You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 6

Unang Markahan
Aralin 2

I. LAYUNIN:
2.1. Natutukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng sakop
ng Pilipinas ayon sa kasaysayan.
Naituturo ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
Pilipinas sa globo at mapang politikal.
Naipagmamalaki ang teritoryong sakop ng Pilipinas.
3. NILALAMAN:
Teritoryo ng Pilipinas Batay sa Kasaysayan tulad ng Treaty of
Paris of 1898, Cession Treaty of 1900/Kasunduan sa Washington
At Kasunduan sa Estados Unidos at Gran Britanya
4. KAGAMITAN PANTURO:
A. Sanggunian : AP6PMK-Ia-2; –Pilipinas Bansang
Papaunlad p.64:
Yaman ng Pilipinas6 p.4, Lahing
Dakila pp.7-9
B. Iba pang kagamitan : Powerpoint
presentation,metacard, charts,
visual aids
5. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan (Tungkol sa mahahalagang pangyayari sa bansa)
2. Balik Aral
2. Balik aral (Pass It to Win it)
Magpapatugtog ng awitin habang ipinapasa ang
kahon na may lamang mga tanong.Kung kanino huminto
ang kahon sa pagtigil ng tugtog,siya ay kukuha ng rolled
paper na nasa loob ng kahon upang basahin at sagutin ang
tanong.
1.Ilang kilometro kuwadrado ang kabuuang sukat ng
kapuluang Pilipinas?
2.Ano ang ginagamit sa paghahanap ng tiyak na lokasyon
ng isang lugar tulad ng layong pahilaga o patimog ng
isang lugar mula sa ekwador?
3.Anong guhit ang nagtatagpo mula sa polong hilaga
patungong polong timog?
4.Paano ipinagmamalaki an gang katangi –tanging
kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo?
5.Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas gamit ang
longhitud at latitude?
3. Panimulang Pagtataya
(Gamit ang metacards sa pagsagot ng mga bata)

1.Ano-ano ang bumubuo sa pambansang teritoryo ng buong


kapuluang Pilipinas?

a.lahat lamang ng anyong tubig.

b.lahat lamang ng anyong lupa

c. nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan

d.kalupaan,katubigan,himpapawid,ilalim ng

dagat,kailaliman ng lupa

2. Ano ang naging batayan ng pagkatukoy ng mga hangganan


at teritoryo ng ating bansa?

a. Mapa at globo

b.sa paggamit ng kasulatan o kasunduan

c. sa paggamit ng mapang politikal at grid sa globo

d.sa tulong ng mga taong may kaalaman sa pagtukoy

ng hangganan.

2. Si Vernon ay batang mag-aaral sa baitang anim.Tinalakay nila

ang tungkol sa mga kasunduang nilagdaan nagpapahayag ng

hanganan ng teritoryo ng ating bansa ayon sa kasaysayan. Alin sa

ibaba ang nagpapahayag ng kahalagahan ng mga kasunduan?

a.Ito ay pawang mga kasulatan lamang at maaring baguhin.


b. Pinagtibay ng Saligang Batas ng Bansa at walang
maaring bumago.

c.Ang layunin dito ay upang pakinabangan lamang ng iilang


tao sa bansa

d.Maaring angkinin ng karatig bansa ang ilang teritoryo ng

ating bansa alinsunod sa kagustuhann g mga pinuno.

3.Anong nilalaman ng kasunduan sa Washington?

a. Hinangad ng kasunduan na alisin ang anumang dahilan ng hindi

pagkakaunawa ng Artikulo III ng Kasunduan sa Paris ng 1898


sa

pamamagitan ng paglilinaw pagtutukoy ng mga teritoryo


isinuko sa Estados ng Espanya.

b. Nasasaad sa kasunduan ang pagpapalaya sa bansang Cuba

ang paglilipat ng pamumuno sa Estados Unidos sa mga


bansang Portoriko at Guam.

c. Ang kasunduang ito ang nagdagdag ng mga pulo ng Mangsee at

mga Pulong Turtle sa teritoryo ng bansa.

d.Pagtatalaga ng limitadong teritoryo ng bansa.

4.Anong Kasunduan ang tinutukoy na noon lamang 1947 nagsimula


ang

pangangasiwa ng pamahalaan ng Pilipinas sa Pulo ng Mangsee at Turtle.

a.Kasunduan sa paris

b.Kasunduang Washington
c.Kasunduang United States at Great Britain

D.Doktrinang Pangkapuluan

5.Bakit mahalagang malaman ang hangganan at lawak ng teritoryo ng


bansang Pipilinas?

a.Dahil ito ang tumutukoy sa teritoryong pag aari ng Pilipinas.

b.Dahil ito ang sukatan ng yaman ng Pilipinas.

c.Dahil ito ang sukatan na maaring nating ipasakop sa karatig


bansa ang teritoryo ng Pilipinas.

d.Dahil ito ang magiging batayan ng kaunlaran ng Pilipinas.

Sagot:1. a 2. b 3. a 4.c 5.a

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak

(Ref:www.gop.com.ph)

(Maaring pahawakan sa mga bata)

1.Ano ang tawag dito sa mga bagay na ito?

2.Ano ang naitutulong ng mga ito sa pagtukoy ng ating teritoryo ng


bansa?

3.Ano ang kahalagahan ng mapa? Globo?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad


ng Aralin (Gamit ang powerpoint presentation) (Think-Peer
Share Strategy)
Pag-usapan Natin

Balikan natin ang mapa at globo.

Paggamit ng grid sa globo at mapang political sa pagtukoy ng lawak


at teritoryo ng Pilipinas.

1.Matatagpuan ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa pagitan ng 4


digri 23’at 21 digri’25’Hilagang latitude sa pagitan ng 11 digri at 127
digri Silangan latitude.

2.Ang teritoryong pangkaragatan ng Pilipinas ay umaabot sa


labindalawang milyang nautical (22 kilometro) mula sa bayabayin.

May 3 kasunduan ang napagtibay na tumutukoy ng hangganan at lawak


ng teritoryo ng sakop ng Pilipinas ayon sa kasaysayan.
Kasunduan sa Paris

Ang Kasunduan sa Paris, na nilagdaan


noong 10 Disyembre 1898, ay ang
nagpatapos ng Digmaang Espanyol-
Amerikano.Nasasaad sa kasunduan ang
pagpapalaya sa bansang Cuba, ang
Kasunduan sa Washington
paglilipat ng pamumuno sa Estados
Ang Kasunduan sa Washington ng 1900 ay Unidos
nilagdaan noong
sa mga Nobyembre
bansang Portoriko 7,
at 1900, at
Guam, at ang pagbili sa Pilipinas mula
nagkaroon ng bisa noong Marso 23, 1901, nang ang pagpapatibay ay nagpalitan. sa
Espanya sa halagang $20,000,000 ng
Hinangad ng kasunduan na alisin ang anumang
Estadosdahilan
Unidos.ng hindi pagkakaunawa ng
Artikulo III ng Kasunduan sa Paris ng 1898 sa pamamagitan ng paglilinaw pagtutukoy ng
mga teritoryo isinuko sa Estados Unidos ng Espanya. Tahasang sinasabi dito na:Sinusuko
ng Espanya sa Estados Unidos ang lahat ng titulo at mga pag-angkin sa titulo; na
maaaring mayroon siya noong oras ng pagtatapos ng Kasunduan ng Kapayapaan sa Paris,
sa alinman at sa lahat ng mga pulo isla na kabilang sa Arkipelago ng Pilipinas, na
namamalagi sa labas ng linya na inilarawan sa Artikulo III ng Kasunduan at lalo na sa mga
pulo ng Cagayan Sulu at Sibutu at ang kanilang mga dependensiya, at sumasang-ayon na
ang lahat na ang tulad na mga pulo ay kailangang intindihin sasa kompromiso ng
Arkipelago bilang ganap na para bagang sila ay nakasama sa loob ng mga linya..Sa
konsiderasiyon para sa ganoong tahasang pahayag ng pagsuko, sumang-ayon ang
Estados Unidos na bayaran ang Espanya ng isang daang libong dolyar ($100,000) sa loob
ng anim na buwan pagkatapos ng pagpapalitan ng pagpapatibay.
Kasunduan ng Estados Unidos at Great Britain

Sa ilalim ng ng kasunduan ng Estados Unidos at great Britain noong Enero


2,1930,nilinaw ang mga hangganang sakop ng Pilipinas kaugnay ng hangganan ng
Hilagang Borneo.Ang kasunduang ito ang nagdagdag ng mga pulo ng Mangsee at mga
Pulong Turtle sa teritoryo ng bansa.Gayunman noong lamang 1947 nagsimula ang
pangangasiwa ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga pulong ito.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
Constructivism Approach (Thinking Skills Strategy)
1.Ano ang naging batayan sa pagtukoy ng tiyak na lawak ng
teritoryo at hangganan na sakop ng Pilipinas?

2.Ano-ano ang ibat-ibang kasunduang nilagdaan upang


matukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas ayon sa
kasaysayan?

3.Paano nakatutulong ang mapa a sa pagtukoy ng hangganan


at teritoryo ng bansa?

4. Paano nakatutulong ang globo a sa pagtukoy ng hangganan


at teritoryo ng bansa?

5.Saan umaabot ang teritoryong pangkaragatan ng


Pilipinas?
E.Paglinang sa Kabihasaan

(TGA Activity-Tell,Guide,Act)

Maghanap tayo

Gawain 1

Pangkat 1- Sa tulong ng globo tukuyin ang hangganan at lawak ng


teritoryong sakop ng Pilipinas. Lagyang ito ng markang pula.

MARKAHAN MO

Gawain 2- Sa tulong ng mapa tukuyin ang hangganan at lawak ng


teritoryong sakop ng Pilipinas. Lagyang ng markang asul

SULATIN NATIN

Gawain 3-

Panuto: Gamit ang petal isulat ang mga kasunduang


tumutukoy sa teritoryong ng Pilipinas batay sa kasaysayan.
3.
1. 2.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.(Reflective)


Paano mo maipagmamalaki ang mga teritoryong sakop
ng Pilipinas? Isulat ang kasagutan sa organizer.

G. Paglalahat ng Aralin

Ano-ano ang hangganan at lawak ng teritoryo ng sakop ng


Pilipinas ayon sa kasaysayan?

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot .
1. Ang baitang anim ay naglakbay aral tungkol sa teretoryo ng
bansa. Alin sa ibaba ang angkop na gamitin upang matukoy
ang hangganan at lawak nito?
a. Mapa at globo
b. Mapang pang-Klima
c.Mapang Pangkabuhayan
d.Mapa ng Rehiyon sa Bansa

2.Anong kasunduan ang nagpapahayag nang ilang bahagi ng


Pulo ng Sulu ay hindi kasali sa teritoryo ng Pilipinas?
a. Kasunduan sa Paris
b.Kasunduan sa Washington
c.Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan
d.Kasuduang United States at Great Britain

3.Kailan naganap at pinagtibay ang Kasunduan sa Paris?


a.Nobyembre 17,1900
b. Nobyembre 7,1900
c. Nobyembre 27,1900
d.Setyembre 7,1900

4.Bakit naging mahalaga ang paggamit ng mapa at globo sa


pagtukoy ng hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng
bansa?
a.Dahil ito ang matibay na batayan upang tiyak na matukoy
ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
b.Dahil ito ang nagsasabing kaunti lamang ang sakop ng ating
teritoryo.
c. Dahil ito ay paraan upang maibahagi natin sa karatig bansa
ang ating teritoryo.
d. Dahil ito ay madaling gamitin

5.Bilang isang bata, paano mo maipagmamalaki ang


teritoryong sakop ng Pilipinas.
a.Hayaang angkinin ng karatig bansa ang bahagi ng teritoryo
ng bansa.
b.Ipagmalaki ito sa mga kapwa bata,ganundin sa mga turista.
c. Ipagwalang bahala ang mga bagay na may kinalaman sa
teritoryo ng bansa.

d. Wag makialam dahil ikaw naman ay isang bata lamang.

Sagot: 1.A 2.A 3.B 4.A 5.B

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon


Magsaliksik gamit ang internet.
Sino-sino ang mga opisyales ng pamahalaan na nakiisa o
nakasaksi sa naganap na mga Pangkasaysayang Pagma
may-aring teritoryal ng Pilipinas?

Inihanda ni:
MARIA CECILIA J
.TAPIRO
GURO-BAITANG VI

You might also like