You are on page 1of 15

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____ 11
1
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Kwarter I – Modyul 3
Mga Barayti ng Wika/Register,
Homogenous at Heterogenous

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I- Modyul 3: Mga Barayti ng Wika/Register, Homogenous at Heterogenous
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Marilyn C. Villon
Pangnilalamang Patnugot: Marilyn C. Villon
Editor ng Wika: Marilyn C. Villon
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Enrile O. Abrigo, Angie Lyka L. Galaroza, Agnes B.
Mendoza, Marichel V. Miraflores
Tagaguhit: Yvie Writz M. Arzaga
Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Mabel F. Musa, PhD, OIC - ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS - Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas na Tagasuri:
Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor
College of Teacher Education
Palawan State University

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Barayti ng Wika/Register,
Homogenous at Heterogenous
MELCs: Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11-EP-Ic-30).

Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan


(F11PT-Ic-86).

Mga Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga barayti ng wika, homogenous at heterogenous.
2. Natutukoy ang mga sitwasyong pangwika batay sa mga uri ng barayti ng wika.
3. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga
barayti ng wika.

Subukin Natin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik ng iyong napiling sagot.

_________1. Ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika?


A. Relihiyon, Gawi at Kalagayang Espirituwal.
B. Katangian, Kakayahan at Kalusugan.
C. Pinag-aralan, Kalagayang-panlipunan at Kasarian.
D. Pangarap, Pagdedesisyon at Pagmamahal.

_________2. Bakit walang buhay na wika ang maituturing na homogenous?


A. Dahil ang bawat wika ay binubuo ng mahigit sa isang barayti.
B. Dahil ang bawat wika ay parehong-pareho ang barayti nito.
C. Sapagkat ang tao ay hindi nakikipag-ugnayan sa kapwa tao.
D. Sapagkat ang tao ay napabibilang sa multidimensyonal.

_________3. Sa paanong paraan nagiging heterogenous ang wika?


A. Inilalahad nito ang kaisahan ng bawat barayti.
B. Isinailalim ang wika sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
C. Ipinakikita nito ang iba’t ibang salik panlipunan.
D. Ipinasusuri ang iba’t ibang bahagi ng salik panlipunan.

__________4. Paano nalilikha ang iba’t ibang barayti ng wika?


A. Pagpapakita ng magandang katangian sa kaniyang kapwa.
B. Pagsisiyasat sa mga isinagawang pag-aaral sa wika.
C. Pagsusuri ng tao sa kaniyang mga nagawang pananaliksik.
D. Pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar.

__________5. Sa kasalukuyang pag-aaral ng isang wika ni Paz (2003), ano ang dahilan kung
bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika?
A. Diligence
B. Convergence
C. Divergence
D. Conserve
1
__________6. Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng sosyolek
ayon kay Rubrico (2009)?
A. Mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan.
B. Nagsasaad sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika ng mga tao.
C. Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal.
D. Wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa lugar

__________7. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng pangungusap na


‘‘Di donde lugar to?” sa wikang Chavacano?
A. Taga saan ka?
B. Anong lugar ito?
C. Saan ang bahay ninyo?
D. Bakit ka nakarating sa lugar na ito?

__________8. ”Bunsod ng pagsasailalim sa ‘state of public health emergency’ ng bansa dulot


ng banta ng 2019 coronavirus disease (Covid-19), ipagpapaliban muna ng
mga lokal na pamahalaan sa Palawan ang ilang pagdiriwang.” Sa anong
barayti ng wika nabibilang ang pahayag?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Creole
D. Register

__________9. Tuwing umuulan ang palaging gamit ni Juan Dela Cruz ay vakkul. Anong
barayti ng wika nabibilang ang salitang sinalungguhitan?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Creole
D. Register

__________10. ”I’m gonna beg all of you na huwag kayong go outside in your home. Always
put an acohol and make wash your kamay.” Sa anong barayti ng wika
nabibilang ang pahayag?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Sosyolek
D. Register

2
Ating Alamin at Tuklasin
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag- ugnayan
ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-
uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na
pinagmulan nito.

Sa kasalukuyang panahon ay pinag- aralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at


karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring
nagreresulta sa tinatawag na divergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba’t ibang
uri o barayti ng wika (Paz, et. al. 2003).

Brgy. Kapitan: I
gonna beg all of you
Binhi
na huwag kayong go
ng
outside in your home.
Kaalaman
Always gonna put an
Register- ito ang acohol and make
barayti ng wika kung wash your kamay.
saan naiaangkop ng Residente: Kap, Is it
isang nagsasalita ang true that our
What If Coño lahat Barangay gonna
uri ng wikang ginagamit
the people here in Puerto? I- lockdown for 14
niya sa sitwasyon at sa
kausap. Nagagamit ng share ko sa iyo ang days? Paano na lang
nagsasalita ang pormal maikling dialog na ito. our basic needs
na tono ng pananalita would you make
kung ang kausap niya support us?
ay isang taong may mas Newscaster: I have
mataas na katungkulan hot balita to everyone
nakatatanda, o hindi here in Puerto, were
niya masyadong so blessed because
kakilala. Pormal na many post ng
wika rin ang nagagamit kuryente in the
sa mga pormal na street.
pagdiriwang o
pangyayari. Ang di
pormal na paraan ng
pagsasalita ay
nagagamit naman
kapag ang kausap ay
mga kaibigan at iba pa. Walang buhay na wika ang maituturing na
homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang
(Pinagkunan: Dayag, mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing
Alma M. et al. homogenous ang wika kung pare- parehong magsalita
Komunikasyon at ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et. al 2003).
Pananaliksik sa Wika at
Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito
Kulturang Pilipino 11,
Kagamitan ng Mag-aaral, ng pagkakaiba- iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan
Quezon City Avenue:, tulad ng edad, hanapbuhay, o trabaho, antas ng pinag-
Phoenix Publishing aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o
House., 2016, p.49) lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo’y
nabibilang, at ibang
Mga Barayti pa. Ipinakikita ng iba’t ibang salik
Wika
panlipunang ito ang pagiging heterogenous ng wika.

3
DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

Halimbawa:
Cuyunon Kinaray-a

Mapustura Guapa
Ara asukal Naay kalamay
Makurî Mabudlay/Malisud
Tagalog sa Rizal Tagalog sa Morong
Ate Kaka
Hikaw Panahinga
Bisaya Rosita Bisaya Dinagat
Gipaningot ko’g dinagan. Taghuyasan ako’g dinayagan.
Dako kaayo iyang tango. Dako kaayo ang iyang ngipon.

IDYOLEK
Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita. Kilala ang idyolek ng mga bantog na personalidad sa telebisyon tulad nina “Rex
Ruta, “Alisto Palaweno”, Jay Zabanal, “TV Patrol Palawan!” at si Michael Bacaser o kilala
bilang “Papi Migs” sa tuwing siya’y nagbabalita sa kaniyang pangwakas na salita na “Tuk-
o! Tuk-o!”

SOSYOLEK
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika
ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilang kinabibilangan.

Narito ang ilan sa mga uri ng Sosyolek:

1. Gay lingo- wika ng mga beki


Halimbawa ang mga salitang Churchill para sa sosyal, Indiana Jones o nang-
indyan o hindi sumipot, bigalou o malaki (big), Givenchy o pahingi (give), Juli
Andrews o mahuli, mudra o mama, pudra o tatay, jutay o maliit
kabog o talo! at iba pa.
2. Coňo- Sa “coñotic” o “conyospeak” ay mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles
na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na make kain, make lakad,”
at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na, lang,
at iba pa. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t
masasabing may code switching na nangyayari.
Halimbawa:
Kaibigan 1: Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba
na naman for sure.
Kaibigan 2: I know, right. Sige, go ahead na.

(Pinagkunan: Dayag, Alma M. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino 11, Kagamitan ng Mag-aaral, Quezon City Avenue: Phoenix Publishing House., 2016,
p.44)

4
3. Jejemon- ang “jejemon” o “jejespeak.” Sinasabing ang salitang jejemon ay nagmula
sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang
mula sa Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga
wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo- halong
numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na
jejetyping.
Halimbawa:
▪ 3ow ph0w, mUsZtAh Na phow kaOw? “Hello po, kamusta na po kayo?”
▪ aQcKuHh iT2h “Ako ito.”
▪ IMiszqcKyuH “I miss you.”
▪ MuZtaH “Kamusta?”

4. Jargon- ang jargon o mga natatanging bokabolaryo ng partikular na pangkat ay


nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga
abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complainant
at iba pa.
ETNOLEK

Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek
ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi
na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa’y ang sumusunod:

➢ ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan sa lugar ng Batanes na pantakip


sa ulo sa init man o sa ulan.

➢ ang paggamit ng mga Ibaloy sa lugar ng Benguet, Cordillera Central Luzon, SH sa


simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), shadshak (kaligayahan),
peshen (hawak)

PIDGIN
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap
na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay hindi pareho ng wikang ginagamit. Umaasa
lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Halimbawa ng wikang Pidgin
Turistang Intsik: Nǐ yào dāi duōjiǔ?
Drayber: What? Ano po?
Turistang Intsik: Gaano tagal ka stay here? How long are you staying?
Drayber: Dalawang taon (2) pa lang po ako stay dito.

CREOLE
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano).
Halimbawa:
▪ Mi nombre – Ang pangalan ko
▪ Di donde lugar to? – Taga saan ka?
(Pinagkunan: Dayag, Alma M. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11,
Kagamitan ng Mag-aaral, Quezon City Avenue:, Phoenix Publishing House., 2016, p.45)
5
REGISTER

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng
pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pormal na wika rin ang
nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari.

Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay


mga kaibigan, malapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing- edad, at ang matatagal nang
kakilala. Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o
magbabarkada.
Tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng
mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Isang halimbawa nito’y ang pagsasabing “Hindi ako makakasama, wala akong
datung” kapag kaibigan ang kausap pero nagiging “Hindi po ako makakasama dahil wala
po akong pera” kapag sa guro na sinasabi ang sitwasyon.
Atin pang alamin ang ilan pang halimbawa ng barayti ng wika:
Ang Chavacano o Chabacano [tʃaβaˈkano] ay isang pangkat ng wikang creole na batay
sa Kastila na sinasalita sa Pilipinas. Ang baryante na sinasalita sa Lungsod ng Zamboanga,
na matatagpuan sa Katimugang Pilipinong grupo ng Isla ng Mindanao ay may
pinakamaraming nagsasalita nito. Mahahanap ang mga ibang nabubuhay na uri nito sa
Lungsod ng Cavite at Ternate, na matatagpuan sa lalawigan ng Cavite sa pulo ng
Luzon. Chavacano ang nag-iisang kreolo batay sa Kastila sa Asya. Nagmumula ang salitang
Chavacano mula sa Kastila, na halos nangangahulugan ng Ang Chavacano (lalo na ang
Zamboangueño) ay may dalawang rehistro o sosyolekto: ang karaniwan, kolokyal, bulgar o
pamilyar at ang pormal na rehistro/sosyolekto.
Sa rehistrong/sosyolektong pormal, nangingibabaw ang mga salitang mula sa Kastila o
mga salitang Kastila. Ginagamit ang rehistrong pormal lalo na kapag nagsasalita sa mga
taong may mas mataas na kalagayan sa lipunan. Ginagamit din ito kapag nakikipag-usap
sa mga matatanda (lalo na sa loob ng pamilya at mga matandang kamag-anak) at sa mga
may awtoridad. Mas ginagamit ito ng mga matatandang henerasyon, mestisong
Zamboangueño, at sa mga baryo. Ito ang anyong ginagamit sa mga talumpati, edukasyon,
midya, at pagsusulat.
Halos pasalitang wika ang Chavacano. Sa nakaraan, limitado ang paggamit nito sa
panitikan at higit sa lahat nakakulong sa heograpikal na lokasyon kung sinasalita ang isang
partikular na baryante. Mas ginagamit ito bilang pasalitang wika kaysa sa wikang
pampanitikan kumpara sa paggamit ng Kastila sa Pilipinas, kung saan mas matagumpay
siya bilang wikang sinulat kaysa sa wikang sinasalita. Kamakailan lamang, mayroong mga
tangka para hikayatin ang paggamit ng Chavacano bilang wikang pansulat, ngunit
karamihan sa nagtangka ay maliit na pagtangka sa alamat at panitikang pang-relihiyon at
ilang mga sinaulat sa midya ng paglilimbag.

(Pinagkunan: Dayag, Alma M. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11,
Kagamitan ng Mag-aaral, Quezon City Avenue:, Phoenix Publishing House., 2016, p.46)

6
Tayo’y Magsanay

Panuto: Tukuyin at piliin sa kahon ang hinihingi sa bawat pahayag. Isulat ang titik na
katumbas ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawing batayan o clue ang sagot sa
equation na katapat ng bawat pahayag.

A. 90- Jargon C. 42- Register E. 75- Sosyolek


B. 17- Etnolek D. 12 - Pidgin F. 14- Creole

_______ (32x4)+6= 1. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita
ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
_______ 30% of 40= 2. Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estruktura.

_______ 10x(4+5)= 3. Mga natatanging bokabolaryo ng partikular na pangkat ay


nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain
_______ (5-3)+(6x2)= 4. Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong
salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay
naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
_______ 3x52= 5. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at
Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero,
mga simbolo at may kasamang maliliit na titik.

Panuto: Isulat ang A kung tama ang pahayag at B naman kung ang pahayag ay mali. Isulat
ito sa patlang bago ang bilang.
________1. Sa rehistrong/sosyolektong karaniwan, kolokyal, bulgar, o pamilyar,
nangngingibabaw ang mga salitang may lokal na pinagmulan o halo ng salitang
lokal at Kastila.
________2. Ang tatlong kilalang baryante ng Chavacano kung saan Cuyunon ang kanilang
wikang ginamit ay mga kreolong batay sa Luzon ay Caviteño (sinasalita
sa Lungsod ng Cavite), Bahra o Ternateño (sinasalita sa Ternate, Cavite)
at Ermiteño (na dating sinalita sa lumang distrito ng Ermita sa Manila at lipol
ngayon).
________3. Ang Chavacano ay isang pangkat ng wikang kreolo na batay sa Kastila na
sinasalita sa Pilipinas.
________4. Sa rehistrong/sosyolektong impormal, nangngingibabaw ang mga salitang mula
sa Kastila o mga salitang Kastila. Ginagamit ang rehistrong impormal lalo na
kapag nagsasalita sa mga taong may mas mataas na kalagayan sa lipunan.
________5. Sa Lungsod ng Zamboanga, habang ginagamit ang wika ng midyang pangmasa,
Simbahang Katoliko, edukasyon, at pamahalaang lokal, kaunti lamang ang mga
panitikan na sinulat sa Zamboangueño at hindi agad-agad makahahanap ang
publiko ng mga rekurso tungkol dito.

7
Ating Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga
pahayag o sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Sosyolek D. Pidgin
B. Dayalek E.Creole
C. Idyolek

______ 1. Cuyunon: Ikaw baya ang kapustura ingan!


Bisaya: Unsa man imong gisulti dili ko kasabot ana!
Ilokano: Jyak ma awatan!

______ 2. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


Wow pare, ang tindi ng dating ko! Gosh!
Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.

______ 3. Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. Ikaw bili face mask at alcohol akin
para ako uwi bahay.

______ 4. Kilalang-kilala ng mamamayan ng Puerto Princesa si Mayor Lucilo


Bayron sa kaniyang pahayag na “Hindi Bukas, Kundi Ngayon”
ang apuradong administrasyon.

______ 5. Nagkikita ang dalawang magkaibigan sa SM, “Buenas dias”, Di donde


lugar to? Mi Barangay Sta. Monica. “Gracias”.

8
Panuto: Pumili ng isang iniidolo mong personalidad, maaaring mula sa larawang nasa
ibaba o hindi. Sumulat ng balita gamit ang wikang kanilang ginagamit na nakabatay sa
Register ng Wika. Isulat ang sariling balita sa kahon na nasa ibaba. Gawing gabay ang
rubrik sa ibaba.

Wikang Register Wikang Dayalek Wikang Sosyolek

Mayor Lucilo R. Bayron Dionisia Pacquiao Vice Ganda

Rubrik sa Pagpupuntos ng Balita


Puntos
4 Malinaw na makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi:
(ganap na kawastuhan, timbang walang kinikilingan, kaiklian, kasariwaan at
kalinawan)
3 Makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi: (ganap na
kawastuhan, timbang walang kinikilingan, kaiklian, kasariwaan at
kalinawan)
2 Bahagyang makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi:
(ganap na kawastuhan, timbang walang kinikilingan, kaiklian, kasariwaan at
kalinawan)
1 Hindi makikita ang lohikal na ugnayan ng mga ideya sa bawat bahagi: (ganap
na kawastuhan, timbang walang kinikilingan, kaiklian, kasariwaan at
kalinawan)

9
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sagot na hinihingi sa patlang upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

A. Pangunahing wika F. Sumibol

B. Pinaghalong salita G. Nadebelop

C. Dayuhan H. Domeyn

D. Estruktura I. Lugar

E. Pagkakakilanlan J. Register

Dudugtungan Ko

Ang etnolek ay isang uri ng barayti ng wika na (1) ________________ mula sa


salita ng mga etnolingguwistikong grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming
pangkat-etniko (2) ____________________ ang iba’t ibang uri ng etnolek. Taglay nito
ang mga wikang naging bahagi ng (3) ___________________ ng bawat pangkat-etniko.
Kung saan ang pidgin ay barayti ng wika na walang pormal na (4) __________.
Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga (5) ________________.
Samantalang ang creole ay barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga
(6)________________ ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay
naging (7) ________________ ng partikular na (8) ________________.
Patunay rin ang (9) _______________ ay barayti ng wikang espesyalidong
ginagamit ng isang partikular na (10) _________________.

Ating Tayahin
A.
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot na
tinutukoy sa bawat aytem.

__________1. ”Bunsod ng pagsasailalim sa ‘state of public health emergency’ ng bansa dulot


ng banta ng 2019 coronavirus disease (Covid-19), ipagpapaliban muna ng
mga lokal na pamahalaan sa Palawan ang ilang pagdiriwang.” Sa anong
barayti ng wika nabibilang ang pahayag?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Creole
D. Register
10
__________2. Tuwing umuulan ang palaging gamit ni Juan Dela Cruz ay vakkul. Sa anong
barayti ng wika nabibilang ang salitang sinalungguhitan?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Creole
D. Register

__________3. ”I’m gonna beg all of you na huwag kayong go outside in your home. Always
put an acohol and make wash your kamay.” Sa anong barayti ng wika
nabibilang ang pahayag?
A. Etnolek
B. Pidgin
C. Sosyolek
D. Register

__________4. Sa kasalukuyang pag-aaral ng isang wika ni Paz (2003), ano ang dahilan kung
bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika?
A. Diligence
B. Convergence
C. Divergence
D. Conserve

__________5. Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng sosyolek,


ayon kay Rubrico (2009)?
A. Mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan.
B. Nagsasaad sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika ng mga tao.
C. Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal.
D. Wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa lugar

__________6. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng pangungusap na


‘‘Di donde lugar to?” sa wikang Chavacano?
A. Taga saan ka?
B. Anong lugar ito?
C. Saan ang bahay ninyo?
D. Bakit ka nakarating sa lugar na ito?

_________7. Ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika?


A. Relihiyon, Gawi at Kalagayang Espirituwal.
B. Katangian, Kakayahan at Kalusugan.
C. Pinag-aralan, Kalagayang-panlipunan at Kasarian.
D. Pangarap, Pagdedesisyon at Pagmamahal.

_________8. Bakit walang buhay na wika ang maituturing na homogenous?


A. Dahil ang bawat wika ay binubuo ng mahigit sa isang barayti.
B. Dahil ang bawat wika ay parehong-pareho ang barayti nito.
C. Sapagkat ang tao ay hindi nakikipag-ugnayan sa kapwa tao.
D. Sapagkat ang tao ay napabibilang sa multidimensyonal.

_________9. Sa paanong paraan magiging heterogenous ang wika?


A. Inilalahad nito ang kaisahan ng bawat barayti.
B. Isinailalim ang wika sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
C. Ipinakikita nito ang iba’t ibang salik panlipunan.
D. Ipinasusuri ang iba’t ibang bahagi ng salik panlipunan.

__________10. Paano nalilikha ang iba’t ibang barayti ng wika?


A. Pagpapakita ng magandang katangian sa kaniyang kapwa.
B. Pagsisiyasat sa mga isinagawang pag-aaral sa wika.
C. Pagsusuri ng tao sa kaniyang mga nagawang pananaliksik.
D. Pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar.

11
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin Tayo’y Magsanay
Ating Pagyamanin Aking Natutuhan
1. C
Gawain 1 Gawain 1 1. G 6. B
2. A 1. C 1. B 2. F 7. A
3. C 2. D 2. A
4. D 3. E 8. I
3. A 3. D
5. C 4. C 4. D 9. J
4. F
6. D 5. E 5. E 5. C 10. H
7. A Gawain 2 Gawain 2
Nakabatay sa Ating Tayahin
8. D
1. A pagsusuri ng mga
9. A 1. D
2. B- TAGALOG mag-aaral.
10. C 2. A
3. A 3. C
4. B-PORMAL 4. C
5. A 5. D
6. A
7. C
8. A
9. C
10. D

Sanggunian
Aklat

Dayag, Alma M., et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
11, Kagamitan ng Mag-aaral, Quezon City Avenue:, Phoenix Publishing House.

12
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

13

You might also like