You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 1:
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: Dapitan City National High School
Alamin
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.
(AP7KSA-IIb-1.3)
● Nasusuri ang konsepto at kahulugan ng kabihasnan at
sibilisasyon
● Naipapaliwanag ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan
● Nakapagtala ng mga pangyayari at pagbabagong naganap sa
bawat panahon (Paleolitiko, Neolitiko at Metal)

Balikan
Gawain 1
Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang tinutukoy na
mga kahulugan sa bawat bilang sa ibaba. Titik lamang ang piliin
ng may katumbas na tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang kwaderno.
A. Populasyon F. Unemployment rate
B. Gross Domestic Product (GDP) G. Literacy Rate
C. Life Expectancy H. Migrasyon
D. GDP per capita I. Population Growth Rate
E. Bansa J. Employment Rate

1. Pandarayuhan o paglipat ng tirahan.


2. Dami ng tao sa isang lugar/bansa.
3. Bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at
sumulat.
4. Bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o
pinagkakakitaan.
5. Kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng
isang taon.
6. Kita ng bawat indibidual sa loob ng isang taon sa
bansang kaniyang panahanan.
7. Bahagdan ng bilis na pagdami ng tao sa isang bansa
bawat taon.
8. Bahagdan ng populasyon na may trabaho o
pagkakakitaan.
9. Inaasahang haba ng buhay ng mga tao na naninirahan
sa isang bansa.
10. Isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga g
rupo ng tao na maymagkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung saan makikita ang iisa o
pareparehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Aralin
1
Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Tuklasin
Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto
tungkol sa kabihasnan at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin
ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na
gawain na may kinalaman sa pag-usbong ng sinaunang
kabihasnan.

Ang kabihasnan ay isang pamumuhay na kinagawian at


pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao. Sinasabing ito ay
masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang
kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon.
Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay
masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging magaling.
Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, naninirahan sila
sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng
pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang
permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at
pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang
hanapbuhay. Dahil dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan na
pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng


mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer,
Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi na kapag
namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka
sa hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng
sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung
paano mo ito matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at
sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng
kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang
magpapaunlad sa kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng


kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng organisado at
sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon,
espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring
panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya,
sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsulat. Kung susuriin,
ang Sumer, Indus, at Shang ay mga lungsod na nagkaroon ng
kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Lumaki
ang kanilang populasyon na luminang sa lupain ng agricultural
na pagkalaon ay pagsasaka ang naging pangunahing
hanapbuhay at nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka.
Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang iba naman ay
napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming
diyos na tinawag na Politeismo.

Nakapagtayo ng mga templo, nakaimbento ng mga kagamitang


yari sa metal na nagamit sa kalakalan. Bunga ito ng angking
kakayahan ng mga artian. At ang huli ay ang pagka-imbento ng
sitema ng pagsulat.

Ang mga nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon.


Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga
sinaunang tao noong panahong Paleolitiko (400,000-8500 BCE)
kung saan ang panahong ito ay kilala sa tawag na panahon ng
lumang bato o Old Stone Age. Sa panahong ito umaasa lamang sila
sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa
kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito.
Nomadiko ang ganitong pamumuhay.Kahit ganito ang kanilang
sistema,nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng kasangkapang
yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit sa
pangangaso.Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng
apoy.
Sa panahong Mesolitiko (8000-2700 BCE) nagpatuloy ang
pagbabago dahil sa pag-agay sa pagbabago ng kapaligiran. Natutong
magpaamo ng mga hayop at gumawa ng mga damit na galling sa
mga balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.
Kakaiba ang nangyari noong panahong Neolitiko (7000-
3000 BCE) kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga
hayop ang mga tao. Malawakan ang naging pagtatanim kaya
tinatawag itong Rebolusyong Neolithic. Naging dahilan ito ng mga
tao upang sila ay manatili sa mga agrikultural na lugar at sa mga
tabi ng ilog at lambak.Ito ay upang mabantayan nila ang mga
pananim at alagang hayop. Dito nagsimulang mabuo ang
pamayanan. Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang
kasanayan o aspekto ng pamaumuhay at nagkakaroon rin ng pag-
uuri sa lipunan. Nagsimula ang ib’t ibang hanapbuhay ng mga tao
tulad ng pangingisda at pagsasaka.Nabuo na rin ang pundasyon ng
isang kabihasnan.
Bunsod ng pagbabago sa lipunan,nabuo ang panahon ng
Metal (4000 BCE- kasalukuyan) sa magkakaibang lugar sa Asya.
Hindi ito naganap ng sabay-sabay. Sa panahong ito ang mga
kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay
napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa salat sa mapagkukuhanan ng
tanso napalitan naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin
hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito rin ang nakapagpalawak sa
kanilang pamumuhay.
Suriin

Gawain 1
Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang katangian ng kabihasnan
at sibilisasyon. Sa bilang na 2 ibigay ang pagkakatulad ng
dalawa. Isulat ito sa sagutang papel.

Kabihasnan Sibilisasyon

1 2 3

Gawain 2
Panuto: Itala mo sa bawat kahon ang mga salik at batayan sa
pagbuo ng kabihasnan at sibilisasyon. Maaari mong balikan ang
mga binasang teksto. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa
Araling Panlipunan 7.

Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan


Pamprosesong mga Tanong
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.
1. Ano ang katangian ng kabihasnan?
2. Bakit mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng
kabihasnan.
3. Kung mawawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa
bang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit?
Ipaliwanag ang sagot?

Gawain 3

Panahon ng
Panahong Metal
Panahong Neolitiko
Panahong Mesolitiko
Paleolitiko

Panuto: Isulat mo sa bawat kahon ng ladder web ang naging pag-


unlad mula sa panahong paleolitiko hanggang panahong metal.
Maaari mo ring balikan ang mga binasang teksto.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?
2. Paano nakaapekto ang kapaligiran sa pagbuo ng kabihasnang
Asyano?

Pagyamanin
Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang kawaderno sa Araling Panlipunan sa ikapitang taon.

1. Ang panahong nagsisilbing transisyon sa mga kulturang paleolitiko at


neolitiko
M __ __ o __ __ t __ __ __
2. Tumutukoy sa Old Stone Age o panahon ng lumang bato
P __ __ __ __ l __ __ __ __ __
3. Panahon ng pagtuklas ng paggamit ng bakal,tanso,at bronze
P __ __ ah __ ng __ __ t __ __
4. Ang tawag sa malawakang pagtatanim
R __ __ ol __ __ y __ __ g N __ __ l __ __ hic
5. Pamumuhay na nakagawian at pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao
K __ __ b __h __ __ n __ n
6. Paniniwala sa maraming diyos at diyosa
P __lit __i __mo.
7. Paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng lipunan
E __ __ lu __ yo __
8. Uri ng pamumuhay ng mga sinunang Asyano kung saan palipat lipat sila
ng tirahan
N __ __ ad __ __ o
9. Dito nakadepende ang mga sinaunang Asyano sa bawat panahon
__ __ pa __ i __ ir __ n
10. Ibang tawag sa salitang “sangkap”
S __ __ l __ __

Gawain
Panuto: Punan ang kasunod na konsepto sa talahanaya. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang kuwaderno sa Araling Panlipunan.

Iba’t Ibang Panahon


sa Pamumuhay ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Asyano
mga Sinaunang
Asyano

Paleolitiko

Mesolitiko

Neolitiko

Metal

Pamprosesong Tanong
1. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang hamon ng pagbabago
ng kapaligiran? Ipaliwanag ang sagot.
Isaisip
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa
Araling Panlipunan. Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling
Panlipunan.
1. Ano ang pagkakaiba ng salitang kabihasnan at sibilisasyon.
2. Ano-ano ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan?
3. Ano-ano ang iba’t ibang panahon sa pag-unlad ng pamumuhay ng
mga sinaunang Asyano.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na
may kaugnayan sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.Isulat ang titik na
tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
B. Paninirahan sa malalapit at maunlad na pamayanan
C. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan
D. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang
maraming pangkat ng tao
2. Paano nabuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring
panlipunan,sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat,at
masalimuot na relihiyon
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at
sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang
kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at
napangkat ang tao ayon sa kakayahan
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa
pagkakaroon ng kabihasnan?
A. Organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring
panlipunan,sining,arkitektura,at pagsusulat
B. Sinaunang pamaumuhay,relihiyon,pamahalaan,mga batas,at
pagsusulat
C. Pamahalaan,relihiyon,kultura,tradisyon,populasyon,at estado
D. Pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura,at pagsusulat
4. Alin sa sumusunod na bagay ang ginamit ng mga sinaunang
Asyano upang makapagluto ng hilaw na pagkain?
A. Balat ng hayop
B. Ilog
C. Sandata
D. Apoy
5. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan na ginagamit ng mga
sinaunang tao sa Asaya sa kanilang pamumuhay, maliban sa
_____________?
A. Bato
B. Punongkahoy
C. Baril
D. Balat ng hayop
6. Ang mga sumusunod ay mga salik sa pagbuo ng kabihasnan
maliban sa ___________.
A. Pagkakaroon ng sentralisado at organisadong
pamahalaan
B. Masalimuot na relihiyon.
C. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining,
Arkitektura at sistema ng pagsulat.
D. Pagkakaroon ng malawak at matatabang lupain.
7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang na mga bagay na ginamit ng mga
Asyano sa pagbuo ng sinaunang kabihasnan?
A. Apoy
B. Kuweba
C. Balat ng hayop
D. Itak
8. Paano nabuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong
pamahalaan,relihiyon,uring
panlipunan,sining,arkitektura,at sistema ng pagsulat
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura,at
sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang
kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at
napangkat ang tao ayon sa kakayahan
9. Anong uri ng pamumuhay ang naranasan ng mga unang
Asyano?
A. Pangingisda at pagsasaka
B. Palitan ng mga produkto o barter
C. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
D. Pagmimina
10. Saan unang umusbong ang sinaunang kabihasnan sa Asya?
A. Lambak at Ilog
B. Baybaying dagat
C. Kapatagan
D. Disyerto

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang kuwaderno sa
Araling Panlipunan.
1. Sa iyong sariling opinyon, Kung mawawala ang isang salik o
batayan, masasabi mo pa bang isang kabihasnan o
sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
2. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang mga salik o
batayan sa pagbuo ng kabihasnan? Bakit?

Susi sa Pagwawasto

10.A
9. A
10. Salik
8. A 9. Kapaligiran
7. D 8. Nomadiko E 10.
6. D 7. Ebolusyon C 9.
6. Politeismo J 8.
5. C 5. Kabihasnan I 7.
4. D Neolithic D 6.
3. A Rebolusyong 4. F 4.
Panahong Metal 3. G 3.
2. A A 2.
Paleolitiko 2.
1. D Mesolitiko 1. H 1.
Tayahin Pagyamanin Balikan

Sanggunian:
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Rosemarie C. Blando
et.al., pp. 105-115.
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!
1

You might also like