You are on page 1of 16

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Dahilan, Mahahalagang
Pangyayaring Naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig

NegOr_Q4_AP8_Modyul1_v2
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap
sa Unang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Emy Joy E. Alcaide
Editor: Gemma F. Depositario EdD
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin
Isang mapagpalang araw sa inyo!
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.
Sa Araling ito, matutunghayan mo ang paksa tungkol sa mga dahilan, mahahalagang
pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig na nakabase sa MELC
AP8AKD-Iva-1. Dito susuriin mo ang mga dahilan at mga kaganapan at inaasahan ka na
magbigay ng a sariling konklusiyon sa mga dahilan at mahalagang pangyayaring naganap sa
panahong ito lalo na sa pagsulong ng nasyonalismo sa mga bansang sinakop.
Ngayon simulan mo ang pagbabasa sa modyul na ito.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong papel.
1. Ito ay ang pagkakampihan ng mga bansa.
A. Alyansa B. Imperyalismo C. Militarismo D. Nasyonalismo

2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe.


A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Alyansa D. Militarismo

3. Ito ay pagpapakita ng matinding pagmamahal sa bayan.


A. Militarismo B. Alyansa C. Nasyonalismo D. Imperyalismo

4. Ang panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.


A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa

5. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig.


A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan
B. Digmaang Kanluran D. Digmaan sa Karagatan

6. Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas,


pamangkin ni Czar Nicholas II.
A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan
B. Digmang Kanluran D. Digmaan sa Karagatan

7. Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.


A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan
B. Digmaan sa Kanluran D. Digmaan sa Karagatan

1
8. Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany
at Britanya.
A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan
B. Digmaan sa Kanluran D. Digmaan sa Karagatan

9. Ang lugar na naganap ang krisis sa paghudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang


Pandaigdig (Word War 1) noong Hunyo 28, 1914.
A. Germany B. Austria C. Bosnia D. Russia

10. Siya ay isang Archduke sa Austria na pinatay kasama ang kanyang asawa na si Sophie
na naging hudyat din ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Ferdinand Sophie C. Ferdinand Princip
B. Ferdinand Gavrillo D. Franz Ferdinand

Balikan

Larawang Suri:

(School 2013)

Base sa larawan, makikita ang pagpapahalaga ng isang mag-aaral dahil sa paggalang niya
sa ating watawat.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong kwaderno:
1. Para sa iyo, ano nga ba ang kahulugan ng Nasyonalismo?
2. Bilang isang mag-aaral at Pilipino, papaano mo maipapakita ang nasyonalismo sa
ating bansa?

2
Tuklasin
Kailan ba naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula Hulyo 27, 1914 hanggang
Nobyembre 11, 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon
ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente.

Gawain 1: Tanong ko! Sagot mo!

Ano ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

Basahin ang mga pangyayari sa kahon at pumili ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

Lumusob ang Russia Ang krisis na Ang naitaboy ng mga


1

3
2

sa Germany sa naganap sa Bosnia at barkong pandigma ng


pangunguna ni Grand ang pagpatay ni Germany mula sa
Duke Nicholas, Archduke Franz Pitong Dagat (Seven
pamangkin ni Czar Ferdinand noong Seas) lakas pandagat
Nicholas II. Hunyo 28, 1914 ng ng Britanya.
Austria kasama ang
kanyang asawa na si
Sophie.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang una mong naiisip pag naririnig mo ang salitang “Digmaan”?

2.Sa iyong palagay, bakit kaya may digmaan?

3. Para sa iyo, ang digmaan ba ang pinakamabisang paraan para makamit natin ang
kalayaan?

Suriin
Mga Sanhi o Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig

1.NASYONALISMO
- tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sariling bayan o bansa. Ito rin ang ideyolohiyang
pampolitika bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang
wika, kultura at iba pa.

3
Halimbawa: Ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang
nangungunang lahi sa Europe.
May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi
nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais
ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.
2. IMPERYALISMO

– Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang


kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga
makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-
aalitan ng mga bansa.
Halimbawa: Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika
(East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo.
3. MILITARISMO
-Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe
ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang
pagpaparami ng armas.
Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang
magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.

4. PAGBUO NG MGA ALYANSA


Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtulungan sakaling may magtangkang
sumalakay sa kanilang bansa. Nais din ng alyansa na pantayan ang kanilang lakas.
Samantala, sumali ang Germany sa grupo ng Triple Alliance dahil nais mapigilan ang
impluwensiya ng Russia sa Balkan.
TRIPLE ALLIANCE ay binubuo ng mga bansang ITALY, GERMANY, at AUSTRIA-
HUNGARY
TRIPLE ENTENTE ay binubuo ng mga bansang RUSSIA, GREAT BRITAIN at FRANCE.

4
(Elias 2017)

Ang Pagsisimula at Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War
I. Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si
Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng
Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang
Pandaigdig
.

(Elias 2017)

Ang Digmaan sa Silangan

Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni
Czar Nicholas II.

5
Nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng
Tannenberg. Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang
tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang
hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng
pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng Komunismo
sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng
pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-

(Elias 2017

Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.

Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.
Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong
Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na
ng Central Powers. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling
neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin ang mga
teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa.
Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa
Dardanelles.

6
Mga bansang miyembro
ng CENTRAL POWERS:

1. Germany
2. Austria-Hungary
3. Ottoman Empire
4. Bulgaria

(Elias 2017)

Ang Digmaan sa Karagatan


Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng
Germany at Britanya. Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong
Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal
Kiel at naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa
kabilang dako, ang mabibilis na raider at mga sumbarinong U-boats ng kanilang kalaban ay
nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang pinakamabagsik
na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog itong Sydney, isang
Australian cruiser.

7
(Elias 2017)

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa
pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon. Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.
1. Ang tumalo sa bansang Serbia sa Digmaan sa Balkan.
A T R A

2. Ang bansang itong ay tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling Neutral sa Digmaan


sa Balkan.
I A L A

3. Ang bansang tumalo sa Russia sa Digmaan sa Silangan.


G R Y

4. Ang pinakamabagsik na raider ng Germany na napalubog ng Sydney sa Digmaan sa


Karagatan.
E D N

5. Siya ang nagtatag ng Triple Alliance noong 1882.


B S M R K

6. Siya ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria.


G V I O
P R N P

8
7. Ito ay naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I.

K R S S

8. Lugar na pinahirapan ang Russia ng Germany kaya sila natalo.

P L D
9. Dito dumaong ang bapor ng Germany at naging mainit ang labanan sa Digmaan sa
Karagatan.

K N L
K L

10. Ang kumampi sa bansang Germany sa Digmaan sa Balkan.

T R Y

Isaisip
Dapat inyong tandaan:

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula Hulyo 27, 1914 hanggang
Nobyembre 11, 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo noon.
Napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa ito, ang Triple Alliance at Triple Entente.
Ang mga sumusunod ay naging sanhi ng digmaan.
1. Nasyonalismo
2. Imperyalismo
3. Militarismo
4 Pagbuo ng mga Alyansa
Noong pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nito na si Sophie ni Gavrilo
Princip noong hunyo 28, 1914, ang naging hudyat sa pagsisimula ng World War 1.

Isagawa
Bubble Web
Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Bubble Web upang masuri
ang sanhi o dahilan at mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Ilagay ito sa (long bond paper).

9
Dahilan Simula
Unang Digmaang
Pandaigdig

Mahahalagan Mga tauhan


g Pangyayari at tagpuan

Pamprosesong Tanong:
1. Sinu-sino ang mga pinuno na nangunguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?
3. Ipaliwanag ang simula, dahilan, mahahalagang labanan, mga tauhan at tagpuan.
4. Paano nakakaapekto ang digmaang ito sa mundo?

Susuriin ang iyong Gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa Rubric

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang puntos

Naipakikita at naipapaliwang ng
1.Nilalaman mabuti ang tungkol sa Unang 20
Digmaang Pandaigdig

Maayos at malinis ang


2.Presentasyon presentasyon 10

Naiayos ng mabuti ang


3.Malikhaing pagkakasunod-sunod sa mga
Pagbuo dahilan at mahahalagang 20
pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Ang unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula 1914 hanggang _____.


A. 1917 B. 1918 C. 1919 D. 1939

2. Ito ay ang pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa


pamamagitan ng pagpaparami ng armas at sundalo.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa

3. Ito ay ang pagkakampihan ng mga bansa.


A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa

10
4. Napapangkat sa dalawang Magkalabang Alyansa ang Unang Digmaang Pandaigdig
A. Triple and Entente C. Entensity at Aliance
B. Triple Alliance at Triple Entente D. Entent at Triple

5. Ang Triple Alliance ay kinabibilangan ng mga sumusunod na bansa:


A. Italy, Germany C. Italy, Germany, Austria-Hungary
B. Austria-Hungary D. France, Russia, Great Britain

6. Tawag sa panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.


A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa

7. Ang mga sumusunod ay miyembro ng Triple Entente MALIBAN sa:


A. Germany B. Great Britain C. Russia D. France
8. Ito ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sarilig bayan o bansa.
A. Imperyalismo C. Militarismo
B. Nasyonalismo D. Alyansa
9. Ito ay itinuturing na pinakamainit na labanan sa Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Digmaan sa Kanluran C. Digmaan sa Balkan
B. Digmaan sa Silangan D. Digmaan sa Karagatan
10. Sila ang mga miyembro ng Central Powers MALIBAN sa:
A. Germany B. Austria-Hungary C. Bulgaria D. Italy

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nagwakas ang Digmaan?
3. Bakit nagkakaroon ng sigalot ang mga bansa? Paano ba ito maiiwasan?

Krayterya sa Pagmamarka

Nilalaman ……….. 10
Kaangkupan …..….10
Pagkamalikhain ….10
Kabuuan ………….30

11
Susi sa Pagwawasto

10. D 5.B 10.D 5. C


10. Turkey
9.C 4.A 9.A 4. B 9. Kanal Kiel
8. Poland
8. D 3.C 8.B 3. D 7. Krisis
6. Gavrilo Princip
7.C 2.D
7.A 2. C 5. Bismarck
6. A 1.A 4. Emden
1. B 6. A 3. Germany
Subukin: TAYAHIN 2. Italya
1. Austria

PAGYAMANIN

Sanggunian
A. AKLAT

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Araling Panlipunan-Modyul ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral
Mga Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at
Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Ablay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo
M.Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriňa, Visual Communication Deparment, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

B.Websites:
https://m.facebook.com/pes.makati/photos

Elias, Joy. 2017. Slideshare. December 29. Accessed February 17, 2022.
https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like