You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul : Week4
“Pagtugon sa mga Suliranin at mga Hamong
Kinaharap ng mga Pilipino noong 1946-1972”
Araling Panlipunan – Ikaanim nga Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Week 4: Pagtugon sa mga suliranin at hapon ng mga Pilipino noong
1946-1972

Sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 sinasabi na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghahanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga manunulat (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa modyul na ito ay kinakailangan ng permiso mula sa orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang bahagi ng gamit na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang permiso sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Jonah Lynn S. Rafal
Editor : Vivian D. Tam
Tagasuri : Vivian D. Tam
Tagaguhit : Leo Bill Y. Paglinawan
Tagalapat : Leo Bill Y. Paglinawan
Tagapamahala :
Arden D. Monisit, Ed. D.
Romel Victor A. Villahermosa
Nonale Q. Resoor
Susan T. Balbuena
Boy B. Tachado

Inilimbag sa Pilipinas _____________


Department of Education – Region VII, Division of Guihulngan City
Office Address: Osmeňa Avenue, Poblacion Guihulngan City, Negros Oriental
Telefax: (035) 410-4066/ (035) 410-4069
Email Address: guihulngan.city@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
“Pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino
noong 1946-972”
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipuna 5 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling – Ang Lokasyon ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula
sa pampublikong paaralan upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-2 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal na pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa na iyo higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matutulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayaan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayaan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa


Paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang nahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan .
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha kang malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sadyang nagdulot ng malaking kapinsalaan ang nagdaang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig sa bansa. Bunga nito ay ang napakaraming suliranin aang kinaharap
ng mga Pilipino. Higit na naapektuhan ang kalagayang pangkabuhayan nito.
Paano kaya hinarap ng mga Pilipino ang mga suliraning ito? Paano tinanggap ng
mga nahalal ng pinuno ng bayan ang hamong kanilang hinaharap upang matatag
at masaayos ang kabuhayan sa bansa?
Marahil ay maraming katanungan ang naglalaro sa iyong isipan higgil sa ating
bagong aralin. Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa mga
nais nating matuklasan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang mga programang ipinatupad ng ibat’-ibang


administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at mga
hamong kinaharap ng mga Pilipino

Sa modyul na ito, ikaw ay inasahan na:

1. Masusuri ang mga dahilan ng paglaganap ng mga suliraning pangkabuhayan


2. Matutukoy ang mga paraang isinagawa ng mga suliraning pangkabuhayan
3. Kilalanin ang mga pangulong naglunsad na mga programa at patakaran
4. Naiisa-isa ang mga katangian nina Roxas, Quirino at Magsaysay bilang
pangulo ng bansa

1
Mga Programa at Patakaran
Subukin
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel.
1. Ito ay isang komunidad na binubuo ng mga mamamayang naninirahan nang
palagian sa isang teritoryo, may sariling pamahalaan at Malaya sa kapangyarihan ng
anumang bansa
a) estado b) globo c) soberanya d) pamahalaan
2. Alin ang hindi kabilang sa bumubuo ng isang estado

a) populasyon b) teritoryo c) kaalaman d) pamahalaan


3. Ito ay ahensiyang nagsilbing makinarya na siyang nagsasakatuparan ng lahan ng
mga adhikain ng mga taumbayan

a) populasyon b) lokasyon c) pamahalaan d) kaalaman


4. Ito ay ganap na kapangyarihan ng estado sa pagpapatupad ng mga adhikain at
mithiin ng pamahalaan sa mga lugar na sakop nito.

a) karunungan b) populasyon c) soberanya d) pamahaan


5. Lawak o sukat ng isang estado
a) compass b) degree c) teritoryo d) estado

6. Ito ay binubuo ng mga taong naninirahan sa isang estadong mayroong tiyak na


namumuno at may kakayahang gampanan ang tungkulin sa pamayananng lokal o
pandaigdig

a) mapa b) globo c) populasyon d) bansa


7. Itoy nangangahulugang may pansariling kalayaan ang estado at ang kanyan
kalayaan ay kinikilala ng ibang mga bansa

a) Kaalaman b) Karunungan b) Soberanya d) Estado


8. Kailan nagsimula ang pamamahala ng Ikatlong Republika
a) 1944 b) 1945 c) 1946 d) 1947

9.) Ano ang ibig sabihin ng NARIC?

a) No b) Nation c) National d) Never

10.) Sinong pangalawang pangulo ang katulong ni Manuel A. Roxas upang harapin
ang mga suliranin dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a) Ramon Magsaysay b) Carlos Garcia c) Elpidio Quirino d) wala

2
Upang masolusyunan ang problema higgil sa ekonomiya ng bansa ay isinagawa
ang mga sumusunod:
 Pagsasaayos ng elektripikasyon
 Pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal
 Pagtatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang
 Paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas
 Pagpapasiyasat sa mga likas na kayamanan ng bansang humantong sa
pagmumungkahing kailangang magtatag ng mga industriyang
manganagalaga at lilinang sa mga likas ng kayamanan ng Pilipinas

Balikan

Isaayos ang mga pinaghalo-halong mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang
natatagong salita.

1. 4. 7.

i P n i o h o k a y n

l i p p n a a a l a

2. 5. 8.

m m m a a p i n a s r a l
y a n l s i P i u n i i n

3. 6. 9.
i r t a y l a m a i
a h n n i m a d a g n

3
Tuklasin

Alam mo ba? Dalawa ang titulong taglay ni Manuel Roxas sa kasaysayan ng ating
pamahalaan. Una ang kanyang pagkahalal bilang huling pangulo ng Pamahalaan
Komowelt noong Abril 1946, ikalawa nang ipagdiwang ang kalayaan ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 kung saan siya ay nahalal bilang unang pangulo ng Ikatlong
Republika
Ano- anu ang mga Programa at Patakaran ipinatupad ng mga administrasyon noong
Ikatlong Republika?

Suriin

-Noong Hulyo 4, 1946 ay naging ganap na malayang estado ang Pilipinas nang
ipinahayag ni Pangulong Harry S. Truman ng Estadong Unidos ang kasarinlan ng
Pilipinas.
Ang pamamahala ng Ikatlong Republika ay nagsimula noong taong 1946 at natapos
nooong taong 1986. Si Manuel A. Roxas ang naging unang pangulo ng Ikatlong
Republika

Ang Panunungkulan ni Manuel A. Roxas


(Mayo 28, 1946- Abril 15, 1948)

Sa ilalim ng pangasiwaan ni Roxas ay mahigit niyang ipinatupad ang patakarang


Pro- American at Anti- communist. Sa kanyang termino ay nagging matibay ang
pakikipagsundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa sumusunod:
1. Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas
2. Pagtatayo ng mga base-militar ng mga Amerikano sa bansa
3. Pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa bansa sa panahon ng digmaan
4. Pagpapatibay ng Parity Rights na dumaan pa sa isang plebisito noong Marso 11,
1947 na nagbigay sa Estados Unidos ng karapatang gumamit at luminang sa
yamang-likas ng bansa
5. Pagpapatupas ng Philippine Trade Act of 1946 na kung saan sinasabing ang
Estados Unidos ang kokontrol sa pagpapanatili ng halaga ng ating pananalapi

4
Subalit ang panunungkulan ni Roxas ay madaling nagwakas. Nooong Abril 15, 1948
sa Clark Air Base, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake siya sa puso
na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanyan bilang pangulo si
Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino.

Ang Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino


(Abril 15, 948- Disyembre 30, 1953)

Ang biglang pagkamatay ni Pangulong Manuel A. roxas ang nagbigay daan kay
Elpidio Quirino upang maging pangalawang pangulo ng Ikatlong Republika. Siya ang
pangalawang pangulo noon ni Roxas nang ito ay pumanaw.

Ito ang mga Programa at Patakan sa kanyang panunungkulan:

1. Pagpapaunlad sa Sistema ng patubig o irigasyon sa buong sa buong bans ana


kailangan ng pagsasaka.

2. Pagpapagawa ng mga lansangan upang mabilis ang Sistema ng transportasyon


partikular na ang farm-to-market roads.

3. Pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan sa pamamagitan ng radio


at pahayagan ukol sa mga Gawain ng kanyang administrasyon

4. Pagtatatag ng President’s Action Committee on Social Ameliorition o PACSA


upang matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan

5. Pagpapatayo ng mga bangko rural na nagpapautang ng kapital sa mga


magsasaka

6. Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

7. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti


ang kalagayan ng mga manggagawa

Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo


- Upang masolusyunan ang suliranin hinggil sab anta nga komunismo, sinikap
ng administrasyon ni Quirino na makipag ugnayan sa maraming bansa, di
lamang sa mga bansa sa Asya kundi maging sa ibang panig ng mundo. Sa
pahahon ng pamamahala ni Quirino idinaos ang unang pagpupulong ng mga
bansang Asyano na dinaluhan ng Indonesia, Thailand, Taiwan, Timog Korea,
India, Australia at Pilipinas upang pag usapan ang pagpigil sa paglaganap ng
komunismo sa Asya.

5
Pagharap ng Suliranin sa mga Huk

- Isa sa mga ginawang hakbang ni Quirino upang masugpo ang paglaganap ng


pananalasa ng mga Huk sa bansa ay pagpapalabas niya ng proklamasyon
noong Hunyo 21, 1948 hinggil sa pagbibigay ng amnestiya sa mga kasapi ng
Huk na mgasusuko ng kanilang mga sandata sa loob ng 50 araw. Bukod dito
ay pinahintulutan din si Luis Taruc at ang iba pang kaspi ng Democratic
Alliance na nahalal na kogresista na muling maupo at tumanggap ng
kanolang tatlong back pay

- Inatasan din ni Quirino ang kanyang kapatid na si Judge Antonio Quirino na


makipag usap kay Taruc. Sa negosasyon ng dalawa ay nabuo ang
sumusunod na kasunduan

1. Pagbibigay ng amnestiya sa mga Huk

2. Pagpapawalang bisa sa mga kasunduang nakasaad sa batas Bell Trade


Act at kasundual ukol sa mga base- military

3. Pagsugpo sa mga katiwalian t anomalya sa pamahalaan

4. Pgpapalawig sa demokratikong kalayaan

5. Pagpapatupad ng repormang panlupa

- Subalit ang mga kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Huk ay hindi


ganap na nagtagumpay, kaya’t napilitang gamitan ng dahas ni Quirino ang
mga Huk. Sa payo ng mga Amerikano ay pinili ni Quirino si Ramon
Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa upang supilin ang mga
Huk. Sa matalino at maimpluwensiyang pamamaraan ni Magsaysay ay unti-
unting napasuko ang mga Huk.

Ang Panunungkulan ni Ramon F. Magsaysay


(Disyembre 30, 1953- Marso 17, 1957)

- “Kampiyon ng Masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya”

Mga Patakaran at Programa


1. Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law kung saan sa pamamagitan nito ay
itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan
upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama
2. Pagpapatayo ng mga oso at patubig upang mapabilis ang pag- unlad ng mga
baryo
3. Pagpapagawa ng mga daan at mga tulay upang mailapit ang baryo sa poblasyon
o kabayanan

6
4. Paglulunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong Sistema ng pagsasaka at
bagong uri ng binhi tuladng Masagana
5. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financingg Administration (
ACCFA) upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani
6. Pagpapatayo ng Farmer’s Cooperative Marketing Association ( FACOMA) kung
saan ang mga kasapi nito ay makauutang sa ACCFA upang makabili ng kanilang
sariling kalabaw at iba pang kagamitan sa pagsasaka
7. Pag-oorganisa ng mga kapulungang pambaryo ng mga sanggunian sa pagsasaka
at mga samahang 4-H na may kinalaman sa paghahalaman

Katatagang Panlipunan at Pampulitika


-Dahil sa pagsusumikap ni Magsaysay na mapabuti ang kalagayan ng
pangkaraniwang tao ay nahimok ang Kongreso na pagtibayin ang batas na kilala sa
tawag na Social Security Act. Isinasaad ng batas na ito ang paghimok sa mga
korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat ng kanilang kawani
at mga manggagawa. Bilang kasapi, ang kawani o maggagawa ay mag- aambag ng
tatlong bahagdan (3%) ng sahod buwan-buwan. Sa kabilang sakko naman, ang
korporasyon ay magsaragdag ng Tanggapan ng Katatagang Panlipunan ang siyang
magbabayad sa kawani o maggagawang namatay, nagkasakit o naaksidente.
- Gayundin, ipinagpatuloy ni Magsaysay ang inilunsad niyang Economic
Development Corps (EDCOR) noong siya ay kalihim pa lamang ng Tanggulang
Pambansa. Ayon sa kanya ang mga mamamayan ay hindi maaakit sumapi sa
komunismo kung ang mga pamilya ay may mabuting kabuhayan.
Dahil dito, nahikayat niyang magbagong buhay ang mga kasapi ng Hik, kaya naman
noong Mayo 17, 1954 ay sumuko si Luis Taruc, ang Supremo ng mga Huk.
- Bilang pangulo ng bansay, tunay ngang ang karaniwang mga tao at kanilang
kalagayan ang una niyang binigyang pansin. Personal niyang pinakinggan ang mga
karaingan ng mamamayan. Upang matiyak na ang mga karaingan ay makaaabot sa
kanya ay itinatag niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC).
-Ang apat na taong itinakda ng Saligang-Batas na dapat ipaglingkod ng isang halal
na pangulo ay hindi natapos ni Magsaysay. Ang kanyang mabuting simula ay hindi
niya naipagpatuloy dahil sa kanyang pagkamatay nang bumagsak ang kanyang
sinasakyang eroplano sa Mt. Manunggal sa cebu habang siya ay patungong Manila
noong ika 17-ng Marso 1957.

7
Pagyamanin
A.
Pagkilala sa mga Pahayag
Kilalanin kung sinong pangulo ang naglunsad ng sumusunod na mga programa at
patakaran. Isulat sa iyong sagutang papel ang MR kung si Manuel Roxas, EQ kung
Elpidio Quirino, at RM kung si Ramon Magsaysay.
1. Pagtatayo ng base-militar ng mga Amerikano

2. Nagkaloob ng pagkalahatang amnestiya sa mga kolaboreytor


3. Tumanggap ng mga mungkahing nakasaad ng Bell Mission
4. Nagbigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Huk na mgasusuko ng kanilang
sandata
5. Ngbigay nga sapat na Karapatan sa mga manggagawa sa bisa ng Magna Carta of
Labor

6. Napagtibay ang Parity Rights


7. Naipatupad ang Philippine Trade Act, batas na nagbibigay ng kalayaan sa
Amerika na makipagkalakalan sa Pilipinas

8. Pinag- ibayo ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa ibang


mga bansa
9. Nagpatupad ng patakarang Pro- American at Anti- Communist

10. Nagbigay-pansin sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng


industriyalisyon

Gawain B

Ilarawan ang mga pangulo na nasa ibaba.

ELPIDIO R. QUIRINO

MANUEL A. ROXAS RAMON F.


MAGSAYSAY

8
Gawain C

Pumili ng isang programa at isang patakarang natupad at paano ito nakatulong sa


mga Pilipino.

Isaisip

Sa iyong sagatung papel, ibigay ang iyong pananaw hinggil sa mga


katanungan sa ibaba.

1. Bakit tinaguriang “Kampiyon ng Masang Pilipino” at Kampiyon ng Demokrasya si


Ramon Magsaysay?
__________________________________________________________________

2. Bakit naging madali para sa mga karaniwang tao na makipag-ugnayan kay


Magsaysay?
__________________________________________________________________

9
Isagawa

Kumpletuhin ang mga program ana nasa ibaba. Hanapin ang tamang sagot sa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Corn Coconut Abaca Tobacco Development

Committee Marketing

____________ 1. (NARIC) National Rice and ___________ Corporation


____________ 2. (NACOCO) National ______________ Corporation
____________ 3. (NAFCO) National ___________ and Other Fibers Corporation

____________ 4. (NTC) National ___________ Corporation


____________ 5. (EDCOR) Economic _________ Corp
____________ 6. (PACSA) President’s Action ___________ on Social Amelioration

____________ 7. (FACOMA) Farmer’s Cooperative ____________ Association

Tayahin

Pagtukoy sa Tiyak na Detalye

Basain nang mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang hinihingi nito. Tukuyin ang
tamang sagot.
1. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?
2. Sino ang humalili kay Manuel A. Roxas?

3. Kailan inatake sa puso si Manuel A. Roxas?


4. Ano ang pinagtibay noong Marso 11, 1947?
5. Kailan ipinatupad ang Philippine Trade Act?

10
6. Ito ay nagsasabing ang Estados Unidos ang kokontrol sa pagpapanatili ng halaga
sa ating pananalapi

7. Anong programa or law ang nagpabuti sa kalagayan ng mga manggagawa?


8. Sino ang inatasan ni Quirino na makipag usap kay Taruc?
9. Sino ang kapatid ni Elpidio R. Quirino?

10. Ito ay programang tumutulong sa mga kasapi na makautang upang makabili ng


sariling kalabaw at iba pang kagamitan sa pagsasaka?

Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa iba pang tatlong mga pangulo sa panahon ng Ikatlong


Republika.

Kumpletuhin ang mga letra upang mabuo ang kani-kanilang mga pangalan

Carlos P. ciaGra = _____________________

Dosdoida M. Macapagal = ______________________


Ferdinand E. Mcoars = __________________________

11
12
Subukin Balikan Pagyamanin
1. A 1. pilipino (Gawain A)
2. C 2. mamamayan 1. MR
3. C 3. tirahan 2. MR
4. C 4. Hapon 3. EQ
5. C 5. Pilipinas 4. EQ
6. C 6. maynila 5. EQ
7. C 7. kalayaan 6. MR
8. C 8. suliranin 7. MR
9. C 9. digmaan 8. EQ
10. C 9. RM
10. RM
Tayahin
Gawain B Isaisip 1. Manuel A. Roxas
ANSWERS may vary ANSWERS may vary 2. Elpidio R. Quirino
3.Abril 15, 1948
Gawain C Isagawa 4. Parity Rights
ANSWERS may vary 1. Corn 5. 1946
2. Coconut
3. Abaca Karagdagan Gawain
4. Tobacco
5. Development Carlos P. Garcia
6. Committee Diosdado M. Macapagal
7. Marketing Ferdinand E. Marcos
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. (Phoenix Publishing House) LAKBAY NG LAHING PILIPINO Araling Panlipunan
para sa Mababang Paaralan ni Ailene G. Baisa

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region VII, Division of Guihulngan City


Osmeňa Avenue, Poblacion, Guihulngan City
(035) 410-4066
Email Address: guihulngan.city@deped.gov.ph

14
15

You might also like