You are on page 1of 32

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan –Modyul 1
Mga Batayang Kaalaman at
Konseptong Pangwika

Self-Learning Kit
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
Mga Batayang maaaring
Kaalaman gawin Pangwika
at Konseptong ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Karen B. Rulete


Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief: MARIA LOURDES L. IPONG
Name of Division EPS In Charge of LRMS: NANETTE A. NACOR
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan –
Modyul 1: Mga Batayang
Kaalaman at Konseptong
Pangwika
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Batayang Kaalaman
at Konseptong Pangwika.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Batayang Kaalaman at Konseptong
Pangwika.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Paano mo ba natutuhan ang iyong wika?


Gaano nga ba kahalaga ito? Paano mo rin ba
ipinapaabot ang iyong damdamin sa iyong kapwa?
Iyan ang mga bagay na ating pag-uusapan sa modyul
na ito. Tayo na! at alamin natin ang mga kaalaman ukol
sa wika at mga konsepto nito. Pero bago ang lahat,
basahing mabuti ang mga kasanayan na dapat mong
matutunan pagkatapos ng aralin na ito.

mula sa Facebook ni Wen Taraya


Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
(F11PT – Ia – 85)
Aralin 1 – Mga Batayang Kaalaman at Konseptong Pangwika
❖ Aralin 1.1. Wika
❖ Aralin 1.2. Mga Konseptong Pangwika
Pagkatapos matutunan ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy sa mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika;


2. nakakikilala sa prinsipyong ang wika ang pinakamahalagang instrumento sa
pakikipagkomunikasyon;
3. nakapagpag-iisa-isa ng mga teorya at paniniwala hinggil sa pinagmulan ng wika;at
4. nakasusulat ng komposisyon na naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw, at mga karanasan.

1
Subukin

Handa ka na bang sumubok ng bagong kaalaman? Kung gayon ay sisimulan


natin ito sa isang pagsubok sa pamamagitan ng pagsagot ng mga katanungan na
susukat sa iyong dating kaalaman sa paksang ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa
tamang sagot. Isulat ito sa isang malinis na papel.

1. Ito ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe?


A. Dayalekto C.Lingua franca
B. Komunikasyon D. Pagsulat
2. Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Cebuano C. Pilipino
B. Filipino D. Tagalog
3. Ano ang tumutukoy sa ekspresyon ng mukha na nagpapahiwatig ng kahulugan ng
mensahe?
A. Aklat C. Komunikasyon
B. Galaw D. Wika
4. Ano ang tawag sa daluyan ng pagpapakahulugan ng wika na binubuo ng mga biswal na
larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan?
A. Galaw C. Simbolo
B. Kodipikadong pagsulat D. Tunog
5. Anong ang tawag sa pagpapaliwanag sa sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa
tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao
na ginagamit sa komunikasyon?
A. Komunikasyon C. Linggwistiko
B. Kultura D. Lipunan
6. Ano ang tawag sa paraan ng sistema ng pagsulat tulad ng cuneiform ng mga
Sumerian, baybayin ng mga Tagalog, at Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro?
A. Alibata C. Kodipikadong pagsulat
B. Alpabeto D. Simbolo
7. Ang mga pahayag ay nagsaad ng mga gamit sa wika MALIBAN sa:
A. Imbakan ng sekreto C. Lumilinang ng pagkatuto
B. Gamit sa talastasan D. Saksi sa panlipunang pagkilos
8. Anong kategorya ng wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa
pamayanan, bansa, o isang lugar?
A. Di-Pormal C. Wikang Pambansa
B. Pormal D. Wikang Panitikan

2
9. Anong antas ng wika na ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa
paaralan?
A. Wikang Opisyal C. Wikang Panitikan
B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo
10. Anong antas ng wika na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kaniyang sakop?
A. Wikang Opisyal C. Wikang Panitikan
B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo
11. Anong antas ng wika na ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng antas ng
edukasyon?
A. Wikang Opisyal C. Wikang Panitikan
B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo
12. Sino ang nagsasabi na ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng
mga taong kabilang sa isang kultura?
A. Bouman B. Cruz C. Gleason D. Webster
13. Ano ang teorya na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan sa
nasabing bagay?
A. Teoryang Bow-wow C. Teoryang Pooh-pooh
B. Teoryang Ding-dong D. Teoryang Yo-he-ho
14. Anong teorya na ang tunog ay nalilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan, ang
ginagagad ng tao?
A. Teoryang Bow-wow C. Teoryang Pooh-pooh
B. Teoryang Ding-dong D. Teoryang Yo-he-ho
15. Ano ang pagpapakahulugan ng Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987 na
nagsasaad ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na batas, Ingles?
A. Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari
itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas
nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino
bilang wikang opisyal.
B. Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal at hindi ang wikang Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang
batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng
Filipino bilang wikang opisyal.
C. Hindi ang Ingles ay ang wikang opisyal. Maaari itong gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas nagbabawal gamitin
ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.
D. Tinatanggap din ang Ingles at Filipino bilang wikang pambansa. Maaari itong
gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas
nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino
bilang wikang opisyal.

Sa pagkakataong ito, ihambing ang iyong mga sagot sa Susi ng Pagwawasto na


makikita sa ikalabing-isang bahagi ng modyul upang suriin kung nakuha mo nang tama ang lahat
ng mga ito. Sikaping naging totoo ka sa pagwawasto upang maging makabuluhan ang
pagpapatuloy mo sa mga susunod na bahagi ng modyul.

Gaano kahusay ang nagawa mo sa bahagi ng subukin?

Kung nakuha mo silang lahat nang may kadalian, mahusay na pagbati! Maaari mong
laktawan ang modyul na ito at magpatuloy sa3susunod. Kung hindi ka nakakuha ng perpektong
marka, maging masigasig at magpatuloy lamang sa modyul at matuto nang higit pa.

Huwag kalimutang ilakip ang sinagutang papel sa pagsumite ng modyul na ito.


Balikan

Sa bahaging ito ng modyul alalahanin ang nakaimbak na dating kaalaman na maaring


maiuugnay sa kasalukuyang paksang pag-aaralan.

Mga Tala para sa Guro

Bilang panimulang gawain, gamit ang gabay na mind map sa kasunod na


pahina, mag-isip ng hindi bababa sa 5 salita na maaring maglarawan at
magpahayag ng iyong mga nalalaman tungkol sa kahalagahan ng wika.
Maaaring gumamit ng sariling pormat ng mind map Isulat sa malinis na papel ang
iyong kasagutan.

WIKA: Ano ito


para sa akin?

rawpixel

Nais mo bang malaman kung naging tama ang iyong kasagutan? Hali na’t tingnan
ang Susi ng Pagwawasto!

Kung naging tama ang iyong kasagutan ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na bahagi ng modyul na ito.

4
Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul ay tutuklasin natin ang panibagong kaalaman tungkol sa


mga aralin na pag-aaralan.

Ayon sa mga antropologo, magkasabay na


sumibol sa mundo ang wika at lahi. Sinasabing ang wika
ng mga sinaunang tao ay kahalintulad ng mga tunog na
ginagamit ng mga hayop. Subalit, sa paglipas ng
panahon, kasabay ng pag-unlad ng kultura ng tao,
umunlad din ang kanilang wika.

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Isulat sa papel ang sagot.

“Tore ng Babel”
Batay sa salaysay ng Bibliya, isang
nagkakaisang sangkatauhan, na nagsasalita
ng “iisang wika at salita” ang nakilahok sa
pagtatayo ng isang tore pagkatapos ng
malaking baha. Napagpasyahan na magtayo
ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa
langit, subalit hindi upang sambahin at
purihin ang Diyos, sa halip para sa
kaluwaltihan ng tao. Ganito ang sambit ng
mga tagapagtayo: “Igawa natin ang ating sarili ng
isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa
balat ng lupa.” (Henesis 11:4). Nang Makita ng Diyos ang ginawa ng tao, ginulo at pinag- picryl

iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at pinaghiwa-hiwalay sa balat ng lupa sa pook na
yaon.

Mga Tanong:

1. Ilang wika ang sinasalita ng nagkakaisang sangkatauhan sa simula ng kuwento?


2. Ano ang itinayo ng nagkakaisang sangkatauhan pagkatapos ng baha?
3. Bigyang-katwiran ang ginawa ng Diyos na pagbuwag ng tore at pag-iiba-iba ng wikang
sinasalita ng mga tao.
4. Ano ang aral, mensahe, at konseptong mabubuo sa binasang kuwento?
5. Masasabi mo bang ang kuwentong ito ang pinagbatayan sa simulain ng iba’t ibang
wika?

5
Magaling! Anuman ang iyong kasagutan sa
panghuling katanungan ay matatanggap sapagkat
maraming pinagbabatayan sa pinagmulan ng wika.
Ngunit, ano-ano nga ba ang mga pinagbabatayan sa
pinagmulan ng wika at ano ang wika?

Ang mga kasagutan sa mga naunang


katanungan ay maaari mong masuri sa Susi ng
Pagwawasto sa huling bahagi ng modyul na ito.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul ay tatalakayin natin ang mga kaalaman sa aralin na dapat
mong matutuhan. Kaya nararapat na basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag upang
magkaroon ng katiyakan ang iyong pagkatuto.

Narito ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng wika.


Basahin at unawaing mabuti ang mga ito.

Ang Wika ang isa sa pinakadakilang biyaya ng Poong


Maylikha. Ito ang kasangkapan upang mapadama ng tao sa
kanyang kapwa ang anumang kanyang naiisip, nadarama, at
nakikita tungkol sa kanyang paligid. Nang dahil sa wika
nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng mga ninunong
pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa.

Ang Wika ang ang namamagitan upang maunawaan ang


sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhektibong
realidad, politika, ekonomik, at kultura. Ito ang daluyan ng
kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan.

Bawat bansang Malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais


magkaroon ng isang panlahat na wikang pambansang may silbi
mula sa Facebook ni Wen
bilang: (a.) isang simbolo ng pambansang dangal, (b.) isang
Taraya simbolo ng pambansang identidad, (c.) kasangkapang
pambuklod ng mga grupong may iba’t ibang sosyokultural at
lingguwistikang pinagmulan, at (d.) isang paraan ng
komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural. (Marquez Jr,
2016)
Bilang panimulang pag-aaral, ang modyul na ito ay
tatalakay sa mga teorya at konseptong may kaugnayan sa wika.

6
Aralin 1.1 Wika at Komunikasyon

Ang wika ay isang mahalagang salik ng pagiging tao na nagpapaangat sa kahit anong
likha. Ang wika ng tao ang siyang nagpapatunay na ang tao ay tao. May sariling wika at may
sariling katha na siyang nagbibigay boses sa kahit ano mang likha sa daigdig.

Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at


damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkaunawaan ang
lahat. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, “ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat
ng katotohanan.” (Nuncio, 2016)

Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid,
mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomik, at kultura. Ito ang daluyan ng kaisipan at
kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan. Ayon kay Hutch (1991), “ito ay isang sistema ng mga
tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao”. Ayon naman nina Emmert at
Donagby (1981), “isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga
pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.”

Maraming mga pagpapakahulugan ng wika. Basahin ang talahanayan;

GLEASON (1961) SAPIRO Hemphill


(Sapiro sa Ruzol 2014:15) (Hemphill sa Ruzol
2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang likas at Ang wika ay
balangkas ng mga makataong pamamaraan ng masistemang kabuuan ng
sinasalitang tunog na pinili at paghahatid ng mga kaisipan, mga sagisag na sinasalita o
isinaayos sa paraang damdamin, at mga hangarin binibigkas na pinagkaisahan
arbitraryo na ginagamit sa sa pamamagitan ng isang o kinaugalian ng isang
pakikipagkomunikasyon ng kusang-loob na kaparaanan pangkat ng mga tao, at sa
mga taong kabilang sa isang na lumikha ng tunog. pamamagitan nito’y
kultura nagkakaugnay,
nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.

(Jocson, 2016)

Sa lingguwistikong paliwanag, tinatawag na wika ang sistema ng arbitraryong


pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng
galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942;Peng,2005). Ang
wika ay Arbitraryo o nagbabago-bago ang wika depende sa pook, panahon, at kulturang
kinabibilangan ng tao.

7
 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya
ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang
wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang
iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan
ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-
bagay na may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o
lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng
pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang
ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika.

1. Teoryang Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya
sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan
nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan
kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing hayop.
Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.

2. Teoryang Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha
ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan
sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog. Halimbawa nito ay ang tunog na nalilikha ng kampana o batingaw.

3. Teoryang Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya
ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

4. Teoryang Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog
ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok
o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak.

8
5. Teoryang Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.

6. Teoryang Yum-yum

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng


pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-
ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

7. Teoryang Sing-song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,


pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa
niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal,
at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

8. Teoryang Hey you!


Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga
ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.
9. Teoryang Coo Coo

Ayon sa teoryang ito,ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
ng tunog ng mga matatanda.

10. Teoryang Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng
tao.

11. Teoryang Hocus Pocus


Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
12. Teoryang Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang
tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

9
13. Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
14. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw o mga bulong.
15. Teoryang Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother. (Marquez Jr, 2016)

Mga Katagian ng Wika


1. Dinamiko ang wika. Patuloy itong nagbabago, dumarami, at nadaragdagan.
2. May lebel o antas. Ang wika ay maaring pormal o di-pormal
3. Ang wika ay komunikasyon. Mahalagang gamitin sa pakikipagtalastasan.
4. Ang wika ay malikhain at natatangi. Walang dalawang wikang magkatulad. May
kani-kaniyang katangian ang mga ito na dahilan upang mamukod at maiba sa
karamihan.
5. Ang wika ay kaugnay ng kultura. Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala,
kaugalian, karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang mga taong
kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga
pangangailangan sa buhay.
6. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon. May isang partikular
na wikang ginagamit sa bawat disiplina o propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit
ng wika upang maging mabisang instrumento sa pagsulong ng isang lahi.

Daluyan ng Pagpapakahulugan sa Wika


1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan
sa isa o maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o
tablet ng mga Sumerian, papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga hieroglyph
sa sinaunang Ehipto at ng Alpabetong Phoenician, Griyego, at Romano. Sa atin,
nandiyan ang baybayin ng mga Tagalog at Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng
katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng
tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan at iba pa.

10
Mga Gamit ng Wika
a. Gamit sa talastasan
b. Lumilinang ng pagkatuto
c. Saksi sa panlipunang pagkilos
d. Lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang bansa
e. Tagapagsiwalat ng damdamin
f. Gamit sa imahinatibong pagsulat

Komunikasyon
➢ ay ang pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang
paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan
(Webster).
➢ Ito rin ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga
indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkaunawa at kaunlaran ng lipunan
(Cruz, 1988).

Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal
➢ komunikasyong nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagninilay-nilay.
2. Interpersonal
➢ komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3. Organisasyonal
➢ komunikasyong nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,
kompanya, simbahan, at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang
posisyon, obligasyon, at responsibilidad.

Ang Pangkaraniwang Modelo ng Komunikasyon


Ang tagapagpadala (sender) ang pinagmumulan ng mensahe. Dumadaan ang
mensahe sa isang tsanel (channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyon.
Tagatanggap (receiver) ang tao o institusyong pinadadalhan ng mensahe. Nagkakaroon ng
tugon, puna, o reaksiyon (feedback) ang institusyong pinadadalhan ng mensahe ng
tagapagpadala. Ito ay bumabalik sa tagapagdala. Sa nagpapaabot ng mesahe, maaring hindi
ito maintindihan dahil sa ingay. Ang ingay ang nagiging hadlang sa komunikasyon dahil maari
itong ingay na likha ng kapaligiran, ng mga tao, at mga bagay. Maari din namang internal ang
ingay o sikolohoikal dulot ng bagabag sa sarili, pag-aalala, at kalituhan ng tagapagdala o
tagatanggap. (Nuncio, 2016)

11
Aralin 1.2 Mga Konseptong Pangwika

Sa araling ito, kilalanin ang mga konseptong pangwika na dapat malaman at


matutuhan kaugnay sa sumusunod:

Kategorya at Kaantasan ng Wika

1. Pormal
Ang wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan,
bansa, o isang lugar. Madalas ginagamit sa mga paaralan at opisina.

May Dalawang Antas ang Pormal na Wika

A. Opisyal na Wikang Pambansa at Panturo


➢ Ito ay ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan. Ginagamit
na wikang panturo. Ito ang wikang ginagamit sa buong bansa.

Wikang Pambansa
➢ ay wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang pambansa
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang
sakop.

Wikang Panturo
➢ ay ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng antas ng edukasyon. Gaya
ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng
1987, Seksyon 6 kaugnay ng wikang panturo na:
“Sek.6 –Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”

Wikang Opisyal
➢ ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa
politika, sa komersiyo at industriya.“Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas
ng 1987 na: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na
batas, Ingles”. Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa
Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon,
hangga’t walang batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.

B. Wikang Pampanitikan
➢ Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito

12
2. Di- Pormal – madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

Tatlong Antas
a. Wikang Panlalawigan – mga salitang diyalektal
b. Wikang Balbal – ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga nababago
sa pag-usad ng panahon. Salitang lansangan
Hal. Chichi (pagkain), epal (mapapel), utol (kapatid)
c. Wikang Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap
Halimbawa: ewan, kelan, musta, meron

Ngayon, nakuha mo ba ang mga


mahahalagang kaalaman sa mga aralin?

Upang mas mapagtibay ang pag-unawa


at mga kasanayan sa paksa, gawin ang
gawaing ito.

13
Gawain: Akrostik

Panuto: Punan ng papahayag o pangungusap ang bawat letra para makabuo ng sariling
kaisipan at pagpapakahulugan ng wika. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
Maging malikhain sa paggawa. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa paggawa
ng akrostik na matatagpuan sa susunod na pahina.

W-
I-
K-
A-

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawaing Akrostik


Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang
magsanay
(3) (2) (1)
Nilalaman Makahulugan at Hindi maliwanag ang Walang kaugnayan
magkakaugnay ang kaugnayan ng mga at hindi makahulugan
mga pahayag ukol pahayag ukol sa wika ang mga pahayag
sa wika ukol sa wika
Paglalahad Lubhang kasisiya Nakasisiya ang Hindi gaanong
ang pagkakalahad pagkakalahad ng nakasiya ang
ng pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagkakalahad ng
pagpapaliwanag
Pagbibigay Sapat na sapat ang May sapat na detalye Walang gaanong
ng mga detalye ukol sa ukol sa kaalaman sa detalye ukol sa
detalye kaalaman sa wika wika kaalaman sa wika
Kabuuan 9 Puntos

14
Pagyamanin

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng gawain para sa iyong


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa.

Gawain 1: Isulat Mo Na!

Panuto: Sagutin ang katanungan at isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Batay sa mga teoryang pinagmulan ng wika, ano ang teorya na malapit sa iyong
puso na iyong pinaniniwalaang pinagmulan ng wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng Wikang Opisyal? Paano nagiging opisyal ang wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang Wika? Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang
komunikasyon, kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa-tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawaing Isulat Mo Na!

Puntos Pamantayan
4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiugnay ang mga konseptong
pangwika batay sa paksang natalakay
3 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika batay sa
paksang natalakay
2 Bahagyang naiugnay ang mga konseptong pangwika batay sa paksang
natalakay
1 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika batay sa paksang
natalakay

Gawain 2: Sabihin Mo Na!

Panuto: Punan ang Concept Map na nasa ibaba ayon sa hinihinging katanungan. Isulat ang
sagot sa isang malinis na papel.

15
Tanong: Sa iyong palagay ano-ano ang sangkap sa mabuti o epektibong komunikasyon?

Epektibong
Komunikasyon

Upang iyong lubos na masuri ang kaangkupan


ng iyong mga kasagutan sa Gawain 1 at 2, tingnan
ang Susi ng Pagwawasto na makikita sa ikalabing-
isang bahagi ng modyul na ito. Kung may kawastuhan
ang iyong mga kasagutan ay maaari ka nang
magpatuloy sa susunod na mga bahagi.

16
Isaisip

Ang bahaging ito ng modyul ay nakapaloob ang gawain o pagsasanay


upang maproseso mo ang mga natutunan mula sa aralin.

Gawain: Ibahagi Mo!

Panuto: Punan ang tsart ng iyong pagpapaliwanag batay sa tanong na ibinigay. Gayahin ang
pormat sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel. (5 puntos bawat sitwasyon)

Tanong: Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang pagkakaroon ng isang wikang


nauunawaan ng lahat batay sa sumusunod na mga pook at sitwasyon?

1. Sa silid-aralan 2. Sa tanggapan ng 3. Sa palengke


pamahalaan
Sitwasyon: Sitwasyon:
Talakayan sa loob Sitwasyon:
ng klase Pakikipagtawaran sa
Pagpupulong sa presyo ng
komunidad para sa produktong bibilhin
kaayusan at kalinisan

17
Isagawa

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman at kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Gawain: Isatitik Mo!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa mga katangian ng iyong wikang


kinamulatan o kinagisnan. Isulat ang komposisyon sa isang malinis na papel.
Isaalang-alang ang mga katanungan sa ibaba.
1. Paano ito nakatulong sa pagpapaunlad ng mga kasanayan mo sa iba’t ibang aspekto
ng pakikipagkomunikasyon?
2. Paano mo gagamitin ang wikang ito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha?

18
Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay
Mekaniks sa Higit na Nakamit Bahagyang Hindi Walang
Pagsusulat Inaasahan ang Nakamit Nakamit Napatu- Iskor
ng Pormal na Inaasahan ang ang nayan
Komposisyon Inaasahan Inaasahan

(5) (4) (3) (2) (1)

Makabulu- Bawat May Hindi na Hindi


han ang talata ay kakulangan debelop nakita sa
bawat talata may sapat sa detalye ang mga ginawang
dahil sa na detalye panguna- komposis-
Kalinawan husay na hing ideya yon.
pagpapali-
wanag at
pagtalakay
tungkol sa
paksa.

Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang Hindi


mahusay ang pagkaka- patunay na nakita sa
ang debelop- ayos ng mga organisado ginawang
pagkakasu- ment ng talata subalit ang komposis-
nud-sunod mga talata ang mga pagkakalah yon.
ng mga subalit hindi ideya ay ad ng
Kaanyuan ideya makinis ang hindi ganap komposis-
pagkakala- na yon.
had nadebelop.

Walang Halos Maraming Napakarami Hindi


pagkaka- walang pagkakama- at nakita sa
mali sa mga pagkaka- li sa mga nakagugu- ginawang
Kabuuan sa
bantas, mali sa mga bantas, lo ang mga komposis-
Pagsulat
kapitalisas- bantas, kapitalisas- pagkakamal yon.
yon at kapitali- yon at i sa mga
pagbabay- sasyon at pagbabay- bantas,
bay. pagbabay- bay. kapitali-
bay. sasyon at
pagbabay-
bay.

KABUUAN 15 PUNTOS

19
Tayahin

Ang bahaging ito ng modyul ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Basahin at
unawaing mabuti ang bawat katanungan.

Panuto: Piliin ang wastong kasagutan at isulat ang titik ng tamang sagot sa isang buong papel.

1. Sino ang nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang


tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura?
A. Emmert at Donagby B. Gleason C. Hemphill D. Sapiro
2. Sa anong paliwanag tinatawag na wika ang sistema ng arbitraryong
pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa
pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon?
A. Linggwistiko B. Lipunan C. Panitik D. Tala
3. Ano ang wika na sinasabing binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na
kumakatawan sa isa o maraming kahulugan?
A. Simbolo B. Sulatin C. Tala D. Tunog
4. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tablet ng
mga Sumerian?
A. Galaw B. Kodipikadong pagsulat C. Simbolo D. Tunog
5. Anong kategorya ng wika na malawakang ginagamit sa paaralan, opisina,
pamayanan at bansa?
A. Di-Pormal B. Pormal C. Wikang Opisyal D. Wikang Pambansa
6. Ano ang antas ng wika na ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa
paaralan?
A. Di-Pormal B. Pormal C. Wikang Opisyal D. Wikang Pambansa
7. Ano ang antas ng wika na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kaniyang sakop?
A. Di-Pormal B. Pormal C. Wikang Opisyal D. Wikang Pambansa
8. Ano ang antas ng wika na ginagamit upang makatulong sa pagtamo ng antas ng
edukasyon?
A. Di-Pormal B. Pormal C. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo
9. Ano ang tawag sa kaparaanang ginagamitan ng berbal at biswal na signal sa
pagpapaliwanag?
A. Aklat B. Komunikasyon C. Galaw D. Wika
10. Aling gamit ng wika ang nagpapatotoo na pasalita man o pasulat, ito ang kasangkapan
niya sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin?
A. gamit sa talastasan C. lumilinang ng pagkatuto
B. lalagyan o imbakan D. saksi sa panlipunang pagkilos

20
11. Alin ang kahawig ng teoryang bow-wow na nagkaroon daw ng wika ang tao sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid?
A. Teoryang Ding-dong C. Teoryang Tata
B. Teoryang Pooh-pooh D. Teoryang Yo-he-ho
12. Bakit dapat magkaroon ng wikang pambansa ang isang bansang malaya?
A. kasangkapang pambuklod sa magkakapolitika
B. isang simbolo ng pag-ibig sa bayan at sa kapwa
C. isang paraan sa pakikipagkomunikasyon sa kapamilya’t kaibigan
D. isang paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural
13. Bakit kaya nagkaroon ng mga balakid sa pakikipagkomunikasyon?
A. malabo ang nilalaman ng mensahe ng tagapagpadala
B. maraming ginagawa at abala ang tagatanggap ng mensahe
C. sa balakid na ingay o sikolohikal na dulot sa pagtanggap ng mensahe
D. ang tagapagdala at tagapagtanggap ay malabo ang pagkakaintindihan
14. Aling kaganapan ang sumibol sa iyong paligid na nagpapatunay na ang wika ay
dinamiko?
A. gamit ng internet sa bansa
B. malayang usapan sa mga tao
C. mga wika ng kabataang iGeneration
D. mother tongue based sa edukasyon
15. Bilang isang mamamayan, sa paanong paraan mo gagamitin ang wika upang
lalong mapagyaman ang Wikang Filipino?
A. pakikipag-usap sa kapwa
B. pagkanta ng hele sa bata
C. pagchat sa messenger
D. pakikipagchismisan

Sa pagkakataong ito, ihambing ang


iyong mga sagot sa Susi ng Pagwawasto na
makikita sa ikalabing-isang bahagi ng modyul
upang suriin kung nakuha mo nang tama ang
lahat ng mga sagot.

Gaano kahusay ang nagawa mo?

Kung nakuha mo silang lahat nang may


kadalian, mahusay na pagbati! Ibig sabihin
nakuha mo ang aralin!

Huwag kalimutang ilakip ang sinagutang


papel sa pagsumite ng modyul na ito.

21
Karagdagang Gawain

Ang bahaging ito ng modyul ay may ibibigay sa iyo na panibagong gawain


upang pagyamanin ang kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Gawain: Media Literacy

Panuto: Gumupit ng isang balita na nasusulat sa Filipino mula sa pahayagan, kung walang
pahayagan, maaaring mangalap ng balita sa telebisyon, radyo, at internet. Isulat ang
mga mahahalagang impormasyon at suriin kung nasasalamin ang gamit ng wika.
Isulat sa malinis na papel.

Pamantayan sa Pagwawasto
Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang
magsanay
(5) (4) (3)
Nilalaman Makahulugan at Hindi maliwanag ang Walang kaugnayan at
magkakaugnay ang kaugnayan ng mga hindi makahulugan
mga pahayag ukol sa pahayag ukol sa ang mga pahayag ukol
katangian ng wika katangian ng wika sa katangian ng wika

Paglalahad Lubhang kasiyasiya Nakasisiya ang Hindi gaanong


ang pagkakalahad ng pagkakalahad ng nakasiya ang
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagkakalahad ng
pagpapaliwanag
Pagbibigay Sapat na sapat ang May sapat na detalye Walang gaanong
ng mga detalye ukol sa ukol sa kaalaman sa detalye ukol sa
detalye kaalaman sa katangian ng wika kaalaman sa
katangian ng wika katangian ng wika
Kabuuan 15 Puntos

22
Magaling! Natapos mo rin ang paggawa at
pagsagot ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang bahagi
ng modyul. Binabati kita!

Ngayon, ihambing ang iyong mga sagot sa


Susi ng Pagwawasto na makikita sa ikalabing-isang
bahagi ng modyul upang suriin kung nakuha mo nang
tama ang kasagutan.

Gaano kahusay ang nagawa mo?

Marami ka bang natutuhan sa paksang ito?

Hanggang sa susunod na talakayan!

23
24
Pagyamanin
Gawain1
1. Ang teoryang Teoryang Pooh-pooh ang malapit sa aking puso na pinagmulan ng wika sapagkat ang mga
sakit at tuwa na nasasambit natin pag tayo ay nasasaktan o nasisiyahan ay mga wikaing nagpapaabot ng
mensahe sa damdaming nararanasan.
2. Wikang Opisyal ang tawag sa wikang nauunawaan at ginagamit ng mga tao sa buong bansa. Naging
wikang opisyal ito sapagkat pinagtibay ito ng Saligang Batas ng 1987, Sek.7 ng Artikulo XIV na ang wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino.
3. Mahalaga ang wika sapagkat ito ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao,
paligid, mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomik, at kultura. Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan
ng isang lahi, lipi, at lipunan. Naging instrument ito sa pakikipagkomunikasyon upang mas magkaunawaan at
magkaintidihan ang bawat tao.
Gawain 2
Epektibong Komunikasyon
1. May malinaw at tiyak na mensahe
2. Walang ingay o balakid sa pagpapadala ng mensahe
3. Nagkakaintindihan sa isang wikang gamit ang tagapagdala at tagatanggap sa mensahe
4. May tugon o feedback ang tagatanggap ukol sa mensahe ng tagapagdala
Tuklasin Suriin
W- alang taong, walang wika
1. May iisang wika lang ang sinasalita ng I- sa sa sandatang kanya lamang na nagbibigay
sangkatauhan. kapangyarihan
2. Nagtayo sil ng Tore ng Babel K- aalamang nagpapaiba ng tao sa lahat ng bagay
3. Nagalit ang Diyos sapagkat hindi nila ginamit at nilalang sa mundo
sa pagsamba sa Diyos ang tore at nagawa pa A- ngking galing at talion ay maipaparating ng dahil
nilang umastang masmakapangyarihan sa sa wikang gamit nito
tagapaglikha. Kung kaya, ipinag-iba-iba ng Diyos
ang kanilang wikain upang hindi na sila
magkaintindihan sapagkat ang nagkakaisang Balikan Subukin
wika nila ay isang makapangyarihan kung kaya
Kahalagahan ng Wika 1. B 11. D
winasak ng Diyos ito.
4. Sa pagkahati ng Tore ng Babel ay ito ang 1. Pagkakaunawaan 2. B 12. C
naging simulain sa pagka-iba-iba ng mga wikain 2. Pag-asesnso 3. B 13. B
3. Pagkakaisa 4. C 14. A
at hindi na pagkaintindihan ng mga tao.
5. Oo, sapagakat ito ang simulain na pangyayari 4. Kasangkapan 5. C 15. A
na mababasa sa bibliya na nagkawatak-watak 5. Kapangyarihan 6. C
ang mga tao at hindi na nagkaintindihan dahil sa 7. A
iba-ibang wikang sambit at gamit nito. 8. B
9. A
10.B
Susi sa Pagwawasto
25
Karagdagang Gawain Tayahin
Mula sa GMA News 1. B
“OFW sa KSA na namatay sa atake sa puso, iniwan lang ang bangkay sa labas ng 2. A
kaniyang pinagtatrabahuhan. Sobrang sakit ng kalooban na nararamdaman ng mga 3. A
4. B
kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa atake sa puso sa
5. B
Saudi Arabia. Bukod sa 'di agad nadala sa ospital ang OFW, tinanggihan din siya sa 6. C
pagamutan at iniwan na lang ang kaniyang mga labi sa labas ng kaniyang 7. D
pinagtatrabahuhan.” 8. D
9. B
Pagsusuri: 10. A
11. A
12. D
Mula sa balitang pahayag makikita natin na napakahalaga ng mga
13. C
impormasyong ibinalita sapgakat lumilinang ito sa pangyayaring naganap at saksi ito 14. C
sa panlipunang kaganapan hindi lamang ng isang indibidwal bagkus ng buong 15. A
pamayanan. Ang wikang pahayag din ng balita ay nagsiwalat din sa damdamin ng
mga taong nabanggit. Ang pangyayaring naganap ay isa na sa mga nakaimbak na
pangyayari sa karanasan ng mga OFW sa ibang bansa na sumasalamin rin sa
realidad na kinahaharap ng mga bagong bayani sa bansang Pilipinas.Kung kaya ang
lahat na aking nabanggit ay nagpapatunay na napakahalaga ng gamit ng wika sa
lahat ng pagkakataon.
Isagawa
Ang wika ay napakahalaga sa akin sapagkat naipapaabot ko ang aking mga adhikain, saloobin, at
damdamin sa kapwa ko.
Napakahalagang sandata ang wika upang magtagumpay sa pag-aaral, sa trabaho, at lalong-lao
na sa pakikipagkapwa-tao.
Majalaga ang wika sapagkat ito ang kilanlan natin. Mahalaga ang wikang Filipino upang
magkakabuklod-buklod tayo kahit saang rehiyon ng bansa o panig ng mundo.
Ang wikang kinagisnan ko na wikang Cebuano ay napakahalagang sandata ko sa bawat araw at
sa bawat hamon ng mundo. Sapagkat, gamit ang wikang aking kinalakhan ako ay mas lalong naintindihan
at nauunawaan.
Isaisip
1. Sitwasyon sa loob ng silid-aralan
• Mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang itinalakay ng guro kung may iisang
wika silang gamit at nauunawaan ng lahat.
2. Sitwasyon sa loob ng tanggapan ng pamahalaan
• Mas magiging malinaw ang mga pagpapahayag, pagpaplano ng pamahalaan para sa gagawing
proyekto sa ikakaunlad ng kaayusan at kalinisan sa isang komunidad. Mas maiintindihan rin ito
ng taong-bayan ang mga punto ng pamahalaan sa gagawing proyekto sapagkat
nagkakaintindihan sila ng iisang wikang gamit.
3. Sitwasyon sa loob ng pamilihan
• Mas napapadali ang tawaran sa isang produkto kung ang tagapagbili at tindera ay
nagkakaunawaan sa iisang gamit na wika. Mas napapadali rin ang kanilang transaksyon sa
pagpapakilala sa produktong itinitinda.
Sanggunian

Aitchison, Jean. 1984. "Language Change: Progress or Decay." Chancer Press.

Alburan, JR. 2015. itsmebhang.wordpress.com. July 25. Accessed June 21, 2020.
https://itsmebhang.wordpress.com/2015/07/25/kasaysayan-ng-pagsasaling-wika/.

Antonio, Lilia F., et al. n.d. "Komunikasyon sa Akademikong Filipino." Quezon City: C & E
Publishing, Inc.

Arrogante, J., et al. 2007. "Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino." Manila:


National Bookstore.

Baronda, Andrew John C. 2016. "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino." Pasay City: JFS Publishing Services.

Bernales, R., et al. 2002. "Komunikasyon sa Makabagong Panahon." Valenzuela City: Mutya
Publishing House, Inc.

Jocson, Magdalena O. 2016. "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino."


Quezon City: Vibal Group, Inc.

Nuncio, Rhoderick V., and Elizabeth M. Nuncio. 2016. "Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino." Quezon City: C & E Publishing, Inc.

Marquez Jr., Servillano T. 2016. "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino." Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.

Mga Larawan

Pircyl. 2016. pircyl.com. Accessed June 21, 2020. https://picryl.com/collections/babylon-


tower.

n.d. rawpixel.com. Accessed June 21, 2020. https://www.rawpixel.com/image/457385/free-


illustration-vector-mind-map-mind-note-paper.

Taraya, Wendell. 2020. facebook.com. June 27. Accessed July 1, 2020.


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=3457029830976399&set=pcb.3457032190
976163&type=3&theater.

26

You might also like