You are on page 1of 17

9

11 SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
PAGSULAT NG MAIKLING PANANALIKSIK
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Maikling Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Roellyn B. Kabristante


Editor: Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Maria Chona S. Mongcopa, Dustin Kieth P. Jagunos, Rustom Nonato
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Maikling Pananaliksik!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsulat ng Maikling Pananaliksik!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta?

Marami na kayong natutuhan tungkol sa mga konsepto sa pagsulat ng


papel pananaliksik. Ngayon, subukin mong gawin ang pagbuo ng isang papel
pananaliksik upang masukat mo ang iyong kakayahan at ang mga natutuhan
mong mga konsepto tungkol dito.
Ang maikling pananaliksik ay karaniwang ipinagagawa sa mga
estudyante bilang isa sa mga pangangailangan sa larangang akademiko.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang


paksa
(F11EP – Ivij – 38)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nagagamit ang mga konsepto sa pagsulat ng maikling pananaliksik;


2. Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik sa napapanahong
paksa; at
3. Naipakikita ang kawilihan sa pagsulat ng napapanahong pananaliksik.

1
SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik na
katumbas ng tamang sagot at isulat sa sariling kuwaderno.

1. Ano ang tawag sa isang maingat na pagsusuri o pagsisiyasat sa isang suliranin


o problema?
A. mananaliksik B. pananaliksik C. konsepto

2. Sino ang responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos?


A. mananaliksik B. manunulat C. makata

3. Ano tawag sa proseso ng pananaliksik na kung saan dito isinaalang- alang ang
interes ng magsasagawa ng pananaliksik o kadalasa’y mga tanong na nais
mong mabigyan ng kasagutan?
A. batayang konsepto B. pagpili ng paksa C. mananaliksik

4. Ano ang tawag sa paglalarawan ng mga dati o bagong teorya na may


kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral?
A. teoritikal na balangkas B. konseptuwal na balangkas C. batayang konsepto

5. Ano ang tawag sa balangkas na nababatay sa konsepto o ideya ng


mananaliksik?
A. teoritikal na balangkas B. konseptuwal na balangkas C. batayang konsepto

6. Alin sa bahaging ito ng papel pananaliksik na malalaman ang sagot sa tanong


na ano, bakit, ano ba ang paksang inaaralan at bakit ito pinag-aaralan?
A. rasyonal B. paglalahad ng suliranin C. kahalagahan ng pag-aaral

7. Anong bahagi ng papel pananaliksik nakalagay ang sanhi o layunin ng paksang


inaaralan na anyong patanong?
A. rasyonal B. paglalahad ng suliranin C. kahalagahan ng pag-aaral

8. Saang bahagi ng papel pananaliksik na inilalahad kung sino ang makikinabang


sa nasabing pag-aaral?
A. rasyonal B. paglalahad ng suliranin C. kahalagahan ng pag-aaral

9. Saan bahagi ng papel pananaliksik nakalagay ang teoryang pagbabatayan ng


pag-aara?.
A. rasyonal B. balangkas na teoritikal C. saklaw at limitasyon ng pag-aaral

10. Saang bahagi ng papel pananaliksik na tinatakda ang parameter ng


pananaliksik dahil tinutukoy rito ang baryabol na sakop at hidi sakop ng pag-aaral?
A.rasyonal B. batayang konseptuwal C. saklaw at limitasyon ng pag-aaral

2
TUKLASIN

Panuto: Mag-isip ng mga sampung suliraning naranasan, narinig sa radyo,


nabasa sa pahayagan at sa sosyal midya. Isulat ito sa sariling
kuwaderno.

SURIIN

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel pampananaliksik na karaniwang


ipinagagawa sa mga estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa
mga pangangailangang akademiko. Ngayon naman, Sikapin mong makasusulat
kayo ng isang pamanahong papel gamit ang napapanahong paksa.Sundin lamang
ang nasa ibaba.

Paksa: Antas ng Kawilihan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon


Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi:


1. Ang Panimula o Introduksyon-ay isang maikling talatang kinapapalooban
ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

Halimbawa:
Ang mundo ay puno ng pagbabago dahil sa modernong
teknolohiyang ipinakikilala ng panahon. May masasama at mabuti itong
naidudulot ang makabagong teknolohiya sa buhay ng mga kabataan.
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral ng leksyon subalit kadalasan
tinatamad sa pag-aaral o pagbabalik-aral ng kanilang mga aralin. Dalawa
ang kadalasan nilang ginagawa. Una, ang magpahinga o matulog at ang
pangalawa, maglaro gamit ang PSP, laptop at cellphone o di kaya’y
making ng musuika sa ipod higit sa lahat manood ng telebisyon.
Ang makabagong kagamitan ay maaaring magdulot ng
masasama at mabubuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring
magdulot ng mabubuting epekto dahil sa magagamit bilang pandgdag sa
kanilang kaalaman. Maaari namang magdudulot ng masasama epekto
ang ipod at psp sa dahilang maaari itong maging sanhi ng pagkawalan ng
interes sa pag-aaral kung nasosobrahan ang paggamit ng mga ito.

3
2. Layunin ng Pag-aaral-inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan
kung bakit isinagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang ispesipikong
suliranin na nasa anyong patanong.

Halimbawa:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang antas ng kawilihan
sa pagbasa ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang akademik
performans.

Naglalayon itong masagot ang sumusunod na mga tiyak na suliranin:


1. Ano ang profayl ng mga rspondenteng mag-aaral batay sa:
1.1. Kasarian;
1.2. Kabuuang kita ng pamilya buwan;
1.3. Edukasyong natapos ng mga magulang;
1.4. Uri ng babasahin na nasa bahay;
1.5. Oras na inilalaan sa pagbasa; at
1.6. Uri ng babasahing kadalasang binabasa?
2. Ano ang antas ng kawilihan sa pagbasa ng mga respondent?
3. Ano ang performans ng mga rspondente sa asignaturang Filipino sa
ikalawang markahan?
4. May kaugnayan bas a pagitan ng antas ng kawilihan sa pagbasa ng
mga respondent at ang kanilang performans sa ikalawang markahan?
5. May kaugnayan bas a pagitan ng antas ng kawilihan sa pagbasa ng
mga respondent at ang kanilang profayl?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral- inilalahad ang significance o kabuluhan


ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy
rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa
iba’tibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon,
disiplina o larangan.

Halimbawa:
Ang kasalukuyang pag-aaral ay maaaring makatulong sa sumusunod
na indibidwal o grupo ng mga tao.

Sa mga Estudyante
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang ang mga mag-aaral ay
magiging aktibong makikilahok sa mga gawaing inihanda ng guro.Kaya
nararapat na palaging handa at magkaroon ng kawilihan sa bawat
talakayan ang mga estudyante at mahikayat na silang magbasa at higit
sa lahat mapapahalagahan ang kanilang binabasa.

Sa mga Guro
Sila ang matitiyagang tagapagbahagi ng mga kaalaman sa mga mag-
aaral at makatulong ang pag-aaral na ito sa paghanap ng mga
makabagong teknik o paraan upang maituro nila nang mabisa ang mga
aralin lalo na ang panitikan.

4. Saklaw at Limitasyon-tinutukoy ang simula at hangganan ng


pananaliksik. Dito tinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil

4
tinutukoy rito kung ano-ano ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng
pag-aaral.

Halimbawa:
Saklaw- Sakop ng pag-aaral na ito ang apat na seksyon na mahigit isang
daang mag-aaral sa ikaapat na antas ng mataas na paaralan ng Saint
Louis School- don Bosco.ang kanilang marka sa ikalawang markahan sa
asignaturang Filipino taong 2014-2015 ang ginamit sap ag-aaral na ito.

Limitasyon-Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral lamang


sa ikaapat na antas sa pribadong paaralang sekundarya ng Saint Louis
School- Don Bosco, Siyudad ng Dumaguete.
Ang pagsagot sa mga sarbey-kwestyoneyr ay nakasalalay lamang
sa katapatan ng mga mag-aaral.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya- ang mga katawagang makailang


ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptuwal (ibinibigay ng standard
ng depinisyon ng mga katawagan bilang mga konsepto) o operasyonal
(binigyang-kahulugan ang mga katawagan kung paano iyon ginamit sa
pamanahong papel.)

Halimbawa:

Antas ng kawilihan-tumutukoy sq lawak ng interes, panahon na ginugol


at pag-uugali ng mga rspondente kaugnay ng pagbabasa ng iba’tibang uri
ng babasahin

Performans- tumutukoy sa marka o grado ng mga respondent sa


asignaturang Filipino sa ikalawang markahan.

Respondente- tumutukoy sa mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan


ng Saint Louis School- Don Bosco. Ang mga mag-aaral na ito ay nasa
ikaapat na taon sa hayskul at sila ang sakop sa pag-aaral na ito.

Uri ng mga babasahing kadalasang binabasa- ito ay tumutukoy sa mga


babasahing kinagigiliwang basahin ng mga respondent na maaaring
matatagpuan sa kanilang paaran, bahay at silid-aklatan.

Uri ng mga babasahing nasa bahay- ito ay tumutukoy sa mga


babasahing nasa bahay ng bawat respondent.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang layunin ng pananaliksik:


2. Ano-ano ang kahalagahan ng pananaliksik?
3. Sino-sino ang mga respondente ng pananaliksik?

5
PAGYAMANIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Suriin ang bahagi ng
Kabanata 1(Ang Suliranin at Kaligiran Nito) Titik lamang ang isulat sa iyong
kuwaderno.

A. Panimula
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Anong uri ng musika ang pinakikinggan ng mga mag-aaral sa unang taon ng


Pamantasang De Guia, Taong Akademiko 2019-2020?

2. Ano-ano ang mga dahilan bakit pinagsasabay ng mga mag-aaral ang


pakikinig ng musika habang nag-aaral?

3. Ang piniling respondente sap ag-aaral na ito ay nasa unang taon ng Senior
High School ng Pamantasang De Guia, taong akademiko 2019-2020.

4. Ang musika ay isang anyo ng sining na gumagamit ng tunog sa


pagpapahayag ng damdamin o saloobin. Maraming uri ang musika. May
musikang malungkot, masaya at hindi magandang pakinggan.

5. Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral na mahilig ng mga


musika habang nag-aaral.

6. Sakop ng mga mag-aaral sa unang taon sa Pamantasan ng De Guia taong


akademiko 2019-2020.

7. Respondente-piling mag-aaral sa unang taon sa Pamantasang De Guia taong


akademiko 2019-2020.

6
ISAISIP

Sa pagpili ng paksa, kailangang ikonsider


ang mga sumusunod:
Kasapatan ng datos, limitasyon ng panahon,
kakayahang pinansyal, kabuluhan ng paksa at
higit sa lahat ang interes ng mananaliksik
(Bernales,et al.,2008).

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng papel pananaliksik gamit ang pormat na nasa ibaba at


pumili ng paksa sa loob ng kahon.
I- Paksa
II- Panimula
III- Layunin ng Pag-aaral
IV- Kahalagahan ng Pag-aaral
V- Saklaw at Limitasyon
VI- Depinisyon ng mga Terminolohiya
VII- Listahan ng mga Sanggunian

1. Epekto ng Pandemya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Senior High School


2. Epekto ng Modular Modality na Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Senior High School
3. Kahandaan ng Mag—aaral sa Pag-aaral sa Gitna ng Pandemya
4. Kakulangan ng Kagamitang Pampagtuturo sa Asignaturang Filipino

Pamantayan sa Pagwawasto ng Pinal na Burador:


Pagsunod sa wastong Format (APA o MLA) - 5
Wastong Gramatika- 15
Tamang palugit- 5
Wastong pagkakasunod-sunod
ng mga bahagi na naibigay na pormat- 5
Wastong pagkakaorganisa ng mga kaisipan- 10
Nilalaman- 20

KABUUAN: 60

7
TAYAHIN

Panuto: Basahin at piliin lamang ang titik na katumbas ng tamang sagot sa bawat
bilang. Isulat sa sariling kuwaderno.

1. Anong bahagi ng pagsulat ng papel pananaliksik na nagpapaliwang sa dahilan


kung bakit gagawin ang isang pananaliksik?
A. layunin B. tesis ng pahayag C. paksa

2. Anong bahagi rin na nagsasaad sa gustong matamo at o matuklasan ng mga


mag-aaral sa pananaliksik na gagawin?
A. Paksa B. layunin C. tesis na pahayag

3. Ano-ano ang mga katangian ng isang mabuting mananaliksik?


A. Masipag at matiyaga
B. maingat, sistematiko at mapanuri
C. lahat ng nabanggit

4. Sa pagpili ng paksa sa paggawa ng papel pananaliksik, alin dito ang dapat


ikonsider?
A. Kasapatan ng mga datos at limitasyon ng panahon
B. Kakayahang pinansyal ,kabuluhan ng paksa at interes ng mananaliksik
C. Lahat ng nabanggit

5. Anong bahagi ng pagsulat ng papel pananaliksik na nagsasaad ng mailing


talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik?
A. panimula B.layunin C.saklaw at limitasyon

6. Anong bahagi ng pagsulat ng papel pananaliksik na naglalahad ng dahilan sa


pagsasagawa ng pag-aaral?
A. kalagahan ng pag-aaral B. layunin C.saklaw at limistasyon

7. Anong bahagi na naglalahad ng kabuluhan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng


paksa ng pag-aaral?
A. depinisyon ng mga terminolohiya
B. saklaw at limitasyon
C. kahalagahan ng pag-aaral

8. Saang bahagi ng papel pananaliksik na tinatakda ang parameter ng pananaliksik


dahil tinutukoy rito ang baryabol na sakop at hidi sakop ng pag-aaral?
A.rasyonal
B. batayang konseptuwal
C. saklaw at limitasyon ng pag-aaral

8
9. Ano ang tawag sa balangkas na nababatay sa konsepto o ideya ng
mananaliksik?
A.teoritikal na Balangkas
B. konseptuwal na balangkas
C. batayang konsepto

10. Alin sa bahaging ito ng papel pananaliksik na malalaman ang sagot sa tanong
na ano , bakit, ano ba ang paksang inaaralan at bakit ito pinag-aaralan?
A. rasyonal B. paglalahad ng suliranin C. kahalagahan ng pag-aaral

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Lapatan ng tamang sagot ang espasyong nakalaan. Isulat sa sariling


kuwaderno.

Ang aking natutuhan sa araling ito na ang pagsulat ng papel pananaliksik ay


__________________________________________________________________
_____________________________.

Dapat kong __________________________________________________


__________________________________________________________________
_________________________________________.

9
10
Subukin
1. B 6. A
2. A 7. B
3. B 8. C
4. A 9. B
5. B 10.C
Pamprosesong Tanong(1-3)
(Nakadepende na sa guro ang pagbibigay ng puntos sa sagot ng mag-aaral)
Pagyamanin-(1-7)
(Nakadepende na sa guro ang pagbibigay ng puntos sa sagot ng mag-aaral)
Isagawa
(Sundin ang pamantayan sa pagwawasto)
Refleksiyon
(Nakadepende na sa guro ang pagbibigay ng puntos sa sagot ng mag-aaral)
Tayahin(1-10)
1. A 6. B
2. B 7. C
3. C 8. C
4. C 9. B
5. A 10.A
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Bernales, R., Bernardino, E., Palconit, J.G., Belida, M., Mercado, E., Sison, E. &
Dumigpe, G. Mga batayang kaalaman sa pananaliksik. Pagbasa, pagsulat at
introduksyon sa pananaliksik, pahina 142. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc, 2012.

Bernardino, et al., 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’tibang Teksto Sa Pananaliksik,


Malabon City: Mutya Publishing House.

Mongcopa, Maria Chona S. ”Antas ng Kawilihan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa


Ikaapat na Taon Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans. “Tesis.
Unibersidad ng Foundation, Siyudad ng Dumaguete,2015.

https://philnews.ph/2020/05/05/bahagi-ng-pananaliksik-mga-kailangan-malaman-sa-
pananaliksik/

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

12

You might also like