrf=ALeKk03EkkkhKk7RcvToUm7nIG6pIFWfg:1594624846923
&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=vYMifY8INVokrM%252Cn32jOHmwhGDAlM
%252C_&vet=1&usg=AI4_kRghEq5OrOntIoa7JaEHjU8ET2xGQ&sa=X&ved=2ahUKEwjt1LO82MnqAhX
P62EKHcUsD_EQ9QEwAHoECAoQHA#imgrc=vYMifY8INVokrM

https://www.google.com/search?
q=panghalip+na+panao+worksheet&sxsrf=ALeKk03EkkkhKk7RcvToUm7nIG6pIFWfg:1594624846923
&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=vYMifY8INVokrM%252Cn32jOHmwhGDAlM
%252C_&vet=1&usg=AI4_kRghEq5OrOntIoa7JaEHjU8ET2xGQ&sa=X&ved=2ahUKEwjt1LO82MnqAhX
P62EKHcUsD_EQ9QEwAHoECAoQHA#imgrc=feXWfpX7sSGOQM

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like