Professional Documents
Culture Documents
AP8 - q4 - CLAS3 4 - Mga Dahilan Mahahalagang Pangyayaring Naganap NG Ikalawang Digmaang Pandaigdig - V12 Carissa Calalin
AP8 - q4 - CLAS3 4 - Mga Dahilan Mahahalagang Pangyayaring Naganap NG Ikalawang Digmaang Pandaigdig - V12 Carissa Calalin
AP8 - q4 - CLAS3 4 - Mga Dahilan Mahahalagang Pangyayaring Naganap NG Ikalawang Digmaang Pandaigdig - V12 Carissa Calalin
BAITANG/SEKSYON:___________________________
8
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 3 at 4
Dahilan, Mahahalagang
Pangyayaring Naganap at Bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Mary Joy B. Mananquil, Imelda V. Villegas
Pangnilalamang Patnugot: Cyrus B. Mamagat
Editor ng Wika: Jouilyn O. Agot
Tagawasto: Cyrus B. Mamagat, Nimfa V. Alaska
Tagaguhit: John Dale V. Felizarte
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot
Tagalapat: Christine S. Poligrates
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR: Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin,
Jouilyn O. Agot
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga sanhi ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Nasusuri ang dahilan at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Anong samahan ang itinatag noong ika-10 ng Enero 1920 na may layuning
bawasan ang armas ng mga bansa, pigilan ang digmaan sa pamamagitan ng
kolektibong seguridad, isasaayos ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa
pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, at isasagawa ang panlipunan at
makataong mga proyekto?
A. Ethnic Cleansing C. Treaty of Versailles
B. League of Nations D. United Nations
_____ 2. Ano ang layunin ni Adolf Hitler sa muling pagtatag ng sandatahang lakas matapos
tumiwalag ng Germany sa Liga ng mga bansa?
A. Upang pigilan ang digmaan.
B. Upang makuha ang tiwala ng mga kaalyadong bansa.
C. Upang labagin ang Treaty of Versailles at makabangon sa pagkagapi sa Unang
Digmaang pandaigdig.
D. Upang labagin ang Treaty of Versailles at pagtaksilan ang Liga ng mga bansa upang
maging makapangyarihan sa buong daigdig.
1
_____ 4. Ang sumusunod ay kabilang sa mga bansang kasapi ng Allied Powers MALIBAN
sa isa. Alin dito?
A. France C. Great Britain
B. Germany D. United States
_____ 5. Bakit tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero 1942 sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Dahil malakas ang puwersa ng mga Japanese
B. Dahil marami ang bilang ng mga sundalo ng Japan
C. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga bansang Germany at Italy sa Japan
D. Dahil sa pakikipagsabwatan ng mga pinunong militar ng Germany at United States
sa Japan
_____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagsakop ng Italy sa Manchuria
B. Paglusob ng Germany sa Poland
C. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga bansa
D. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)
_____ 7. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga
bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg. Ano ang tawag ng mga Aleman sa mga
bansang nabanggit?
A. Low countries C. Low powers
B. Low nations D. Neutral countries
_____ 10. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Pagkatapos wasakin ang
tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa
takot, at di na muling gagamit ng puwersa”?
A. Sa pagwawakas ng tiraniya ng Nazi ay matatamo na ang pandaigdigang kapayapaan.
B. Ang pagkakaroon ng tiranyang pamahalaan ay mahirap para sa mga mamamayan
nito.
C. Ang tiraniya ng Nazi ang tanging hadlang sa pagkakaroon ng pandaigdigang
kapayapaan.
D. Hindi madaling buwagin ang pamamayagpag ng Nazi kung kaya mas maiging
makipagsabwatan na lamang dito.
2
Ating Alamin at Tuklasin
3
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Pinamunuan ni Benito Mussolini ang pananakop ng Italy sa Ethiopia noong 1935.
Tuluyan nang nilabag ng Italy ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).
6. Paglusob sa Czechoslovakia
Noong September 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na
pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito hinikayat ng England si
Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten
at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa
Germany.
Pinagkunan: (Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag-
Aaral, Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon-Bureau of Learning Resources, 2014, 475-476.)
4
MAHAHALAGANG PANGYAYARI BAGO AT NOONG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Petsa Kaganapan
Marso 1939 Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia.
Abril 1939 Sinakop ng Italy ang Albania.
Agosto 1939 Kasunduang Nazi-Soviet: magiging neutral
ang Germany at Soviet Union kapag ang
bawat isa ay makidigma sa iba.
Setyembre 1, Sinakop ng Germany ang Poland matapos
1939 ang isinagawang blitzkrieg.
Setyembre 17, Sumalakay ang Russia na may lihim na
1939 kasunduan kay Hitler sa Silangang bahagi ng
Poland.
Abril 1940 Sinalakay ng Germany ang Norway at
Denmark.
Oktubre 1940 Nabigo ang isinagawang pananakop ng Italy
sa Greece.
Mayo 10, 1940 Biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral
na mga bansa ng Belgium, Netherlands, at
Luxembourg.
Sinakop ng Germany ang Hilagang bahagi ng
Hunyo 10, France.
1940 Sa France, nabigla nang dumating sa
pintuan ng Paris ang mga Aleman.
Bumagsak ang Paris at inilipat ang
pamahalaan sa Bordeaux.
Agosto 1940 Tinangkang sakupin ng Germany ang Great
Britain sa Battle of Britain subalit nabigo.
Disyembre 7, Binomba ng Japan ang United States dahil
1940 sa kanilang pagtigil ng suplay ng produksyon
sa Japan. Kinabukasan, nagdeklara ng
digmaan ang United States laban sa Axis
Powers.
Abril 1941 Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at
Greece.
Hunyo 1941 Tinangka ng Germany na sakupin ang Soviet
-Enero 1943 Union subalit nabigo.
Paglagda sa Atlantic Charter kung saan
nagkasundo ang United States at Great
Agosto 1941 Britain na itaguyod ang kapayapaan.
Nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng
United States of America at Winston
Churchill, Punong Ministro ng England sa
baybayin ng Newfoundland.
5
Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan
at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban
sa United States.
Enero 2, 1942 Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila.
Martsa ng Kamatayan na naganap sa
Abril 9, 1942 pagsakop ng Japan sa Pilipinas na naglakbay
mula sa Mariveles, Bataan hanggang San
Fernando, Pampanga.
Agosto 1942 Sinakop ng United States ang Solomon
Islands.
Nobyembre Naitaboy ng United States at Great Britain
1942 ang Italy at Germany mula sa hilagang
baybayin ng Africa.
Setyembre Sinalakay ng Allies ang mainland Italy.
1943
Hunyo 6, 1944 (D-Day) Lumapag at dumaong sa Normandy
ang mga hukbo ng Allies samantala sa
Silangang Europa ay nilumpo ng mga
Russian ang mga hukbong Nazi at nasakop
ang Berlin.
Setyembre Nang palayain ng Allies ang Belgium.
1944
Oktubre 20, Bumalik sa Leyte si Heneral Douglas
1944 MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga
Pilipino.
Disyembre 6, Sinalakay ng mga Allies na malapit sa
1944 Luxembourg. Tinawag na “Battle of the Bulge”
ang labanang ito kung saan natalo ang mga
Nazi.
Abril 2, 1945 Nahuli at pinatay si Mussolini kasama ang
kanyang kinakasamang babae na si Clara
Abril 30, 1945 Peracci sa Hilagang Italy.
Nagpakamatay si Hitler bago pa man
madakip ng Allies.
Mayo 2, 1945 Nabihag ng mga Russian ang Berlin.
Mayo 7, 1945 Tinanggap ang walang pasubaling tadhana
ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims.
Mayo 13, 1945 Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied
Powers sa Hilagang Africa.
Hunyo 11, Nabihag ng Allied Powers ang Sicily.
1945
Agosto 6, 1945 Ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa
Hiroshima ng eroplanong Enola Gay ng
United States. Sinalakay naman ng Russia
ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin.
Agosto 9, 1945
Muling nagbagsak ng bomba atomika sa
Agosto 15, Nagasaki ang mga Amerikano.
1945 Tinanggap ang ultimatum ng mga Allies at
tuluyan nang sumuko.
Setyembre 2, Nilagdaan ng bansang Japan ang mga
1945 tadhana ng pagsuko sa sasakyang US
Missouri sa Tokyo Bay.
Pinagkunan: (Grace Estela C. Mateo et al., Araling Panlipunan 8: Makabayang Pilipino Serye II: Asya Pag-usbong
ng Kabihasnan, Batayang Aklat para sa Mag-aaral, Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon-Vibal
Publishing House, Inc., 2012, 326-330.)
6
MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1. Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa
ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Facismo ni Mussolini, at
Imperyong Japan ni Hirohito.
4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa
ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang East Germany, West
Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China (Taiwan na ngayon), Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Ceylon (Sri Lanka na ngayon), India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq,
at iba pa.
Pinagkunan: (Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag-
Aaral, Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon-Bureau of Learning Resources, 2014, 483.)
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa kahon ang tinutukoy na konsepto sa bawat aytem. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ano ang tawag sa kasunduan na itinatag noong 1919 na may layunin na isulong
ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa?
_____ 2. Sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas naglakbay mula sa Meraviles, Bataan hanggang
San Fernando, Pampanga ang mga Pilipino, ano ang tawag sa pangyayaring ito?
_____ 3. Ano ang iba pang tawag sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan ay
nagmula ito sa maraming argumento ukol sa naging sanhi ng digmaan?
_____ 4. Sa pagkakaroon ng digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist
Front at ng sosyalistang Popular Army, anong partido ang nanalo?
_____ 5. Ano ang tawag sa kasunduan na may layuning hindi pakikidigma?
7
Gawain 2
Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na
tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap.
1.
DLA LEI
ERSPOW Anong puwersa ang kinabibilangan ng mga bansang
France, Great Britain, at United States?
Sagot: _____________________
2.
TENBIO Sino ang namuno sa pananakop ng Italy sa Ethiopia noong
SOLSIIN 1935?
UM
Sagot: _____________________
3.
SIXA Anong puwersa ang kinabibilangan ng mga bansang
OEWPRS Germany, Japan, at Italy?
Sagot: _____________________
Sagot: _____________________
5.
DFOLAF
LITHRE Sino ang lider ng sandatahang militar ng Nazi?
Sagot: _____________________
?
Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa larangan ng kabuhayan, politika, at kultura ng mga
bansang nasangkot rito?
8
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang bawat pahayag. Iguhit ang puso kung ang pahayag ay
naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at emoji kung hindi.
_____2. Sumalakay ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler sa Silangang bahagi
ng Poland.
_____3. Naitaboy ng United States at Great Britain ang Italy at Germany mula sa hilagang
baybayin ng Africa.
_____4. Pinalubog ng submarino ng Germany ang Lusitania, isang barkong British.
_____5. Sinalakay ng Russia ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin.
Gawain 2
Panuto: Punan ang ladder web ng mga kinakailangang impormasyon ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nasa kahon sa ibaba ang pagpipiliang sagot.
?
Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit?
9
Ang Aking Natutuhan
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
_____1. Ano ang layunin ni Adolf Hitler sa muling pagtatag ng sandatahang lakas matapos
tumiwalag ng Germany sa Liga ng mga bansa?
A. Upang pigilan ang digmaan
B. Upang makuha ang tiwala ng mga kaalyadong bansa
C. Upang labagin ang Treaty of Versailles at makabangon sa pagkagapi sa Unang
Digmaang pandaigdig
D. Upang labagin ang Treaty of Versailles at pagtaksilan ang Liga ng mga bansa upang
maging makapangyarihan sa buong daigdig
_____ 2. Bakit tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero 1942 sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Dahil malakas ang puwersa ng mga Hapones
B. Dahil marami ang bilang ng mga sundalo ng Japan
C. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga bansang Germany at Italy sa Japan
D. Dahil sa pakikipagsabwatan ng mga pinunong militar ng Germany at United States
sa Japan
10
_____ 3. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Pagkatapos wasakin ang
tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa
takot, at di na muling gagamit ng puwersa”?
A. Sa pagwawakas ng tiraniya ng Nazi ay matatamo na ang pandaigdigang kapayapaan.
B. Ang pagkakaroon ng tiranyang pamahalaan ay mahirap para sa mga mamamayan
nito.
C. Ang tiraniya ng Nazi ang tanging hadlang sa pagkakaroon ng pandaigdigang
kapayapaan.
D. Hindi madaling buwagin ang pamamayagpag ng Nazi kung kaya mas maiging
makipagsabwatan na lamang ditto.
_____ 4. Anong samahan ang itinatag noong ika-10 ng Enero 1920 na may layuning
bawasan ang armas ng mga bansa, pigilan ang digmaan sa pamamagitan ng
kolektibong seguridad, isasaaayos ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa
pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, at isasagawa ang panlipunan at
makataong mga proyekto.
A. Ethnic Cleansing C. Treaty of Versailles
B. League of Nations D. United Nations Ethnic
_____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagsakop ng Italy sa Manchuria
B. Paglusob ng Germany sa Poland
C. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
D. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)
_____ 6. Ang digmaang sibil ng Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at
sosyalistang Popular Army ay naganap noong 1936. Bakit nagdulot ito ng
pagkadamay ng maraming bansa sa nasabing digmaan?
A. Dahil sa pakikialam ng ibang bansa
B. Dahil sa pakikipagkalakalan ng ibang bansa
C. Dahil sa pakikipagsabwatan at alyansa ng ibang bansa
D. Dahil sa pagkakaroon ng kasunduan ng mga bansang magkaalyado
_____ 7. Paano nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano ang pagkapanalo ng Nazi sa
Europa?
A. Nag-alala sila sa sandatahang lakas na mayroon ang mga Europeo
B. Nabahala sila sa kaligtasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones
C. Nabahala sila sa kaligtasan ng England pati na ang layuning demokrasya
D. Naramdaman nilang may sabwatang nagaganap sa mga kaalyado nilang bansa
_____ 8. Ang sumusunod ay kabilang sa mga bansang kasapi ng Allied Powers MALIBAN
sa isa. Alin dito?
A. France C. Great Britain
B. Germany D. United States
_____ 9. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga
bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg. Ano ang itinawag ng mga Aleman sa
mga bansang nabanggit?
A. Low countries C. Low powers
B. Low nations D. Neutral countries
11
_____ 10. Ang sumusunod ay mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang?
A. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler
ang kanyang blitzkrieg o biglaang paglusob na walang babala.
B. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina
Pangulong Roosevelt ng United States of America at Winston Churchill, Punong
Ministro ng England.
C. Noong Enero 1918, binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ang labing-apat na
puntos na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikipagdigma.
D. Noong ika-11 ng Disyembre 1941, ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng
Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United State.
12
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. B 6. A
TAYO’Y MAGSANAY Ano ang dahilan ng
2. C 7. A
Ikalawang Digmaang • Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Gawain 1 Pandaigdig? • Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa.
3. A 8. C
Magbigay ng dalawa.
4. B 9. C 1. B 2. D 3. A 4. E 5. C
Magbigay ng dalawang
5. C 10. A Gawain 2 mahahalagang • Marso 1939 -Sinakop ng Germany ang
pangyayaring naganap Czechoslovakia
1. ALLIED POWERS sa Ikalawang Digmaang • Abril 1939- Sinakop ng Italy ang Albanya
TAYAHIN Pandaigdig.
2. BENITO MUSSOLINI
3. AXIS POWERS
1. C 4. B 7. C Ano ang bunga ng • 1. Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang
4. LEBENSRAUM Ikalawang Digmaang ari-arian
2. C 5. A 8. B 5. ADOLF HITLER Pandaigdig? Magbigay • 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang
Pandaigdig
ng dalawa.
3. A 6. A 9. A
10. C
ATING PAGYAMANIN
Gawain 1 Gawain 2
Paglusob sa Czechoslovakia
Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna
L. De Jesus, Asher H.Paso, Rowel S.Padernal, Yorina C. Manalo at Kalenna Lorence
S. Asis. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig -Modyul Para Sa Mag-Aaral.
Pasig City: DepEd-Bureau of Learning Resources, 2014.
Mateo, Grace Estela C., Celinia E. Balonso, Celestina P. Boncan, Rosita D. Tadena, at
Mary Dorothy Jose dl. at John N. Ponsaran. Araling Panlipunan 8: Makabayang
Pilipino Serye II: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat para sa Mag-
aaral. Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon-Vibal Publishing House, Inc., 2012.
13
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL
Wala
PANGALAN NG PAARALAN:
14