You are on page 1of 25

8

Araling

Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment
at Industriyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIBISYON NG TAGBILARAN
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

SDS: Joseph Irwin A. Lagura PhD


ASDS: Marcelo K. Palispis EdD, JD
Tagasuri: Arnulfa B. Purgarillas,Nenita J. Incog PhD
Pangalan ng CID Chief: John Ariel A. Lagura PhD
Pangalan ng Dibisyon in-charge ng LRMS: Neolita S. Sarabia EdD
Inihanda ni: Tammy M. Homez
Rehiyon: VII

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII
Dibisyon ng Tagbilaran
Office Address: Rajah Sikatuna St. Dampas District, Tagbilaran City
Telephone Nos.: (038)427-1702;(038)427-2506;(038)422-8177;(038)427-6718;
(038)544-2147
E-mail Address: tagbilarancity.division@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal

Ang modyul na ito ay pinagtulungan, dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga piling manunulat para sa layuning pagkatuto lamang. Bagaman, ang
mga manunulat at tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Syudad ng
Tagbilaran ay sinisiguro na mapanatili ang tama at wastong impormasyon at
nilalaman ng materyales sa bawat asignatura para sa patuloy na dekalidad
na pagtuturo na naaayon sa DepEd Learning Standards.

Ang paglilimbag at pamamahagi ng mga materyales sa pagkatoto ay


limitado sa pampublikong paaralan lamang ng Dibisyon ng Tagbilaran.

Anumang komento at suhestiyon ay malugod na tinatanggap para sa


ikauunlad ng kagamitang ito.
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Industriyal!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong Tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang Tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Epekto Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Rebolusyong Industriyal!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

iii
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o Tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o Tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong


Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal.

Sa pagtatapos ng mga paksa, ang mga mga-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Rebolusyong Industriyal.
2. Naitatala ang mga kontribusyon ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment
at Rebolusyong Industriyal sa data retrieval chart
3. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ito sa kasalukuyan.

MELC: Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,


Enlightenment at Industriyal

Subukin

Ang bahaging ito ay isang pasulit upang malaman natin ang inyong
kahandaan sa ating paksa. Kailangang masagot mo ito bago tayo magsimula sa
ating aralin.
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian na makikita sa kahon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
papel. Mahalaga ang katapatan sa pagsagot. Gawin ito sa papel.

A. Pilosopo F. Christopher Columbus


B. Kalinawagan o Enlightenment G. Age of reason
C. Galileo H.Rebolusyong Siyentipiko
D. Nicolas Copernicus I. Scientia
E. Thomas Hobbes J. Eli Whitney

________1. Ano ang ibang tawagan sa “kaalaman?


________2. Ano ang tawag sa Panahon ng pagsisiyasat at eksperimento?
________3. Ano ang ibang katawagan sa Panahon ng “Kalinawagan?
________4. Sino ang nakatuklas sa Amerika?
________5. Sino ang nakaimbento ng teleskopyo?
________6. Ano ang ibang katawagan sa mga intelektuwal?
________7. Sino ang may ideya na ang absolute Monarchy ang pinakamahusay na
uri ng pamahalan?
_______8. Sino ang nakaimbento ng cotton gin?
_______9. Sino ang nagpanukala sa Teoryang Heliocentric?
______10. Anong panahon ang nagbigay ng bagong liwanag sa mga tradisyunal na
ideya?

1
Aralin Epekto ng Rebolusyong
3 Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal
Ang mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala ng
eksplorasyon, maging ng renaissance at Repormasyon ay nagbunsod upang
pagtuunan g mga tao ang edukasyon at agham . Tatalakayin sa bahaging ito ng
aralin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.

Balikan

Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo


at Kolonyalismo sa nakaraang modyul, tatayahin ng gawaing ito kung nauunawaan
mo ang mahahahalagang konsepto nito.
Gawain 1 What’s the Word, That’s the Word! Hanapin ang mga salita na
may kaugnayan sa aralin ukol sa Unang Yugto ng
Kolonyalismo.Maghanap ng walong (8) salita. Isulat ang sagot sa
papel.

C O M P A S S A B
O T M K S O T A A
L G I N T O G A R
U U E S R S H A K
M A R C O P O L O
B T H D L A B H B
U P U F A I M B F
S K D E B N G V K
U M A G E L L A N

2
Mga Tala para sa Guro
Ang mga gawain sa panimula at katapusan ng bawat bahagi ay
inyong sasagutin sa loob ng isang oras. Mayroon lamang tatlong oras
ang nakalaan sa asignaturang ito sa buong lingo. Basahing mabuti ang
mga panuto at paraan ng pagbibigay ng puntos upang kayo ay
magabayan. Huwag pumunta sa ibang gawain kung hindi mo natapos
ang kasalukuyang gawain. Maraming salamat.

Tuklasin

Gawain 2: Think and Share! Itala ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
siyentipiko upang maging matagumpay sa pagtuklas at pag-imbento.
Gawin ito sa papel.

1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
6. ________________________________________________________________

Suriin

3
Rebolusyong Siyentipiko
Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng rebolusyong Siyentipiko.
Ito ay malaon ng ginagamit ng mga Greek bilang scienta na nangangahulugang
“kaalaman’. Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi
pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista.

Noong ika-15 na siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at


sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.
Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyonal na
kahiwagaan ng sansinukob.

Ang ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong


Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.

Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrument sa pagkakaroon ng


panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating
impluwensya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan
at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na
pinatutnayan ng “bagong siyensya’. Naging tulong ang panahon ng katuwiran “age
of reason” upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyonal na ideya at
nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan.

Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng


kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland
noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni
Christopher Columbus sa America. Sa panahong ito ay nagpasimula
na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing
paniniwala at tradisyonng mga tao. Batay sa kaniyang mga
www.google.com ginagawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang
itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa
Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay
bilog na taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narating na ng
isang manlalakbay ang dulo nito ay possible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang
inilahad ay ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot
sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang siyang nasa sentro ng Sansinukuban
na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban.
Ang teoryang ito ay nakilala bilang Teoryang Heliocentric.

Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad


inilahala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga
puna mula sa Simbahan at nangangahulugan ng
persekyusiyon, ekskomunikasyon o pagsunog ng buhay sa
pamamagitan ng inquisition.
www.google.com

4
Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukoban ( Universe)
Si Johannes Kepler, isang Aleman a astronomer, natural
scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng
isang pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa
posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa
araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito ay tinatawag
www.google.com niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-
pareho sa bilis ng kanilang paggalaw ngunit bumibilis ito kung papalapit sa araw
at bumabagal kung ito’y papalayo.

Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at


Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa
kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil
siya’y kabilang sa kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon.
Ngunit ang kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang talyano at
Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan.

Taong 1609 nang mabuo ni Galileo ang kaniyang imbensyong


teleskopyo na naging dahilan ng kaniyang pagdiskubre sa
kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni
Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa
isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang
pagdididiing ito sa kanya ng Simbahan ay naging daan upang
www.google.com bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-
aaral at upang di ito maging daan ng pagtitiwala sa kanya ng Simbahan. Matapos
ang retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na
naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika.

Gawain 3. Manindigan Ka! Sagutin ang mga katanungan. Ipaliwanag at


isulat ito sa papel.

Pamprosesong Tanong:

1.Paano ipinaglaban nina Kepler at Galileo ang kanilang paniniwala?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang


pagtingin ng mga tao sa daigdig?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ANG PANAHONG ENLIGHTENMENT

5
Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa
iba-ibang aspekto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinatawag
itong Panahon ng Kalinawagan(Enlightenment). Nagsimula ito sa kaisipang
iminungkahi ng mga pilosopo.
Bagama’t ang Panahong Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang
umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo, maari ding sabihing ito ay isang
kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na
nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga
modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,demokrasya at
maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o
pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman,
at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang
kapangyarihan ng relihiyon at tinugligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan.

ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA

Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang mapag-isipan ng mga pilosopo
at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging
kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maaari ding maging gabay
ang mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan, at panlipunan. Inaakala
nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong
pangangatwiran. Tunay na malaki ang impluwensya ng siyentipikong pag-iisip sa
teoryang pampolitika.

ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES TUNGKOL SA


PAMAHALAAN

Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law o ang likas na


masama o magulo sa tao upang isulong ang paniniwala na ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon www.google.com ng kaguluhan ay likas
sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang
ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na
“Leviathan” noong 1651 ay inilalarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno
at ang posibleng maging direksyon nito tungo sa magulong lipunan.
Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang
kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito,
pangangalagaan at protektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na
bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatwiran
ang pamamalakad.

PAGPAPAHAYAG NG BAGONG PANANAW NI LOCKE

6
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke
na may paniiwala kagaya na kay Hobbes na kinakailangang
magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang
pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may
mataas na moral, at mayroon natural na karapatan ukol sa
buhay, kalayaan, at pag-aari.
www.google.com
Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan(social
contract) sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay
ang kaniyang mga natural na karapatan. Binigyan diin din niya na kung ang tao
ay gumagamit ng pangangatuwiran sila ay makararating sa pagbubuo ng isang
pamahalaan may mabisang pakikipag-ugnayan na makatutulong sa kanila ng
pinuno
Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng
lathalaing “Two Treatises of Government”. Ang kanyang sulatin ay naging popular
at nakaimpluwensya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang
Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na
lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat
ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga
Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga
tao at pamahalaan.
Isa pa sa kinikilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si
Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa
isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan : ang lehislatura
na ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas, ehekutibo at ang
hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie Arouet, sa tunay
na buhay at isa ring Pranses ay sumulat ng ilang lathalain laban sa Simbahan at
Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na
pagkakabilanggo at nang lumaon siya pinatapon sa England. Pinagpatuloy niya
ang pagsusulat sa England at binigyan niya ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni
Francis Bacon at siyensya ni Isaac Newton.

ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong
agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang
transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil
pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong
makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita
at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto . Maraming mga naninirahan sa
mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga
industriya upang kumita nang malaki.

ANG BAGONG URI NG REBOLUSYON


Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang
pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito
ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang
gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng ng makinarya
sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
www.google.com pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging maging ang kanilang
produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking

7
kita at mapunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung
kailan nagkaroon ng mga bagong imbensyon sa pansakahan ang nabuo at
pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.

ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa


pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na
nagging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng
mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang
kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging
dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang
kalakalan sinuportahang mabuti ng pamahalaan
www.google.com ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatag ng
malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng
kalakal.
Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng telasa
Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho
sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang
mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar
hanggang sa nakabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at
pinatutubuan.Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga
ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may opurtunidad na
magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa
tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon.
Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikano nangangalang Eli Whitney
ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at
iba pang mga material sa bulak na dati ay ginagawa ng halos 50 manggagawa.
Dahil dito nagging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking
produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States.
Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang
pagprodyus ng mga tela at naging mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang
spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating
ginagawa ng walong manggagawa ay maari nang gawin ng isa na lamang sa tulong
ng nabanggit na makinarya.

ANG PAGLAGO AT PAGLAKI NG REBOLUSYONG


INDUSTRIYAL
Ang pagkakaimbento ng steam engine ay naging daan para
maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga
pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon
na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga
www.google.com makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa mga riles.
Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at
ugnayan sa pamamagitan ng makabagong telekomunikasyon.
Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bill bilang imbentor ng
unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad
upang nang lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay
malinawagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan . Si
Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para

8
makapagdala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa
ibang lugar.
Ang Newcomen steam engine at Watt Steam engine na naimbento noong
1705 at 1760 na nakatulong sa pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng
tubig na magbibigay ng enerhiyang hydroelectric na nagpatakbo ng mga makinarya
sa mga pabrika.
Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming
oportunidad sa paghahanapbuhay ng mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking
puhunan na nakapagpabago sa kanilang pamumuhay hanggang sa mabuo ang
middle class o panggitnang uri ng mga tao sa lipunan.

EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod


ang mga taong taga-probinsiya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at
naging squatter. Sa kawalan ng hanpbuhay marami ang naging palaboy. Maging
ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na
suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang
pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o
middle class
Society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang
noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga
Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya . ito ay dahil sa pangangailangan nila
ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga
nagsisilbing pamilihan ng kanilang mga produkto.

Pagyamanin

Gawain 4. Handog sa Sangkatauhan. Isulat sa papel ang kontribusyon sa mga


sumusunod na mga larawan:

1.

_____________________________________________
www.google.com
Nicolaus Copernicus

2. ______________________________________________
www.google.com
Thomas Hobbes

9
3.
_____________________________________________
www.google.com
John Locke
4.

www.google.com __________________________________________
Johannes Kepler

5.

_____________________________________________

www.google.com
Galileo

Gawain 5 Data Retrieval Chart. Itala sa data retrieval chart ang mahahalagang
kaalaman para sa mga sumusunod. Gawin ito sa papel. (12pts)

DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO/KINALABASAN

Rebolusyong Siyentipiko

Enlightenment

Rebolusyong Industriyal

Epekto sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

10
Isaisip

Gawain 6. Pakinabang nating Lahat! Ibigay ang naitulong ng sumusunod na


imbensyon sa kasalukuyan. Gawin ito sa papel.

Imbensiyon Pakinabang/Naitulong
1. Steam Engine
2. Telepono
3. Telegrapo
4. Bombilya

Isagawa

Gawain 7 I-Collage –Mo –Ako! Gumawa ng isang Collage na nagpapakita ng


makabagong imbensyon na ginamit mo upang mapadali ang iyong
gawain sa kasalukuyan. Isulat din ang maikling paglalarawan sa
nabuong disenyo ng collage. Maaring gumamit ng iba’t ibang
kagamitan na makikita sa inyong bahay. Gawin ito sa bondpaper.

Rubrics sa Paggawa ng Collage


Pamantayan 10 5 1 Marka

Paglalahad ng Nailalahad ng Mahusay na Kailangan pang


Konsepto napakahusay at nailahad ang paghusayan ang
nakapukaw ng interes panimula at pagkalahad ng
ang konsepto nakapukaw ng konsepto
interes
Kakayahan sa Napakahusay at Mahusay na Kailangan pang
Pagpapaliwanag napakalinaw ang nailahad ang mga paghusayan ang
sa disenyong pagkalahad ng mga ideya pagkalahad ng
nabuo ideya ideya
Kaayusan ng Napkahusay ng May mga bahagi na Hindi malinaw
mga larawan at pagsasaayos ng mga hindi madaling ang kulay ng
disenyo larawan. Ang mga mabasa o Makita background,sat
kulay na makikita ay dahil sa kulay ng font size na
naangkop at di background ginamit
masakit sa mata.
Madaling mabasa nag
nilalaman

Kabuuan

11
Tayahin

I. Multiple Choice. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong
sagot mula sa mga pagpipilian.Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sa papel. Mahalaga ang katapatan sa pagsagot.

1. Anong siglo ang naging hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong


Siyentipiko?
A. Ika-13 at ika-14 siglo C. ika-11at ika-12 siglo
B. Ika-16 at ika-17 siglo D. ika-17 at ika-18 siglo

2. Kailan nagpasimula ng kanyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan


ng Krakow, Poland si Nocilaus Copernicus?
A. 1492 C. 1592
B. 1542 D. 1482

3. Bakit hindi kaagad inilathala ni Copernicus na ang mundo ay bilog na


taliwas sa unang paniniwala nito?
A. Dahil ito ay maging dahilan ng kaguluhan
B. Dahil natakot siya sa persekyusiyon
C Dahil sa ito ay posibleng maging puna mula sa Simbahan
D. Dahil natakot siya sa Inquisition

4. Ano ang tawag sa pormula na nabuo ni Johannes Kepler tungkol sa


posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw na di
gumagalaw sa gitna ng kalawakan?
A. Ellipse C. Natural law
B. Eclipse D. Heliocentric

5. Ano ang nabuo ni Galileo sa taong 1609?


A. Telepono C. Teleskopyo
B. Jenny Engine D. Spaceship

6. Ano ang tawag sa panahon na kung saan marami ang nagmumungkahi na


gamitin ang pamamaraaang makaagham upang mapaunlad ang buhay ng tao
sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika at panrelihiyon maging sa
edukasyon?
A. Panahon ng Rebolusyon C. Panahon ng Ideyang Makaagham
B. Panahon ng Enlightenment D. Panahon ng Intelektuwal

7. Anong kaisipan ang nakaimpluwensya sa makabagong ideyang pampolitika?


A. Enlightenment C. Siyentipikong pag-iisip
B. Ideya ng siyensya D. Mga kaisipan ng mga philosopher

8. Anong ideya ang ginamit ni Thomas Hobbes upang isulong ang paniniwala sa
absolutong monarkiya?
A. Leviathan C. Natural Law
B. Two Treaties of Government D. Theory of Hobbes

12
9. Ano ang isinulat ni John Locke noong 1689 na naging basehan ng mga
Amerikano sa paglaya sa Great Britain?
A. Two Treaties of Government C. Natural Law
B. Leviathan D. Law of Liberty

10. Sino ang naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa


pamahalaan?
A. Thomas Jefferson C. John Locke
B. Baron de Montesquieu D. Francois Marie Arouet

11.Sino ang Pranses na sumulat ng ilang lathalain laban sa Simbahan at Korteng


Royal ng France na naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na
pagkabilanggo?
A. Francis Bacon C. Isaac Newton
B. Baron de Montesquieu D. Francois Marie Arout

12. Ano ang malaking pagbabago sa aspektong agrikultural at industriya sa mga


bansa sa Europe at United States?
A. Rebolusyong Industriyal C. Rebolusyong Intelektwal
B. Rebolusyong Politikal D. Rebolusyong Pang ekonomiya

13.Saang lugar Sa Europa nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?


A. France C. Great Britain
B. Germany D. Switzerland

14.Sino ang nakaimbento ng cotton gin?


A. Alexander Graham Bell C. Thomas Alva Edison
B. Samuel Morse D. Eli Whitney

15.Sino ang nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang malinawagan ang isang


buong komunidad at patakbuhin ang mga makabagong kasangkapan?
A. Alexander Graham Bell C. Eli Whitney
B. Samuel Morse D. Thomas Alva Edison

Congratulations! Natapos mo ang lahat na mga


gawain sa araling ito. Sana ay may marami kang
natutunan sa ating aralin.

Karagdagang Gawain

Magsaliksik at alamin ang rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses para


maihanda ang sarili sa susunod na mga Linggo.

13
Susi sa Pagwawasto

Tayahin
1. B
2. A Subukin
3. C
4. A 1. I
5. C 2. H
6. B
3. B
7. C
8. A
4. F
9. A 5. C
10.B 6. A
11.D 7. E
12.A 8. J
13.C 9. D
14.D 10. G
15.D

Balikan
Gawain 1
 Astrolabe
 Compass
 Marco Polo
 Columbus
 Ginto
 Barko
 Magellan
 Spain

Sanggunian
TG Araling Panlipunan 8
MELC Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
Project EASE Modyul
www.google.com

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground

Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax:

(632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor,

Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054;

8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like