You are on page 1of 24

9

Unang Markahan – Modyul 1:


Mga Kataga o Pahayag ng Gamit sa
Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari o Transitional Devices

Self-Learning Kit
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng
mga Pangyayari o Transitional Devices
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edeson T. Villarias
Editor: Dr. Violeta A. Arsolon
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief:MARIA LOURDES L. IPONG
Name of Division EPS In Charge of LRMS:NANETTE A. NACOR
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VII
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa
Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari o Transitional Devices
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari o Transitional Devices!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol


sa Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional
Devices!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay
may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang
iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang

iii
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na may pagsasaalang-alang sa iyo. Ito ay


ginawa upang matulungan kang makabisado ang iba’t ibang gamit ng Transitional Devices.
Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang karaniwang
pagkakasunud-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod ng mga ito ay maaaring
mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Kasanayang Pampagkatuto:

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay.


(F9WG-1a-b-41) (Week 3)

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang bahagi.

Aralin - Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang Pangatnig at


Transitional devices.

Pagkatapos ng matutuhan ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakahihinuha sa tamang gamit ng mga pangatnig at transitional devices;
2. nakagagamit ng mga pangatnig at transitional devices sa pagbuo ng mga
pangungusap; at
3. nakapagsasalaysay ng sariling karanasan gamit ang mga pangatnig at transitional
devices sa paraang patalata.

1
Subukin

Panuto: Ang bahaging ito ng modyul ay susubok sa iyong kaalaman hinggil sa paksang pag-
aaralan. Basahing maigi at unawaing mabuti ang bawat bilang. Maging maingat sa pagpili ng
iyong sagot. Piliin ang titik na kumakatawan sa pinakatamang sagot. Isulat ito sa isang bukod
na papel.

1. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, ______ ang itinanim, siya ring
aanihin?
A. Kung ano C. Kung kailan
B. Kung gaano D. Kung saan
2. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, Sumakit ang kaniyang tiyan ____
kasisigaw?
A. Dahil sa C. Sapagkat
B. Gayunpaman D. Samantala
3. Kailan ginagamit ang pangatnig na samantala?
A. Panlinaw C. Pantuwang
B. Pananhi D. Panapos
4. Anong uri ng pangatnig na nagsasaad ng pag-aatubili o pag-aalinlangan?
A. Panubali C. Pamukod
B. Paninsay D. Pananhi
5. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, Umapaw ang ilog ______ walang tigil
ang ulan?
A. Kahit C. Sapagkat
B. Ngunit D. Samantala
6. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, ________umulan, hindi makakapunta
rito si Boyet?
A. Dahil C. Sakaling
B. Pati D. Samantala
7. Anong uri ng pangatnig ang nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa
natapos na kilos?
A. Panubali C. Pamukod
B. Paninsay D. Pananhi

2
8. Ano ang tawag sa pangatnig na ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan?
A. Pamanggit C. Panimbang
B. Panlinaw D. Pangawing
9. Paano nakatutulong ang mga pangatnig at transitional devices?
A. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. Pagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. Pagkilala kung kaiIan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.
10. Ano ang tawag sa pangatnig na ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi?
A. Paninsay C. Pamukod
B. Panimbang D. Panlinaw
11. Ano ang tawag sa uri ng pangatnig nagsasaad ng panggagaya o nagsasabi lamang ng
iba?
A. Pamanggit C. Panlinaw
B. Panimbang D. Panulad
12. Ano naman ang tawag sa pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang
pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Panapos C. Pamukod
B. Panlinaw D. Panulad
13. Ano ang tawag sa uri pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap
ang ikalawang bahagi nito.
A. Panlinaw C. Paninsay
B. Panimbang D. Panulad
14. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, Kung ikaw ___ si Liza ang bibigyan
ng parangal ay wala akong tutol?
A. At C. O
B. Raw D. Pati
15. Alin sa sumusunod na pangatnig ang nasa uring panimbang?
A. Kahit C. Pati
B. Kung D. Raw

Ngayong natapos mo nang sagutan ang panimulang pagtataya ay maari mo


na itong iwasto gamit ang mga kasagutan sa bahagi ng susi ng pagwawasto na
makikita sa ikalabing-isang bahagi ng modyul na ito. Pakatandaan na dapat maging
totoo ka sa pagwawasto upang magkaroon ng kabuluhan ang pagpapatuloy mo sa
mga susunod na bahagi ng Modyul. Ilakip ang sinagutang papel sa pagsumite ng
Modyul na ito.

3
Aralin Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa
Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari o
Transitional Devices

Mahilig ka bang magkuwento? Iyong tipong kapag may kausap ka ay


nag-iisip ka ng mga bagay na nangyayayari sa iyo, sa ibang tao, o sa mga
napapanood mo? O ikaw iyong tipong mahilig magsulat ng pasalaysay? Ngunit alam
mo ba ang tawag sa mga ginagamit mong pang-ugnay sa bawat pangungusap?

Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay babalikan natin ang mga nauna nang aralin na maaring
maiugnay sa kasalukuyang leksyon. Maging masipag sa pagtukoy sa mga nakaimbak na
kaalaman upang higit na mapadali ang pagkatuto sa bagong aralin.

Mga Tala para sa Guro


Batay sa iyong pag-aaral sa ika-walong baitang, nalaman mo na ang pang-ugnay
ay may iba’t ibang uri, kabilang na dito ang Pangatnig at Transitional Devices.
Upang magkaroon ka ng kaalaman sa kasalukuyang aralin natin ay sagutin muna
ang katanungan sa ibaba. Maaaring magpatulong sa iyong mga magulang o mga
nakatatandang kapatid kung hindi mo alam ang kasagutan.

4
Tanong:
Ano ba ang pang-ugnay? Mahalaga ba na magkaroon
tayo ng tamang kaalaman sa paggamit ng mga
Pang-ugnay?

Upang matukoy natin kung naging tama ang iyong kasagutan, tingnan ang susi ng
pagwawasto.

Kung naging tama ang iyong kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na bahagi ng Modyul na ito.

Tuklasin

Tingnan ang larawan at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.
Maaaring hindi na isulat ang mga sagot mo sa sagutang papel. Nilalayon lamang sa bahaging
ito na magabayan ka sa kung ano ang magiging aralin natin ngayon.

https://pixabay.com/photos/bridge-destroyed-abandoned-broken-512086/

5
Mga Katanungan:
1. Ano ang nangyari sa tulay?
2. Ano ang karaniwang gamit ng isang tulay?
3. Ano kaya ang kaugnayan ng larawang ito sa paksa natin?

Tama ka! Ang larawan sa itaas ay may kaugnayan sa aralin na


pag-uusapan natin sa modyul na ito.Sa pagpapatuloy mo sa pagbabasa ay
Suriin
tatalakayin ang mga Pangatnig at Transitional Devices at maging ang mga
halimbawa nito. Sikapin mong magawa ang lahat ng bagay na inaasahan
sa iyo pagkatapos ng modyul na ito.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul ay pag-uusapan natin ang aralin na dapat mong matutuhan.
Kaya kinakailangan mong basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap upang
magkaroon ng katiyakan ang iyong pagkatuto.

Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari o


Transitional Devices
Ang pangatnig ay mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit
pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ginagamit din ito sa mga pangungusap na tambalan,
hugnayan, langkapan at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga o salita na
nagbibigay hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga
ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.

6
PANAPOS - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang pagsasalita o ang nais
ipahiwatig ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
b. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
c. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga

PANANHI- nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa natapos na kilos.


Halimbawa:
a. Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
PAMUKOD - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi.
Halimbawa:
a. Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong tutol.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose man ang magwagi sa paligsahan.
PANINSAY - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bumoto sa kalaban
niya.
PANUBALI - nagsasaad ito ng pag-aatubili o pag-aalinlangan.

Halimbawa:
a. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
b. Sasayaw ako kung aawit ka.
c. Sakaling umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.

7
PANIMBANG - pangatnig na gamit kung naghahayag ng karagdagang impormasyon at
kaisipan.
Halimbawa:
a. Nagpiknik sa bukid sina Jose at Maria.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
PAMANGGIT - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.
Halimbawa:
a. Siya raw ang hari ng sablay.
b. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
PANULAD - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Halimbawa:
a. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

PANLINAW- gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng
isang banggit.
Halimbawa:
a. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
b. Nagkasundo na ang mga trabahador at may-ari, kung gayon ay magbubukas na
ang planta.
c. Totoo ang mga sinabi ni Nene patungkol sa mga kaganapan sa klase kahapon.
Transitional Devices - Ginagamit sa pagtatapos o sa pagwawakas sa mga pahayag,
Mga halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang
ama.
c. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin
ang kaniyang pag-aaral.

8
Narito ang isang bahagi ng kuwento na ng nagpapakita ng pagkakasunod –
sunod ng mga pangyayari gamit ang pangatnig at transitional devices.

Anim na Sabado ng Beyblade


(bahagi lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan
kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang
regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang ‘di niya malimutan ang araw na ito.
Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming – marami ang laruan.
Stuffed toys, minihelicopter, walkie-talkie, crush gear, remote controlled cars, at higit sa lahat,
ang Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit ‘di totoo. Kahit ‘di pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng


beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw.
Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang
beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang
nakapagngangalit, unti-unti nang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang
maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang
sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.

Ang mga nakasalungguhit na mga salita sa bahagi ng kuwenting iyong


nabasa ay mga pangatnig at transitional devices na ginamit sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari at ideya.

PAGSASANAY A

Upang lubos mong maunawaan ang aralin natin ay kailangan mong masagot ang
kalakip na pagsasanay. Maaaring magpatulong sa iyong mga magulang o mga
nakatatandang kapatid kung hindi mo alam ang kasagutan. Punan ng angkop na transitional
device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Piliin ang inyong sagot sa
mga salita na nasa loob ng kahon sa ibaba. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Bunga ng dahil subalit dahil sa


Ngunit ganun samantala at
9
Krus

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para
sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games. 1. ____ nga mayaman, sunod ang
kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. 2. ____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng
paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang kahit hindi siya
mag-ensayo, matatanggap pa rin siya 3. ____ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang
Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral 4. ____
pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.

Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay
ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.

5. ____, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung


talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, 6. ____ umaayos
nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. 7.____ biglang nag-brownout. Ang sinag na
lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. 8.____ na
lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang
harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal.

“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan,
patawarin N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo
na patawarin N’yo po sana ako.”

Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin
ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.

Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig
ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw

PAGSASANAY B

Punan ng angkop na pangatnig at transitional devices ang mga patlang upang


mabuo ang kaisipan ng talata.

Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance 1. _____ mapanatili nito ang


kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan 2. _____
“pagiging balance” ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat
ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa
usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop 3. _____ halaman na kasama nating
namumuhay dito ay nangangailangan 4. _____ ng mabuting pamumuhay. 5. _____ hindi
mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi
lamang sa ating panahon kundi 6. _____ na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat

10
na mangyari ito 7. _____ magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang
sistema ang ating mundo 8. _____ tayong lahat na nabubuhay dito ay magkaroon ng maligaya
9. ______malinis na pamumuhay.

Pagyamanin

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng mga gawain para sa iyong malayang
pagsasanay upang mas mapagtibay pa ang inyong pang-unawa at kasanayan sa paksa.
Pagsasanay
Mag-isip ng kuwentong nabasa o napakinggan mo. Pagkatapos, gamit ang mga
pangatnig at transitional devices ay isalaysay ang buod nito. Isalaysay ito sa paraang patalata
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong iyong napili. Gawin
ito sa isang malinis na papel.

Pamantayan sa Pagwawasto
Krayterya 5 3 1
Gumagamit ng mga Gumamit ng limang Gumamit ng isa - Hindi gumamit ng
pangatnig at pangatnig at tatlong pangatnig at pangatnig at
transitional devices transitional devices sa transitional devices sa transitional devices sa
pagsasalaysay ng pagsasalaysay ng pagsasalaysay ng
kuwento kuwento kuwento
pagkakasunod-sunod Tama ang Hindi masyadong Mali ang
ng mga pangyayari pagkakasunod-sunod tama ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento ng mga pangyayari sa kuwento
kuwento
Kabuuan 10 puntos

11
Isaisip

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga gawain o pagsasanay upang maproseso mo ang mga
natutuhan mula sa aralin.

1. Anu-ano ang iba’t ibang gamit ng pangatnig at transitional devices?


2. Paano nakakatulong ang pangatnig at transitional devices sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari?
3. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasalaysay ng mga pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari?

Isagawa

Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain: Pagsulat ng talata

Batay sa kinakaharap nating pandemiya na Covid-19, bumuo ng isang talatang may


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa iyong karanasan gamit ang mga pangatnig
at transitional devices. Ang talata ay binubuo ng pito o hindi lalagpas sa sampung
pangungusap. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Upang ikaw ay magabayan sa gawaing ito, narito ang mga pamantayan sa pagsusulat
mo ng talata.

 Nilalaman (akma sa ibinigay na sitwasyon at ginagamitan ng mga pangatnig at


transitional devices) – 20 puntos
 Pagkamalikhain (kawili-wili ang pangyayaring ibinabahagi) – 15 puntos
 Kaayusan ng mga pangungusap (Balarila) – 10 puntos
 Kalinisan ng pagkasulat – 5 puntos
KABUUAN: 50 puntos

12
Tayahin

Ang bahaging ito ng modyul ay susubok sa iyong mga kaalaman sa paksang tinalakay.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa tamang
sagot. Isulat ito sa isang malinis na papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang kukumpleto sa pahayag na, Nahuli na ang
tunay na maysala ____makakalaya na si boss Natoy.
A. Kaya C. Subalit
B. Kung gayon D. Sa wakas

2. Ano ang kukumpleto sa pahayag na, Makukuha ko na rin ________ ang inaasam kong
promosyon sa trabaho?
A. Bunga nito C. Sa wakas
B. Kung gayon D. Sa lahat ng ito
3. Ano ang tawag sa pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang
pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Panapos C. Pamukod
B. Panlinaw D. Panulad
4. Ano ang kukumpleto sa pahayag na, Siya ______ ang hari ng sablay?
A. Raw C. Kaya
B. Rin D. Samantala
5. Ano ang kukumpleto sa pahayag na, Maganda nga ang dalaga ________ masungit
naman siya?
A. Kaya C. Ngunit
B. Kung gayon D. Samantala
6. Alin sa sumusunod na pangatnig ang nasa uring panimbang?
A. Kahit C. Pati
B. Kung D. Raw

13
7. Alin sa mga uri ng pangatnig ang nagsasaad ng panggagaya o nagsasabi lamang ng iba?
A. Pamanggit C. Panlinaw
B. Panimbang D. Panulad
8. Ano ang pangatnig na kukumpleto sa pahayag na, ______ ang itinanim, siya ring
aanihin?
A. Kung ano C. Kung kailan
B. Kung gaano D. Kung saan
9. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang halimbawa ng pangatnig na paninsay?
A. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
B. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit maraming naninira sa kanya.
C. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
D. Walang diperensiya sa akin maging si Jose man ang magwagi sa paligsahan.
10. Alin sa mga uri ng pangatnig ang sumasalungat sa naunang parte ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito?
A. Panlinaw C. Paninsay
B. Panimbang D. Panulad
11. Ano ang tawag sa pangatnig na ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi?
A. Paninsay C. Pamukod
B. Panimbang D. Panlinaw
12. Anong pangatnig ang kukumpleto sa pahayag na, Nagmadaling pumunta si Ted sa
istasyon ______hindi niya naabutan ang tren?
A. Dahil C. Pati
B. Ngunit D. Upang
13. Saan napapabilang ang pangatnig na samantala?
A. Panlinaw C. Pantuwang
B. Pananhi D. Panapos
14. Paano nakatutulong ang mga pangatnig at transitional devices?
A. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. Pagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. Pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.
15. Ano ang tawag sa pangatnig na ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan.
A. Pamanggit C. Panimbang
B. Panlinaw D. Pangawing

14
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ay may ibibigay sa iyo na panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

PAGSASANAY

Batay sa iyong natutuhan mula sa aralin, punan ang bawat pahayag ng tamang
pangatnig upang maging buo ang diwa nito. Isulat sa isang bukod na papel ang iyong mga
sagot.
1. Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase.
2. Naglilinis siya ng silid ______ nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat ______ manonood ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario ______ malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan ______ masama ang ginagawa niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi ______ nakaalis na pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia ______ sumakit ang kanyang ngipin.

15
16
Subukin Balikan Tuklasin
1. A Mahalaga dahil 1. Naputol/sira ang
2. A nagiging madali at tulay
3. C mas epektibo tayo 2. Ginagamit sa
4. A sa pagtawid sa
5. C pakikipagkomunika kabilang dako
6. C s 3. Ang paksa ay
7. D tungkol sa Pang-
8. C ugnay (pangatnig
9. A at transitional
10. C device)
11. A
12. A
13. C
14. C
15. C
Suriin Karagdagang gawain Tayahin
SET A 1. kaya 1. A
2. habang 2. C
1. dahil sa 3. at 3. A
2. bunga ng 4. kapag 4. A
3. dahil 5. dahil 5. C
4. subalit 6. subalit 6. C
5. samantala 7. sapagkat 7. A
6. at 8. A
7. ngunit 9. B
8. ganun 10. C
SET B 11. C
12. B
1. upang 13. C
2. o 14. A
3. at 15. C
4. din
5. kung
6. pati
7. at
8. upang
9. at
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
n.d. Quizlet. Accessed June 30, 2020. https://quizlet.com/214867666/pangatnig-transitional-devices-
flash-cards/.

Rodrigo Cawas, Venicar Eltanal, Mary Lovilin Lastimosa, Marilyn Villasan, Gernade Oville, Alma
Dagangan, Aida Pinero, Lanie Dumagpi, Yannee Vee Sumagaysay, Airus Lee Cabrera. n.d.
Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino. Department Of Education (Negros Oriental
Division).

n.d. Samut-samot. https://samutsamot.com/.

Wunsch, Johannes. n.d. Pixabay. Accessed June 29, 2020. https://pixabay.com/photos/bridge-


destroyed-abandoned-broken-512086/.

17

You might also like