You are on page 1of 19

9

11 SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
ANG BALANGKAS TEORETIKAL AT BALANGKAS
KONSEPTUWAL: MGA KONSEPTO SA
PANANALIKSIK

NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Balangkas Teoretikal at Balangkas Konseptuwal:
Mga Konsepto sa Pananaliksik
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kendrick Macias Kitane


Editor: Maria Chona S. Mongcopa, Melle L. Mongcopa
Tagasuri: Maria Chona S. Mongcopa, Dustin Kieth P. Jagunos, Rustom Nonato
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta? Binabati kita dahil iyong


napagtagumpayan ang isa na namang aralin. Ngayon, sa bagong aralin
na ating tatalakayin, aalamin natin ang mga konseptong may kaugnayan
sa teoretikal at konseptuwal na balangkas. Gagawin nating simple ngunit
makahulugan ang ating pagkatuto upang mas maging malalim ang ating
pag-unawa at pagpapahalaga sa pananaliksik.
Upang magabayan, ang mga konseptong ito ay may kalakip na
mga kahulugan na makatutulong sa iyong pananaliksik. May mga
halimbawa ring makikita upang mas makita ang kabuuhang larawan sa
balangkas teoretikal at balangkas konseptuwal. Tara’t isa-isahin ang mga
balangkas na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay sa
pananaliksik. (balangkas konseptuwal, balangkas teoretikal)
(F11PT-IVcd-89)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga konseptong balangkas teoretikal at


balangkas konseptuwal;
2. Nakagagawa ng sampol na balangkas teoretikal at balangkas
konseptuwal sa isang napapanahong paksa; at
3. Nabibigyang-halaga ang balangkas teoretikal at konseptuwal bilang mga
mahahalagang sangkap sa paggawa ng isang pananaliksik nang may
pag-iingat.

1 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag sa bawat


bilang. Piliin ang titik na katumbas ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Saan galing ang salitang recherché na ang ibig sabihin “to seek
out o to search again”?
A. Dutch B. Ingles C. Pilipino D. Pranses

2. Anong termino ang tumutukoy sa pangangalap ng impormasyon


galing sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at
obhetibo?
A. empirikal B. konseptuwal C. pananaliksik D. teoretikal

3. Anong katangian ng pananaliksik ang nagsasaad na ang


kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga nakalap na mga
datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng
mananaliksik?
A. empirikal B. impormatibo C. makatotohanan D. obhetibo

4. Sa pagbuo ng teoretikal na balangkas, ano ang kadalasang


pinagbabatayan ng mananaliksik?
A. batas B. legalidad C. prinsipyo D. teorya

5. Alin sa lahat ng mga aspekto na makikita sa ibaba na


pinagbabatayan sa pagpili ng teorya sa isang teoretikal na
balangkas ang hindi kabilang?
A. kaangkupan C. dalas ng paggamit
B. dali ng paggamit D. kapangyarihang magpaliwanag

6. Anong balangkas ang nag-uugnay sa paksa, layunin ng pag-


aaral, rebyu sa mga kaugnay na literatura, metodolohiya, at ang
mga magiging kongklusyon ngpananaliksik?
A. konseptuwal B. teoretikal C. ordinal D.pinal

7. Anong balangkas ang naglalaman ng mga konsepto ng


mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa na siyang
pangunahing tema at panuntunan sa pagsisiyasat?
A. konseptuwal B. teoretikal C. ordinal D.pinal

8. Ilan ang uri ng balangkas konseptuwal?


A. A. 5 B. 4 C. 3 D. 2

2 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
9. Anong modelo ang ginagamit bilang pangangatawan sa iba’t
ibang atribusyon at kadalasang ginagamitan ng mga baryabol?
A. baryabol at ugnayan C. input, proseso, at awtput
B. sanhi at bunga D. interactional model

10. Batay sa balangkas konseptuwal, anong uri ng baryabol ang


sanhi at bunga?
A. makapag-iisa C. intervening
B. di-makapag-iisa D. eksperimental

11. Anong uri ng balangkas magagamit ang Teoryang Behaviorism?


A. konseptuwal B. teoretikal C. ordinal D. pinal

12. Anong uri ng modelo ang ginagamit kung may kaugnayan sa


ebalwasyon ang mga pag-aaral at may inaasahang produkto
katulad ng rebisyon at iba pa?
A. baryabol at ugnayan C. input, proseso, at awtput
B. sanhi at bunga D. interactional model

13. Nais ng isang mananaliksik na makita ang kinalabasan ng


pagpapabakuna ng mga tao sa ibang bansa at ang epekto nito
sa pagtaas muli ng ekonomiya nila sa tulong ng internet. Anong
uri ng modelo sa pagbabalangkas ang ginamit?
A. baryabol at ugnayan C. input, proseso, at awtput
B. sanhi at bunga D. interactional model

14. Pagsunod-sunorin ang mga hakbangin sa paggawa ng


balangkas teoretikal. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod na
mga hakbang sa paggawa ng balangkas teoretikal? Titik lamang
ang isulat.

1. Ibigay ang kahalagahan ng teorya sa kabuuhan.


2. Ilagay ang balangkas na ginawa.
3. Ipaliwanag ang mga pinakamahahalagang konsepto sa teorya at iugnay
ang bawat isa sa konteksto ng pananaliksik.
4. Iugnay ang teoryang napili sa konteksto ng pananaliksik.
5. Magbigay ng kaunting kaligiran hinggil sa teoryang ginamit sa pag-aaral.

A. 5-3-1-2-4
B. 5-4-1-3-2
C. 5-4-3-1-2
D. 5-3-2-1-4

3 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
15. Anong modelo ang angkop na gamitin kapag ang mga mag-
aaral na nais makakita ng relasyon sa pag-aaral sa kabila ng
pandemya at ang mga epekto nito?
A. baryabol at ugnayan C. input, proseso, at awtput
B. sanhi at bunga D. interactional model

TUKLASIN

Panuto: Pag-ugnayin ang sumusunod na mga salita na makikita sa bawat bilog.


Ipaliwanag ang relasyon ng mga salita sa salitang pananaliksik. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

SURIIN

ANG BALANGKAS TEORETIKAL AT BALANGKAS KONSEPTUWAL: MGA


KONSEPTO SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik, batay sa mga itinalakay na mga paksa, ay isang proseso


sa mabusising pagtuklas sa mga bagay-bagay. Nanggaling ito sa salitang recherché
na isang salitang na Pranses na nangangahulugang to seek out o to search again.
Bukod dito, ayon kay O’Hare at Funk (2000, sa Bernales et al., 2012), ito ay isang
pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang
impormatibo at obhetibo.

Maraming mga katangian ang isang pananaliksik. Isa sa mga katangiang ito
ay ang pagiging empirikal. Ang pagiging empirikal ng pananaliksik ay
nangangahulugan na ang kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga nakalap na

4 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
mga datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik (Dayag
& Del Rosario, 2017). May dalawang balangkas na makatutulong upang maging
empirikal ang mga datos na kailangan. Ang mga ito ay ang balangkas teoretikal at
balangkas konseptuwal.

Pinatunayan nina Shields at Tajalli (2006, sa Laminta) na ang dalawang


balangkas ay sadyang mahalaga sapagkat nagsisilbi itong mga gabay sa
pananaliksik at nakatutulong sa kabuong batayang konsepto at paglalarawan nito sa
tulong ng mga dayagram at talahanayan. Tatalakayin sa mga sumusunod na mga
bahagi ang dalawang konseptong pampananaliksik.

Balangkas Teoretikal

Ang balangkas teoretikal ay isang gabay sa mga magkakaugnay na mga


konsepto, teorya at kahulugan. Sa pagbuo nito, ginagamit ang tiyak na teorya sa
pagkuha ng basehan sa isinagawang pananaliksik. Pinag-uugnay nito ang paksa,
layunin ng pag-aaral, rebyu sa mga kaugnay na literatura, metodolohiya, at ang mga
magiging kongklusyon ng pananaliksik (Laminta).

Sa pagbuo ng balangkas na ito, kailangang pumili ng teoryang pagbabatayan


batay sa mga sumusunod na aspekto: kaangkupan, dali ng paggamit, at
kapangyarihang magpaliwanag (Maranan, 2018). Mas labis na naiintindihan ang
takbo ng pananaliksik gamit ang balangkas na ito. Sa paggawa, narito ang iilang
mga simpleng hakbangin:

1. Magbigay ng kaunting kaligiran hinggil sa teoryang ginamit sa pag-aaral.


2. Iugnay ang teoryang napili sa konteksto ng pananaliksik.
3. Ipaliwanag ang mga pinakamahahalagang konsepto
sa teorya at iugnay ang bawat isa sa konteksto ng
pananaliksik.
4. Ibigay ang kahalagahan ng teorya sa kabuuhan.
5. Ilagay ang balangkas na ginawa.

Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng balangkas teoretikal at ang mga


kaparaanan kung paano ito isinagawa ng mananaliksik gamit ang mga hakbang na
isinalaysay sa itaas.

5 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
Balangkas Teoretikal (halaw mula sa pag-aaral ni Kitane, 2021)
Sa pag-aaral na ito, minarapat ng mananaliksik na gamitin ang Teoryang
Transactional Distance Learning ni Michael Moore. Ang nasabing teorya ay nagsimula
nang tuklasin ni Moore sa taong 1972 ang iba’t ibang kapamaraanan sa pag-aaral
nang may kalayuan …. sa guro at sa mag-aaral kahit na may pisikal at temporal na
kalayuan ang dalawa (Bornt, 2011). 1
Ayon kay Moore sa isinalaysay ni Routledge (1997), ang teorya ay …
“pedagohikal na konsepto”. Ang Transactional Distance na binanggit ay tumutukoy sa
espasyong sikolohikal… kapaligiran sa pagkatuto (Bornt, 2011).

Batay sa kasalukuyang pangyayari, sa konteksto sa Kagawaran ng Edukasyon


ng bansang Pilipinas partikular na sa mga pampublikong paaralan, ang pagsagawa ng
modyular na dulog sa pagkatuto ay isang halimbawa ng Transactional Distance
Learning na isinagawa batay sa nangyayaring sitwasyon dulot ng CoViD-19. 2

Sa nabanggit na teorya ni Moore ayon kay Routledge (1997), may tatlong


aspekto na binigyang-diin na naglalarawan sa kabuuhan ng Distance Learning o sa
sitwasyon ngayon sa Pilipinas – ang paggamit ng modyular na dulog sa pagkatuto.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod: (1) diyalogo sa pagtuturo, (2) istruktura ng
programa, at (3) kalayaan sa pagkatuto.
Diyalogo sa pagtuturo. Ang diyalogo sa pagtuturo ay tumutukoy sa
pamamaraan ng guro sa pakikipagkomyunikeyt … ng kanyang mga mag-aaral
(Routledge, 1997). 3
Sa konteksto ng pag-aaral, ang pamamaraan ng guro na ginagamit sa
modyular na dulog sa pagkatuto ay ang diyalogo sa pagtuturo….
Istruktura ng programa. Tinutukoy naman sa aspektong istruktura ng
Iniugnay programa ang mga disenyo sa kurikulum … at mga pamamaraan sa pagtataya.
ng (Routledge, 1997).
mananali Sa konteskto ng pag-aaral, ang paggamit ng Most Essential Learning
ksik ang Competencies (MELCs) ….
teorya sa
Kalayaan sa pagkatuto. Ang pagiging malaya ay pinakabunga sa proseso ng
kanyang
pag-
pagkatuto batay sa mga aspektong inilahad sa itaas…. (Routledge, 1997).
aaral. Batay sa pag-aaral, ang nasabing kalayaan sa pagkatuto ay tumutukoy sa
malayang pagtamo ng mga MELCs…
Mga nararanasan ng mga mag-aaral sa kalagitnaan. Sa relasyon na
makikita sa tatlo, hindi makakamit ang kalayaan sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung
wala silang mga karanasan na pagdadaanan…. (Routledge, 1997).
Ang mga karanasang ito, batay sa konteksto ng pag-aaral ay ang mga
sumusunod: lawak ng pag-unawa sa nilalaman…..

Samakatuwid, ang interes at akademik performans ng mga mag-aaral ay mas


lalong lalawak at uunlad dulot na rin ng mga karanasan nila sa pagkatuto sa Filipino
gamit ang modyular na dulog. Nakasalalay sa mga karanasang ito ang pagiging
epektibo ng modyular na dulog bilang isang pangunahing pamamaraan upang
4
ipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng pandemya, kaya akma lamang na gamitin sa
pag-aaral na ito ang teoryang nabanggit sa itaas.
Ipinapakita sa sunod na pahina ang balangkas ng teoryang ginamit upang
makita ang koneksyong biswal sa mga aspetong inilahad sa itaas.

6 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
5

Balangkas Konseptuwal

Ang balangkas konseptuwal ay naglalaman ng mga konsepto ng


mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at
panuntunan sa pagsisiyasat. Ang balangkas na ito ay ibinabahagi sa relasyong
pamparadaym (Laminta).

Sa pagsagawa ng balangkas konseptuwal, kailangan munang ipaliwanag ng


mananaliksik ang ugnayan ng mga konseptong ginamit sa pananaliksik.
Kadalasan itong nakikita sa suliranin at sa mga literatura. Pagkatapos ay gumamitng
angkop na uri ng balangkas batay sa naaayon sa mga konsepto. Ang mga uri ng
balangkas na pagpipilian ay ang mga sumusunod batay sa diskusyon ni Maranan
(2018):
1. Baryabol at Ugnayan. Ginagamit ang modelong ito bilang pangangatawan
sa iba’t ibang atribusyon. Ipinapakita rito ang mga baryabol at ang relasyon nito.
Makikita sa ibaba ang pormularyong ginagamit sa modelong ito:
Sanhi (makapag-iisa) Bunga (di- makapag-iisa)
2. Input, Proseso, Awtput. Ginagamit kung may kaugnayan sa ebalwasyon
ang mga pag-aaral at may inaasahang produkto, katulad ng rebisyon, at iba pa.

7 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
Input Proseso Awtput
Ebalwasyon Pagsasarbey Mungkahing
sa Modyular sa mga mag- Plano para
na aaral sa sa Modyular
Pagtuturo kanilang na
karanasan Pagtuturo

Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng balangkas konseptuwal.


Pagmasdan kung paano binalangkas ng mananaliksik ang isinagawang pag-aaral.

Balangkas Konseptuwal (halaw mula sa pag-aaral ni Kitane, 2021)


Insinalaysay Ang batayang konseptuwal sa pag-aaral ay sumasaklaw sa
ng malaya at di-malayang mga baryabol hinggil sa pananaliksik tungkol sa
mananaliksik
mga karanasan ng mga mag-aaral sa modyular na dulog sa pagkatuto sa
ang kanyang
mga baryabol
Filipino.
sa bahaging Ang di-malayang baryabol ay ang performans sa Filipino sa
ito. Modyular na dulog sa pagkatuto.
Sa kabilang banda, ang malayang baryabol ay ang mga naging
karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang modyular na dulog sa

Ang mananaliksik ay may paghihinuha na ang malayang


Insinalaysay baryabol ay maaring may kaugnayan sa di-malayang baryabol, direkta
ng
man o hindi. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa
mananaliksik
ang pagbigay ng mga pagsasanay sa dulog na ginamit sa pagkatuto para sa
kahalagahan taong-panuruan sa kasalukuyan, positibo man o negatibo ang mga
ng naging kinahinatnan nito. Gayunpaman, makatutulong din ito sa
pananaliksik pagtukoy kung nakatulong ba ang modyular na dulog sa pagkatuto sa
na ito sa
perpormans ng mga mag-aaral para sa sabjek na Filipino batay sa
kabuuhan.
pagitan ng lawak sa dalawa.
Sa ibaba, ipinapakita sa figyur ang biswal na representasyon sa
mga baryabol na inilahad sa itaas at ang kani-kanilang koneksyon sa
isa’t isa.

8 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang balangkas teoretikal?


2. Paano ang pagbuo ng balangkas teoretikal?
3. Ano naman ang balangkas konseptuwal?
4. Paano ang pagsasagawa ng balangkas konseptuwal?

9 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
PAGYAMANIN

Isang napakalalim na talakayan ang iyong napagtagumpayan at marami


ka ring mga panibagong kaalamang nakuha. Ngayon, ihanda mo na ang iyong
sarili para isang panibagong gawain kung saan ay masusukat ang iyong galing
sa paksang pinag-aralan.Tara’t simulan mo na!

Panuto: Alamin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng konseptong balangkas


teoretikal at balangkas konseptuwal sa tulong ng isang venn diagram. Isulat
angiyong mga kasagutan sa iyong kuwaderno.

Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptuwal

10 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
ISAISIP

Ang pananaliksik ay isang proseso sa


mabusising pagtuklas sa mga bagay-bagay. Isa
sa mga katangian nito to ay ang pagiging
empirikal na nangangahulugan na ang
kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga
nakalap na mga datos mula sa tunay na
naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik.
May dalawang balangkas na makatutulong
upang maging empirikal ang mga datos na
kailangan - balangkas teoretikal at balangkas
konseptuwal.

ISAGAWA

Panuto: Batay sa isang paksang napapanahon na makikita sa kahon, gumawa


ka ng sarili mong sampol ng balangkas teoretikal at balangkas konseptuwal.
Isulat ang iyong isasagawang awtput sa kuwaderno.

Tseklist sa Pagwawasto:

Balangkas Teoretikal
Kaangkupan ng Teorya sa Paksa
Komprehensibong Pagtalakay sa Kaligiran ng Teorya
Mabusising Pag-ugnay sa Teorya sa Konteksto ng Pananaliksik
Pagpapaliwanag sa Kabuuhang Kahalagahan ng Teorya sa Paksa

Balangkas Konseptuwal
Pagpili ng Angkop na Mga Baryabol
Paggamit ng Angkop na Uri ng Modelo
Komprehensibong Pagkalahad sa Relasyon ng Mga Baryabol

11 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
TAYAHIN

I. PAGTUKOY SA KONSEPTONG PAMPANANALIKSIK: Basahin at unawaing


mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik na
katumbas ng tamang sagot sa kahon na makikita sa ibaba batay sa paglalarawan
at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Anong uri ng baryabol ang bunga?


2. Ang modelong ito ay kadalasang ginagamit sa kaugnayan sa ebalwasyonang mga
pag-aaral at may inaasahang produkto, katulad ng rebisyon, at iba pa.
3. Balangkas na nakabatay sa isang teorya at isinalin bilang saligan sapananaliksik.
4. Ginagamit ang modelong ito bilang pangangatawan sa iba’t ibangatribusyon.
5. Katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa kongklusyon na kailangangnakabatay
sa mga nakalap na mga datos.
6. Pamamaraan sa mabusising pagtuklas sa mga bagay-bagay.
7. Sanhi ang kadalasang tinutukoy ng baryabol na ito.
8. Tumutukoy sa balangkas na naglalaman ng mga konsepto ng mananaliksikhinggil
sa pag-aaral na isinasagawa.
9. Ang etimolohiya ng terminong ito ay galing sa salitang Pranses.
10. Kung nais ng isang mananaliksik na makagawa ng isang balangkas na
nagpapakita sa ugnayan ng pagkatuto ng mga bata at ang kani-kanilanginteres,
anong modelo ang gagamitin?

A. baryabol at ugnayan
B. batas
C. di-makapag-iisa
D. empirikal
E. input, proseso, awtput
F. konseptuwal
G. makapag-iisa
H. pananaliksik
I. teoretikal
J. teorya

12 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
II. TEORETIKAL O KONSEPTUWAL. Basahin at unawaing mabuti ang mga
sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik T balangkas teoretikal ang
konsepto at K naman kung balangkas koseptuwal.

1. Ito ang pangunahing tema at panuntunan sa pagsisiyasat.


2. May dalawang modelo na maaaring gamitin sa balangkas na ito: baryabolat
ugnayan at input, proseso, awtput.
3. Nag-uugnay sa paksa, layunin ng pag-aaral, rebyu sa mga kaugnay naliteratura,
metodolohiya, at ang mga magiging kongklusyon ng pananaliksik.
4. Sa balangkas na ito, iniuugnay ng mananaliksik ang kanyang pag-aaralsa isang
teorya.
5. Sa paggawa ng balangkas na ito, kailangang pagbatayan sa saligan nitoang
kaangkupan, dali ng paggamit, at kapangyarihang magpaliwanag.

KARAGDAGANG GAWAIN

Mahusay at nalagpasan mo ang pagsubok. Talagang ikaw ay may kawilihan


sa pagkatuto. Sa puntong ito, hahasain mo ang iyong kaalaman sa pagsagawa ng
gawain sa ibaba.

Panuto: Tingnang muli ang iyong pananaliksik na ginawa para sa asignaturang ito.
Gawan ng balangkas teoretikal at balangkas konseptuwal ang iyong napiling
paksa. Sundin ang mga tagubiling inilahad sa paglalahad.

Mga Gabay na Tanong:

Para sa Paggawa ng Balangkas Teoretikal


1. Anong teorya ang aking pagbabatayan sa paggawa ng aking
balangkas teoretikal? Sumusunod kaya ito sa mga pamantayan sa
pagpili ng teorya?
2. Paano ko iuugnay ang teorya sa aking pananaliksik?
3. Ano ang kahalagahan ng teoryang ito sa kabuuan?

Para sa Paggawa ng Balangkas Konseptuwal


4. Ano-anong mga konsepto ang aking ipupuno bilang mga baryabol
sa paggawang balangkas konseptuwal?
5. Anong uri ng balangkas konseptuwal ang aking gagamitin na
angkop sa mgabaryabol na aking napili?
6. Paano ko ilalahad ang relasyon ng mga baryabol gamit ang
mga konseptongnakita sa balangkas?

13 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

TAYAHIN

SUBUKIN

14 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
MGA SANGGUNIAN

Bernales, R., Bernardino, E., Palconit, J.G., Belida, M., Mercado, E., Sison, E. &
Dumigpe, G. Mga batayang kaalaman sa pananaliksik. Pagbasa, pagsulat at
introduksyon sa pananaliksik, pahina 142. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc, 2012.
Dayag, A. & del Rosario. Katangian ng pananaliksik. Pinagyamang Pluma, pahina
123. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2017.
Kitane, K. Balangkas Teoretikal; Balangkas Konseptuwal. Mga mararanasan ng mga
mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino gamit ang modyular na dulog sa pagtuturo:
Batayan sa paglahad ng rekomendasyon (isang hindi nailathalang tesis),
pahina 4-9; 25-26. Dumaguete City: Foundation University, 2021.
Laminta, N. Kabanata 2: Ang mga bahagi at mga hakbang sa pananaliksik.
Sanayang aklat sa pananaliksik: Pagbasa at pagsusuri sa iba’t ibang teksto
tungo sa pananaliksik, pahina 9-13. Hango sa
https://www.yumpu.com/en/document/read/63282674/sanayang-aklat-sa-
pananaliksik.
Maranan, M. Balangkas teoretikal; Balangkas konseptwal. Pagbasa at pagsusuri ng
iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik, pahina 113-117. Intramuros, Manila:
Mindshapers Co., Inc., 2018.

15 NegOr_Q4_Pagbasa_Modyul2_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like