You are on page 1of 10

ACTIVITY SHEETS

ARALING PANLIPUNAN 6

Quarter 1: Week 4

Name : __________________________________________ Grade: _____________


Section: _________________________________________ Date: ______________

ANG KABABIHAN SA REBOLUSYONG PILIPINO

(AP6PMK-Ie-8)

Batayang Impormasyon

GREGORIA DE JESUS

Bagama’t napakarami na ang naisulat tungkol sa


kasaysayan, karamihan sa mga datos na ito ay
nasa punto de bista ng mga lalaki, at hindi
naririnig ang boses ng kababaihan sa pagdaloy
ng panahon. Ayon kay Camagay (1998, 4), hindi
nangyayari ang ganitong suliranin dahil sa
kakulangan ng primaryang batis, sapagkat
mayroon ding mga mayamang primaryang batis
gaya ng mga tula, kanta, at liham, ngunit
madalas itong hindi tinatanggap bilang
akademikong primaryang batis. Bilang pagsagot
sa ganitong pangangailangan, maaaring suriin
ang isang tula ni Gregoria de Jesus, pambansang balo at asawa ni Andres
Bonifacio, upang mailahad ang pananaw ng isang kababaihan sa konteksto ng
rebolusyon ng Katipunan sa isang paraang makabuluhan sa pag-aaral ng
kasaysayan. Sa pagsuri ng tulang "Nostalgia" ni Gregoria de Jesus, matutuklasan
na sa umiiral na konteksto ng patriyarka sa panahon ng rebolusyon, ginamit ni De
Jesus ang istilo ng kundiman upang ipakita ang kanyang labis na pagmamahal para
sa bayan. Gayundin, sa kanyang tema ng pisikal, spiritwal, at emosyonal na
kawalan ng pagkakabuong ipinahayag gamit ng mga imahe ng katawan, na tunay na
naranasan noong panahon ng rebolusyon, mahalaga ang tula ni De Jesus sa
kasaysayan bilang akdang nagbibigay ng pananaw ng kababaihan, hindi lamang
ayon sa kanilang kontribusyon sa lipunan ngunit ayon din sa kanilang pagkatao
bilang babae na dalaga, asawa, at ina. Upang suriin ang tula nararapat munang
bigyan ng konteksto ang panahon ng rebolusyon, sapagkat ayon kay Ofreneo
(1998, 23) nagiging mahalaga rin sa kasaysayan ang pagbigay ng pokus sa
karanasan ng babae sa kanyang lipunan, at ang mga tungkuling kanyang
ginagampanan sa loob ng kanyang konteksto. Sa konsepto ni Ofreneo ng “life
story,” isang metodolohiya ng kasaysayan, nakikita sa mga sulatin ang pag-iisip ng
isang babae, ang kanyang mga karanasan sa daloy ng buhay, at ang mga detalye at
kontradiksyon ng lipunang kanyang ginagalawan (1998, 22-23). Sa pag-unawa nito,
mas mabibigyan ng lalim ang pagsuri ng tula ayon sa konteksto ng may-akda at ng
kasaysayan. Mula sa kanyang talambuhay at ilan pang mga primaryang batis,
mapapansing umiiral ang patriyarka sa iba’t ibang aspekto ng buhay ni De Jesus,
sa personal man ito na paraan o sa mga institusyong kanyang kinagagalawan.

JOSEFA RIZAL

Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa


pamilya at siya ipinanganak noong
taong 1865. Si Josefa ay kilala rin
bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay
nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga
mensahe. Siya ay nagsulat para kay
Josefa na ang laman ay pagpupuri niya
sa kanyang kapatid dahil sa kanyang
kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay
nagsulat din ng mensahe tungkol sa
bente pesos ngunit ang 10 doon ay para
dapat sa lotto.

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa


niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal
bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro
ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.

MELCHORA AQUINO
Sa kanyang katutubong bayan, nagtayo si Tandang
Sora ng isang tindahan, na naging kanlungan para
sa mga may sakit at sugatan na mga
rebolusyonaryo. Kinupkop, pinakain, binigyan ng
medikal na atensiyon at pinapayohan ang mga
rebolusyonaryo at ipinagdarasal. Ang mga lihim na
pagpupulong ng Katipuneros (mga rebolusyonaryo)
ay ginanap din sa kanyang bahay. Sa gayon ay
nakuha niya ang mga bansag na "Babae ng
Rebolusyon", "Ina ng Balintawak", "Ina ng
Rebolusyong Pilipino", at Tandang Sora (ang
Tandang ay nagmula sa salitang Tagalog na
matandâ, na nangangahulugang matanda). 

Siya at ang kanyang anak, si Juan Ramon, ay naroon


sa Sigaw ng Balintawak at mga saksi sa pagpunit ng mga cedula. Nang malaman ng
mga Espanyol ang tungkol sa kanyang mga gawain at ang kanyang kaalaman sa
kinaroroonan ng Katipuneros, siya ay siniyasat ngunit tumanggi siyang ibunyag ang
anumang impormasyon. Pagkatapos ay inaresto siya ng guardia civil at ipinatapon
sa Guam, Marianas Islands, kung saan siya at isang babae na nagngangalang
Segunda Puentes ay inilagay sa ilalim ng house arrest sa tirahan ng isang Don
Justo Dungca.

Pagkaraang kontrolin ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1898, si Tandang


Sora, tulad ng iba pang mga bihag, ay bumalik sa Pilipinas hanggang sa kanyang
kamatayan noong Marso 2, 1919, sa edad na 107. Ang kanyang labi ay inilipat sa
kanyang sariling likuran (na kilala ngayon bilang Himlayang Pilipino Memorial Park,
Quezon City).
TERESA MAGBANUA

Sa kabila ng pagsalungat mula sa kanyang asawa,


si Magbanua ay sumunod sa yapak ng kanyang
dalawang magkakapatid at sumali sa
rebolusyonaryong kilusan. Nakuha niya ang mga
armas laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang
mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa
ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado.

Nagpakita ng lakas ng loob, patriotismo at


taktika sa militar, kinuha ni Magbanua ang
kanyang unang panalo sa labanan sa Barrio
Yating, Pilar, Capiz noong Disyembre 3, 1898
kung saan pinamunuan niya ang isang banda ng
mga rifle sharpshooter at mga sundalo, at pinabagsak ang mga tropang Espanyol
sa lugar. Tinatawag ng kanyang yunit bilang "Nay Isa", si Magbanua ay naging
kumander ng yunit at nakipaglaban sa Labanan ng Sapong Hill kung saan siya at
ang kanyang mga tropa ay naging matagumpay.

Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakilahok si Magbanua sa ilang mga


digmaan laban sa mga armadong pwersang Amerikano, tulad ng kanyang mga
kapatid na si Pascual at Elias, na parehong mga opisyal. Noong Pebrero 11, 1899,
si "Nay Isa", kasama si General Martin Delgado, ay nakipaglaban sa Labanan ng
Iloilo City. Lumahok din siya sa Labanan ng Balantang, Jaro ng Marso 1899.

Ang digmaan ay nagdala sa kanya ng labis na paghihirap pagkatapos nawala ang


kanyang dalawang magkapatid. Ang kanyang mga kapatid na sina Pascual at Elias
ay parehong namatay sa di maipaliwanag na pangyayari.

Matapos ang maraming labanan, napagtanto niya na ang kanyang pangarap sa isang
independiyenteng Pilipinas ay kailangang maghintay. Binuwag niya ang kanyang
mga tropa at sumuko sa mga Amerikano noong 1900.

Habang hindi aktibong manlalaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginawa


ni Magbanua ang kanyang makakaya upang labanan ang mga pwersang Hapon.
Ibenenta niya ang kanyang ari-arian upang may pambili ng pagkain at suplay na
ibinigay niya sa mga lokal na gerilya.

Ang kanyang pag-aasawa kay Alejandro ay hindi nagbunga ng anumang anak.


Namatay si Alejandro di-nagtagal matapos ang pananakop ng Hapon.
Lumipat si Magbanua sa Mindanao pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
at nanirahan kasama ang kanyang kapatid na si Maria sa Pagadian, Zamboanga del
Sur. Namatay siya noong Agosto 1947.

MARINA DIZON SANTIAGO

NASA DUGO ang pagka-bayani, isinilang


si Marina Dizon nuong Julio 19, 1875 sa
Trozo, Manila. Ama niya si Jose Dizon, isa
sa ‘13 martires’ na binitay ng mga Español
nuong Himagsikan ng 1896-1898. Namatay
ang kanyang ina, si Roberta Bartolome,
nuong 8 taon gulang lamang si Marina, at
naging ina-inahan niya si Josefa Dizon, ang
kanyang tiahin at ina ni Emilio Jacinto, ang
‘utak’ ng Katipunan at dakilang bayani ng
Pilipinas.
Una siyang nag-aral kay ‘Maestro
Tony’ Timoteo Reyes, bago pumasok sa
paaralang bayan at naturuan nina Aniceta
Cabrera at Guadalupe Reyes. Nahilig siya
sa bayang kalikasan (natural geography) at
kasaysayan (history). Sinulsulan din siyang
mag-aral ng musica at pagpinta, at nahasa siya sa pagtalumpati (declaimer), pag-
awit (singer) at pagtutog sa violin (violinist). Sumali siya sa Trozo Comparsa
rondalla (string band).
Hinangad niya maging guro subalit sinaway siya
ng kanyang ama. Isa sa mga nakasabay niyang nag-aral si Jose Turiano Santiago.
Matikas nang dalaga si Marina nang lihim siyang sumanib sa Katipunan nuong
1893, isang taon pagkatapos itatag ito ni Andres Bonifacio, sa tulong ng pinsan
niya, si Emilio.
Tulad din ni Emilio, sumapi si Marina sa mga Mason (freemasons), at napabilang
sa Logia de Adopcion (Adoption lodge, bahay-ampunan) upang hindi matutop at
paghinalaan ng mga Español.
Subalit ang mga ‘ampon’ sa katotohanan ay mga tanod na nagbantay tuwing
magpulong ang mga Katipuneros upang magbabala pagdating na guardia civil.
Minsan-minsan, nagsayaw pa sila paminsan-minsan sa harap ng mga guardia upang
hindi maghinala ang mga ito. Tiktik din sila nagmanman sa mga tangka at gawa ng
Español.
Si Emilio ang nagdala sa kanya isang gabi sa bahay ni Restituto
Javier sa Oroquieta, Binondo, at kasabay niyang nasapi sa Katipunan ang 2
kapatid na babae ni Jose Rizal, sina Josefa at Trinidad. Sumapi din nuong gabing
iyon ang mga pamangkin ni Rizal, sina Delfina Herbosa at Angelica Rizal
Lopez. Tumulong sila kay Gregoria de Jesus, ang asawa ni Andres Bonifacio,
upang itatag ang pang-babaing bahagi ng Katipunan. Si Marina ang nahirang na
kalihim (secretary).

TRINIDAD TECSON

Si Trinidad Perez Tecson (Tri·ni·dád


Pé·rez Tek·són) ay babaeng bayani ng
Himagsikang Filipino at kilala bilang“Ina ng
Biyak-na-Bato.” Isa siyá sa iilang
kababaihan na humawak ng armas at
nakipaglaban kasáma ng mga kalalakihan sa
rebolusyon. Binansagan din siyáng ina ng
Red Cross sa Filipinas para sa kaniyang
paglilingkod sa mga kasámang Katipunero.
Isinilang siyá noong 18 Nobyembre 1848 sa
isang mariwasang angkan sa San Miguel de
Mayumo, Bulacan. Mga magulang niyá sina
Rafael Tecson at Monica S. Perez. Bukod sa
maganda, hinangaan siyá ng kalalakihan sa
tapang at paghawak ng sandata. Nag-aral
siyá ng eskrima at sinasabing minsang pasukin ang kaniyang bahay ng mga
guwardiya sibil para mag- inspeksiyon ay nilabanan niyá ang mga ito. Ilan sa mga
sundalo ang kaniyang nasugatan at nahabla siyá. Labinsiyam na taóng gulang siyá
nang mapangasawa ni Sinforoso Desiderio. Hindi nagtagal ang buhay ng kaniyang
unang asawa pati ang kanilang dalawang anak.

Pagsiklab ng Himagsikan, sinasabing kasáma siyá sa hukbo ni Heneral Mariano


Llanera sa pagpapalaya ng San Miguel. Nang magtayo ng isang bahay para sa mga
maysakit at sugatan sa Biyak-na-Bato ay siyá ang nangasiwa nitó. Dahil dito kayâ
tinawag siyáng Ina ng Biyak-na- Bato. Nang lusubin ng mga Español ang Biyak-na-
Bato ay matagumpay niyá itong ipinagtanggol kasáma ng pangalawang asawang si
Julian Alcantara at ilang katulong. Muntik na siyáng mamatay sa isang madugong
labanan sa San Miguel; nasugatan siyá sa kanang hita sa labanan sa Zaragoza,
Nueva Ecija.
Sa ikalawang yugto ng Himagsikan, sumáma siyá sa pangkat ni Heneral Gregorio
del Pilar sa pagkuha sa bayan ng Bulacan at sa pangkat ni Heneral Isidoro Torres
sa pagpasok sa Calumpit. Nakarating siyá hanggang Zambales sa pakikipaglaban
sa mga Americano hanggang magkasakit sa págod at ipagamot sa Maynila.
Pagkatapos ng digmaan, namatay ang kaniyang ikalawang asawa at itinuon niyá ang
atensiyon sa negosyo sa Nueva Ecija. Namatay siyá noong 28 Enero 1928 sa
Philippine General Hospital. Nakahimlay ang kaniyang mga labí sa Cementerio del
Norte. 

MARCELA AGONCILLO

Si Marcela Mariño de Agoncillo, o mas kilalá


bílang Marcela Agoncillo (Mar·sé·la
A·gon·síl·yo) ang pangunahing tagahabi ng una
at opisyal na watawat ng Filipinas. Dahil dito,
binansagan siyáng “Ina ng Watawat ng
Filipinas.”
Sa gulang na 30, ikinasal siyá kay Felipe
Agoncillo, ang abogadong kakatawan sa
Filipinas sa Kasunduang Paris noong 1898.
Nang nadestiyero si Felipe sa Hong Kong
pagsiklab ng Himagsikang Filipino, sumáma sa
kaniya si Marcela at kanilang mga anak.
Hábang naroon, pinakiusapan ni Heneral
Emilio Aguinaldo si Marcela na humabi ng
watawat na sasagisag sa bansang Filipinas at
ayon sa disenyo ni Aguinaldo. Gamit ang
sedang binili niya sa Hong Kong, hinabi ni Marcela, ng anak na si Lorenzana, at
kaibigang si Delfina Herbosa de Natividad (na pamangkin ni Jose Rizal sa kapatid
niyang si Lucia) ang watawat sa loob ng limang araw. Noong Mayo 1898, inihatid ni
Agoncillo ang watawat kay Aguinaldo, na siyá namang nagdalá nitó pabalik ng
Maynila. Ito ang bandilang iwinagayway mula sa kaniyang bahay sa Kawit, Cavite
sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa saliw ng
Pambansang Awit. Hindi nga lamang ito nasaksihan ni Agoncillo, na nanatili sa
Hong Kong kasáma ang kabiyak.

Isinilang siyá noong 24 Hunyo 1860 sa Taal, Batangas kina Francisco Mariño at
Eugenia Coronel. Nag-aral siyá sa Colegio de Sta. Catalina, isang ekslusibong
paaralan para sa mga babae, sa Intramuros, Maynila. Nagkaroon siyá ng anim na
anak, pawang mga babae, kay Felipe Agoncillo. Pumanaw siyá noong 30 Mayo 1946
at inilagak kasáma ang mga labi ng kaniyang asawa sa Sementeryong La Loma sa
Maynila. Sang-ayon sa kaniyang hulíng hiling, ginawang museo ang kanilang bahay
sa Taal, na ngayon ay nakapangalan sa kaniya

GAWAIN 1

Panuto: Ilarawan mo ang mga natatanging kababaihang na naitala sa loob ng mga bilog.
Isulat ang iyong mga sagot sa bawat patlang na nakalaan sa ibaba.
(2 puntos kada kahon)

GREGORIA DE JESUS MELCHORA AQUINO

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

GABRIELLA SILANG TERESA MAGBANUA

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

MARINA DIZON

___________________________

____________________________
GAWAIN 2
Panuto: Ipaliwanag (5 puntos)

1. Anong aral ang dapat mong matutunan mula sa ginawa ng mga makabayang kababaihang
Pilipino sa pagkamit ng kalayaan noon?

2. Paano maisasabuhay ng ibang Pilipino ang aral na ito?

3. Sa mga Kababaihan ng Rebolusyon, sino ang iyong hinahangaan o gusto mong tularan/
Bakit?

GAWAIN 3:

Panuto: Suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng Partisipasyon ng mga Kababaihan sa


Rebolusyong Pilipino. Lagyan ng salitang TAMA kung ito ay tumatalakay sa mga naiambag
ng mga kababaihan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at MALI naman kung hindi.

_____ 1. Nagbigay ng pagkain at tulong sa mga maghihimagsik laban sa mga Espanyol.


_____ 2. Ginamot ang mga sugatang katipunero.
_____ 3. Nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng katipunan.
_____ 4. Nanguna sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
_____ 5. Gumamit ng kampilan sa pakikipaglaban sa mga mananakop.
_____ 6. Nagsilbing tagapuslit ng mga gamit pandigma.
_____ 7. Itinuring sila bilang kaagapay sa ilang aktibidades ng samahan.
_____ 8. Tagapaggawa ng mga bandila.
_____9. Kalihim ng sangay ng kababaihan at tagapagtago rin ng mga dokumento ng
Katipunan.
_____10. Humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan, tagasulat ng mga katitikan,
taga-ingat ng mahahalagang dokumento, tagalin-lang, taga-aliw sa mga awtoridad na mga
Espanyol.

Teache’s Signature: ____________________________________


Parent’s Signature: ____________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
DEPEDNDE SA SAGOT NG BATA

GAWAIN 2
DEPEDNDE SA SAGOT NG BATA

GAWAIN 3

1.T 2.T 3.T 4.M 5.T 6.T 7.T 8.T 9.T 10.T

You might also like