You are on page 1of 25

Araling Panlipunan

KONTEMPORARYONG ISYU

Ikatlong Markahan-Modyul 1
Mga Isyung Pangkasarian

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Isyung Pangkasarian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad sa
anumang paglabag.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon
Schools Divisiom Superintendent Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz
Honorable Mayor Josefina Belmonte Alimurong

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Grace O. Vincoy


Editor:
Tagasuri: Lory F. Perjes at Juanito G. Fonacier
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: _________________________________________________________

2
Telefax: _______________________________________________________________
E-mail Address: _________________________________________________________

3
Araling Panlipunan
KONTEMPORARYONG ISYU

Ikatlong Markahan-Modyul 1

MGA ISYUNG PANGKASARIAN

4
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyung Pangkasarian!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtataagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

5
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Isyung Pangkasarian!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating
mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-
aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan
ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
Balikan sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

6
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
Isagawa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang Gawain kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
7
MODYUL 1 : MGA ISYUNG PANGKASARIAN

Sa araling ito, bibigyang-pansin ang mga pangunahing konsepto


na higit na magmumulat sa mga mag-aaral ng kanilang sariling pagkakakilanlan
ng sa gayon ay higit na magiging malinaw sa bawat isa ang kanilang magiging
gampanin sa lipunang kanilang kinabibilangan. Layunin ng mga gawain at
kasanayan sa modyul na ito na higit na palalimin ang mga paunang kaalaman
tungkol sa mga paksang nakapaloob dito. Hinihikayat din ang mga kabataang ito
na pairalin ang respeto sa kapwa anuman ang oryentasyong-sekswal nito at
kasariang pagkakakilanlan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay makagagawa ng mga malikhaing hakbang na
magsusulong sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon
na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

KASANAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang mga uri ng kasarian at sex at gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

MGA TIYAK NA LAYUNIN:


1. Natutukoy ang kaibahan ng pagpapakahulugan sa mga salitang kasarian at seks.
2. Nailalahad ang mga katangian ng “sex” at “gender”.
3. Naipapaliwanag ang kaibahan ng oryentasyong-sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian.

8
4. Nasusuri ang iba’t ibang uri ng oryentasyong-sekswal at ang iba pang mga katawagan
sa iba’t ibang pangkakakilanlang pangkasarian.
5. Naiuugnay ang mga kalagayan noon ng mga kalalakihan at kababaihan sa gampanin
nila sa kasalukuyan,

Sa bahaging ito, susubukan ng mga mag-aaral ang kanilang paunang


kaalaman sa kabuuan ng paksang tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.

GAWAIN 1 : PAUNANG PAGTATAYA


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa mga gampanin, katangian at asal kaugnay ng pagiging isang babae o
lalaki ng isang indibidwal sa lipunan na kanilang kinabibilangan.
a. gender b. orientation c. sex d. queer
2. Ito ang tawag sa nararamdamang malalim na atraksiyonn emosyonal, apeksyunal, sekswal
at pakikipagrelasyon ng tao sa magkaiba o parehas ng kanyang kasarian, at kasariang
higit sa isa.
a. Pagkakakilanlang-Pangkasarian c. Homosexual
b. Oryentasyong-Seksuwal d. Heterosexual
3. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang ginagamit para sa mga kalalakihan.
a. b. c. d.

4. Ang mga katangiang


pisyolohikal at biyolohikal na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki ay
___________.
a. gender b. asexual c. sex d. transgender
5. Ito ay tumutukoy sa masidhing damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao na maaaring magkatulad o iba sa seks niya ng siya ay ipinanganak.
a. gender expression b. Transitional b. sexual orientation c. gender identity
6. Ang paraan kung paano ipinapahayag ng isang indibidwal ang kanyang sarili upang
maipakita ang pagkakakilanlang pang-kasarian sa ibang tao ay tinatawag na:
a. gender identity b. sexual orientation c. gender expression d. gender transition
7. Ito ang tawag sa mga taong walang nararamdamang anumang atraksiyong-seksuwal sa
kahit anumang kasarian.
a. asexual b. bisexual c. cross-dresser d. transgender

9
8. Ito ay isang uri ng oryentasyong-seksuwal kung saan ang tao ay nakararamdam ng
pagnanasang sekswal sa kasapi ng kabilang kasarian.
a. lesbian b. bisexual c. homosexual d. heterosexual
9. Ito ang tawag sa mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.
a. gay b. bisexual c. heterosexual d. transgender
10. Ito ang tawag sa taong ang pagkakakilanlang-pangkasarian ay tumutugma sa kanyang
biyolohikal na katangian (sex) pagkapanganak.
a. ally b. cisgender c. intersex d. queer
11. Ayon sa Boxer Codex, alin sa mga sumusnod ang nagpapahayag na higit na malawak ang
mga karapatan ng mga kalalakihan noon kaysa sa mga kababaihan?
a. Ang mga kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa nang marami subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae kung may makita itong kasamang ibang
lalaki.
b. Ang mga kababaihan na nais makipaghiwalay ay kinakailangang magbigay ng handog
o alay sa kanilang mga asawa.
c. Ang mga kalalakihan ay nagsisilbing hari ng tahanan.
d. Ang mga kababaihan ay walang kalayaang makilahok sa politika katulad ng mga
kalalakihan.
12. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga lalaking babaylan ay nagbibihis-babae,
nagbabalatkayo bilang babae at ang iba naman sa kanila ay nagpapakasal din sa kapwa
lalaki. Bakit nagbago ang gampanin ng mga babaylang ito?
a. Dahil mas pinili nilang talikuran ang pagiging babaylan at mamuhay nang normal.
b. Dahil halos karamihan sa kanila ay namatay sa panahon ng pag-aalsa.
c. Dahil sa malawakang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa bansa.
d. Dahil ang mga babaylan ay naging mga pari ng mga simbahan.
13. Bilang mag-aaral, paano mo higit na maipapakita ang pantay na pagtrato sa mga
miyembro ng LGBTQ+?
a. Ang pagpili mo sa isang kamag-aral na miyembro ng LGBTQ+ bilang pangulo ng
klase dahil sa kanyang potensyal na mamuno.
b. Ang madalas na pakikilahok sa mga gawain gaya ng Pride March at pagbili ng mga
bagay na may mga simbolo gaya ng damit.
c. Ang paggamit ng mga “gay language” sa pakikipag-usap sa mga kaibigang miyembro
ng LGBTQ+.
d. Ang panonood ng mga pelikulang may tema tungkol sa buhay ng mga LGBTQ+.
14. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan ng walang anumal
benepisyong medikal?
a. Female Genital Mutilation c. Honor Killing
b. Female Infanticide d. Sexism
15. Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng
“gender role” sa Pilipinas.
A. Ang mga kababaihan ay bahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
B. Ang kababaihan, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay
pagmamay-ari ng mga lalaki.

10
C. Maraming kababaihan ang nakapag-aral upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi
lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
kababaihan tulad ng Magna Carta for Women.
E. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
a. CABED b. BEDCA c. BECAD d. EBCAD

GAWAIN 2: BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung sang-ayon sa isinasaad ng
pangungusap. Kung mali, iwasto ang salitang may guhit sa pangungusap.
__________1. Ang Bologna Accord ay naglalayon na iakma ang kurikulum upang ang
nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda
rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
__________2. Ang stock ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga mandarayuhang pumapasok
sa isang bansa sa isang takdang panahon.
__________3. Ayon sa mga nakalap na datos, ang 48% ng mga imigrante ay kababaihan na
halos dumarami pa para maghanapbuhay.
__________4. Ang imigrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente.
__________5.Bumababa ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon.
__________6. Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing over-staying sa bansang
pinuntahan.
__________7. Permanent migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan na may
takdang panahon.
__________8. Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga mandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at
refugees mula sa iba’t ibang bansa.
__________9. Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang
pamilya.

11
__________10. Ipinatupad ng pamahalaan ang K to12 Kurikulum na naglalayong iakma ang
sistema ng edukasyon sa ibang bansa.

GAWAIN 3: NAME THE SYMBOL


PANUTO: Tukuyin kung anong kasariang pagkakakilanlan ang sinisimbolo ng mga logo sa
ibaba.

1. 2. 3. 4. 5.
_____________ _____________ ____________ _____________ ____________

KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN


Bahagi na ng ating nakagisnang pamumuhay ang pagkakaroon ng paghahati
ng mga gampanin ayon sa kasarian. Noon pa man, labis na mataas ang pagturing ng lipunan
sa mga kalalakihan kung ihahambing sa mga kababaihan. Ang mga kalalakihan ay
inaasahang dapat na bumuhay sa kanyang pamilya at gumanap ng mga tungkuling mabibigat
sa loob at labas ng tahanan samantala, ang mga kababaihan ay itinuturing na tagapangalaga
ng mga anak at asawa, gayundin ang pag-aasikaso ng tahanan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nabago ang mga gampaning ito ng
mga lalaki at babae sa lipunang kanilang ginagalawan. Idagdag pa rito ang patuloy na
pakikibaka ng mga miyembro ng LGBT upang tuluyan silang matanggap at kilalanin ang
kanilang mga karapatan.

PAKSA: Konsepto ng Gender at Sex


Bagamat ang gender ay nagiging pamalit sa salitang kasarian o sex, ang
dalawang salitang ito ay sadyang magkaiba.
Ang gender ay tumutukoy sa mga katangian,
asal at gampanin na itinakda ng lipunan para sa mga lalaki
at babae. Ito ay nakukuha, napag-aaralan at nalilinang sa

12
pamamagitan ng mga institusyong panlipunan gaya ng sariling pamilya, pamahalaan,
relihiyon, at paaralan. Ang kategorya ng gender ay feminine at masculine.
http://awatm.weebly.com/sex-and-gender.html

Ang sex ay tumutukoy sa sa biyolohikal at pisyolohikal


na katangian na nagtatakda ng kaibahan ng lalaki at babae (WHO
2014). Ito ay maaaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na
may layunin ay reproduksiyon ng tao. Ang kategorya ng sex ay lalaki
at babae.

ORYENTASYONG SEKSUWAL ( SEXUAL ORIENTATION)


Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong emosyonal, sekswal, apeksyonal at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa tao na ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba ang kasarian
sa kanya o kasariang higit sa isa. Sa iba pang pakahulugan, ang oryentasyong-sekswal ay
tumutukoy sa pagpili ng iyong makakatalik, kung siya man ay babae o lalaki o pareho.

ORYENTASYONG SEKSWAL

1. Heterosexual – atraksiyong seksuwal sa miyembro ng opposite sex

2. Homosexual – atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kaparehong kasarian

3. Bisexual – mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)


Ito ay tumutukoy sa isang malalim na damdamin at perosnal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa seks ng siya ay
ipinanganak, kabilang ang persoal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang paraan ng pananamit, pagsasalita at pagkilos.
IBA PANG MGA TERMINO:
a. Gender Expression – kung paano ipinapahayag ng isang tao ang kanyang gender
identity sa pamamagitan ng pagdadamit, kilos o gawi
b. Sex / Binary Gender- isang sistema na nagbibigay at nagsasabi na dalawang kasarian
lamang - isang lalaki at isang babae ang naaangkop mula pagkapanganak.
c. Intersex – isang taong may gonadal tissue na pambabae at panlalaki
d. Transgender – isang tao na ang gender identity ay iba sa kanyang seks pagkapanganak
e. Cisgender – isang taong ang gender identity ay tugma sa kanyang seks
pagkapanganak

13
f. Transwoman – isang tao na nagpapakilala at nagbago mula sa lalaki upang maging
babae.
g. Transman- isang tao na nagpapakilala at nagbago mula sa babae para maging lalaki
h. Lesbian – mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki. May pusong lalaki at
nagkakagusto sa kapwa babae
i. Gay- mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki
j. Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong sekswal sa anumang
kasarian
PAKSA: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t ibang Lipunan
GENDER ROLE SA PILIPINAS
Ayon sa mga nakalap na datos
pangkasaysayan, ang mga kababaihan noon sa
ating bansa anuman man ang posisyon sa
lipunan (kabilang sa pinakamataas na uri o
uring timawa) ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
Isang halimbawa nito ay ang mga binukot. Ang
binukot ay isang kultural na kasanayan sa
Panay kung saan ang mga babae na tinuturing
na prinsesa at hindi pinapayagan makita ng
kalalakihan hanggang sa magdalaga.
http://bit.ly/3p363TO

Ayon sa Boxer Codex, isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595,


bago dumating ang mga Kastila, ang mga kalalakihan ay pinapahintulutang makapag-asawa
nang marami. Maaaring patayin ng lalaki
ang kanyang asawa sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki.
Pagpapatunay lamang na mas malaki ang
tinatamasang karapatan ng mga
kalalakihan noon kaysa sa mga
kababaihan.

http://bit.ly/3jukS0N

May mga pagkakataon naman na kung hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa ay
maaari niyang bawiin ang mga ari-arian na binigay niya subalit, kung ang babae ang
nagnanais na makipaghiwalay ay wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

PANAHON NG ⮚ Limitado pa rin ang karapatang taglay ng mga kababaihan.


MGA KASTILA

PANAHON NG ⮚ May mga kababaihang nagpakita ng kanilang kabayanihan

14
MGA PAG-AALSA gaya nina Gabriela Silang , Marina Dizon at iba pa.

PANAHON NG ⮚ Maraming mga kababaihan ang nakapag-aral.


MGA AMERIKANO
⮚ Nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa mga isyu
na may kinalaman sa politika.

PANAHON NG ⮚ Ang mga kababaihan ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban


MGA HAPONES sa mga Hapones.

KASALUKUYANG ⮚ Marami ang isinasagawang pagkilos at mga isinusulong na


PANAHON batas upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga
babae, lalaki at LGBT sa lipunan.

KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS

Ika-17 na Siglo

● Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may


tungkuling panrelihiyon. Ang salitang babaylan ay
sinasabing tumutukoy sa babae ngunit mayroon ding
lalaking babaylan gaya ng mga asog sa Visayas.
● .Ang mga asog ay hindi lamang nagbibihis-babae kundi
nagbabalat-kayo ring babae upang pakinggan ng mga
espiritu ang kanilang mga panalangin.
● Ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae at
pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simbolo
bilang “tila-babae”.
http://bit.ly/2YZGHvO
● Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki at sila ay may relasyong sekswal.

Panahon ng mga Kastila


● Para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay kinatatakutan dahil sa kanilang
makapangyarihang posisyon.
● Ang ibang mga babaylan ay nagbago nang gampanin dahil sa paglaganap ng
Kristiyanismo.
● Ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat ay tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa
kombensiyunal na oryentasyong sekswal ay pagkakakilanlang pangkasarian.

Dekada 60
15
● Pinaniniwalaang umusbong ang Philippine Gay Culture sa Pilipinas
● Maraming mga akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.

Huling bahagi ng dekada 80 at


unanag bahagi ng dekada 90

● Maraming pagsulong ang nailunsad na nagbigay-daan sa pag-usbong ng kamalayan ng


Pilipinong LGBT
● Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap ng sumali ang di-
kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong
Marso, 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong
sektor ng LGBT sa Pilipinas.
● Pinaniniwalaang nagsimula ang LGBT movement sa Pilipinas
● ProGay Philippines (1993)
● Metropolitan Community Church (1992)
● UP Babaylan (1992)
● CLIC (Cannot Live In Closet)
● LeAP (Lesbian Advocates Philippines)
● LAGABLAB o Lesbian and Gay Legislative
Advocacy Network (1999)
www.google.com
● Itinatag ang ANG LADLAD, isang partidong politikal, ni Danton Remoto noong
Setyembre 21, 2003.
● Ginanap ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas noong 2004 sa Maynila
bilang bahagi ng Gay Pride March.

Paksa: Gender Roles sa Iba’t ibang Lipunan sa Mundo


Mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo
na sa mga miyembo ng LGBT sa Afrika at
Kanlurang Asya.
Sa ikalawang bahagi ng ika-20 siglo ng
payagan ng ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya ang mga babae na
makaboto ngunit nanatili ang Saudi Arabia
sa paghihigpit sa mga kababaihan.
Napipigilan din ang paglalakbay ng
http://bit.ly/3aLwwAv mga kababaihan ng mag-isa sa ilang mga
bansa.

16
FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM)
● Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan ng walang anumang benepisyong
medikal.
● Isinasagawa ito upang mapanatili diumano ang
babae na walang dungis hanggang siya ay
maikasal.
● Ayon sa World Health Organization, may 125
milyong kababaihan ang biktima ng FGM sa 29
na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. http://wb.md/39ZDRwU
● Ang FGM ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.

⮚ May mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian sa bahagi


ng South Africa dahil sa paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos silang gahasain.
⮚ May mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT ayon sa
ulat na inilabas ng United Nations Human Rights
Council noong 2011.
http://bit.ly/3oZKAeB (hango sa teksto ng AP 10 Learners Module(2017), pahina 280)

GAWAIN 4: BAWAL JUDGMENTAL


PANUTO:: (Para sa mga lalaking mag-aaral) Ano-ano ang mga katangian / kakayahan ng
mga kababaihan ang labis mong hinahangaan? Bakit?
(Para sa mga babaing mag-aaral) Ano-ano ang mga kakayahan / katangian ng
mga kalalakihan ang nais mong tularan? Bakit?

17
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 5 : RAINBOW COLOR


Panuto: Nasa kaliwang bahagi ang kahulugan ng bawat kulay ng bahaghari na sumisimbolo
sa LGBTQ+ . Kung ikaw ay papahintulutan na baguhin ang mga ito, ano-ano ang mga kulay
na iyong ipapalit? Ipaliwanag ang kahulugan ng mga bagong kulay na pinili.

KAHULUGAN NG BAWA’T KULAY

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. ______________________________________________________________

5. ______________________________________________________________

6. ______________________________________________________________

7. ______________________________________________________________

Gawain 6: GENDER ROLE REVEAL

18
Sa kasalukuyan, ang mga mahahalagang papel na ginagampanan ng bawa’t
kasarian ay unti-unting nakikilala sa iba’t ibang larangan. May mga gampanin noon na bukod
tanging para lang sa isang kasarian subali’t ngayon ay maaari na ring gampanin ng iba.
Gamit ang tsart sa ibaba, magbigay ng mga gampanin ng kasarian (gender
role) sa iba’t ibang larangan at institusyong panlipunan.

TRABAHO 1.(babae)

2.(lalaki)

3.(LGBT)

PAMILYA 1.

2.

3.

EDUKASYON 1.

2.

3.

PAMAHALAAN 1.

19
2.

3.

RELIHIYON 1.

2.

3.

GAWAIN 7: TIME TRAVEL


PAnuto: Suriin ang mga gampanin ng mga kababaihan, kalalakihan o LGBT sa mga
nagdaang kasaysayan.

PRE- PANAHON PANAHON PANAHON NG PANAHON KASALU


KOLONYAL NG 20
NG PAG- AMERIKANO NG HAPON -KUYAN
KASTILA AALSA
PAMPROSESONG TANONG:
1. Mayroong bang malaking pagbabago sa gampanin ang mga kababaihan, kalalahihan o
miyembro ng LGBT mula noon hanggang sa kasalukuyan?
2. Ano-ano ang mga pagmamalabis o di-makatarungang pagtrato ang naranasan ng mga
kababaihan sa mga nagdaang panahon?
3. Bakit higit ang karapatan at prebelehiyo ng mga kalalakihan kaysa sa mga
kababaihaan sa lipunan noon?
4. Paano patuloy na pinaglalaban ng mga komunidad ng LGBTQ+ ang kanilang
karapatan na tanggapin sila ng lipunang kanilang ginagalawan?

Gawain 8: PANGHULING PAGTATAYA


Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Anong dekada pinaniniwalaang umusbong ang Philippine gay culture sa Pilipinas?

21
a. 60 b. 70 c. 80 d. 90
_____2. Itinatag ang ANG LADLAD, isang partidong politikal, ni Danton Remoto noong
a. Mayo 21, 2002 b. Setyembre 21, 2003 c. Hunyo 21, 2004 d. Abril 1, 2007
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga epekto ng FGM sa mga
kababaihan?
a. Nahihirapang umihi. c. Maaaring mahawa ng sakit gaya ng AIDS.
b. Nawawalan ng gana kumain.. d. Maaaring ikamatay ito ng babae.
_____4. Nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika noong:
a. Panahon ng Kastila c. Panahon ng Amerikano
b. Panahon ng Rebolusyon d. Panahon ng Hapon
_____5. Saang bansa ang patuloy sa paghigpit sa mga kababaihan?

a. Pilipinas b. South Africa c. Saudi Arabia d. China


_____6. Ito ang tawag sa isang taong ang gender identity ay tugma sa kanyang seks
pagkapanganak.
a. cisgender b. trasngender c. binary gender d. homosexual
_____7. Alin sa mga sumusunod na kadahilanan ang pagkawala ng kapangyarihan ng isang babaylan
bilang isang lider-ispiritwal?

a. Nang magsimulang dumating ang mga Amerikano sa ating bansa.


b. Nang magalit ang Bathala dahil sa kanilang pagpapalit-anyo.
c. Nang maging pari ang mga Babaylan.
d. Nang lumaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Oryentasyong Sekswal?

a. Homosexual b. Heterosexual c. Bisexual d. Transition

_____9. Paano ipinaglaban ng mga miyembro ng LGBT ang kanilang mga karapatan na ituring na
kabilang sa lipunan?

a. Patuloy na pag-oorganisa ng mga panawagan at programang kikilala sa kanilang


gampanin sa lipunan.
b. Iginiit ang kanilang kahilingan sa hindi makatwirang pamamaraan.
c. Bumuo sila ng sarili nilang komunidad na hindi maaaring panghimasukan ng hindi
miyembro ng samahan.
d. Pag-eendorso ng mga pulitiko na nagpapahayag ng pagsuporta sa kanilang mga
pinaglalaban.

22
_____10. Ito ay tumutukoy sa isang malalim na damdamin at perosnal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex nang siya ay
ipinanganak.
a. Sexual Orientation b. Gender Identity c. Sexuality d. Gender Role

GAWAIN 9: PAGGAWA NG BATAS


Panuto: Bumuo ng isang batas na naglalayong proteksiyunan at suportahan ang mga
miyembro ng LGBT na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan sa
lipunang ginagalawan.

GAWAIN 10: HASHTAG MO NA YAN !


Panuto: Mag-isip ng isang magandang hashtag(#) tungkol sa iyong natutunan sa modyul na
ito. Isulat ito sa loob ng kahon.

23
A. Department of Education, Modyul para sa Mag-aaral (Grade 10)
B. De Guzman, J.M , Mga Kontemporaryong Isyu
C. Mula sa Internet
https://www.cdc.gov/lgbthealth/transgender.htm

https://www.colleaga.org/tools/sex-gender-and-health

http://bit.ly/2YC4UYA

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Quezon City
Email Address: sdoactioncenter@gmail.com
Telephone No. : 8352-6806 / 8352-6809
Telefax: 3456-0343

25

You might also like