You are on page 1of 22

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aira Janel A. Nuñez
Editor: Aileen L. Francisco
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit:
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Editha O. Peregrino, Division SHS Focal Person
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
02-8332-77-64
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Paglinang ng
Kakayahang Komunikatibo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Kumusta mag-aaral! Binabati kita at napagtagumpayan mo na ang mga
nakaraang aralin. Halika at simulan natin ang bagong paksa na tatalakayin sa
modyul na ito.

Sa mga nakaraang modyul ay iyong nalaman ang iba’t ibang pamamaraan o


paggamit ng wika. Nang dahil dito, ay nabuksan sa iyo ang mga ideolohiyang
nagpapakita ng lawak at lalim ng layunin at paggamit nito.

Sa modyul na ito ay tutulungan kang linangin ang iyong kakayahan sa pagpili


ng mga angkop na salita upang maging tama ang iyong paglalahad ng mga nais
mong ipahayag.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. (F11PT-IIe-


87)
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan
o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan. (F11PS-IIe-90)

1
Tayo na’t subukin ang iyong kaalaman. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Gawain 1. Pangsitwasyon

Ipagpalagay na ikaw ay bibili ng bag sa isang mall. Sa iyong palagay, ano ang tamang
pagkakasunud-sunod ng mga usapan sa mga sitwasyon sa ibaba upang matamo
ang ang kakayahang komunikatibo? Isulat ang bilang 1 hanggang 10 sa mga bilog
na nakalaan.

A, ganoon. Halika. Dito ang Teka, tingnan ko ang tag price


lugar ng mga bag. Sari-sari ang , alam ko sale ito. Three
kulay at laki. Gaano ba kalaki hundred fifty pero may
ang nais mo? discount na 10%.

Sige po. Ikukuha ko kayo sa (Pagkabigay ng bagong stock.)


stock room. Hintay lang po.
Salamat. Heto ang bayad ko.

Heto, tingnan mo ang isang Magandang hapon, Miss, may


ito. Katamtaman ang laki at nais ka bang bilhin? Pasok
pambata ang kulay. lamang maraming tinda sa
loob.

Naghahanap sana ako ng bag Mayroon bang itim nito para


na pamasok. Yung waterproof hindi dumihin? Magkano ang
para magamit ko kahit halaga nito?
umuulan.

Kung ganoon, magiging three Katamtaman lamang ang laki.


hundred thirty five na lang. Iyong magkakasya ang mga
Okey na ito pero ayoko nitong gamit ko lalo na ang PE
naka-display. uniform ko.
2
Aralin
Paglinang sa Iba’t ibang
1 Paggamit ng Wika
Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Ang wika ang
sentro sa lahat ng ating gawain, higit sa anupaman, ito ang kaibahan natin sa lahat
ng bagay na nilikha sa mundo. Ang pagkakaroon ng wika ang isang katangiang
ikinaiiba ng tao sa hayop. Hindi magiging normal ang ating pagkilos kung wala ito.
Wika ang pangunahing instrumento na nagbubuklod sa tao hindi lamang sa
pakikipagkomunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura ng iba’t ibang
lipunan.
Sa araling ito ay lilinangin ang iyong mga kakayahang komunikatibo
partikular na sa pagbibigay kahulugan sa mga salitang ginagamit sa talakayan.
Gayundin ang makapili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan.

Ano pa ang hinihintay mo? Halika at subukin nating palalimin ang iyong
kaalaman!

Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro at iba pang nakatatanda?


Katulad lamang bai to ng pakikipag-usap mo sa iyong kaibigan at kaklase?

Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang


magsalita ayon sa nais mong sabihin o may mga sitwasyong nangangailangan ng
pagtitimpi?

Tayo na at balikan ang pilosopiya ni Dell Hymes. Sagutin ang sumusunod na


gawain.

3
Gawain 1. Balik-Tanaw

Alalahanin ang modelong SPEAKING ayon sa pilosopiya ni Dell Hymes. Isa-isahin


ang mga salik panlipunang batayan ng mga isinasaalang-alang ng tao sa
pakikipag-usap. Isulat ito sa patlang. At ano-ano ang mga tanong na sinasagot
nito. Isulat sa kahon.

Tanong na sinasagot:

S ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___


______________________________________
______________________________________

Tanong na sinasagot:

P ___ ___ ___ ___ __ ___ ___ ___ ___ ___ ___
______________________________________
______________________________________

E
Tanong na sinasagot:
______________________________________
___ ___ ___ ___ ______________________________________

A
Tanong na sinasagot:
______________________________________
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ ______________________________________
Tanong na sinasagot:

K ___ ___ ___ ___


______________________________________
______________________________________

I
Tanong na sinasagot:
______________________________________
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ ______________________________________

N
Tanong na sinasagot:
______________________________________
___ ___ ___ ___ ___
______________________________________

G
Tanong na sinasagot:
______________________________________
___ ___ ___ ___ ___ ______________________________________

4
Mga Tala para sa Guro

Kakayahang Komunikatibo

Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Ang wika


ang sentro sa lahat ng ating Gawain, higit sa anupaman, ito ang
kaibahan natin sa lahat ng bagay na nilikha sa mundo. Ang
pagkakaroon ng wika ang isang katangiang ikinaiiba ng tao sa hayop.
Hindi magiging normal ang ating pagkilos kung wala ito. Wika ang
pangunahing instrumento na nagbubuklod sa tao hindi lamang sa
pakikipagkomunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura ng iba’t
ibang lipunan.
(Marquez, Jr. 2017)

Sa pagpapatuloy natin, halika at tuklasin natin ang iba mo pang kasanayan.

Gawain 1. Pagtukoy
Tukuyin ang ibig sabihin ng sumusunod. Maaring pakahulugan batay sa
papgkaunawa, magbasa sa libro o saliksikin sa internet ang mga kasagutan.

1. etnograpiya ng komunikasyon
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. wika bilang panlipunang phenomenon


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. interference phenomenon
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. interlanguage
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
5. variability concept
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Malaki ang papel ng sosyolinggwistiks sa kakayahang komunikatibo sapagkat


ito ang may sakop sa kakayahan ng isang indibidwal gumamit ng angkop na mga
salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-
uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan na siya layunin natin
sa modyul na ito. Isa sa mga dahilan ng pagkasira ng daloy ng komunikasyon ay ang
kawalan o hindi pagsasaalang-alang ng kaangkupan ng ginagamit nating
pamamaraan sa wika. Minsa’y hindi nagiging magalang o nagiging bastos o walang
respeto ang dating ng ating pagpapahayag sa mga nakatatanda, propesyunal at iba
pang pormal na personalidad dahil sa nakasanayang pamamaraan ng pakikipag-
usap sa mga kaibigan o barkada, nakababatang kapatid at iba pang karelasyon na
hindi masyadong ginagamitan ng pormalidad ng wika.

Kaya nga nilinaw ng sosolingguwistang si Dell Hymes (1974), sa pamamagitan


ng kanyang modelo na SPEAKING, kung saan inisa-isa niya rito ang mga salik na
dapat nating isaalang-alang sa pakikipaginteraksyon o pakikikipagkomunikasyon.

S – Setting and Scene (Saang pook nag-uusap? /Kailan ito nangyayari?)


P – Participants (Sino ang kalahok sa pag-uusap?)
E – Ends (Ano ang pakay, layunin o inaasahang bunga ng pag-uusap?)
A – Act Sequence (Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?)
K – Key (Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso o pabiro?)
I – Instrumentalities (Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal
Ba o may mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?
N – Norms (Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano
ang reaksyon dito ng mga kalahok? Malaya bang nakapagsasalita ang mga
kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian,
edad at iba pang salik?)
G – Genre (Ano ang uri ng sitwasyon o material na ginagamit
(halimbawa:interbyu,panitikan o liham?)

6
Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na
etnograpiya ng komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay
nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa
pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga
kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa
komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon
sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang
wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon na
pahalagahan ang mga salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo
sa mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

Pagkilala sa Varayti ng Wika

• pormalidad at impormalidad ng sitwasyon – maaaring maging


pormal o impormal ang pananalita depende kung sino ang kinakausap.

• ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng


pagsasalita ang mga magkakaibigan. Naialalangkap din nila ang mga
biruan at pahiwatigan na hindi nauunawaan ng hindi kabilang sa
kanilang grupo.

• pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat –


gumagamit ng lokal na wika at/o dayalekto sa kausap na nagmula sa
kaparehong bayan ng tagapagsalita; at

• awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan – tinitiyak ang


pormalidad at kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang at iba
pag nakatatanda at may awtoridad.

Batay sa teorya ng sosyolingguwistika, ang pagbabago sa wika ay dulot rin ng


pamamalagay rito bilang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng
kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa
loob ng lipunan at itinatalastassa kausap o grupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan
ay nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok
ng mga tao na may iba’t ibang gawain, papel, interes at saloobin sa proseso ng
komunikasyon. Kaya naman masasabing katangian din wika ang pagiging
heterogeneous o pagkakaroon ng iba’t ibang anyo bunga ng lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political at edukasyon na kaagkinan ng partikular
na komunidad na gumagamit ng wika (Constantino 2002).

7
Bilang halimbawa, pansinin ang humigit-kumulang na anyo ng dayalektong
Cebuano-Filipino, Dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi
paggamit ng panlaping um na hinahalinhinan ng panlaping ma-:

“Huwag kang magsali sa laro.”

“Madali ang pagturo ng Filipino.”


Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang
nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas,
nakaiimpluwnsya ito sa kanyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang
Filipino. Ito ang tinatawag na interference phenomenon na siyang lumikha ng iba
pang natatanging varayti ng Filipino – Ilokano-Filipino, Bikolnon – Filipino,
Kampampangan – Filipino, Hiligaynon – Filipino at iba pa. Dahil din sa sa kaalaman
sa mga wika, sa proseso ay nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa
pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng alituntunin
(Constantino 2002). Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng isang tao.
Halimbawa nito ang mga salitang gaya ng mailing, presidentiable at senatoriable na
hindi matatagpuan sa “standard” na Ingles.

Mahalagang maunawaan na ang mga ganitong varayti ng Filipino ay hindi


maituturing na pagkakamali. Sa pananaw ng isang sosyo-sikolohistag si William
Labov, na siya nagtaguyod ng variability concept, likas na pangyayari ang
pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng mga varayti ng isang wika. Kung gayon
nararapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng mga varayti---walang maituturing
na mataas at mababang anyo ng wika. At sa kaso ng wikang Filipino,
nangangahulugan itong lahat tayo ay may gampanin sa pagpapaunlad ng ating wika
bilang isang bansang may sariling pagkakakilanlan.

Prosesong Tanong

1. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng modelong SPEAKING sa


larangan ng komunikasyon?
2. Sa palagay mo, ano ang maitutulong ng modelong ito sa kaayusan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa?
3. Tama rin bang magisaalang-alang ang varayti ng wika sa paglinang ng
kakayahang komunikatibo? Ipaliwanag ang sagot.

8
Tiyak na marami kang natuklasan sa paksa sa modyul na ito. Tena at ating
pagyabungin ang mga natutunan natin sa araling ito. Isakatuparan ang mga gawain
sa ibaba.

GAWAIN 1. Tic-Tac-Toe

Gamit ang graphic organizer na Tic-Tac-Toe, bumuo ng angkop na pahayag para sa


kinkausap na nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyong nasa ibaba.

Sitwasyon: Panghihikayat na sumali sa organisasyong nagsusulong ng


pangangalaga sa kalikasan.

Guro: Magulang: Kaibigan;


_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________

Empleyado ng paaralan: Kapatid: Bagong kakilala:


_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________

Kapuwa mag-aaral: Kapitbahay: Estranghero:


_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________
_________________________ _________________________ _________________________

9
GAWAIN 2. Think-Pair-Share

Humanap ng kapareha sa klase. Magsagawa ng think-pair-share. Sundin ang mga


direksyon sa ibaba sa pagsasagawa ng Gawain.

a. Think: Ano-ano ang naiisip mong gawain na makapaglilinang ng iyong


kakayahang sosyolingguwistiko? Itala sa papel ang lahat ng maiisip mo.

b. Pair: Humanap ng kapareha sa klase at ibahagi ang iyong mga nailista.


Makinig din sa kaniyang mga ibabahagi. Maging bukas sa pagtatanong at
pagbibigay-puna mula sa isa’t isa. Bumuo ng buod ng pag-uusap at ng
pinagsamang tala.
c. Share: Ibahagi sa klase ang inyong napag-usapan.

GAWAIN 3. Pagsusuri at Pakikinig.

Panoorin ang video sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=C-9wyrx5C0s.


Himayin ang naging pag-uusap gamit ang modelong SPEAKING ni Hymes. Gamitin
ang pormat sa ibaba:

Pamagat ng Pinanood:

______________________________________________________________________________

Gabay Tala
S- Setting and Scene
P- Participants
E- Ends
A- Acts
K- Key
I-Instrumentalities
N- Norms
G- Genre

Natitiyak kong nalilinang mo na ang iyong kakayahang komunikatibo. Sa bahaging


ito nais kong maitatak mo sa iyong isipan ang mga paalala sa iba. Magbigay ng
pagpapaliwanag at mga pangangatwiran bilang patunay nang kaangkupan ng mga
pangungusap.

1. Hindi lamang pagsunod sa gramatika ang mahalaga sa komunikasyon.


Paliwanag/Pangangatwiran:

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
2. Maraming anyo ang Wikang Filipino.

Paliwanag/Pangangatwiran:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Sa pamamagitan ng paglinang sa kakayahang komunikatibo naisasaalang-


alang ang kausap at sitwasyong kinapapalooban.

Paliwanag/Pangangatwiran:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

4. Indikasyon ng buhay na wika ang pagbabago-bago at pagiiba-iba nito sa iba’t


ibang tagapagsalita.

Paliwanag/Pangangatwiran:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

Mukhang malapit mo nang matapos ang mga aralin. Binabati kita! Kaunti na
lamang at matagumpay mo nang matatapos ang modyul na ito. Isagawa ang gawain
sa ibaba.
GAWAIN 1. Metacard
Punan ang metacard sa ibaba, punan ang karugtong na pahayag ang mga
sumusunod na senaryo:
Para sa metacard 1:

Kapag napansin kong hindi nababagay ag damit ng aking kaibigan sa aming


pupuntahang okasyon subalit hindi ko direktang mabanggit sa kaniya dahil baka
masaktan ang kaniayang damdamin, ang sasabihin ko na lang ay,
“______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.”

11
Para sa metacard 2:

Kapag mababa ang nakuha kong grado sa pagsusulit sa Matematiks at nais kong
ipaalam sa aking magulang nang hindi magreresulta ng biglaang galit, sisimulan
ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng,
“______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.”

Halika at atin nang alamin ang iyong natutunan sa modyul na ito. Sagutingang
maikling pagsusulit sa ibaba.
Unang Bahagi. Pagtukoy

Panuto: Piliin ang titik ng sagot na tinutukoy sa bawat aytem.


1. Naialalangkap din nila ang mga biruan at pahiwatigan na hindi nauunawaan ng
hindi kabilang sa kanilang grupo.
a. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
d. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon

2. Tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang


at iba pag nakatatanda at may awtoridad.
a. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
d. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon

3. May pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga magkakaibigan.


a. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
d. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon

4. Maaaring maging pormal o impormal ang pananalita depende kung sino ang
kinakausap.
a. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
d. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon

12
5. Gumagamit ng lokal na wika at/o dayalekto sa kausap na nagmula sa
kaparehong bayan ng tagapagsalita
a. pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
d. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon

6. Tumutukoy sa pag-aaral sa wika na nararapat na nakatuon sa paglalarawan at


pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na
sitwasyon.
a. etnograpiya ng wika c. interference phenomenon
b. variability concept d. interlanguage

7. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng


indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob ng lipunan at itinatalastassa kausap o
grupo ng mga tao.
a. Interlanguage c. interference phenomenon
b. etnograpiya ng wika d. panlipunang phenomenon

8. Siyang lumikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino – Ilokano-Filipino,


Bikolnon – Filipino, Kampampangan – Filipino, Hiligaynon – Filipino at iba pa.
a. Interlanguage c. interference phenomenon
b. etnograpiya ng wika d. panlipunang penomenon

9. Nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag,


pagbabawas at pagbabago ng alituntunin
a. etnograpiya ng wika c. interference phenomenon
b. variability concept d. interlanguage

10. Likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng mga varayti


ng isang wika.
a. etnograpiya ng wika c. interference phenomenon
b. variability concept d. interlanguage

11. Kaninong pilosopiya ang modelong SPEAKING na nagiisa-isa ng mga dapat


isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon?
a. Constantino c. Sapiro
b. Hymes d. Gleason

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kakayahang komunikastibo?


a. Sosyolingguwistiko
b. Pragmatiko
c. Diskorsal
d. Sikolohikal

13. Kapag isinasaalang-alang mo ang takbo o daloy ng pinag-uusapan, ano sa


modelong SPEAKING ang isinasaalang-alang mo?
a. Setting b. Norms c. Genre d. Act Sequence

14. Ano sa modelong SPEAKING ang isinasaalang-alang mo kapag isinasaalang-


alang mo ang tono ng pag-uusap kung ito ay pabiro o seryoso?
a. End b. Keys c. Participantd. Instrumentalities

13
15. Ano sa modelong SPEAKING ang isinasaalang-alang mo kapag isinasaalang-
alang mo kung ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may
mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?
a. End b. Keys c. Participantd. Instrumentalities

Natapos mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. At naniniwala akong


buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi
kong sagutin mo ang karagdagang gawain upang lalong mahasa ang iyong
kakayahan sa wika.

GAWAIN 1. Pagsulat ng Liham


Bumuo ng isang bukas na liham para sa Pangulo ng Pilipinas na tumatalakay sa
karapata ng isang kabataang Pilipino sa anumang konteksto. Magbigay ng limang
punto sa iyong paninindigan at ipaliwanag ito. Tiyakin ang kaangkupan ng mga
salitang gagamitin.

14
15
Pilipino. Sibs Publishing House Inc. Quezon City.
Marquez, Servillano T. (2017). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila.
Taylan, Dolores R. et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Sanggunian
TAYAHIN:
SUBUKIN : BALIKAN:
1. B 6. A 11. B
3 7 S-SETTING
2. C 7. D 12. D
3. B 8. C 13. D 9 10 P-PARTICIPANT
4. D 9. D 14. B
5. A 10.B 15. D 5 1 E-ENDS
KARAGDAGANG GAWAIN 2 6 A-ACT SEQUENCE
Malayang sagot 8 4 K-KEYS
I-
PAGYAMANIN : INSTRUMENTALITIES
Gawain 1,2 at 3 -Malayang Sagot N-NORMS
ISAISIP: Malayang Sagot G-GENRE
ISAGAWA: Malayang Sagot
TUKLASIN: Malayang sagot
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like