You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiya ng Daigdig
-Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIBISYON NG TAGBILARAN
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

SDS: Joseph Irwin A. Lagura PhD


ASDS: Marcelo K. Palispis EdD, JD
Tagasuri: Maria Sandra Isabel S. Fortich
Pangalan ng CID Chief: John Ariel A. Lagura PhD
Pangalan ng Dibisyon in-charge ng LRMS: Neolita S. Sarabia EdD
Rehiyon: VII

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII
Dibisyon ng Tagbilaran
Office Address: Rajah Sikatuna St. Dampas District, Tagbilaran City
Telephone Nos.: (038)427-1702;(038)427-2506;(038)422-8177;(038)427-6718;
(038)544-2147
E-mail Address: tagbilarancity.division@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiya ng Daigdig
-Heograpiyang Pantao
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong Tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang Tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o Tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o Tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa heograpiyang pantao. Ito ay may


kinalaman sa interaksyon ng tao sa lipunan at kung paano siya namumuhay sa
lipunan. Saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na paksa:


Aralin 1 –Heograpiya ng Daigdig
 Heograpiyang Pantao

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mga-aaral ay inaasahang:


1. Nailalarawan ang heograpiyang pantao sa mundo;
2. Nakabubuo ng slogan bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang lahi;
3. Nabibigyang-halaga ang paggalang at pagkapantay-pantay ng lahat ng tao.

Subukin

Ang bahaging ito ay isang pasulit upang malaman natin ang inyong
kahandaan sa ating paksa. Kailangang masagot mo ito bago tayo magsimula sa
ating aralin.
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian.

I. Multiple Choice. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel. Mahalaga
ang katapatan sa pagsagot.
1. Ano ang salitang pinagmulan ng relihiyon na nangangahulugang buuing
ang mga bahagi upang magkakakaugnay ang kabuuan nito?
A. Ethnos C. Rehiyo
B. Religare D. Sanctus
2. Ano ang sistema ng paniniwala at ritwal ng mga tao tungkol sa isang
kinikilalang makapangyarihang Diyos?
A. Ethnos C. Relihiyon
B. Lahi D. Wika
3. Anong relihiyon sa mundo ang may pinakamaraming tagasunod?
A. Buddhismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
4. Ano ang pinakamatandang relihiyon na nagsimula sa bansang India?
A. Buddhismo C. Judaismo
B. Hinduismo D. Islam
5. Ano ang pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan?
A. Ethnos C. Relihiyon
B. Lahi D. Wika

1
6. Ano ang itinuturing nakaluluwa ng isang kultura at ito ay nagbigay ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga tao?
A. Ethnos C. Relihiyon
B. Lahi D. Wika
7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing pamilya ng
wika?
A. Afro-Asiatic C. Korean
B. Indo-European D. Sino-Tibetan
8. Aling pamilya ng wika napabilang ang wikang Filipino?
A. Afro-Asiatic C. Korean
B. Austronesian D. Malaysian
9. Alin sa sumusunod na pamilya ng wika ang may pinakamaraming
tagasunod?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger- Congo
10. Alin ang suliraning maaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika?
A. Maraming sigalot sa bansa
B. Mahirap ang pagkamit ng pag-unlad
C. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
D. Maraming mamamayan ang hindi magakakaunawaan.

II. Tama o Mali? Sabihin kung ang pangugusap ay TAMA O MALI. Isulat
ang sagot.
____11. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng mga paniniwala.
____12. Isa lamang ang wikang pinagmulan sa buong mundo.
____13. Walang kinalaman saa heograpiyang pantao ang wika at relihiyon.
____14. Ang heograpiyang pantao ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga tao at
sa kanilang mga komunidad.
___15. May iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa mundo ngunit nagdulot ito ng
maraming diskriminasyon.

2
Aralin
Heograpiya ng Daigdig
1 - Heograpiyang Pantao

Ang heograpiyang pantao ay sinasabing instrumento sa pagkakaisa ng


mga tao sa daigdig. Higit nating maunawaan ang iba’t ibang lahi ng tao sa mundo
at maiwasan ang diskriminasyong panlahi. Ang pagkakakilanlan ng iba’t ibang lahi
ay pinag-ugnay ng magkatulad na kultura, wika at relihiyon. Malaki pa rin ang
bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng mga tao.

Balikan

Gawain 1 Four Pics One Word. Anong salita ang tinutukoy sa


larawan? Isulat ang sagot sa papel. (hango mula sa www.slideshare.net). Sa
pamamgitan ng gawaing ito makikita natin ang iyong kahandaan sa ating paksa.

1._____

www.slideshare.net

2. _____

www.slideshare.net

3. _____

www.slideshare.net

3
4. ______

www.slideshare.net

Tuklasin

Kahulugan ng Heograpiyang Pantao

Saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika,


relihiyon, lahi at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ba ang
kinalaman nito sa pamumuhay ng tao sa mundo? Halina’t pag-aralan natin

Wika

Heograpiyang
Pantao
Relihiyon

Lahi at pangkat etniko

Wika -Kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga


taong kabilang sa isang pangkat
Relihiyon- Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao
tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos
Etniko-pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon
Lahi-Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat

4
Suriin

Ngayon ay suriin natin ang bawat isa upang malaman natin ang iba’t
ibang wika, relihiyon at lahi ng tao sa daigdig. Maghanda na rin sa iba’t ibang
gawain ukol dito.

Wika
 Kaluluwa ng isang kultura
 Nagbibigay ng pagkakilanlan o
identidad sa mga taong kabilang
sa isang pangkat
 7, 105 buhay na wika at nakapaloob
ito sa language family
mga wikang magkakaugnay-ugnay at
may iisang pinag-ugatan
136 language family sa buong daigdig www.google.com
 Pamilya ng wika ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig
 Ang wika ng Pilipinas ay bahagi ng pamilya ng wika ng Austronesian

Makikita sa talahanayan na ito ang mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.


Tingnang mabuti kung aling pamilya ng wika ang may pinakamaraming buhay na
wika at mataas na bahagdan ng nagsasalita.

Talahanayan 1 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig


Pamilya ng Buhay Bahagdan Halimbawa ng mga Bansang
wika na wika ng mga Gumamit ng Wika
Nagsasalita
Afro- Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Iran, Iraq, Turkey,
United Arab Emirates, Yemen
Austronesian 1221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China,
Indonesia, Malaysia, New Zealand,
Philippines, Samoa, Taiwan,
Thailand, United Sates
Indo-European 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia,
Austria, France, Germany, Iceland,
Peru, Poland, Sweden, Switzerland,
Turkey, Ukraine
Niger-Congo 1524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina
Faso, Comoros, Congo, Cuba,
Ghana, Malawi, Mali, South Aftrica,
Zaimbabwe
Sino- Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, Idia,
Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,
Pakistan, Thailand, Vietnam

http://www.ethnologue.com/statistics/family

5
Makikita naman sa tsart na ito ang iba’t ibang wika sa mundo. Pag-aralan itong
mabuti.

www.slideshare.net

Gawain 2 Isalin mo! Pakinggan ang awiting Let it Go gamit ang link na ito:
https://youtu.be/ta_C1lj2ld4. Maglista ka ng sampung
salita o linya sa awitin na may ibang wika at sabihin kung
anong wika ito. Isulat ito sa papel

Let It Go

Magaling! Natapos mo ang mga gawain para sa


Unang araw. Tuloy-tuloy lang sa pagsagot.

6
Pangkat- Etniko
 Etniko--- salitang Greek “ethnos” mamamayan
 Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at reliyihon. Kaya maliwanag
ang kanilang sariling pagkakakilanlan
 Ang grupong etnolinggwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
sa isang bansa ayon sa kultura.
 Ang wika at etnisidad ang batayan sa paghahating etnolinggwistiko.
Lahi
 Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat
 Dalawang salik na nagsisilbing dahilan ng pagkakaiba-iba ng lahi
a. Genetic drift b. klima
 Tatlo ang mga pangunahing lahi ng tao ayon sa unang iskolar
na nanaliksik tungkol sa lahi.
 Ibinatay nila ang kanilang pag-uuri-uri sa kulay ng balat
A. Caucasoid--- maputi
B. Mongoloid --- dilaw. Isang sangay ng mongoloid ang
kayumangging kulay ng balat ng mga Malayo
C. Negroid --- maitim
 Sa simula ay natitipon ang isang uri ng lahing pangheograpiya
sa isang pook lamang
 Subalit nagkakahiwalay bunga ng pandarayuhan at paglipat ng tirahan

Siyam na lahat ang lahing pangheograpiya


1. African --- matatagpuan sa Africa
--- sa Africa nagmula ang mga Negrong Amerikano
--- maiitim, pinong kulot ang buhok at makakapal ang mga labi

www.google.com

2. American Indian o Amerindian


--- maputla o matingkad na kayumanggi ang kulay ng balat. Unat at
maitim ang buhok. May kaugnayan sa mga Asyano

www.google.com

7
3. Asyano ---malaking pangkat
---katamtaman ang taas, manilaw-nilaw o maputlang kayumanggi
ang balat, unat ang buhok at payatin

www.google.com
4. Australian o Australoid --- Australia
--- mapuputi o maiitim, mabalahibo at malalaki ang mga ngipin

www.google.com
5. European o Caucasoid --- Europe, America, Gitnang Silangan at bahaging
hilaga ng Disyerto ng Sahara
---pinakamaputi sa lahat ng mga lahi. Matataas at
unat ang buhok

www.google.com

6. Indian --- Timog Asya


--- mapuputi ang mga nasa hilaga at maitim ang mga nasa timog.
----Matataas kaysa sa mga karaniwang Asyano.

www.google.com

8
7. Melanesian o Melanesian Papuan --- New Guinea, Solomon Islands, at New
Britain ---kasing-itim ng mga African. Pinong kulot ang kanilang buhok
8. Micronesian --Marianas, Carolines, Marshalls at Gilberts
---maliliit at maitim. Pinong kulot ang kanilang buhok
9. Polynesian --- Pacific Islands
---matataas, matataba at mapuputi

Melanesian
www.google.com

Micronesian
www.google.com

Polynesian
www.google.com

Relihiyon
 Kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao
tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos
 Mula sa salitang Religare--- na ang ibig sabihin
ay buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan nito
 Naging batayan ito ng pagkilos
ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay
 Sa kasalukuyan may organisado at sistematikong
mga doktrina www.google.com
 Malaki ang bahaging ginampanan sa buhay ng tao
 Salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian at pagkasawi ng maraming
buhay ng tao
 Dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura

9
www.google.com

Pagyamanin

Gawain 3 Journal Writing


Isulat sa papel kung ano ang mensahe sa pahayag ni Martin Luther King
Jr. Magbigay ng mga sariling karanasan ukol dito. Lagyan ng disenyo batay sa
inyong saloobin sa nasabing pahayag. (10pts)

quotesgram.com

RUBRICS sa Gawain
PAMANTA 5 4 3 2 1
YAN

10
Kaala- Higit na Naunawaan Hindi Marami Hindi
man sa nauuna- ang paksa gaanong ang maling nauna-
Paksa waan ang pero may naunawaan impormasy waan ang
paksa. impor- ang paksa on paksa
Wasto ang masyong may maling
mga impor- hindi impormasyon
masyon maliwanag
ang
pagkalahad
Organi- Organisado Organisado Organisado Hindi Sini-
sasyon ang mga ang mga ang paksa organi- mulan
impor- paksa at ngunit hindi sado ang ngunit
masyon at ngunit di konektado paglala- hindi
malinaw na masyadong ang ibinigay had natapos
naipahayag. malinaw ang na ang
pagpapa- halimbawa pagsagot
hayag
Kabuuan 10 puntos

Magaling! Nagawa mo ang mga gawain para sa


Ikalawang araw. Goodluck para sa susunod na mga
gawain.

Isaisip

1. Ang heograpiyang pantao ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga tao at kanilang


mga komunidad, kultura, ekonomiya at pakikipag-ugnayan sa kapaligiran.
2. Wika ang pinaniniwalaang susi sa pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat ng tao
sa isang bansa
3. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi at kultura,mahalagang ipakita ang
pagpapahalaga, paggalang at pagkapantay-pantay sa bawat isa.
4. Malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao.

11
Isagawa

Gawain 4 Slogan Making


Sumulat ng isang slogan na nagpapahayag ng pagpapahalaga, paggalang,
pagkapantay-pantay sa lahat ng tao sa mundo ano man ang kulay ng balat. Bigyan
ng maikling paliwanag ang slogan na nagawa. Gawin ito sa papel. (10pts). Gawing
kaakit-akit ang inyong gawain.

Pagpapaliwanag:
Slogan:

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Rubrics sa Gawain

PAMANTA 5 4 3 2 1
-YAN
Kaalaman Higit na Naunawaan Hindi Marami ang Hindi nauna-
sa Paksa nauunawaan ang paksa gaanong maling waan ang
ang paksa. pero may naunawaan impor- paksa
Wasto ang impo- ang paksa masyon
mga rmasyong may maling
impormasyon hindi impormasyon
maliwanag
ang
pagkalahad
Organisas Organisado Organisado Organisado Hindi Sinimulan
-yon ang mga ang mga ang paksa organisado ngunit hindi
impormasyon paksa at ngunit hindi ang paglala- natapos ang
at malinaw na ngunit di konektado had pagsagot
naipahayag. masyadong ang ibinigay
malinaw ang na
pagpapa- halimbawa
hayag
Kabuuan 10 puntos

12
Tayahin

Gawain 5 A.Crossword Puzzle


Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalalrawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel. Huwag
sulatan ang modyul na ito. (halaw mula sa www.slideshare.net)

Napakaaktibo mo sa pagsagawa ng mga gawain.


Magaling! Sana ay may marami kang natutunan tungkol
sa ating daigidig.

II. Tama o Mali? Sabihin kung ang pangugusap ay TAMA O MALI. Isulat

13
ang sagot sa papel.
____11. Saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
____12. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad
na kultura, pinagmulan, wika, at reliyihon. Kaya maliwanag ang kanilang
sariling pagkakakilanlan
____13. Sinasalamin ng relihiyon ang kultura ng isang lahi
____14. Malaki ang bahaging ginampanan ng wika sa buhay ng tao.
____15. Ang wikang Filipino ay kapamilya ng wika ng taga- Malaysia at Indonesia.

Congratulations! Natapos mo ang buong modyul.

Karagdagang Gawain

Hanapin at pag-aralan ang kahulugan ng salitang ng sumusunod na salita:


1. Ebolusyon
2. Prehistoriko
Maghanda para sa isang talakayan.

14
Susi sa Pagwawasto

15. Tama
14. Tama
13. Tama
12. Tama
11. Tama
II. Tama o Mali 30. Tama
8. Etniko 29. Tama
6. Ethnos 28. Mali
5. Religare 27. Mali
European 26. Tama
4. Indo- 25. D
2. Kristiyanismo 24. C
Pababa 23. B
10. Hinduismo 22. C
9. Austronesian 21. D
7. Lahi 20. B
3. Relihiyon 19. B
1. Wika 18. D
Pahalang Slogan 17. C
I. Crossword Puzzle Paggawa ng 16. B

Tayahin Pagyamanin Subukin

Sanggunian
TG Araling Panlipunan 8
Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
Project EASE Modyul
Mga tala mula sa Wikipedia
https://quizizz.com
www.google.com
www.scribd.com
www.slideshare.net

Mga Guro sa Araling Panlipunan 8


Junalyn A. Dinorog-09103513102
Tammy M. Homez- 09198654297
Arnulfa B. Purgarillas- 09070850946
Jacqueline A. Sisican - 09120781531

15

You might also like