You are on page 1of 28

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5 : Implikasyon ng
Kapaligirang Pisikal sa Uri ng
Panahanan at Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Aralin 5: Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal sa Uri ng Panahanan
at Ekonomiya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ebuena P. Alvarez – Head Teacher III
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor (Social Studies)
Tagasuri: Flordeliza A. Jastia – Head Teacher III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and Regional
ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
LuckyS. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and Division ADM Coordinator
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5: Implikasyon ng
Kapaligirang Pisikal sa Uri ng
Panahanan at Ekonomiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARALING PANLIPUNAN GR.7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG
PISIKAL SA URI NG PANAHANAN AT EKONOMIYA.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Gr. 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal sa Uri ng Panahanan at
Ekonomiya

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

iv
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat para sa iyo bilang mag-aral sa ikapitong
baitang. Ito ay isang materyal sa pagkatuto na binuo alinsunod sa itinalagang
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto. Nakaayos batay sa nakatakdang
pagkakasunod-sunod ang mga saklaw na paksa. Handog nito ang paglalahad ng
mga kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin o paksa gamit ang iba’t
ibang pamamaraan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

 Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa


pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Ang modyul ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:


Paksa 1 – Likas na Yaman at Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal sa
Pamumuhay ng mga Asyano
1.1 Uri ng Panahanan
1.2 Ekonomiya

Matapos talakayin ang nilalaman ng modyul, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at likas na yaman sa
larangan ng ekonomiya at uri ng panahanan
2. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at likas na yaman ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng
ekonomiya at panahanan.
3. Napapahalagahan ang mga likas na yaman na batayan ng kabuhayan ng mga
bansa at ng buong rehiyon.

1
Subukin

Bago mo umpisahan ang pag-aaral ng paksa sa modyul na ito, sagutan ang gawain
upang malaman kung gaano kalawak na ang iyong kaalaman hinggil sa paksa.
PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang tamang paglalarawan tungkol sa implikasyon ng
kapaligirang pisikal sa pananahanan at ekonomiya ng mga Asyano.
1.
_____a. Ang mga magsasakang Tsino ay karaniwang nakatira sa magkakalapit na
mga pamayanang ang panirahan ay gawa sa luwad at adobe.
_____b. Ang mga magsasakang Tsino ay karaniwang nakatira sa mga kagubatan at
ang kanilang panirahan ay gawa sa bahay kubo.

2.
_____a. Ang mga mamamayan sa bansang Japan na karaniwang
naghahanapbuhay sa lungsod ay naninirahan sa nagtataasang gusali at
gumagamit ng pinakabagong teknolohiya.
_____b. Ang mga mamamayan sa bansang Japan na naninirahan sa lungsod ay
nakatira pa din sa mga tradisyonal na bahay.

3.
_____a. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog-Silangang Asya ay
karaniwang nakatira sa mga bahay na bato.
_____b. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog-Silangang Asya ay
karaniwang nakatira sa bahay kubo na nasa mga kabundukan at stilt kung
malapit sa mga dagat.

4.
_____a. Ang South Korea ay kabilang sa mahihirap na bansa sa Asya, ang
pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal,
paggawa ng barko, steel, tela, damit, sapatos, tsinelas, at pagpoproseso ng
pagkain.
_____b. Ang South Korea ay kabilang sa mauunlad na bansa sa Asya, ang
pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal,
paggawa ng barko, steel, tela, damit, sapatos, tsinelas, at pagpoproseso ng
pagkain.

5.
_____a. Malaking bansa at mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa
kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas ng krudo,
petrolyo at natural gas.
_____b. Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei.
Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas ng
krudo, petrolyo at natural gas.

2
Implikasyon ng Kapaligirang
Aralin
5
Pisikal sa Panahanan at
Ekonomiya
Ang likas na yaman ng isang bansa ay tumutugon sa pangangailangang materyal ng
mamamayan at ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa at lipunan. Mahalaga
ito dahil nakatutulong sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga Asyano sa
pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay tulad ng pangingisda, pagsasaka at
pagmimina. Dito kumukuha ang mga tao ng mga hilaw na materyales upang gawing
bagong produkto. Nakatutulong ito sa ekonomiya at pag-unlad ng bansa. Dito rin
nakukuha at nanggagaling ang mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng
mga pagkain, mga materyales sa paggawa ng tirahan, mga kasuotan at mga
kagamitan sa pang-araw araw na pamumuhay.

Balikan

Bigyang tanaw natin ang ating nakaraang aralin tungkol sa implikasyon ng


kapaligirang pisikal sa agrikultura.

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang salitang


nagpapamali sa pahayag. Guhitan ito at isulat sa patlang ang tama
upang ito ay maging wasto.

___________1. Nangunguna ang bansang Bangladesh sa produksyon ng tsaa na


itinatanim sa Assam.
___________2. Ang Thailand ay isa sa pinakamahirap na bansa sa Timog Silangang
Asya, ang 70% ng populasyon nito ay nasa sektor ng agrikultura at
paggugubat.
___________3. Ang lupang pansakahan sa Pilipinas ay ang delta ng Ilog Pula at ang
Ilog Mekong. Nangungunang tanim ang palay at mayroon ding kape,
tsaa, asukal, mais at kopra.
___________4. Ang pag-aani ng bansang Iraq ay nahahati sa dalawang
pamamaraan, ito ay ang Ladang at Sawah.
___________5. Kilala ang bansang Timor Leste bilang nangunguna sa pagluluwas ng
goma dahil sa pangunahing itinatanim dito ang rubber tree at palm
tree.
___________6. Mahigit 70% ng lupain ng Israel ay 33% ang maladsiyerto at 42% ay
disyerto.
___________7. Napakaliit na porsyento lamang ng lupain sa Syria ang maaring
pagsakahan ngunit napakayaman ng bansa sa langis.
___________8. Itinuturing na may pinakaepektibong irigasyon sa daigdig ang
bansang Jordan.
___________9. Ang China ay may pinakamainit na klima sa daigdig dahil sa pagiging
tigang ng kalakhang bahagi nito na nakararanas lamang ng kaunting

3
pag-ulan. Nagmumula lamang ang suplay ng tubig nito sa mga oasis
kung kaya halos wala pang 1% ng lupain nito ang nasasaka.
___________10. Ang bansang Laos sa Timog Silangang Asya ang nangungunang
exporter ng bigas na mahigit 6.5 tonelada kada taon sa buong daigdig.

Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag-aaral ang


mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang pansin din sa mga Gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication): pagtutulungan
(Collaboration); pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang
tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang:

1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain.


2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang matiyak na nagagawa
ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay nang
malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin

PAGSUSURI SA SPOKEN POETRY


PANUTO: Basahin at suriin ang nilalaman ng spoken poetry, pagkatapos ay sagutin
ang mga katanungan.

YAMAN NG BAYAN
ni Ruiz Jericho Guevarra

Kalikasan,
Ito’y may taglay na likas na yaman
Ating araw-araw na kailangan
At maari rin nating pangkabuhayan

Sa lupa’y mga puno’t halaman


Mga gamot, prutas, hangin
Maaring pagkuhanan
Sa tubig, mga isda’t kanilang tahanan
Sa sakuna tayo’y pinoprotektahan

Sa gubat, mga hayop at punongkahoy naman


Ating kinakain at ginagawang tirahan
Yamang mineral ang siyang nagpapatag at nagbibigay kagandahan

Ang mga kayamanang ito ay atin ding yaman


Gawing iba’t-ibang produkto’t puwedeng pagkakitaan,
Tunay na nakakatulong sa ekonomiya ng bayan
Ngunit laging isaulo
Na ang lahat ng ito ay limitado
Kaya’t ating ingatan likas na yaman, atin ito

4
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe ng spoken poetry?
___________________________________________
2. Batay sa spoken poetry, sa paanong paraan nakakatulong ang likas na yaman
sa pamumuhay ng mga tao?
________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang implikasyon ng likas na yaman sa panahanan at
ekonomiya ng mga Asyano? _____________________________________________________

Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang implikasyon ng kapaligirang pisikal


sa uri ng panahanan at ekonomiya ng mga Asyano.

Suriin

Ang isa sa pinakamahalagang salik sa pagkakabuo ng kultura ng isang lipunan ay


ang kapaligiran nito. Kasabay nito, dito rin nahuhubog ang mga gawaing pang-
ekonomiya ng mga mamamayan nito. Nangangahulugan lamang na ang pag-unlad
at pagyaman ng kultura at ekonomiya ay nakabatay kung paano ginagamit ng mga
mamamayan ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa isang bansa.
Sa araling ito matutunghayan ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano sa uri ng Panahanan at Ekonomiya.
PANAHANAN AT KULTURA
Habang lumalaki at dumadami ang bilang ng tao ay patuloy ang pagtaas ng dami ng
nangangailangan ng ikabubuhay at panahanan. Isang paraan na ginagawa ng tao
ay land conversion dulot ng patuloy na paglaki ng populasyon upang mayroon silang
matirhan ngunit ito naman ay nagreresulta ng pagkasira ng mga tirahan ng mga
hayop. Sa panahong ito at dulot na rin ng modernisasyon ang tao ay gumagamit ng
teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at kapaligiran.

REHIYON SA ASYA IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL SA


PANAHANAN AT KULTURA
SILANGANG ASYA
China *Ang mga magsasaka ay karaniwang nakatira sa
magkakalapit na mga pamayanang ang panirahan ay
gawa sa luwad at adobe.
*Sa Sichuan, ang mga panahanan ay gawa sa ladrilyo
na karaniwang nakatayo sa gilid ng mga bundok at
kung hindi naman ay naglalakihang pampublikong
gusali.
*Nomadic naman ang buhay sa Hilagang bahagi ng
Xinjiang at Tian Shan.

5
*Condominium naman ang tirahan ng mga Tsinong
nasa mga lungsod at naghahanapbuhay sa mga
opisina.

Japan *Ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang


naninirahan sa malalayong pulo ng bansa, ang mga
naninirahan sa lungsod na karaniwang
naghahanapbuhay ay naninirahan sa nagtataasang
gusali at gumagamit ng pinakabagong teknolohiya.

https://www.japanvisitor
.com/images/content_im
ages/ine20191.jpg

Bahay tirahan ng mga


mangingisda sa Japan

South Korea *Naninirahan sa hilagang bahagi ng Timog Korea ay


mga karaniwang magsasaka, naninirahan sila sa mga
bulubundukin na may tera-terasang mga sakahan.
*Nang nagsimula ang modernisasyon sa bansa, ang
mga kabataan ay lumipat sa mga lungsod upang mag-
aral sa mga magagandang pamantasan at
unibersidad sa paniniwalang makakakuha sila ng
magandang hanapbuhay.
https://d3grk8ie9x2qe9.cloudfront.
net/products/2625/big-
20180702gkBKwTMrpd.jpg

Tera-terasang sakahan sa
Timog Korea

TIMOG ASYA *Ang mga bahay sa Bangladesh ay karaniwang


parihaba na gawa sa luwad, kawayan o pulang
ladrilyo. Ito ay kinakailangang nakataas mula sa lupa
bilang pag-iwas sa baha.
*Ang mga loob ng panahanan sa mga bansang Sri
Lanka at Maldives ay makapagbibigay ng mas
malamig na pakiramdam dahil ang kanilang tahanan
https://lh3.google.com/tessellar/RqdoDGJDT
ay gawa sa luwad at kawayan.
oI/AAAAAAAABaw/eWrltyO7BD4/s400/11703
55828_4_FT1792_1vernacular_ghor.jpg
* Ang mga tirahan sa Bhutan ay kailangang
makatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
Bahay na gawa sa luwad -
Bangladesh

TIMOG-SILANGANG * Bahay kubo na nabubungan ng mga pawid ang


ASYA karaniwang pananahanang matatagpuan malapit sa
mga sakahan. Karaniwan sa mga lalawigan ay
gumagamit ng pinagkabit-kabit na materyales sa
pagbuo ng panahanan.

* Ang mga tahanang stilt na nakatayo sa tabing dagat


https://ritaroberts. https://previews.123rf.com/i
mages/donyanedomam/dony
na nasusuportahan ng mga poste ang karaniwang
files.wordpress.co
m/2014/12/dscf4
anedomam1304/donyanedom
am130400168/18978869-
stilt-houses-in-a-small-
tahanan ng mga mangingisda sa rehiyon.
143.jpg village-near-kratie-cambodia-

Bahay-kubo at stilt na karaniwangsoutheast-asia.jpg

bahay sa mga bansa sa Timog


Silangang Asya

6
KANLURANG ASYA *Ang mga panirahan ay gawa sa malaking tipak ng
bato at semento at mayroon ding gawa sa luwad at
bato.

*Ang mga nomad ay nagpapalipat-lipat ng tirahan


batay sa panahon ng kanilang pagpapastol kung
kaya’t itim na tolda ang karaniwang makikita sa mga
lugar malapit sa oasis.

HILAGANG ASYA * Yurt o gel ang tawag sa kanilang tirahang mala-tolda


ang itsura.

* Madali nilang tinitiklop sa sandaling kinakailangan


nilang lumipat ng lugar upang makapanginain ang
kanilang mga alagang hayop.
https://media.nationalgeographic.org/as
sets/photos/000/206/20672.jpg * Ang mga nasa pook urban ay nananahan sa mga
Yurt pabahay na gawa sa modernong arkitektura.

PANGKALAHATANG Ang uri ng panahanan ng mga Asyano ay nakabatay


IMPLIKASYON sa kanilang pisikal na kapaligiran, lokasyon, klima at
uri ng hanapbuhay. Sa pagdaan ng mga panahon,
nagkakaroon ng mga pagbabago sa uri ng mga
panahanang ito dahil sa mga programang
modernisasyon ng pamahalaan upang tugunan ang
pangangailangan ng tumataas na bilang ng
populasyon. Bagamat nagkakaroon ng mga
pagbabago, napapanatili pa rin ng mga tao ang
kanilang kinagisnang kultura.

EKONOMIYA:
Ang likas na yaman ay nagdudulot ng kasaganaan at pag-unlad sa maraming mga
bansa sa Asya. Mahalaga ito dahil dito nagmumula ang mga hilaw na materyales na
kinakailangan para sa produksyon. Ang mga ito ay ginagamitan ng tradisyonal at
makabagong teknolohiya upang makatulong na mapataas ang pambansang kita ng
bansa. Samantala, ang mga mauunlad na bansang Kanluranin ay kumukuha din sa
mga Asyanong bansa ng mga hilaw na materyales sa murang halaga kung kaya’t
halos nauubos ang mga ito at hindi mga Asyanong bansa ang lubos na nakikinabang
dito.

REHIYON SA ASYA IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL


SA EKONOMIYA
SILANGANG Hanapbuhay
ASYA
China 27.7% - agrikultura *Pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten,
28.8% - industriya langis, tin, antimony, zinc at iba pang metal na
43.5% - serbisyo may malaking naitutulong sa bansa bilang
pwersang industriyal.
*Nangunguna sa yamang hydropower sa buong
daigdig.

7
* Ang pag-unlad nito ay dulot ng paggawa ng
murang kagamitan, sila ay kilala sa
pagpoprodyus ng kagamitang elektroniks tulad
ng cellphone at computer.
* Produktong industriya ng bansa ang bakal,
kagamitang agrikultural, tela, sasakyan, at
iba’t ibang elektroniks.
*Matatagpuan sa lambak ng Huang Ho ang
pinakamalaking deposito ng karbon at isa sa
mga pangunahing minahan ng karbon sa
buong daigdig. Kung kaya’t ang karbon ang
pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya
sa China.
Japan 2.9% - agrikultura *Dito nagmula ang maraming kagamitang
26.2% - industriya elektroniks na kilala sa merkado sa ngayon,
70.9% - serbisyo nagluluwas din sila ng sasakyan. Ito ay
pangalawa sa prodyuser ng automobile sa
buong daigdig.
North Korea 37% - agrikultura *Nabubuhay ang industriya nito sa produktong
63% - industriya pang-militar, pagmimina, paggawa ng mga
kagamitang yari sa metal, tela, pagpoproseso
ng pagkain, pagpoprodyus ng enerhiyang
hydroelectric at turismo.
*Nangunguna sa produksyon ng graphite,
tungsten at magnesite.
South Korea 4.8% - agrikultura *Kabilang ang bansa sa mauunlad na bansa sa
24.6% - industriya Asya.
70.6 % - serbisyo *Pangunahing industriya ay ang kagamitang
elektroniks, kotse, kemikal, paggawa ng barko,
steel, tela, damit, sapatos, tsinelas, at
pagpoproseso ng pagkain.
*Ang bansa ay naging maunlad sa industriyang
tela, plastic, abono, at mga kagamitang
elektroniko sa bansa.
Taiwan 4.9% agrikultura *Sinasabing ang bansa ang ikalabimpito (17th)
35.9% industriya na may pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
52.9% serbisyo *Dito ginagawa ang mga kagamitang
elektroniks na ginagamit sa buong mundo.
* Nakakadagdag din sa pambansang kita ang
kemikal, petrokemikals, karaniwang metal,
tela, plastic, at makina.
*Naging mayaman ang Taiwan sa wind at solar
energy na nakatulong sa pagpapaunlad ng mga
industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.
Mongolia 31.1% - agrikultura *Malaking tulong sa industriya ng bansa ang
18.5% - industriya malaking deposito ng iba’t-ibang uri ng
50.5% - serbisyo mahahalagang mineral.
*Pangunahing industriya sa bansa ang
pagmimina, pagpoproseso ng pagkain, leather,
sapatos, kagamitang babasagin, tela at mga
inumin.
TIMOG ASYA Hanapbuhay IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL
SA EKONOMIYA

8
India 47% - agrikultura * Ang India ay pang-apat sa mga bansang
22% - industriya nagtataglay ng pinakamaraming reserbang
31% - serbisyo karbon sa buong daigdig.
*Nakapagrpodyus ng industriya ng bakal, tela,
makina, kemikal at ilang prosesadong pagkain
* Itinuturing na pang sampu (10th) sa may
pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Pakistan 42.3% - agrikultura *Ipinagmamalaki ng Pakistan ang kanilang
22.6% - industriya natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at
35.1% - serbisyo limestone.
Bangladesh 42.7% - agrikultura *Mayaman sa natural gas at carbon ang bansa
20.5% - industriya *Ang paghina ng pandaigdigang demand ng
36.9% - serbisyo jute ay naging malaking hamon sa ekonomiya
ng bansa.
Nepal 69% - agrikultura *Sa Nepal naman matatagpuan ang maraming
12% - industriya uri ng calcium carbonate, hydropower at
19% - serbisyo gypsum.
*Ang pagtotroso, paggawa ng sapatos,
pananahi at pagpaplatero ang ilan sa mga
pangunahing ikinabubuhay ng bansa.
Bhutan 58% - agrikultura *Pagtotroso at mga produktong yaring kamay
20% - Industriya (handicrafts) ang pangunahing industriya ng
22% - serbisyo bansa.
Sri Lanka 27% - agrikultura *Ang bansa ang isa sa may mabilis na paglago
26% - industriya ng ekonomiya sa mundo.
47% - serbisyo *Ang kemikal, papel, plywood at tela ang mga
pangunahing produktong industriyal.
*Ang stock exchange ay isa sa may
pinakamagandang ipinakikita sa stock market
noong 2009 at 2010.
Maldives 7.7% - agrikultura *Pangingisda at pagpoproseso ang
22.8% - industriya pangunahing industriya.
69.5% - serbisyo *May mga turista ring bumibisita na
nakadaragdag sa pambansang kita.
TIMOG Hanapbuhay IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL
SILANGANG SA EKONOMIYA
ASYA
Myanmar 70% - agrikultura *Ilan sa pangunahing industriya ng bansa ay
7% - industriya pangingisda, pagpoproseso ng pagkain, kahoy
23% - serbisyo at produktong yari sa kahoy.
*Kagamitang pangkonstruksyon,
pharmaceuticals, pataba, natural gas, tela at
damit.
Thailand 31.8% - agrikultura *Nakabatay ang kabuhayan nito sa
16.7% - industriya pagprodyus ng goma ng industriya.
51.5% - serbisyo *Ang iba pang ikinabubuhay ay pagmimina ng
tin at turismo partikular sa isla ng Phuket.
*Pangunahing industriya rin nito ang turismo,
tela at damit, alak, tabako, semento, paggawa
ng alahas, kagamitang elektronik, furniture,
plastic, tungsten at tin na nag-aambag sa
pambansang kita.

9
Vietnam 40.3% - agrikultura *Pangunahing industriya naman ay
25.7% - industriya pagpoproseso ng pagkain, sapatos, makina,
34% - serbisyo pagmimina, semento, patabang kemikal,
kagamitang babasagin, papel at uling.
*Kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga tela,
electronics at sasakyan.
Laos 73.1% - agrikultura *Kabilang sa industriya nito ay ang pagmimina
6.1% - industriya ng tin at gypsum, timber, electric power,
20.6% - serbisyo pagproprosesong agrikultural, konstruksyon
at tela.
*Matagumpay na nasusuportahan ng
industriyang handicraft
Cambodia 48.7% - agrikultura *Pangunahing gawang industriya ay ang
19.9% - industriya paggawa ng goma, mga produktong kahoy,
31.5% - serbisyo semento, pagmimina ng mamahaling bato,
paggawa ng tela, pangingisda at turismo.
*Ang paggawa ng mga kahoy na
pangkonstruksyon ay bumubuo ng pitumpung
porsyento (70%) ng ekonomiya ng Cambodia.
Pilipinas 25.4% - agrikultura *Pangunahing iniluluwas ang mga kagamitang
18.3% - industriya elektroniko, damit, prosesadong pagkain,
56.3% - serbisyo produktong gawa sa copper, kopra at mga
prutas.
*Pagmamanupaktura, serbisyong industriyal,
pangingisda at pagmimina ang ilan lamang sa
pangunahing ikinabubuhay ng bansa.
Indonesia 32% - agrikultura *Itinuturing na may pinakamalaking
21% - industriya ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Mayaman
47% - serbisyo ito sa yamang likas tulad ng crude oil, natural
gas, tin, copper at ginto.
*Kilala sa pagluluwas ng makinarya, kemikal,
langis at petrolyo at mga prosesadong pagkain.
Malaysia 11% agrikultura *Pinakamahalaga ang industriya ng timber.
36% - industriya
53% - serbisyo
Brunei 4.2% - agrikultura *Maliit ngunit mayaman sa ekonomiya ang
62.8% - industriya bansa.
33% - serbisyo *Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay
nagmumula sa pagluluwas ng krudo, petrolyo
at natural gas.
*Ikatlo ito sa pinakamalaking prodyuser ng
langis sa Timog-Silangang Asya at pang-apat
naman ito sa pinakamalaking prodyuser ng
liquefied natural gas sa buong daigdig.
Singapore 0.7% - agrikultura *Bagamat limitado ang lupain na natatamnan,
25.6% - industriya itinuturing itong economic miracle ng mga
73.7% - serbisyo ekonomista dahil sa tagumpay nito ay nagmula
lamang sa iisang yaman – ang mga
mamamayan nito.
*Naging kilala bilang isa sa mga bansang
nagtataglay ng pinakamahusay na lakas
paggawa sa daigdig.

10
*Industriya ang nagpayaman sa bansa,
Pangunahing produkto nito ang electronics,
kemikal at gumagawa ng serbisyong
industriyal. Umaangkat din ng mga hilaw na
materyales ang bansa na pinoproseso para sa
industriya ng tela at pagpipino ng langis.
*Ang pangunahing likas na yaman ng
Singapore ay ang malalim na daungang
baybayin nito. Nalinang ng bansa ang
kalakalang extended entrepot. Ito ay may
kinalaman sa pagbili ng hilaw na materyales
mula sa ibang bansa. Halimbawa na rito ang
water fabrication industry at oil refinery. Kilala
ito sa kasalukuyan bilang pinaka
industriyalisadong bansa sa Timog-Silangang
Asya.
Timor Leste 41% - agrikultura * Nabiyayaan ng maraming likas na yaman na
13% - industriya kinabibilanagan ng petrolyo, naturas gas,
45.1% - serbisyo manganese, marmol at ginto.
KANLURANG Hanapbuhay IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL
ASYA SA EKONOMIYA
Saudi Arabia 6.7% - agrikultura *Mayaman ang bansa dahil dito nanggagaling
21.4% - industriya ang ikatlong bahagi ng pandaigdig na suplay
71.9% - serbisyo ng langis.
*Pag-aari ng Saudi Arabia ang ikalimang
bahagi ng reserbang langis sa buong mundo.
Maituturing itong isa sa pinakamayamang
bansa sa daigdig.
Lebanon 39% - agrikultura *Pangunahing mineral ang batong apog, iron at
gypsum.
Jordan 2% - agrikultura *Mataas ang uri ng pamumuhay ng mga tao
20% - industriya kung ihahambing sa ibang papaunlad na
78% - serbisyo bansa.
*Mayaman sa marmol at phosphate
Syria 17% - agrikultura *Nagpoprodyus ng langis, tabako, tela at mga
16% - industriya babasaging kagamitan bilang kanyang mga
67% - serbisyo produktong industriyal.
Iraq 21.6% - agrikultura *Langis at tela ang pangunahing produktong
18.7% - industriya industriyal
59.8% - serbisyo
Kuwait 0.4% - agrikultura *Isa sa pinakamayamang bansa.
58.7% - industriya *Ang pagluluwas ng langis ang pangunahing
40.9% - serbisyo ikinabubuhay ng ekonomiya.
*Nagbibigay sa bansa ng pinakamataas na kita
per capita income sa buong daigdig.
Yemen 20.3% - agrikultura *Nabiyayaan din ito ng langis at natural gas.
11.8% - industriya *Isa sa pinakamahirap at hindi progresibo.
67.9% - serbisyo *Taong 2017 – ipinagpapalagay na mauubos na
ang nakaimbak na langis na maaring maging
dahilan ng pagbagsak ng kanilang ekonomiya.
Oman 4.7% - agrikultura *Sa pagluluwas ng langis at petrolyo
49.6% - industriya nagmumula ang malaking porsyento ng
45% - serbisyo

11
kinikita nito na ginagamit sa pagpapa-unlad ng
proyekto ng pamahalaan.
*Ito ay may kabuuang 5.5 bilyong bariles na
nakimbak na langis at ika-24 sa laki sa buong
mundo.
UAE 7% - agrikultura *Ang kalakhang bahagi ng bansa ay disyertong
15% - industriya patag ngunit nagtataglay ng maraming
78% - serbisyo deposito ng langis.
*Turismo, financing, manufacturing at sektor
ng serbisyo naman ang kasalukuyang
pinagtutuunan ng pansin ng Dubai sa United
Arab Emirates.
Qatar 0.2% - agrikultura *Nagmumula sa petrolyo ang halos lahat ng
50.3% - industriya kinikita ng bansa na nagpabilis sa pag-unlad
49.5% - serbisyo nito mula noong 2008.
*Ang natural gas ay maabot sa 29 cubic meters
na halos 14% sa kabuuang dami sa buong
mundo.
*Pinangunahan ang paglinang ng “knowledge
economy” mula pa noong 2004. Ito ay
tumutukoy sa pagkilala at paggamit ng
teknolohiya sa paglilinang, pagbabahagi at
paggamit ng kaalaman.
Bahrain 1% - agrikultura *Ang malaking kita ay sa langis nagmumula,
32% - industriya *Ito ang may pinakamabilis na pag-unlad ng
67% - serbisyo ekonomiya.
*Ang natural gas ay isa rin sa pangunahing
yaman nito na nagpabilis sa pag-unlad ng
bansa.
Iran 16.3% - agrikultura *Pangunahing produktong indutryal ay langis
35.1% - industriya at tela.
48.6% - serbisyo
Israel 1.1% - agrikultura *Pangunahing produktong industriyal ay
17.3% - industriya elektroniks, tela, batong brilyante,
81.6% - serbisyo prosesadong pagkain at mga makina.
*Mahalagang industriya din ang turismo lalo
na ang religious tourism. Ito ang may
pinakamataas na bilang ng museum per capita
sa buong daigdig.
Cyprus 3.8% - agrikultura *Lumakas ang industriya ng konstruksyon
15.2% - industriya nang mahati ang Cyprus noong 1975.
81% - serbisyo *Papaunlad pa rin ang industriya ng tela at iba
pang magagaan na industriya.
Turkey 18.4% - agrikultura *Ang mga produktong industriyal ay iron,
26.6% - industriya bakal, makina, metal, kotse, at prosesadong
54.9% - serbisyo pagkain.
Afghanistan 44.3% - agrikultura Nananatiling isa sa pinakamahirap na bansa
18.1% - industriya sa buong daigdig.
37.6% - serbisyo
HILAGANG Hanapbuhay IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL
ASYA SA EKONOMIYA
Kazakhstan 18.1% - agrikultura *Mahigit 70% ng lupain ng bansa ay
20.4% - industriya maladsiyerto, 33% at 42% ay disyerto.

12
61.6% - serbisyo *Nagtataglay ito ng deposito ng petroleum at
natural gas na siyang nakakatulong sa
ekonomiya ng bansa.
*Dito rin matatagpuan ang pangalawang
pinakamalaking reserba ng uranium,
chromium, lead at zinc, pangatlo sa reserba ng
manganese, ikalima sa copper, ikasampu sa
reserba ng coal, bakal at ginto at ikalabinglima
sa reserba ng langis at natural gas.
*Hindi man mayaman sa lupang sakahan,
nakakapagtanim ang mamamayan ng trigo at
bulak.
Kyrgyztan 48% - agrikultura *Isa sa napakahalagang industriya ng bansa
12.5% - industriya ang metalurhiya (metallurgy) na inaasahan ng
39.5% - serbisyo pamahalaan na makaakit ng mamumuhunan.
Makikita rin ang industriya ng uling at ginto.
Tajikistan 43% - agrikultura *Mayaman sa uling, lead at zinc.
10.6% - industriya *Ang pangunahing kita ng bansa ay
46.4% - serbisyo nagmumula sa produksyon ng aluminyum
(aluminum), Dito makikita ang isa sa
pinakamalaking planta sa buong daigdig.
Azerbaijan 37% - agrikultura *Nabubuhay ang industriya sa panggatong at
14.3% - industriya enerhiya, kemikal, mechanical engineering,
48.9% - serbisyo kagamitang yari sa metal at industriya ng
pagkain.
Uzbekistan 25.9% - agrikultura *Nakabatay ang ekonomiya sa paggawa ng
13.2% - industriya kalakal mula sa bulak, ginto, uranium,
60.9% - serbisyo potassium at natural gas.
* Matatagpuan ang Muruntau Gold Mine sa
disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan na
tinatayang pinakamalaking minahan sa buong
mundo.
Turkmenistan 48.2% - agrikultura *Nabiyayaan ng yamang mineral tulad ng
14% - industriya petrolyo, natural gas, sulfur at asin.
37.8% - serbisyo *Pang-apat ang bansa sa may pinakamalaking
nakareserbang natural gas at malaking
mapagkukunan ng langis sa buong mundo.
*Bahagi din ng industriya ang ang tela at
pagpoproseso ng pagkain.

PANGKALAHATANG Napapatunayang ang mga bansa sa Asya ay


IMPLIKASYON biniyaan ng mga yamang likas, bagamat
karamihan sa mga ito ay nakabatay sa
agrikultura. Maipagmamalaki rin ang mga
ibang likas na yaman nito na nakalikha sa mga
gawaing industriyal, kung kaya’t nakilala ang
mga Asyano bilang tagapag suplay ng mga
produkto at hilaw na materyales sa iba’t ibang
panig ng mundo.

Pinagyayaman at pinauunlad ng mga bansang


Asyano ang mga biyayang dulot ng
kapaligirang pisikal, na nagbibigay ng hanap

13
buhay, pambansang kita at pag-unlad sa
ekonomiya ng bansa.

Dulot din ng kapaligirang pisikal ang pagtuklas


at paggamit ng mga makabagong teknolohiya
na lilinang sa natatanging likas yaman
matatagpuan sa bawat bansa sa rehiyon na
nagpapakilala at nag-aangat sa ekonomiya ng
bansa.
Pinagkunan: CIA World Factbook (2020) theodora.com

Pagyamanin

GAWAIN 1: GIVE ME HIGH FIVE! (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na limang (5) mahahalagang
katanungan tungkol sa paksa:

1. Bakit mayaman ang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya gayong kapos ito sa
lupaing agrikultural? ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayang nakatira sa Timog Asya na salat sa mga
yamang likas, paano ka makakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya at
kabuhayan ng rehiyon sa iyong sariling pamamaraan? ___________________________
__________________________________________________________________________________

3. Paano naapektuhan ang hanapbuhay ng mga Asyano ng kanilang likas na yaman?


__________________________________________________________________________________

4. Sa paanong paraan naging batayan ng pag-unlad ng ekonomiya at panahanan ng


isang bansa ang mga likas na yaman nito? Patunayan. ________________________
__________________________________________________________________________________

5. Ang patakarang “Asya para sa Asyano” ay nangangahulugang ang mga Asyano


lamang at hindi mga Kanluranin ang dapat na makinabang sa mga likas na yaman
ng Asya. Ano ang iyong opinyon dito kaugnay ng paggamit ng likas na yaman?
Ipaliwanag ang sagot. ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

14
GAWAIN 2: POSITIVE-NEGATIVE (POS-NEG) (Mapanuring Pag-iisip)
PANUTO: Isulat ang mga positibo at negatibong implikasyon ng likas na yaman sa
bawat rehiyon ng Asya.

REHIYON SA ASYA POSITIVE NEGATIVE

Isaisip

PAGBUO NG GRAPHIC ORGANIZER (Pakikipagtalastasan)


PANUTO: Isulat sa Graphic Organizer ang iyong konsepto kaugnay ng aralin.

IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL AT YAMANG LIKAS


NG MGA REHIYON SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

EKONOMIYA PANAHANAN

MGA DAPAT TANDAAN:


* Malaki ang epekto sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ang kapaligirang
pisikal na taglay nito gayundin ang epektibong paggamit at paglinang sa mga ito.
* Ang bawat bansa/rehiyon ay may natatanging likas na yaman na nagagamit sa
kanilang pamumuhay.
* Karamihan sa mga bansa sa kanlurang Asya ay mayaman sa langis.
* Kailangan ng masuring pag-aaral tungkol sa likas na yaman ng isang bansa
upang malaman ang kapasidad nito sa pagpapa-unlad ng ekonomiya.
* Nararapat lamang na alagaan ang ating likas na yaman dahil ito ay biyaya ng
kalikasan upang tayo ay mabuhay.

15
Isagawa

Gawain 1: I-Blog Mo (Pakikipagtalastalasan, Pagkamalikhain)


PANUTO:
Para sa Online Learners: Ikaw ay isang blogger, Ang tema ng iyong isusulat ay kung
paano nakaaapekto ang kapaligirang pisikal sa panahanan at ekonomiya. Dahil sa
internet ilalathala ang iyong isusulat, malawak ang mga mambabasang iyong
mararating. Kaya naman upang maging mabisa ang iyong blog, kailangang malinaw
ang paglalahad, organisado ang mga talata na binubuo lamang ng 200 salita; wasto
ang kayarian ng mga pangungusap at pagbaybay ng mga salita.
RUBRICS SA PAGGAWA NG BLOG

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Wasto ang impormasyon, naiangkop ang blog sa paksa 8

Presentasyon Mahusay ang pagkakalahad at madaling maunawaan ang 7


mensahe

Organisasyon Mabisang naipahayag ang saloobin hinggil sa paksa 5

KABUUAN 20

Para sa Offline Learners: Sumulat ng isang sanaysay


RUBRICS SA PAGGAWA NG SANAYSAY
Pamantayan Deskripsyon
Puntos

Nilalaman Naglalaman ng mga partikular na detalye batay sa paksa


8

Presentasyon Ang mga ginamit na salita ay akma sa salita, baybay at


7
bantas.
Organisasyon Maayos ang paglalahad ng kaisipan. May tamang transisyon
5
ng mga pangungusap at talata.
KABUUAN
20

16
Gawain 2: Scenario Building (Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Basahin at sagutin ang Graphic organizer.

Ikaw ay isang negosyante na


Ano ang nakikita mong epekto
bibili ng lupa upang
nito pagkalipas ng sampung
pagtayuan ng mga bahay.
(10) taon?
Paano mo isasaalang alang
ang mga sumusunod:

Uri ng lupang bibilhin

Uri ng Panahanang itatayo

Kapakinabangang Pang-
ekonomiya

Kapakanang
Pangkapaligiran

17
Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng karbon at
isa sa mga pangunahing minahan ng karbon sa buong daigdig.
A. Lambak Euphrates C. Lambak Huang Ho
B. Lambak Ganges D. Lambak Indus

2. Ito ang pinakamahalagang mineral na pinagkukunan ng enerhiya sa China.


A. karbon B. tin C. tungsten D. zinc

3. Bakit ang mga bahay sa Bangladesh ay karaniwang gawa sa luwad, kawayan at


karaniwang nakataas sa lupa?

A. upang makaiwas sa baha


B. upang maprotektahan sa lindol
C. upang maging maganda ang disenyo
D. upang hindi pasukin ng mababangis na hayop

4. Ito ang lugar na pangunahing mapagkukunan ng langis sa rehiyon ng Hilagang


Asya.
A. Baku, Afghanistan C. Dushanbe, Tajikistan
B. Bishkek, Kyrgyzstan D. Nur-Sultan, Kazakhstan

5. Maituturing itong pinakamayamang bansa sa daigdig dahil pag-aari ng bansang


ito ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo.
A. Brunei B. Indonesia C. Saudi Arabia D. UAE

6. Sa iyong palagay, paano nakaapekto sa mga kabataan ang modernisasyon sa


South Korea?
A. Ang mga kabataan ay may kakayahang magkaroon ng mga gadget.
B. Ang mga kabataan ay nagkaroon ng pagkakataong matutunan ang
kultura ng ibang kanluraning bansa
C. Ang mga kabataan ay karaniwang lumipat sa mga lungsod upang
makapag-aral sa magagandang pamantasan
D. Ang mga kabataan ay natutong magkaroon ng modernong pag-iisip sa
kasalukuyang panahon pagdating sa mga isyung panlipunan

7. Ito ay tumutukoy sa pagkilala at paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,


pagbabahagi at paggamit ng kaalaman.
A. Brain Drain C. Knowledge Power
B. Influx Economy D. Knowledge Economy

8. Bakit itinuturing na “economic miracle” ng mga ekonomista ang Singapore?


A. ang tagumpay ng bansa ay nagmula sa pagkakaisa ng mga tao
B. ang tagumpay ng bansa ay nagmula sa mahusay ng pinuno nito
C. ang tagumpay ng bansa ay nagmula sa pampulitikang kamulatan nito
D. ang tagumpay ng bansa ay nagmula sa kasipagan ng mamamayan nito

18
9. Ang taong 2017 ay ipinagpapalagay na maaring bumagsak ang ekonomiya ng
bansang Yemen, alin sa mga sumusunod ang dahilan nito?
A. nauubos ang likas na yaman nito
B. nauubos na ang nakaimbak na langis nito
C. nauubos ang tumatangkilik sa kanilang produkto
D. nauubos ang mamamayan dahil umaalis ng bansa

10. Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng


mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang
kultura at pamumuhay, si Nathaniel ay lumaki sa kabundukan na nagnanais na
tumira sa syudad. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha dito?
A. Nais ni Nathaniel na magtrabaho upang yumaman
B. Nais ni Nathaniel na makita ang kagandahan ng syudad.
C. Nais ni Nathaniel na magpunta sa makasaysang lugar sa syudad.
D. Nais ni Nathaniel na magkaroon pa ng malawak na kaalaman at nais nyang
mag-aral

Karagdagang Gawain

PLEDGE OF COMMITMENT: (Pagbuo ng Pagkatao)


PANUTO: Sumulat ng isang PLEDGE OF COMMITMENT para sa tamang paggamit
ng likas na yaman na matatagpuan sa inyong kapaligiran.

19
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral). Manila. Eduresources Publishing, Inc.:
2014 p.42

Cacanindin, et al. Buhay na Asya. Quezon City. Educational Resources


Corporation.: 2005 pp. 19-26

Santiago, Aurora L. et.al. Araling Asyano. Valenzuela City. Jo-Es Publishing House,
Inc.: 2012 pp. 15-126

Link sa You Tube:

Shan Estudyante. Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Asyano MY


May 26, 2020 Available from https://youtu.be/ERK6AtAfdvk (Accessed 14th, June
2020)
Website:
https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like