You are on page 1of 7

Manuel A.

Roxas Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Hulyo 4, 1946 - Abril 15, 1948 “Ang kapakanan ng lahat ng tao ang
ating pangunahing tungkulin. Hindi kailangan ang panginoon o alipin sa sistema ng ating kabuhayan”

2. Marami ang mga suliraning kinaharap ni Pang. Roxas bilang pangulo ng bansadulot ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Katulong niya sa kanyang pamamalakad ang kanyang pangalawang pangulong si Elpidio Quirino at ang kasapi ng kanyang gabinete…

3. Ilan sa mga suliraning kanyang kinaharap ay ang sumusunod: pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang
naapektuhan ng digmaan pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilos ng mga HUK pagbubuklod ng
mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon.

4. Mga Progarama at Patakaran upang masolusyunan ang problema hinggil sa ekonomiya ng bansa ay isinagawa niya ang mga
sumusunod: pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal, pagtatatag ng mga kaluwagan sa
pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa

5. Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya
at pagsasaka. Maraming korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka gaya ng mga
sumusunod.

6. NARIC- National Rice and Corn Corporation NACOCO- National Coconut Corporation NAFCO- National Abaca and other Fibers
Corporation Bukod sa mga korporasyon o samahang tumulong sa mga magsasaka ay binuo rin ni Roxas ang Rehabilitation Finance
Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimulang muli at makapagpanibagong-
buhay pagkatapos ng digmaan.

7. Sistema ng Pangasiwaan ni Roxas sa ilalim ng pangasiwaan ni Roxas ay mahigpit niyang ipinatupad ang patakarang Pro-American
at Anti-Communist. Sa kanyang termino ay naging matibay nag pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa sumusunod:

8. 1. pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas 2. pagtatayo ng mga base militar ng mga Amerikano. 3.
pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa bansa sa panahon ng digmaan. 4. pagpapatibay ng PARITY RIGHTS.

9. ano ang PARITY RIGHTS? kahilingan ng Estados Unidos na mabigyan ang mga Amerikano na mabigyan sila ng pantay na karapatan
tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng bansa. *subalit ang panunungkulan ni Roxas ay madaling
nagwakas. Noong Abril 15, 1948 sa Clark Airbase, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake siya sa puso na naging
daahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanya bilang pangulo si Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino.

10. ano ang PARITY RIGHTS? kahilingan ng Estados Unidos na mabigyan ang mga Amerikano na mabigyan sila ng pantay na
karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng bansa. *subalit ang panunungkulan ni Roxas ay
madaling nagwakas. Noong Abril 15, 1948 sa Clark Airbase, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake siya sa puso na
naging daahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanya bilang pangulo si Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino.
Dalawang araw matapos bawian ng buhay si Pangulong Manuel Roxas dahil sa atake sa puso, nanumpa bilang ika-anim na
Presidente ng Bansa si Elpidio Rivera Quirino.

Isang taon matapos ipagpatuloy ni Quirino ang termino ni Roxas, nagsagawa ng halalan sa bansa. Sa ilalim ng Partido Liberal,
tumakbo siya bilang pangulo at nanalo para sa buong apat na taon pa niyang panunungkulan.

Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World War II.

Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5% sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno.

Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay ng oportunidad sa
mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.

At dahil lumalago ang industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa Maria Cristina Falls at sa
Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.

Pinagbuti rin ang sistema ng irigasyon para sa pagpapalago naman ng Sektor ng Agrikultura.

Naitatag din sa termino ni Quirino ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga rural bank. Ang mga ito ang nakapagpapautang sa mga
magsasaka para sa kanilang pinansyal na suporta.

Itinatag din sa Administrasyong Quirino ang Social Security Commission at ang President’s Action Committee on Amelioration na
nagbibigay ng ayuda at pautang sa mga mahihirap na Pilipino.

Kabilang sa benepisyong hatid ng mga programang ito ang insurance sa panahon ng pagtanda, aksidente at pagtamo ng
permanenteng kapansanan. Dagdag pa rito ang kasiguruhan ng pagbibigay ng tulong para sa problema sa trabaho, kalusugan ng
mamamayan, lalo na ng mga ina

Ngunit sa kabila ng mga positibong hakbang na ito, nabigong lutasin ni Quirino ang problemang agraryo at pantay na antas ng
pamumuhay lalo na sa malalayong pook sa bansa. Naging mitsa ito ng pag-igting muli ng paghihimagsik ng HUKBALAHAP.

Sa termino ni Quirino, binuo ang Integrity Board upang bigyan ng tugon ang lumalakas ng panawagan noon para sa pagsasaayos ng
estado ng gobyerno laban sa kurapsyon, bagay na nabahiran ng mantsa maging si Pangulong Quirino.

Si Quirino ang kauna-unahang Presidente ng Bansa na sinubukang patalsikin sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment process.
Kabilang sa mga akusasyon sa kanya ang nepotismo at ang hindi paggamit ng kaban ng bayan sa tamang pamamaraan.

Hindi umusad ang reklamong ito sa kongreso dahil sa kawalan daw ng ligal na basehan ng mga naghain ng reklamo.

Bagama’t hindi napatunayan, ito ang naging nagsulong kay Ramon Magsaysay upang tumiwalag sa Partido Liberal at lumipat sa
Nacionalista Party, upang tumakbo katunggali ni Quirino sa Pampanguluhang Halalan noong 1953.

Natalo sa kanyang pagnanais na muling maging pangulo si Quirino. Maging hudyat ito upang siya’y magretiro na sa mundo ng
pulitika.

Elpidio Quirino, ang ika-anim na Pangulo ng Pilipinas.


1. Ramon Magsaysay Pangatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957 “Kung ano ang makakabuti sa
karaniwang tao ay makakabuti sa buong bansa”

2. “Kampiyon ng Masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya” ito ang mga tanyag na taguri kay Pang. Ramon Magsaysay sa kasaysayan ng pulitika
ng Pilipinas. Kaya naman noong siya ay nanumpa bilang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika sa Luneta noong Dis. 30, 1953 ay dinaluhan ito ng
napakaraming taong naniniwala at sumusuporta sa kanya

3. Dahil sa kanyang karisma at pagiging makamasa ay naging idolo siya ng sambayanang Pilipino. Siya ang taning pangulong nagbukas ng pintuan ng
Malacanang para sa lahat ng mga mamamayan. Ayon sa kanya, ito ay pag-aari ng bayan at ang tunay na kapangyarihan ay nasa taumbayan

4. “Kaligayahan at katatagan ng Karaniwang tao” – ito ang kanyang palatuntunan bilang pangulo ng bansa. Upang maisakatuparan ito ay ipinahayag
niyang paunlarin niya ang mga baryo***. Upang makamit ang kanyang mga adhikain ay isinagawa niya ang mga sumusunod:

5. Mga Patakaran at Programa *pinagtibay ang Land Tenure Reform Law kung saan sa pamaamgitan nito ay itinadhana ang paghahati-hati ng
malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama. , *pagpapatayo ng mga poso at patubig upang
mapabilis ang pag-unlad ng mga baryo

6. Mga Patakaran at Programa * pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit ang mga baryo sa poblasyon o kabayanan * paglulunsad ng
pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng binhi tulad ng “Masagana”

7. Mga Programa at Patakaran * Pagpapatayo ng ACCFA ( Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration, upang tulungan ang mga
magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani. * pagpapatayo ng Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) kung saan ang mga kasapi ay
maaaring makautang sa ACCFA upang makabili ng kanilang sariling kalabaw at iba pang kagamitan sa pagsasaka

8. Mga Programa at Patakaran *pagpapaunlad ng sistema ng patubig o irigasyon sa buong bansa na kailangan sa pagsasaka, *pagpapagawa ng mga
lansangan upang mapabilis ang transportasyon partikular na ang mga farm-to-markets roads,

9. * Bilang pangulo ng bansa, tunay ngang ang karaniwang tao at ang kanilang kalagayan ang una niyang binigyang-pansin. Personal niyang
pinakinggan ang mga karaingan ng mga mamamayan. Upang makatiyak na ang mga karaingan ay makakaabot sa kanya ay itinatag niya ang
Presidential Complaints and Action Committee (PCAC), lumakas ang loob ng karaniwang tao pagkat sa pamamagitan ng libreng telagrama ay
naidudulong nila ang kanilang suliranin sa pangulo.

10. * Dahil sa pagsusumikap ni Magsaysay na mapabuti ang kalagayan ng pangkaraniwang tao ay nahimok ang Kongreso na pagtibayin ang batas na
kilala sa tawag na Social Security Act. Isinasaad ng batas na ito ang paghimok sa mga korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat
ng kanilang kawani at mga manggagawa.

11. Pinag-ibayo rin niya ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t- ibang bansa. Noong 1954 ay idinaos sa
bansa ang Manila International Conference na dinaluhan ng mga bansang Australia, France, USA, New Zealand, Pakistan, Thailand, united Kingdom
at Pilipinas.

12. Dito nabuo ang isang kasunduang tinawag na Manila Pact na nagsasaad na ang bawat kasapi ay magtutulungan, pagsasamahin ang kanilang
puwersa kung sakaling lusubin sila ng mga bansang komunista, kaugnay nito, noong ika-19 ng Pebrero, 1955 ay nabuo ang Southeast Asia treaty
Organization (SEATO) kung saan ang walong kasapi ay ang walong orihinal na miyembro ng Manila Pact.

13. Pagwawakas ng Panunungkula ni Magsaysay Ang apat na taong itinkada ng Saligang-Batas na dapat ipaglingkod ng isang halal na pangulo ay
hindi natapos ni Magsaysay. Ang kanyang mabuting simula ay hindi niya naipagpatuly dahil sa kanyang pagkamatay nang bumagsak ang kanyang
sinasakyang eroplano sa Mount Manunggul sa Cebu habang siya ay patungong Manila noong ika-17 ng Marso 1957.
1. Carlos P. Garcia

2. Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulong
Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon
Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng
patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").

3. TALAMBUHAY

4. Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at
Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila. Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng
highschool.

5. Kapulungan ng mga Kinatawan Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at
naglingkod hanggang 1932.

6. Gobernador ng Bohol Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

7. Senado Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong
Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones
noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para
pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya
ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang
pandayuhan ng Pilipinas.

8. Panahong Hapones Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap ng mga
autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa
puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

9. Pangalawang Pangulo Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon Magsaysay bilang
Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya
ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang
Geneva hinggil sa mga bagay na Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang Amerikano sa
buong Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty
Organization (SEATO) Conference noong 1954 na nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang paglawak
ng komunismo.
Si Diosdado Macapagal ay ipinanganak noong Setyembre 28, 1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Siya ang pangalawa sa apat na
anak nina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Sa kabila ng kahirapan, siya ay nagtapos bilang pinuno ng klase noong 1925 sa
Lubao Elementary School at salutatorian naman noong 1929 sa Pampanga High School. Siya ay namatay noong April 21, 1997. Siya
ang ika-9 na presidente ng Pilipinas at ika-5 presidente sa pangatlong republika ng Pilipinas. Siya ang presidente matapos ni Carlos P.
Garcia at pagkatapos ng kanyang termino ay sinundan siya ni Ferdinand E. Marcos. He is also the father of former president Gloria
Macapagal Arroyo. Siya rin ang unang mahirap na presidente at dahil doon ay binansagan siyang “Tao ng Masa” at hindi
nangungurakot. Ang kanyang bise-presidente ay si Emmanuel N. Pelaez.

Kontribusyon

tumblr_mazyksokff1qifq8yo2_1280

Common man’s day

Binuksan ni dating presidente Diosdado Macapagal ang Malacañang sa mga tao at tinawag itong “Common Man’s Day” kung saan
nagkakaroon ng lingguhang pagtitipon-tipon ang mga tao sa Malacañang. Noong 1963, Itinatag ni Diosadado Macapagal ng kauna-
unahang Land Reform Law na pinapayagang bilhin ang mga pribadong lupaing pansaka upang hati-hatiin at ibahagi sa mga walang
lupain. Naging daan ito upang maging pantay-pantay ang batas sa mga nagtatrabaho. Layunin ng batas na ito na maging maayos ang
buhay at palakihin ang kita ng mga magsasaka at para na din sa ikauunlad ng agrikultura ng ating bansa.

Binabaan niya ang halaga ng Philippine peso sa pamamagitan ng pag-aayon ng presyo nito sa malayang pamilihan imbis na sa
nanggagaling ang presyo nito sa gobyerno. Gumawa din siya ng aksyon upang malutas ang pagkawala ng trabaho sa ating bansa sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga local at probinsyal na pamahalan bilang hakbang sa pag-unlad ng mga
malayang institusyon.

Noong Mayo 12, 1962 pinalitan ni Diosdado Macapagal ang Araw ng Kalayan mula Hulyo 4 ay ginawa niya itong June 12. Idineklara
niya ito dahil ang nararapat daw na araw ng kalayaan ay ang idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898 sa Kawit, Cavite. Sa
ngayon, ipinagdiriwang ang Hulyo 4 bilang “Filipino-American Friendship Day”. Noong Agosto 4, 1964 opisyal na pinirmahan ni
Presidente Macapagal ang Malacañang Republic Act No. 4166 na nagsasabi na ang araw ng kalayaan ng ating bansa ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 12.

Sa ika-apat na SONA ni Presidente Diosdado Macapagal noong Enero 25, 1965 binaggit niya rito ang Minimum Wage Law ng mga
nagta-trabaho na nagkakahalaga ng apat na piso. Inererekomenda niya na pataasin ito sa anim na piso na magiging pabor sa mga
manggagawa. Tinawag ang batas na ito na Republic Act No. 4180.

Pinirmahan niya rin ang Republic Act No. 3518 na nagpapatupad ang pag-gawa ng Philippine Veteran’s Bank para sa iba pang
kadahilanan. Ang PVB ay pag-aari ng mga beterano at mga pamilya nito na nakipagsapalaran noong World War II.
ANG PAMAMAHALA NIFERDINAND E. MARCOS(1965-1986)

3. Dahil sa sentimyento at diskontento ng mga mamamayan sa patuloy na lumulubhang krisis pang-ekonomiya ng bansa sa ilalim ng
pamahalaang Macapagal, nanalo sa halalan noong 1965 si Senador Ferdinand E. Marcos.Mga Pangako:1. reporma sa lupa2.
Trabaho3. pagbaba ng presyo ng bilihin4. pagtaas ng sahod5. pag-aalis ng nepotismo6. katiwalian sa serbisyong

4. “Ang Pilipinas ay muling magigingdakila”.Ito ay kanyang ipinahayag sa araw ngkanyang inagurasyon.Si Marcos at Fernando Lopez
angkauna unahang pangulo atpangalawang pangulo ng Pilipinas nananumpa sa tungkulin sa WikangPilipino.

5. Ang Unang Termino ng Pamahalaang Marcos (1965-1969) Sa kanyang unang termino, sinikap ni Pangulong Marcos na mapabuti
ang pananalapi ng bansa sa pamamagitan ng pinag-ibayong pangongolekta ng buwis, at pangungutang sa iba’t ibang dayuhang
institusyon ng pananalapi.

6. Narito ang kanyang mga nagawa sa unang apat na taon ng kanyang panunungkulan:1. Pagpapatupad ng programa sa malawakang
pagpapagawa ng mga imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, patubig, paaralan, LRT, at iba pa. Ito ang naging dahilan kung bakit
siya tinawag na Infrastructure Man.2. Paghihigpit sa ilegal na pagpasok ng mga produktong dayuhan.3. Pagtulong sa mga magsasaka
upang maparami ang ani ng bigas.4. Pagbibigay ng pahintulot sa mga Pilipino na magtungo sa China.5. Pagpigil sa karahasan.6.
Pagpapalaganap nang maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga pook rural.

7. 7. Pagpupulong sa internasyonal Maynila noong Oktubre 24-26, 1966 na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa mga
dayuhang Komunistang bansa sa relihiyon. Kabilang sa mga dumalo rito ay mga bansang Amerika, Australia, New Zealand, Timog
Korea, Thailand at Timog Vietnam.8. Pagpapadala ng mga inhinyero, doctor at mga sundalo sa Vietnam upang tulungan ang mga
biktima ng digmaan at suportahan ang Estados Unidos. Tinawag ang grupong ito na PHILCAG o (Philippine Civic Action Group).

8. Ang Ikalawang Termino ni Pangulong (1969-1972) Noong 1969, sa gitna ng malawakang pagbatikos na ginamitniya ang makinarya
ng pamahalaan sa kanyang kampanya,muling nanalo si Pangulong Marcos bilang pangulo at siFernando Lopez, bilang pangalawang
pangulo ng Pilipinas.Naging kauna-unahang pangulo na naihalal muli sa tungkulinsa pangalawang termino sa Pangulong Marcos.
Taliwas sa mga magagandang nagawa ni Marcos sa kanyangunang termino, sa ikalawa niyang termino ay lumubha

9. 1. Pagsilang ng Aktibismo Naging laman ng lansangan ang mga mag-aaral at doon ipinarinig ang kanilang puna at batikos sa
maraming bagay gaya ng: patuloy na lumalaganap na katiwalian sa pamahalaan paglabag sa karapatang pantao pagtaas ng
tuition fee militarisasyon at pang-aabuso ng mga military ang pananatili ng base militar ng Estados Unidos at mga maling
patakaran ng pamahalaan.

10. Tulad ng maraming Pilipino, hiniling ng mga mag-aaral na magkaroon ng saligang batas na makatutugonsa mga pangangailangan
ng mga Pilipino at naaayon sapanahon. Sa simula, ang mga rally at demonstrasyon aynaging tahimik subalit di nagtagal ang mga ito
magingmarahas at magulo at nahaluan ng ideolohiya ngkumunismo. Nang lumaon naging madugo ang labanan sapagitan ng mga
estudyante at alagad ng batas at militar.Enero 30, 1970 – Naganap ang pinakamadugong nangpilitin ng mga mag-aaral na pasukin
ang Malakanyang.Anim na mag-aaral ang napatay at di mabilang angsugatan. Ang pangyayaring ito ang tinawag na Labanansa
Mendiola. Naging sunud-sunod ang mga welga atdemonstrasyon na isinagawa ng mga mag-aaral atmanggagawa, bunsod ng
lumalalang krisis

You might also like