You are on page 1of 5

ACTIVITY SHEETS

ARALING PANLIPUNAN 4

Quarter 1: Week 5

Name : _____________________________________________ Grade: _____________


School: _____________________________________________ Date : ______________

Heograpiyang Taglay, Biyayang Tunay

Batayang Impormasyon

Heograpiyang Pantao

Ang disiplina ng Heograpiya ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal


(Physical Geography) ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago
sa kapaligiran; pinag-aaralan dito ang Klima, Heolohiya (Geology),Biolohiya (Biology) at iba
pang sangay ng agham-pangkalikasan.

Saklaw ng Heograpiyang pantao (human heography) pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at


pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig.

WIKA

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o
identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na
ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na
language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136
language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga -sanga sa iba
pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan
sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

RELIHIYON

Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang


pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.

Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang
relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.

LAHI / PANGKAT ETNIKO

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at
katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa
pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian
ng pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig,
ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin
ito ng maraming diskriminasyon..

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na


nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang
kanilang sariling pagkakakilanlan.
Heograpiya

A.) Lokasyon Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig (Coord‐ inates)

Paraan Sa Pagtukoy ng Lokasyon: Lokasyong Absolute- Gamit ang Longitude At Lattitude Line
na Bumuboo sa Grid (Traditional Maps) Relatibong Lokasyon- Alamin ang Mga Lugar na
Malapit dito (Places Surrounding)

B.) Lugar Tumutukoy sa mga Katangian Natatangi sa Pook (Landmarks) Paraan Sa Pagtukoy ng
Lugar: Klima, Anyong Lupa, Anyong Tubig, at Likas na Yaman (Descr‐ iption) Wika,
Relihiyon, Dami ng Tao, Sistemang Political, Ethnicity (Culture)

C.) Rehiyon (Region)

D.) Interaksyon Ng Tao Sa Kapaligiran Ang Kaugnayan Ng Tao Sa Pisikal Na Katangiang


Taglay ng Kanyang Kinaroroonan.

E.) Paggalaw Ang Paglipat ng Tao Mula sa isang lugar papunta sa kabila; kabilang rin dito ang
paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng Ulan at Hangin Tatlo ng Uri ng Pagtingin
ng Distansya ng Lugar: Linear- Gaano kalayo Time- Gaano Katagal ang Paglakbay.

GAWAIN 1

Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang sa hanay A. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

HANAY A HANAY B

_______1. Bilang o dami ng tao sa isang lugar A.KARAGATAN

_________2. Pinakatanyag na bulkan sa bansa. B.POPULASYON

_________3. Tumutukoy naman sa kalagayan ng kapaligiran C.Jamboree lake

_________4. Ang pinakamaliit na man-made lake sa bansa. D.Bulkang Mayon

_________5. Pinakamalalim, pinakamalawak E.PANAHON

at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig

B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

_________1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?

A. Napakainit sa Pilipinas.

B. Napakalamig sa Pilipinas.

C. Malamig at mainit sa Pilipinas.


D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.

_________2. Saang rehiyon ang may pinakamataas na populasyon?

A. National Capital Region o NCR

B. CALABARZON

C. Gitnang Luzon

D. Cordillera Administrative Region o CAR 18

_________3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

A. Kapatagan C. Dagat B. Burol D. Talampas

_________ 4. Ang angkop sa pagtatanim ng gulay, mais at palay.

A. Bundok C. Talampas B. Burol D. Kapatagan

_________ 5. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?

A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at kumita.

B. Dahil maraming nagagandahang gusali rito.

C. Dahil nasa sentro ito ng bansa

. D. Dahil makabago dito.

GAWAIN 2

Panuto: Ipaliwanag. (5 puntos kada numero)

1. Paano nakakaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakainlan ng indibidwal o isang pangkat


ng tao? 
2. Bilang isang mag-aaral sa iyong palagay kahit sa maliit na bagay, may magagawa ka ba para
sa mundo?

______________________________________________________________________________

REFLECTION:

1. Ano –ano ang mga bagong kaalaman na inyong natutuhan mula sa aralin?

_____________________________________________________

2. Paano makakatulong ang iyong mga natutunan sa iyong personal na buhay?

__________________________________________________________

Teacher’s Signature: _______________

Parent’s Signature: _______________

EMELLY T. OGA

WRITER/LOPERO ELEMENTARY SCHOOL

SUSI SA PAGWAWASTO:

GAWAIN 1

1.B 2.D 3.E 4.C 5.A 6.C 7.B 8.C 9.D 10.A

GAWAIN 2

(DEPENDE SA SAGOT NG BATA


REFERENCES:

AP4_Q1_M5

AP4_Q1_W5_PagkakakilanlangHeograpikalngPilipinas.pdf

heograpiyang-pantao.htm

You might also like