You are on page 1of 25

Senior High School

Unang Markahan – Modyul 1


Ang Akademikong Pagsulat

Self-Learning Kit
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Krisha C. Abarquez
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief: MARIA LOURDES L. IPONG, DevEdD
Name of Division EPS In Charge of LRMS: NANETTE A. NACOR
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
12

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Akademikong Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 12 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Akademikong Pagsulat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Ang Akademikong Pagsusulat !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat para sa iyo. Nilalayon nitong tulungan ka
upang makamit ang kahusayan sa pagsulat. Pinahihintulutan kang gamitin ito sa lahat
ng mga pamamaraang pampagkatuto. Ang wikang ginamit ay inakma sa kakayahang
pangwika para sa iyo. Ang mga paksa ay inihanay rin upang magkaroon ng
estandardisadong pagkakasunod-sunod ng kurso.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat. CS_FA11/12PB-0a-c-101

Ang modyul na ito ay hinimay para sa ganap na pagkatuto:


• Aralin – Ang Akademikong Pagsulat

Pagkatapos matutunan ang mga aralin sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang kahulugan ng pagsulat at akademikong pagsulat;
2. naipapaliwanag ang kahalagahan at layunin ng pagsulat;
3. naiisa isa ang mga gamit o pangangailangan sa pagsulat; at
4. nasusuri ang sanaysay ayon sa layunin at gamit o pangangailangan sa
pagsulat.

Subukin
Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral. Maging bukas dapat ang iyong
isipan para sa lubos na pagkatuto. Handa ka na ba? Simulan na…

Ang bahaging ito ng modyul ay susubok sa iyong mga kaalaman hinggil sa


paksang pag-uusapan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Lagyan ng tsek
ang bawat bilang kung naranasan mo na ang bawat kasanayan noong ikaw ay nasa
mababang taon pa. Sa pagsagot gawing gabay ang bawat emoticons ng kaisipan at
isulat ito sa malinis na papel.

Legend:
- Naintindihan ko ng buo at pakiramdam ko ay makapagtuturo ako!

- Nauunawaan ko pero pakiramdam ko nangangailangan pa ng ensayo.

- Malapit ng makaunawa subalit nangangailangan pa ng tulong.

- Malabo kong maunawaan.

1. Naalala ko ang malalaking titik sa simula ng pangungusap


at pangngalang pantangi.
2. Ang pamagat ay may nakasulat na malalaking titik kung
kailangan
3. Samasangguni ako sa diksiyonaryo sa iilang salitang
hindi ako sigurado.
4. Nagsusulat ako ng talata nang organisado.
5. Binabasa kong muli nang maayos ang sinulat para sa
mga kamalian.
6. Gumagamit ako ng kawili-wiling salita.
7. Ang seleksiyong pagsulat ay may pangunahin at panapos
na pangungusap.
8. Ang layunin o pamamaraan ng pagsulat ay malinaw.
9. Ang pagsulat ko ay nagpapakita ng lohikal na
pagkasunod-sunod.
10. Ang pagsulat ay may kabuluhan at madaling basahin.
11. Tiyak na detalye ang ginamit para mapalinang ang
paraang pagpapaliwanag.
12. May kaugnayan sa paksa ang lahat ng detalye.
13. Tamang bantas at capitalization ay ginamit.
14. Bawat salita ay binabaybay nang wasto.
15. Di natapos o di kompletong pangungusap ay
pinagbabawal.

Ngayong natapos mo nang sagutin ang paunang pagtataya, natuwa ka ba?


Huwag mag-aalala kung hindi ka gaanong nasiyahan bagkus ito ay isa lamang
pansariling pagtataya na nagbabadyang gaano mo kakilala ang iyong sarili sa
pamamagitan ng pagsulat, pawang lahat ng iyong sagot rito ay tama. Tandaan lamang
maging totoo ka sa pagsagot sa mga iilang pang bahagi at sa pagwawasto nang
maging makabuluhan ang iyong pagkatuto at pagpapatuloy nito.

Aralin
Ang Akademikong Pagsulat

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga


mag-aaral na gaya mo. Ito ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaaktibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang
wika ayon kay Cecilia Austera, et al .

Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay babalikan natin ang mga nauna nang aralin na
maaring maiugnay sa kasalukuyang leksyon. Maging masipag sa pagtukoy sa mga
nakaimbak na kaalaman upang higit na mapadali ang pagkatuto sa bagong aralin.

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang sulating matagumpay mong naisagawa noong ikaw
ay nasa ikasampung grado pa lamang.
_____ sanaysay ____ posisyong papel ____ pananaliksik
_____ talumpati ____ pangkritik ng papel ____ rebyu sa
pelikula
_____ agenda ____ suring-aklat
_____ liham pangkaibigan ____siyentipikong ulat
Iba pa (magtala ng wala sa nakalista):
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________
• Alin sa mga ito ang pinakamadali, at alin ang pinakamahirap sa lahat? Ano-ano
ang katangian ng isang sulatin upang maikategoryang ito ay madali o mahirap
isagawa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____

Tuklasin

Narito na naman ang isa pang kaisipan ang magpapayabong ng iyong kaisipan
sa bahaging ito, masusukat rito ang araling napagdaanan mo na.

Panuto: Sagutin ang puzzle upang mabuo ang mga mahalagang kaisipang
tinutukoy na ideya sa ibaba. Isulat sa malinis na papel.
1) P 2) P
4) A 5) O

T L
3) P O

Pababa
1. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

2. Ang layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip


o
nadarama ng manunulat.

5. Nangangailangan ang pagsulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral.

Pahalang
3. Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkalalahad.

4. Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang


mataas
na antas ng kasanayan sa pagsulat.

Anong mga salita ang nabuo mo sa puzzle? Agad mo bang natukoy ang mga salitang
ito? Mahusay kung gayon ang mga salitang iyan ay may kinalaman sa araling
matatalakay at iyong matutunan sa pagpapatuloy mo.

Suriin

Aralin: Ang Akademikong Pagsulat


Mula sa Tuklasin ay may ideya ka na kung ano ang pagsulat. Ano nga ba ang
pagsulat at ang akademikong pagsulat? Ano kaya ang kahalagahan nito, maging ang
layunin, gamit at katangian?
Halika at himayin mo ang pagtalakay!
Ang Pagsulat
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Ang iilan ay nagsulat upang
madagdagan ang kaalaman, mayroon naman nagsisilbing libangan. Anuman ang dahilan
ng pagsusulat ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat at nagbabasa nito.
Tunghayan ang iilan sa pagbibigay kahulugan at kalikasan ng Pagsusulat;
Kahulugan ng Pagsulat
1) Pagsusulat ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t
ibang layunin
2) Ang pagsusulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan n gating pagiging tao.
(William Strunk E. B. White)
3) Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ang utak, gayundin naman ang kalidad ng
pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
4) Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng
talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing at Jin)
5) Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)
6) Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman
ay hindi maglalaho
sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring mapasalin-salin sa bawat
panahon. Maaaring
mawala ng alaaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling
kaalaman.

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Ayon kay Mabilin sa kanyang akalat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012) ang pagsusulat ay
maaaring naisasagawa sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo
ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat. Ang
karaniwang halimbawa nito ay sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang
akdang
pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaaring maging panlipunan o sosyal kung saan ang
layunin ng pagsulat ay makikipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
Ang
mga halimbawa nito ay liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating
panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat


1. Wika – ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat.
2. Paksa – mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
3. Layunin – ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat – May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat
upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa
layunin o pakay ng pagsusulat. Ito ay ang paraang impormatibo, paraang
ekspresibo, paraang naratibo, paraang deskriptibo, at paraang argumentatibo.
5. Kasanayang pampag-iisip – taglay ang pagiging lohikal at obhetibong katangian .
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat – taglay ang sapat na kaalaman
sa wika at retorika.
7. Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin – tumutukoy sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang sa wakas ng
komposisyon.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Malikhaing Pagsulat – layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
2. Teknikal na Pagsulat – ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o
kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
problema o suliranin.
3. Propesyonal na Pagsulat – may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Binibigyang-pansin ang paggawa ng sulatin o pag-
aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
4. Dyornalistik na Pagsulat – ito ay may kinalaman sa sulating pamamahayag.
5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin ng sulating bigyang-pakilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at
disertasyon.
6. Akademikong Pagsulat – ito ay isang intelektwal na pagsulat.

Akademikong Pagsulat
Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong
sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa
iba dala na rin nang mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at
pagtatrabaho. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-
aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsusulat


Madalas inuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya
ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas
na karunungan. Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Filipino ang gagamitin sa
akademya. Sa paggamit nito malinaw sa isip ng gumagamit na ito man ay sa paraang pasalita
o

pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino


upang maging istandard at magamit bilang wika ng intelektwalisasyon na kung saan
napatunayan mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, nakasaad din sa
Konstitusyon na ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.
Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High
School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, huhubugin,
sasanayin, ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang
akademikong Filipino.
Mga Katangiang Dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo – ang mga datos na isinusulat ay batay sa kinalalabasan ng ginawang pag-
aaral at pananaliksik
2. Pormal – nangangahulugang pagsulat ng pormal sa akademikong sulatin na madaling
maintindihan ng mambabasa, iniwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal.
3. Maliwanag at Organisado - ang pagsulat ng talata ay kailangang kakikitaan ng
maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito.
4. May Paninindigan – ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa,
maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga
datos.
5. May pananagutan – ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos
o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala, ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng paggalang sa taong nakatulong sa iyo bilang bahagi
ng etika ng akademikong sulatin.

Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin


1. abstrak
2. synopsis/buod 7. katitikan ng pulong
3. bionote 8. posisyong papel
4. panukalang proyekto 9. replektibong sanaysa
5. talumpati 10. pictorial essay
6. agenda 11. lakbay-sanaysay

Naliwanagan ka na ba? Nakuha mo kaya ng aralin? Para malaman natin, ngayon ay


sagutin mo naman ang sumusunod na katanungan. Kilalanin ang uri ng sulating
inilalarawan mula bilang 1 hanggang 7 at sagutan naman ang bilang 8 hangang 10
batay sa iyong pang-unawa. Isulat sa papel ang sagot.
1. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng pagsulat
na
ito.
2. Ang paraang argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo ay
nakapaloob sa pangangailangang ito.
3. Uri ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makapukaw ng
damdamin
at makaantig ng imahinasyon.
4. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing
ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat.
5. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat maasa sa mga propesyunal gaya ng mga doctor,
nars, inhinyero, at iba pa.
6. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita,
editorial,
lathalain at iba pa.
7. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng
mataas
na kasanayan at karanungan.
8. Batay sa iyong pagkaunawa, paano mo mabibigyan ng sariling kahulugan ang
akademikong pagsulat?
9. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?
10. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang
layunin ng akademikong Filipino sa pagsulat?
Ayan! Napakagaling mo, paniguradong hitik na sa kaalaman ang nakuha mo sa aralin,
tama ba?

Pagyamanin

Narito naman ang kasunod na bahagi na naglalaman ng mga gawain para sa iyong
malayang pagsasanay upang mas mapagtibay pa ang iyong pag-unawa at kasanayan
sa paksa.
Gawain A) Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong
Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling
paliwanag sa bawat katangian. Sundin ang pormat sa ibaba sa
pagsagot nito sa papel.

Katangian:
_______________
Paliwanag:
Katangian: Katangian:
_______________
_________________ _________________
Paliwanag: Paliwanag:
_________________ _________________
Katangian ng
Katangian: Katangian:
Akademikong
_________________ _________________
Pagsulat
Paliwanag: Paliwanag:
Isaisip
_________________ _________________

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga Gawain o pagsasanay upang maproseso


mo ang mga natutunan mula sa aralin.

Gawain A. Panuto: Sa pamamagitan ng Graphic Overview, isulat ang mga


natutunan sa araling ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa
papel.

Mga Natutuhan
Gaano kahalaga ang iyong natutunan sa akademikong pagsulat bilang paghahanda
mo sa daigdig ng trabaho?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________

Isagawa

Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin


ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Gawain A. Panuto: Basahin ang teksto kaugnay sa pagpapahalaga sa pagsulat.
Bilang
pagpapahalaga sa nilalaman nito, suriin kung ano ang layunin at gamit ng
pagsulat. Magbigay ng sariling pananaw sa nilalaman ng teksto. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

Bakit Ako Nagsusulat?

May mga bagay na sadyang kapag ginagawa natin ay lumulukso ang ating dugo, patunay
lamang ito na gusto natin ang ating ginagawa.

Isang katanungan ang nagbigay ng napakalaking kompiyansa sa sarili ko, at ito ay kung
bakit ako nagsusulat? Isang simpleng katanungan, isang simpleng sagot lang ang na-iisip ko
ngayon, at yun ay dahil dito ako masaya. Marami akong problema sa buhay, pero nawawala ang
lahat ng ito kapag nagsimula na akong humawak ng ballpen at papel, dahil sa mundong binubuo
ng isip ko ay walang imposible, lahat pwedeng mangyari. Sa aking munting papel ay ako ang
bida sa isang pelikulang nilikha ng aking makapangyarihang ballpen at ito ay sa direksyon ng
aking malawak at matayog na kaisipan. Sa aking patuloy na pagsusulat ay may mahalagang
bagay akong natututunan, at ito kailanma'y hindi ko makakalimutang baunin sa kahit saan man.
Huwag tayong panghinaan kailanman, manatili tayong malakas, kahit ano pa ang problemang
sa ati'y nakaabang. Pakatandaan tayo ang author ng ating buhay.

Masasabi kong ang buhay ay parang isang sanaysay, dapat lagi lang nakatuon ang isip
sa paksa, upang hindi masira ang diwa.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=587603928431260&id=289190298272626&substory_index=0
Pagsusuri sa tekstong binasa:

Paksa

Pamamaraan ng Pagsulat

Layunin

Uri ng Pagsulat

Pananaw sa nilalaman

Gawain B. Panuto: Ipahayag ang sarili mong natutunan.


Ang islogang “Think before you click” ng isang kilalang estasyon ng
telebisyon sa Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng pagpapahayag partikular
ang Facebook, Twitter, o iba pang social media. Nagbibigay ito ng babala na
anuman ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa at
magagamit na matibay na ebidensiya laban sa iyo.
Bilang isang mag-aaral na ngayon ng Akademikong Pagsulat ay
magbigay ka ng mga magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano
magiging responsable at makapagbigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat o
i-pino-post sa ating mga social media account.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kraytirya Puntos

Nilalaman 3
Kawastuhan sa 3
gramatika

Organisasyon ng ideya 2

Badyang Panghihikayat 2

Kabuuan 10

Tayahin
Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi kaya mas mabuting basahin at
unawain mo ang aytem upang maibigay ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat.
Gawin ito sa isang malinis na papel.
1. Anong uri ng pagsulat na nakatuon sa intelektwal na aspeto, ang gawaing ito ay
nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan?
A. akademik B. malikhain C. reperensiyal D. teknikal

2. Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na


naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at
iba pang elemento?
A. Keller B. Kellog C. Donald Murray D. Xing at Jin

3. Sino ang nagsaad na ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at


isang kaligayahan ng nagsasagawa nito?
A. Keller B. Kellog C. Donald Murray D. Xing at Jin

4. Anong gamit o pangangailangan ng pagsulat na magsisilbing pangkalahatang


iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda?
A. layunin B. paksa C. pamamaraan D. wika

5. Ano ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng


iyong isulat?
A. layunin B. paksa C. pamamaraan D. wika

6. Ano ang tawag sa artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at


nararamdaman sa paraang nakalimbag?
A. pagbabasa C. pagsusulat
B. pagsasalita D. pakikinig

7. Anong uri ng pagsulat ang tumutukoy sa lahat ng pagsasanay na naranasan ng


mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo, at maging graduate
school?
A. akademiko B. reperensiyal C. propesyunal D. dyornalistik

8. Si Jade ay ganadong makita ang aklatan sapagkat gusto niya ang pagbabasa
upang maibsan ang kanyang kalungkutan sa tuwing may malalaman siyang
bagong kuwento. Anong layunin ng pagsulat ang ipinahayag ng sitwasyon?
A. personal B. panlipunan C. panlibang D. panghikayat

9. Si Ana ay isang manunulat na matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at


pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa. Anong
katangiang taglay ni Ana sa pagsusulat?
A. obhetibo B. pormal C. may pananagutan D. may paninindigan

10. Bilang isang manunulat at mananaliksik, kailangan mong kumilala sa mga


ginamit na ideya, di kukuha ng datos na walang pahintulot at di mandaya, ano
ang tawag sa pagkilala ng ideya ng iba?
A. etika B. pagsulat C. plagiarism D. responsibilidad

11. Aling katangian ang dapat taglayin ng isang akademikong pagsulat?


A. pormal, subhetibo at organisado
B. di-pormal, obhetibo at di-organisado
C. obhetibo, maliwanag at may pananagutan
D. subhetibo, pormal at walang paninindigan

12. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na akademikong sulatin?


A. bionote, tula at talumpati
B. agenda, dula at photo sanaysay
C. katitikan ng pulong, abstrak at buod
D. lakbay-sanaysay, balita at panukalang proyekto

13. Sa tingin mo ba may benepisyong makukuha sa pagsulat? Ipaliwanag.


A. Siguro, dahil nagdudulot ito ng kasiyahan sa tao.
B. Wala, kasi kamay lamang ang ginagamit sa pagsulat.
C. Puwede, dahil kaakibat nito may matutunan kang aral.
D. Oo, dahil mahuhubog ang isipan sa mapanuring pagbasa.

14. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat?


A. Nahahasa ang kasanayan sa pagsulat
B. Nakadudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas.
C. Nahuhubog ang isipan sa mapanuring pagbasa.
D. Naging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

15. Paano mo maipapakita bilang mag-aaral ang pagpapahalaga sa Akademikong


Filipino?
A. Ipagmalaki ang wikang dayuhan.
B. Gamitin at payabungin ang sariling wika.
C. Sanayin ang sarili na sumulat sa wikang Ingles.
D. Bahagyang gamitin sa pagsulat ang sariling wika.
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ay may ibibigay sa iyo na panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay batay sa mga larawang nakita sa ibaba. Pumili
lamang ng isa sa larawan. Isaalang-alang ang mga gamit o pangangailangan sa
pagsulat. Ikaw ay malaya sa pagbuo ng iyong pamagat. Kailangan aabot sa tatlong
talata na hindi bababa sa 100 na salita ang pagsulat.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Kategorya Higit na Nakamit Bahagyang Hindi Walang
Inaasahan ang Nakamit nakamit ang napatuna
(5) Inaasahan ang Inaasahan yan (1) Punto
(4) Inaasahan (2) s
(3)
Nakapanghih Nakalahad Nakalahad Hindi Hindi
ikayat ang sa sa malinaw ang nakita sa
introduksiyon introduksiyo introduksiyo introduksiyon nagawang
. Malinaw na n ang n ang at ang sanaysay.
Introduksi nakalahad pangunahin pangunahin pangunahing
yon ang g paksa g paksa paksa. Hindi
pangunahing gayundin subalit hindi nakalahad
paksa ang sapat ang ang panlahat
gayundin ang panlahat na pagpapaliw na
panlahat na pagtanaw anag ukol pagpapaliwa
pagtanaw ukol dito. dito. nag ukol dito.
ukol dito.
Makabuluhan Bawat talata May Hindi Hindi
Diskusyon ang bawat ay may kakulangan nadebelop nakita sa
talata dahil sa sapat na sa detalye. ang mga nagawang
husay na detalye. pangunahing sanaysay.
pagpapaliwa ideya.
nag at
pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang Hindi
mahusay ang ang Pagkakaay patunay na nakita sa
pagkakasuno debelopme os ng mga organisado nagawang
d-sunod ng nt ng mga talata ang sanaysay.
Organisas mga ideya; talata subalit ang pagkakalaha
yon ng gumamit din subalit hindi mga ideya d ng
mga ideya ng mga makinis ang ay hindi sanaysay.
transisyunal pagkakalah ganap na
na pantulong ad nadebelop.
tungo sa
kalinawan ng
mga ideya.
Nakapangha Naipapakita Hindi ganap May Hindi
hamon ang ang na naipakita kakulangan nakita sa
konklusyon at pangkalahat ang at walang nagawang
naipapakita ang palagay pangkalahat pokus ang sanaysay.
Konklusyo ang o pasya ang palagay konklusyon
n pangkalahata tungkol sa o pasya
ng palagay o paksa batay tungkol sa
paksa batay sa mga paksa batay
sa katibayan katibayan at sa
at mga mga katibayan at
katwirang katwirang katwirang
iniisa-isa sa iniisa-isa sa inisa-isa sa
bahaging bahaging bahaging
gitna. gitna. gitna.
Walang Halos Maraming Napakarami Hindi
pagkakamali walang pagkakamal at nakita sa
Mekaniks sa estruktura pagkakamal i sa mga nakagugulo nagawang
ng mga i sa mga bantas, ang mga sanaysay.
pangungusap bantas, kapitalisasy pagkakamali
at gamit ng kapitalisasy on at sa mga
mga salita on at pagbabayb bantas,
pagbabayb ay. kapitalisasyo
ay. n at
pagbabaybay
.
Walang Halos Maraming Napakarami Hindi
pagkakamali walang pagkakamal at nakita sa
sa estruktura pagkakamal i sa nakagugulo nagawang
Gamit ng mga i sa estruktura ang sanaysay.
pangungusap estruktura ng mga pagkakamali
at gamit ng ng mga pangungus sa estruktura
mga salita. pangungus ap at gamit ng mga
ap at gamit ng mga pangungusap
ng mga salita at gamit ng
salita mga salita.
Kabuuan 30/30
Suriin Pagyamanin
1) teknikal - Obhetibo
2) pamamaraan - Pormal
3) malikhain - Maliwanag at organisado
4) paksa - May paninindigan
5) propesyonal - May pananagutan
6) panlipunan o sosyal
7) akademya
8) Makabuluhan at may lalim na paggamit ng
kasanayan sa pag-iisip
9) Kinakailangan ng kasanayan upang
magiging handa sa hinaharap na
pakikibaka sa buhay lalong lalo na sa
mahigpit na kompetisyon kung
magtatrabaho.
10) Kinakailangan para naman mapalinang,
mahubog, mapayabong ang sariling
wikang Filipinong kinagisnan at higit sa
lahat ipagmalaki ang lahi.
Isagawa Tayahin
Gawain A 1) A
2) D
Paksa: Pagsulat 3) A
4) B
Pamamaraan ng pagsulat: Impormatibo o ekspresibo 5) A
6) C
Layunin: pampersonal
7) A
Uri ng pagsulat: Malikhain 8) A
9) D
Pananaw sa nilalaman: maging pokus sa buhay at 10) A
dapat may pag-iisip sa lahat ng pinagdaanan nang 11) C
hindi mawala ang landas nito, etc. 12) C
13) D
Gawain B: 14) D
15) B
Paalala – alalahanin ng ilang beses kung tama ang
ipinopost, dapat maging maingat sa pagpopost
dito…at iba pa.
Susi sa Pagwawasto
Balikan Tuklasin
• Posibleng sagot 1. Pagsulat
Liham 2. Personal
Sanaysay 3. Proseso
Pananaliksik 4. Akademiko
Rebyu ng pelikula 5. Obhetibo
Pinakamadali – sanaysay
Pinakamahirap – pananaliksik
Katangiang madali – makatotohanan,
Tiyak, obhetibo
Katangiang mahirap – pagkuha ng
ebidensiya o mga pananagutan
Sanggunian

Ailen Baisa - Julian at Nestor B. Lontoc . 2016. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
(Akademik) . Quezon City : Phoenix Publishing House .

Christian George C. Francisco, Mary Grace H. Gonzales . 2017. "Filipino sa Piling Larangan (Tech-
Voc)." In Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc), by Mary Grace H. Gonzales hristian George C.
Francisco, 1-2. Manila, Philippines : Rex Book Store.

n.d. elcomblus.com.

2019. permalink. July 4. Accessed June 24, 2020.


https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=587603928431260&id=2891902982
72626&substory_index=0.
n.d. pinterest. Accessed July 2, 2020.
https://www.pinterest.ph/pin/410179478541250626/?autologin=true.

You might also like