You are on page 1of 30

• Ang tula ay isang uri ng

panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng tao sa
pamamagitan ng pagsusulat.
Mga
Elemento
ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
1. SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – ito ay may dalawang
pantig
isda ko sa Mariveles – 8 pantig
2. Lalabindalawahin
Halimbawa:

 Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


 Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin
Halimbawa:
 Sari-saring bungang kahoy,
hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang


may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:

 Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga


bagay
 Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy
na malabay
2. SAKNONG
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na
may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya 6 linya
3 linya 7 linya
4 linya 8 linya
5 linya
3. TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng
mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang
tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong
nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-
bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
MGA URI NG TUGMA
1.Tugma sa patinig (Ganap)
halimbawa:
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig,
dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasu-
nod o salitan.
hal. a a a
a a b
a b a
a b b
2. Tugma sa katinig (Di-ganap)
a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon – l,m,n,ng,r,w,y
halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
4. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa:
maganda – marikit
mahirap - dukha o maralita
5.TALINHAGA
Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng
tula na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.
Hal: nag-aagaw buhay
nagbabanat ng buto
1. MALAYANG TALUDTURAN
• Isang tula na isinulat nang walang
sinusunod na patakaran kung hindi ang
anUmang naisin ng sumusulat.

• Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni


Alejandro G. Abadilla
2. TRADISYONAL NA TULA
Ito ay isang anyo ng tula
na may sukat,tugma at mga
salitang may malalim na
kahulugan.
Ang Aking Pag-ibig
Ni Elizabeth Barret Browning )
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
GAWAIN:
Ang bawat grupo ay susulat ng
isang tula patungkol sa Pag-ibig.
Pumili ng isang kinatawan na
siyang magbabahagi ng tulang
inyong ginawa o isinulat.
PAMANTAYAN:
Pamantayan Lubhang Kaaya-aya Nalilinang
kasiya-siya
5pts. 4pts. 3pts.
Nilalaman
Kasanayan sa
pagbigkas

Kaayusan ng
presentasyon

Partisipasyon
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga
katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot na
tinutukoy ng bawat aytem.
1. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-
apat na taludtod sampung pantig sa bawat taludtod.
A. soneto C. haiku
B. tanaga D. alegorya
2. Ito ay isang anyo ng panitikan na may
matalinghagang pagpapahayag ng isipan
at damdamin.
A. dula C. tula
B. sanaysay D. kuwento
3. Alin sa mga elemento ng tula na tumutukoy sa paggamit ng
matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan.
A. tugma C. sukat
B. kariktan D. talinghaga
4. Batay sa tulang ‘Ang Pag-ibig”, ilan ang sukat ng tula?
A. sasampuin C. lalabing-animin
B. lalabing-apatin D. lalabindalawahin
5. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang aking Pag-ibig?
A. pag-ibig sa ama/ina
B. pag-ibig sa kapatid
C. pag-ibig sa kaibigan
D. pag-ibig sa kasintahan/asawa
SAGOT:
1. A
2. C
3. B
4. D
5. D
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang tula. Siguraduhing ang mga
pangungusap ay mapapalooban ng iba’t ibang uri ng
tayutay, pwedeng pumili ng paksa sa mga sumusunod:
a.Pag-ibig
b.Pamilya
c.Pagmamahal sa kalikasan
d. Pagpapahalaga sa paligid

You might also like