You are on page 1of 8

8 Department of Education-Region

III TARLAC CITY SCHOOLS


DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 4: Week 2
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:__________________________________Ikaapat na Markahan:Ikalawang Linggo


Taon at Pangkat: ____________________________Petsa:__________________________

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP AT MGA NAGING BUNGA


NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong 1914 at nagwakas noong 1919.
Ang krisis na naganap sa Bosnia ang naghudyat ng pagsisimula ng digmaang ito. Noong
Hunyo 28, 1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie habang
sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Austria-Hungary. Ang pumatay ay si Gavrilo
Princip, isang Bosnian na miyembro ng Black Hand. Isa itong teroristang grupo na sinanay sa
Serbia. Si Archduke Ferdinand ang nakatakdang humalili sana sa trono bilang emperador ng
Imperyong Austria-Hungary. Popular siya sa hukbong sandatahan ng Austria-Hungary dahil
Inspector General siya dito at isinusulong niya ang modernisasyon ng militar. Batid ng ilang
mga opisyal ng Serbia ang planong pagpatay subalit wala silang binigay na babala sa
pamahalaan ng Austria-Hungary. Kaya noong Hulyo 28, 1914, sa tulong at suporta ng
Germany, nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Narito ang mga
mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.

DIGMAAN SA KANLURAN- Dito naganap ang pinakamainit na labanan. Sa unang taon ng


digmaan ang bahaging nasakop nito ay mula sa Hilagang Belhika hanggang sa Switzerland.
Nilusob ito ng Germany sa kabila ng pagiging neutral na bansa ng Switzerland. Ito ang paraan
na ginamit nila upang malusob ang France. Ngunit sila ay inantala ng magiting na
pagsanggalang ng mga taga-Belhika. Nilusob ng Germany ang Belgium at nagdeklara ng
digmaan ang Great Britain laban sa Germany. Dito sinimulan ang ‘trench warfare’, isang
taktikang labanan kung saan ang magkalabang pwersa ay magtatayo ng linya ng depensa ng
nakaharap sa isa’t isa. Sila ay naghuhukay ng lupa kung saan sila nakakubli habang
nakikipaglaban.

DIGMAAN SA SILANGAN- Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni


Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit ng dumating ang saklolo ng
Germany, natalo ang hukbo ng Russia sa Digmaan sa Tannenberg. Nagtagumpay ang hukbo
ng Russia sa Galicia ngunit hindi nagtagal ang tagumpay na ito dahil sila ay pinahirapan ng
Germany sa Poland. Ang sunod-sunod na pagkatalo ng Russia sa Germany ang siyang

2
naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917. Upang makaiwas
ang Russia sa digmaan, napilitang makipagkasundo si Lenin, lider ng Russia sa ilalim ng
pamahalaang Bolshevik sa Germany. At noong Marso 1918 nilagdaan ang Treaty of Brest-
Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga dati nyang kaalyado at sumapi sa Central Powers.

ANG DIGMAAN SA BALKAN- Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang
buwan pagkatapos patayin si Archduke Ferdinand. Karamihan sa mga estado ng Balkan ay
napasailalim na rin ng Central Powers. Ang Italy naman ay tumiwalag sa Triple Alliance at
nanatiling neutral. Ngunit kalaunan ay sumali ito sa Allied Powers dahil hinangad nito na
maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya
nito sa Africa. Noong 1915 ang Turkey ay kumampi naman sa Germany upang mapigilan ang
Russia sa pag-angkin sa Dardanelles na sakop ng Turkey.

ANG DIGMAAN SA KARAGATAN- Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga


hukbong pandagat ng Germany at Britanya. Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany
mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) ang lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng
Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan dito. Makapangyarihan ang hukbo ng
Britanya sa dagat. Sa kabilang dako, ang mabilis na raider at submarinang U-Boats naman ng
Germany ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng kalabang alyado.
Gayunpaman, nagawang pabagsakin ng Sydney, isang Australian Cruiser ang Emden, na
pinakamabagsik na raider ng Germany.

ANG PAGKAKASANGKOT NG UNITED STATES SA DIGMAAN


Sa simula ay walang balak sumali sa digmaan ang United States. Subalit noong 1915,
pinalubog ng submarine ng Germany ang Lusitania, isang barkong British. Mahigit isang libong
katao ang namatay at kabilang dito ang 128 Amerikano na naging dahilan ng kanilang
pagkagalit sa Germany. Bukod dito malaki ang halagang ipinautang ng mga Amerikano sa
Allied Powers, na kung matatalo ang mga ito ay baka hindi nito mabawi ang ipinautang sa
kanila. Kaya ang tanging solusyon ay pumasok sa digmaan ang U.S. sa panig ng Allied
Powers. Naganap ang pagsali ng U.S. sa digmaan noong 1917, matapos mabulgar ang lihim
na liham ng Germany sa Mexico na ibabalik niya rito ang Texas at iba pang estado ng U.S.
kapag pumayag silang kumampi sa alyansa ng Germany.

Sa pagsali ng Amerika sa Allied Powers lalo itong lumakas. Dito sunod-sunod na tinalo
ng Allied ang mga bansang kasapi sa Central Powers. Ang huling natalo at sumukong bansa
ay ang Germany. Sa bisa ng Kasunduang Versailles noong 1919 na nilahukan ng mga

3
bansang sangkot sa digmaan, ay pormal ng idineklara ang pagtatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

MGA NAGING BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian.


Tinatayang umabot sa 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000,000 naman
ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18,000,000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit
at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at
iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200
bilyong dolyar.

Nagdulot naman ang digmaan ng oportunidad sa mga kababaihan. Sapagkat sila ang
sumalo sa mga gawain o hanapbuhay ng mga kalalakihan habang ang mga ito ay nasa
digmaan. Kinilala ang mahalagang tungkulin ng mga kababaihan sa lipunan. Dahil dito
hinangad nilang makapag-aral, magtrabaho at maging propesyunal. Kinilala rin ang karapatan
nilang makaboto.

Sa usaping pulitikal isa rin sa mga naging resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig ay
ang pagbagsak na apat na dinastiya. Ito ay ang Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov sa
Russia, Ottoman sa Turkey at Hohenzollern sa Germany. Nabago rin ang mapa ng Europe
dahil ang ilang mga bansa na sakop ng ibang bansa ay napalaya na.

Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, mga mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD -IVa - 1

Mga Layunin:
1. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
2. Natataya ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.

4
Pagsasanay 1

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat patlang.

Russia Allied Power Treaty of Versailles

Lusitania Germany Arch. Franz Ferdinand

Gavrilo Princip Italy trench warfare

Central Power Emden Treaty of Tordesillas

_______________1. Ang bansang ito ay tumiwalag sa Triple Alliance at naging neutral na


bansa, ngunit kalaunan sumali sa Allied Power.
_______________2. Siya ay miyembro ng Black Hand, isang teroristang grupo ng Serbia na
pumaslang kay Archduke Franz Ferdinand.
_______________3. Isang taktikang labanan kung saan ang magkalabang pwersa ay
magtatayo ng linya ng depensa sa pamamagitan ng paghuhukay ng
lupa.
_______________4. Alyansang sinalihan ng United States nang sumali ito sa digmaan.
_______________5. Ang barkong ito ng Britanya ay pinalubog ng Germany kung saan mahigit
isang libo ang namatay kabilang ang 128 na Amerikano.
_______________6. Bansang huling sumuko sa Unang Digmaang Pandaigdig.
_______________7. Pinakamabagsik na raider ng Germany.
_______________8. Ang paglagda sa kasunduang ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
_______________9. Popular siya sa Austria-Hungary dahil siya ang Inspector General ng
sandatahang lakas at isinusulong niya ng modernisasyon sa militar.
______________10. Bansang natalo ng Germany at napilitang lagdaan ang Treaty of Brest-
Litovsk.

5
Pagsasanay 2

Panuto: Gamit ang PEMDAS rule, i-solve ang Mathematical Equation. Ang inyong
sagot ay ang magsisilbing taon o year na inyo namang hahanapan ng mahalagang
pangyayaring naganap sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang sagot sa unang
bilang ay naibigay na.

MATHEMATICAL SAGOT/ MAHALAGANG PANGYAYARI SA


EQUATION TAON UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
-Pagpatay kay Archduke Franz
1. (50 x 20) + (150 x 6) + 14 Ferdinand at pagsisimula ng Unang
1000 + 900 + 14 1914
Digmaang Pandaigdig
= 1914
2. (46 x 15) + (25 x 49)

3. (75 x 48) – (33 x 51)

4. (35 x 76) – (53 x 14)

5. (20 + 23) x (17 + 16) + 500

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa
patlang kung wasto ang inilalahad ng pangungusap. Kung mali naman, salungguhitan ang
salita o mga salitang nagpapamali sa pangungusap at isulat ang tamang sagot sa patlang.

halimbawa:
__1914 __1. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong taong 1917.

__________1. Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at


ari-arian, tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar ang nagastos sa digmaan.

__________2. Isa sa mga naging bunga ng digmaan ay ang pagbabago sa mapa ng Asya.

__________3. Sa usaping pulitikal isa sa mga naging resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig
ay ang pagbagsak na dalawang dinastiya.

6
__________4. Kinilala ang kakayahan at mahalagang tungkulin ng mga kababaihan sa
panahon ng digmaan sapagkat sila ang sumalo sa mga gawain o hanapbuhay
ng mga kalalakihan habang ang sila ay nasa digmaan.

__________5. Isa sa mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay naantala ang
kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan.

Pangwakas

Panuto: Ipaliwanag ang kasabihan na “Sa bawat digmaan ay walang panalo, lahat
ay pawang talo” sa pamamagitan ng pagsulat ng talata na hindi bababa sa walong (8)
pangungusap.

Rubrik sa Pagtataya sa Pangwakas na Gawain

PAMANTAYAN Puntos
Anyo: Pagsunod sa tema o paksa ng ipinasusulat
Hikayat: Paraan ng pagtalakay sa paksa at
pagkakaugnay ng mga ideya.
Nilalaman: lawak ng kaalaman sa paksa.

Total

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay
4- Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong
3- Katanggap-tanggap na pagsasanay

7
Mga Sanggunian

Blando, Rosemarie C.,Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kallena Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8- Modyul ng Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS) 2014. 322-337.

Araling Panlipunan Serye III (Kasaysayan ng Daigdig)


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon
Grace Estela C. Mateo, PhD et al., 2012

Susi sa pagwawasto

PAGSASANAY 1: PAGSASANAY 3:
1. Italy 1. TAMA
2. Gavrilo Princip 2. Asya - Europe
3. Trench warfare 3. dalawa - apat
4. Allied Power 4. TAMA
5. Lusitania 5. TAMA
6. Germany
7. Emden
8. Treaty of Versailles
9. Arch. Franz Ferdinand
10. Russia

PAGSASANAY 2:

MAHALAGANG
MATHEMATICAL SAGOT/
PANGYAYARI SA UNANG
EQUATION TAON
DIGMAANG PANDAIGDIG
-Pagpatay kay
Archduke Franz
1. (50 x 20) + (150 x 6) +
Ferdinand at
14 1914
pagsisimula ng Unang
1000 + 900 + 14
Digmaang Pandaigdig
= 1914
2. (46 x 15) + (25 x 49)
Maaring iba-iba ang sagot
690 + 1,225 1915
ng mga mag-aaral
=1915
3. (75 x 48) – (33 x 51)
Maaring iba-iba ang sagot
3600 – 1683 1917
ng mga mag-aaral
= 1917
4. (35 x 76) – (53 x 14)
Maaring iba-iba ang sagot
2660 – 742 1918
ng mga mag-aaral
= 1918
5. (20 + 23) x (17 + 16) +
500
Maaring iba-iba ang sagot
43 x 33 + 500 1919
ng mga mag-aaral
1419 + 500
= 1919

PANGWAKAS NA GAWAIN:

MAGKAKAROON NG IBA’T-IBANG KASAGUTAN ANG MGA MAG-AARAL.

Inihanda ni:

JANET V. DE VERA
Teacher III

You might also like