You are on page 1of 32

IKALAWANG

DIGMAANG
PANDAIGDIG
•Noong ika-28 ng Hunyo 1919, pormal na
nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig
sa pamamagitan ng Kasunduan sa Versailles.
Subalit ang kasunduanang ito na inaasahang
makapagpapanatili ng kapayapaan ay naging
mitsa pa ng isang panibagong digmaan.
PANANDALIANG KAPAYAPAAN
• Hindinaging epektibo ang kasunduan sa
Versailles upang mapanatili ang kapayapaan
matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ito ang pinagmulan ng atensiyon na
hahantong sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Mga salik ng Ikalawang Digmaan
•Kasunduan sa Versailles
•Great Depression
•Hangaring maging maka-pangyarihang
bansa ng Germany
Tension Dulot ng Kasunduan
• Nariyan ang Germany na nagkaroon ng matinding galit dahil sa
natanggap nitong parusa;
• Ang Japan at Italy na bigong makakuha ng mas malawak na teritoryo na
layunin nito sa pagsabak sa digmaan;
• Ang mga bansa sa Asya at Africa na umasang makakamit nila ang
kalayaan matapos ang digmaan subalit sa halip ay ipinasailalalim sa
mandate system.
• Naging malaking kawalan naman para sa League of Nations ang
pagtanggi ng makapangyarihan noong US na sumapi rito.
Great Depression
• Ang pagbagsak ng ekonomiya ng US- gayundin ng
ekonomiya ng maraming bansa sa Europe.
• Bunsod ng Great Depression, marami ang nawalan ng
hanapbuhay at tirahan. Nagsara ang mga bangko at nalugi
ang mga negosyo. Maraming tao ang nagutom at marami rin
ang kumitil ng sariling buhay.
• Ang matatag na demokrasya ng US, Great Britain, at
France ay nakabangon sa krisis noong dekada 1930. Subalit
may ilang demokrasyang bigong matugunan ang naturang
krisis ekonomiko.
Pasismo at Militarismo
• Pasismo-
ang ideolohiya kung saan itinuturing na higit na
mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa
mamamayan sa pamahalaan at sa bansa.
• Totalitaryanismo
ang umiiral sa pamahalaan sa mga bansang
naniniwala sa pasismo. Ang totalitaryanismo ay isang
sistema kung saan nagkaroon ng ganap na kapang-yarihan
ang pamahalaan sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga
mamamayan.
• Tatlong diktador ang nakilala sa panahong ito. Ito ay sina Adolf
Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, Joseph Stallin ng
USSR.
Si Hitler at ang Holocaust
• Sa Germany, pinamunuan ni Hitler, isang beterano ng
Unang Digmaang Pandaigdig ang Nazi Party. Nilayon
niyang muling iangat ang karangalan ng Germany sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo nito.
• Sa ilalim ng pamumuno ni Hitler, naganap ang isa sa
pinakamalagim na pangyayari noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at sa kasaysayan ng daigdig-
ang Holocaust. Tunghayan ang talahanayan sa ibaba
ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
Holocaust.
• Bakit? Kinamuhian ni Hitler ang mga Jew na itinuring niyang
mababang uri ng tao. Ang mga Jew ang itinuturong dahilan ni Hitler
para sa lahat ng mga suliranin sa Germany.
• Ninaisng mga German na lipunin ang mabababang uri ng lahi at
panatilihin ang kadalisayan ng lahing Aryan o mga taong Germanic.
• Paano? Sa simula tinanggalan ang mga Jew ng mga karapatan.
Sumunod ay marahas silang itinaboy mula sa Germany.
Pagkatapos ay ipinatapon ni Hitler ang mga Jew sa mga ghetto o
lugar kung saan ibinukod ang mga Jew sa lahing Germanic gamit
ang pader na gawa sa bato at barbed wires. Doon hinintay na
mamatay ang mga jew mula sa gutom at sakit.
• Upang mapabilis ang paglipol sa mga Jew, ipinatupad ni Hitler ang
Final Solution.
• Sa ilalim ng patakarang ito, may mga Jews na agarang pinatay sa
kanilang bayan; may ilang dinala sa concentration camp upang
doon alipinin, pag-eksperimentuhan, at paslangin; at ang iba ay
ipinadala sa execution camps, kung saan maraming pinaslang na
mga Jew sa gas chambers gamit ang cyanide.
• Saan?Marami sa concentration camps ang itinatag sa Poland at
Germany. Sa kalaunan ay naakapagtatag din ng concentration
camps sa mga nasakop na bansa ng Germany. Ang
pinakamalakaing extermination camp ay itinatag sa Auschwitz.
• EpektoMatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinatayang
may-anim na milyong katao ang namatay sa Holocaust.
Militarismo sa Japan
• Umabothanggang sa Asya ang epekto ng Great
Depression. Sa Japan, maraming mamamayan ang
nawalan ng hanapbuhay at naghirap. Upang lutasin
ang pagkakalugmok ng ekonomiya ng Japan,
iminungkahi ng mga pinunong militar nito ang
pananakop ng mga teritoryo nito sa Asya. Nilayon
nilang magtatag ng imperyo sa Asya sa ilalim ng
pamumuno ng kanilang emperador na si Hirohito. Sa
ganitong paraan nila ipinamalas ang nasyonalismo.
MITSA NG DIGMAANG
• Taong 1913 nang sinakop ng hukbong sandatahan ng Japan ang
Manchuria. Ipinagwalang bahala nito ang protesta ng League of
Nations at sa halip at tumiwalag mula sa liga. Ito ang unang banta
sa bagong-kamit na kalayaan at una ring pagkakataon na hinamon
ng isang bansa ang kapangyarihan ng League of Nations.
• Dulot ng kawalang-aksiyon ng League of Nations sa agresyon
ng Japan ay nasundan pa ito ng iba pang paglagda sa kasunduan.
Tunghayan ang mga sumusunod na pangyayari:
• Setyembre 1931- Sinakop ng Japan ang Manchuria
• Oktubre 1935- Sinakop ng Italy ang Ethiopia
• Marso 1936- Sinakop ng Germany ang Rhineland, na buffer zone
sa pagitan ng France at Germany
• Hulyo1937- Sinakop ng Japan ang Beijing at ibang hilagang
lungsod at Nanjing sa China
• Setyembre 1938- Sinakop ng Germany ang Sudetenland
• Marso 1939- Sinakop ng Germany Czechoslovakia
• Samantala, ipinatupad naman ng Great Britain at France ang
patakaran ng appeasement, o pagpapanatili ng kapayapaan,
sa harap ng mga paglabag ng Germany sa Kansunduan sa
Versailles.
• Alinsunod din sa patakarang appeasement ang pagganap ng
Kumperensya sa Munich sa pagitan ng Germany, Great Britain,
France at Italy noong ika-29 ng Setyembre 1938,
napagkasunduang manatili sa Germany ang Sudetenland sa
kondisyong ititigil na nito ang pananakop ng mga bagong
teritoryo.
• Samantala,upang patatagin ang pwersa laban sa Germany,
nakipagkasundo ang France, Great Britain, kay Joseph Stallin
ng USSR. Lingid sa kaalaman ng dalawa, lihim na lumagda
ang USSR at Germany ng non-agression pact noong ika-23
ng Agosto 1939. Hindi ikinatuwa ni Stalin ang hindi pagsarili
rito ng Kumperensiya sa Munich. Pinangakuan din ng
Germany ang USSR ng Teritoryo.
PAGSIKLAB NG DIGMAAN
• Hindi tumupad ang Germany sa Kasunduan sa Munich.
Noong ikaisa ng Setyembre 1939, sinalakay ng Germany
ang Poland gamit ang estratehiyang blitzkrieg, o
“lighting war”. Mablis at biglaang sinalakay ng
Germany ang Poland.
• Sa pagkakataong ito, hindi na pinalagpas ng Great
Britain at France ang Germany. Noong ikatlo ng
Setyembre, nagdeklara sila ng digmaan sa Germany. Ito
ang naging hudyat sa pagsisimula ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
• Abril 1940
• Naglunsad ng blitzkrieg ang Germany laban sa Denmark at Norway.
• Nagapi ang Denmark matapos lamang ng apat na oras.
• Mayo 1940
• Napasakamay ng Germany ang Netherlands, Luxembourg at Belgium
• Hunyo 1940
• Pumanig ang Italy sa Germany. Nagdeklara ng digmaan ang Italy laban
sa France at Great Britain
• Pagsuko ng France sa Germany
• Inilunsad ng Germany ang Operation Sea Lion laban sa Great Britain.
• 1941
• Sa
banta ng pananakop ng Germany, sumapi ang Bulgaria,
Romania, at Hungary sa Axis Powers
• Sinakopng Germany ang Yugoslavia at Greece, mga bansang
kaalyado ng Great Britain
• 22 Hunyo 1941
• Inilunsad
ni Hitler ang Operation Barbarossa upang sakupin
ang dating kaalyadong USSR.
PAGWAWAKAS NG
DIGMAANG
•Sa pakikilahok ng US sa digmaan, higit na lumakas
ang Allied Forces. Unti-unti ring pumanig sa kanila
ang tagumpay. Noong ika-22 ng Disyembre 1941,
nagpulong sina Winston Churchill ng Great Britain,
Franklin D. Roosevelt ng US, at Joseph Stalin ng USSR
upang bumuo ng estratehiya laban sa Germany.
• Tungahayan ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari tungo sa pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Europe.
•Tungahayan ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari tungo sa pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Europe.
•Hunyo 1941- Sa South Africa, nagapi ng Allied
Forces ang kaalyadong Africa Korps ng Germany
•Hunyo 1941- Sa Russia, bigong salakayin ng
hukbong Germany ang Moscow dahil sa taglamig
doon. Nagyelo ang mga kagamitang pandigma ng
mga German at mula sa kanilang hukbo ay nasawi
ang may 500, 000 sundalo.
• Pebrero 1943- Sumuko ang German sa Stalingrad
• Setyembre 1943- Sumuko ang Italy sa Allied Forces
bagama’t nagpatuloy ang pakikidigma ng mga Italian
hanggang sa pagsuko ng Germany noong 1945.
• Hunyo 1944- Sa tinaguriang D-Day, ginapi ng
pinagsamang pwersa ng British, Amerikano, French, at
Canadian ang mga German sa Normandy. Nagtagumpay
ang mga itong paglayain ang France, Belguim,
Luxembourg, at malaking bahagi ng Netherlands
• Disyembre 1944
• Natalo ng Allied Forces ang Germany sa Battle of the
Bulge.
• Abril 1945
• Nagpakamatay si Hitler at asawang si Eva Braun.
• Tinanggap ng Allied Forces ang walang kondisyong
pagsuko mula sa hukbong military ng Germany noong
ikapito ng Mayo 1945. Ikawalo ng Mayo nang opisyal
na nilagdaan ang pagsuko ng Berlin. Dito nagwakas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.
• Samantala,napipinto na rin ang pagwawakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific sa mga
panahong iyon. Narito ang sumusunod na pangyayari:
• Abril 1942
• Sumukoang Allied Forces sa Pilipinas sa hukbong
Hapones.
• Naganap ang Bataan Death March.
• Hunyo 1942
• Nagapi
ng Allied Forces ang pwersa ng Japan sa Battle of
Midway.
• Pebrero 1942
• Nagapi
ng allied Forces ang mga Hapon sa Battle of
Guadalcanal.
• Oktubre 1944
• Nagapi ng Allied Forces ang Japan sa Battle of Leyte
Gulf.
• Muling nabawi ng US ang Pilipinas mula sa Japan
• Agosto 1945
• Sa pasya ni Pangulong Harry Truman ng US,
pinasabugan ng atomic bomb ang mga lungsod ng
Hiroshima at Nagasaki sa Japan.
• Matapos ang pagpapasabog sa Hiroshima at
Nagasaki noong ikalawa ng Setyembre1945 ay
pormal na sumuko ang Japan. Naganap ang
seremonya sa barkong Missouri sa pangunguna ni
Heneral Douglas MacArthur. Dito nagwakas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific at
sa daigdig.
EPEKTO NG DIGMAANG
• Bagoang opisyal na pagwawakas ng digmaan ay ginanap ang
dalawang kumprehesiyang nilayong talakayin ang kapalaran ng
Europe matapos ang digmaan. Ang Kumperensiya sa Yalta noong
Pebrero 1945 at ang Kumperensiya, napagpasiyahan ang:
Kumperensiya sa Yalta noong Pebrero 1945 at ang kumperensiya sa
Postdam noong Hulyo 1945.
•. Sa ilalim ng dalawang kumperensiya, napagpasiyahan ang:
• Demilitarisasyon ng Germany;
• Paghahating Germany-sa kanlurang Germany sa ilalim ng US at
silangang Germany sa ilalim ng USSR;
• Pagpapabayad sa Germany ng bayad-pinsala; at
• Pagbibigay ng mga nasakop na teritoryo ng Japan-kabilang ang
Sakhalin Island, Kurile Islands, at Port Arthur- sa USSR.
• Marami naming pagbabago ang naganap sa daigdig
dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Pinsala sa Buhay at Ari-arian. May 40 milyong Europeo
ang nasawi sa digmaan. May 2/3 ito ng kabuoang bilang
ng mga nasawi noong digmaan. Maraming lungsod ang
nawasak tulad ng London, Warsaw, Berlin, Hiroshima,
Nagasaki, at Maynila.
• Pagkamit ng Katarungan. Nilitis sa Nuremberg Trials ang mga
paglabag sa karapatang pantao noong Holocaust sa Germany.
Labindalawa sa 22 nasakdal na opisyal na Nazi ang pinatawan ng
parusang kamatayan. Pinagbayad ang Germany ng $20 bilyon sa
bayad-pinsala. Nagbigay rin ng bayad-pinsala ang Italy sa mga
naging biktima ng digmaan.
• Sa Japan, pinarusahan ng kamatayan ang pitong opisyal na
Hapones na sangkot sa digmaan, kabilang si Punong Ministro
Hideki Tojo.
• Pagtatatag ng United Nations. Bunga rin ng
Kumperensiya sa Yalta, itinatag noong ika-24 ng
Oktubre 1945 ang United Nations. Ito ay isang
samahang pandaigdig na layuning protektahan ang mga
kasapi nito mula sa agresyon at panatilihin ang
kapayapaan. Binuo ito ng 50 kasapi sa pagkakatatag
nito.Pagbabago sa Pamahalaan. Sandaling
napasailalalim ang Japan sa US.
• Ang mga pangunahing layunin ng organisasyong ito ay ang mga sumusunod:

• Talakayin at tugunan ang mga isyu ng sangkatauhan

• Itaguyod ang kapayapaan at seguridad ng daigdig

• Gumawa ng mga paraan at hakbang sa patuloy na ikabubuhay ng tao at ng mga bansa.

• Pagtuunan ng pansin at gumawa ng mga hakbang ukol sa climate change at ibang


suliraning pangkapaligiran.
• Itaguyod ang mga karapatang pantao (human rights)

• Paglilimita sa mga sandatahan at armas ng mga bansa na nakapipinsala sa daigdig.

• Lipunin ang terorismo.

• Paggawa at pamamahagi, kalusugan, panlipunan, at makataong pangangailangan ng mga


bansa.
• Pamamahala hindi lamang sa isang bansa, kundi sa lahat ng bansa.

You might also like