You are on page 1of 13

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

3
TEACHER'S REFERENCE GUIDE (TRG)
Paaralan : Antas: 8
Guro: Asignatura: Araling Panlipunan
Petsa ng Markahan: Unang Markahan -
Pagtuturo: Unang Linggo

I. MGA LAYUNIN

ARALING PANLIPUNAN
a) Pamantayang
Pangnilalaman
a. Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa
interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
Unang Markahan – Ikalawa at ikatlong Linggo
kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog
sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
b. Pamantayan sa a. Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang
Paggawa proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang
“ANG KATANGIANG PISIKAL
kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon
c. MELC NG DAIGDIG”
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga
rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi,
pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)

II. PAKSANG ARALIN:


“ANG DAIGDIG”
________________________________________________
a) Sangunian: Mag-aaral
ADM Alternative Delivery mode, Araling Panlipunan 8
b) Mga Kagamitan: TRG, LAS, AC
________________________________________________
c) Integrasyon: Pahalagahan ang kalusugun at Maging matatag sa mga
Pangkat
Pagbabago ng Panahon
III. PAMARAAN:
a) Gawain a. Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang
________________________________________________
Guro ng daigdig
pitong kontinente

b) Pagsusuri a. Mag-isip ng isang simbulo na magrerepresenta ng


________________________________________________
inyong relihiyon.
Magulang Iguhit ito at pagkatapos ay sagutiin
o Tagapangalaga
ang mga tanong na nasa ibaba.
c) Abstraksyon/ a. Suriin ang Heograpiyang Pantao
________________________________________________
Paghahalaw
Paaralan
d) Paglalapat Crossword Puzzle

8
Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa
pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat
bilang.
ISAGAWA Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan
ng malalim na pag-intindi ang kanilang heograpiyang
pantao.
________________________
PAGTATASA Petsa
SA SARILI: PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
ng Pagpasa
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
B. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
4
LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS)

Mahal naming mag-aaral,

Magandang Araw!

Nasa ibaba ang iyong mga kasanayan para sa isang linggong pag-aaral. Ang
mga gawain ay sadyang binuo para sa iyo kaya’t basahin, unawain at
sundin ang bawat panuto. Maaring humingi ng gabay sa sinumang
maaaring makatulong sa iyong mga gawain. Maging malikhain sa paggawa
ng mga aktibidad at tiyakin ang kaligtasan sa lahat ng oras. Masayang pag-
aaral!

Nagmamahal,

Ang iyong guro

ANG DAIGDIG
Punan Mo Ko
Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang pitong kontinente ng daigdig.

5
TUKLASIN
Gawain: Simbolo na Pananampalataya
Mag-isip ng isang simbulo na magrerepresenta ng inyong relihiyon.
Iguhit ito at pagkatapos ay sagutiin ang mga tanong na nasa ibaba.

Gabay na Tanong:

1. Ano ipinapahiwatig ng simbolo na iyong ginuhit?

2. Ano ang kinalaman

6
Suriin
Heograpiyang Pantao
Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao o Human
Geography o Heograpiyang Kultural o Cultural Geograph. Ito ay isang agham
panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang
kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o
naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng
wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago
ng tao ang kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na
may kahulugan, at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng
pamumuhay ng tao. Ang interaksyong ito ang pangunahing sinusuri sa
Heograpiyang Pantao.
Wika
Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay
ng pagkakakilanlan sa mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na
wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito
ay napaloob sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang
mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig.

http://denzell.com/wp-content/uploads/2019/01/xlanguages.jpg.pagespeed.ic.AzYk5LfyOz.webp

7
Relihiyon

Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang


“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Ito ay
kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa
isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao
sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na
nagsisilbing- gabay sa kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa
kasalukuyan, hindi ito organisado at mayroong sistematikong mga doktrina.
Malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal
at kasapi ng isang lipunan kung ating tingnan ang kasaysayan ng daigdig. Isa
itong malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng
maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura.
Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang
relihiyon.
Makikita sa mapa ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Lahi/Pangkat-Etniko
Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa
maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito.
Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang
pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa
daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya
sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon gaya ng
nangyari sa Estados Unidos noong Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George
Floyd, isang negro, habang nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa pagbili ng
sigarilyo gamit ang pekeng $20 perang papel. Naging viral ang video ng huling
sandali ng kanyang buhay na siyang nag-udyok ng malawakang protesta sa ibat’t
ibang panig ng bansang Amerika
(https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george- floyd-investigation.html).
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-
etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling
pagkakakilanlan.
Mga Pangunahing Lahi ng Tao
Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang
lahi ng tao. Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang
Mongoloid o Dilaw, ang Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na
inuuri ang mga tao ngayon ayon sa kulay, makakatulong sa pag-aaral ng
pinagmulan ng tao ang ganitong klasipikasyon.

Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na
kayumanggi: mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng
balat. Hugis almond o singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing
Mongoloid. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang
kanilang buhok at hindi gaanong mabalahibo ang kanilang balat. Manipis
ang mga labí nila at hindi matangos ang ilong. Laganap ang lahing
Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino, Hapones, Koreano,
Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian, Indonesian,
Singaporean, taga-Hong Kong at karatig-pook. Ang mga Amerikanong
Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa kapatagang sentral ng
Estados Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko at mga
Indian sa Central at Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.

Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang
kanilang buhok. Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan.
Matatagpuan ang mga purong Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea.
Pahaba ang hugis ng kanilang ulo, malalapad ang kanilang ilong at
makakapal ang mga labí. Maitim hanggang matingkad na kulay kape ang
kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman matatagpuan ang mga Nilote,
mga Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu, Swahili at Swazi.
Hindi gaanong maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang mga labí
at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid
at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga
pulo ng Pacific.
Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang
hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang
kulay ng mga mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang katawan at
malalapad ang ulo. Ang mga Mediterranean naman ay hindi gaanong
mapuputi, may kaitiman ang kulay ng balat at mata, maitim din at
mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang mga lahi na
naninirahan sa rehiyon ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga Arabo.
Matatagpuan ang iba sa hilaga at gitnang India. Mga ninuno ng Hammites
subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia
at sa kanlurang Sahara.

ttps://pic.betweenmates.com/img/news/148/difference-between-race-and-ethnicity_1.jpg
PAGYAMANIN
Gawain: Crossword Puzzle

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng


pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.

Pahalang Pababa

1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may


pinakamaraming tagasunod
3. Sistema ng mga paniniwala at
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal Pinakamaraming taong gumagamit
ng pangkat ng tao
5. Salitang-ugat ng relihiyon
9. Pamilya ng wikang Filipino
6. Salitang Greek ng “mamamayan”
10. Matandang relihiyong umunlad sa
8. Pangkat ng taong may iisang
India
kultura at pinagmulan
ISAGAWA

Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan ng malalim na pag-intindi


ang kanilang heograpiyang pantao.
Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gumamit ng anumang uri ng papel at gupitin ito na kahugis ng
isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga
simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang
iyong pinili.

3. Idikit ito sa gawaing kwaderno at isulat ang paliwanag sa


disenyo ng iyong ginawang kasuotan.
Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyo Puntos


n
Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at 10
ng Kasuotan mga bagay o simbolong nakaguhit sa
damit; nakapaloob ang tatlo o higit
pang konsepto ng aralin
Disenyo Malikhain ang gawang damit; angkop ang 10
ng Kasuotan kulay at laki ng mga nakasulat at
nakaguhit sa damit; malinaw ang mensahe
batay sa disenyo

Kabuuan 20

PAGTATASA
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
B. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 15% ng populasyon sa mundo?


A. Hinduismo B. Budismo C. Islam D. Iba pa

2. Alin dito ang tumutukoy sa lahi ng mga puti?


A. Caucasoid B. Budismo C. Mongoloid D. Hinduismo

3. Ito ay mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.


A. Austronesian B. Language Family C. Indo-European D. 6,200,000,000

4. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.


A. Islam B. Iba pa C. Wika D. Hinduismo

5. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian
kilala ang lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang
buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)
(Para sa Magulang o Tagapangalaga)

Panuto:
Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon. Kung may
mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa nakalaang puwang sa
dakong kanan.

OBSERBASYON
Komento o
NagawaLahat
NagawaHindi

ngBahagya

BATAYAN NG PAGTATASA Suhestiyon ng


Magulang

Gawain 1:
Ang mag-aaral ay inaasahang
Kumpletuhin ang diagram at maisulat
sa mga bilog ang pitong kontinente ng
daigdig
Gawain 2:
Ang mag-aaral ay Mag-isip ng isang
simbulo na magrerepresenta ng
relihiyon at Iguhit ito at pagkatapos ay
sagutiin ang mga tanong na nasa
ibaba.

Gawain 3:
Ang mag-aaral ay susuriin ang
Heograpiyang Pantao
Gawain 4:
Ang mag-aaral ay bubuuin ang puzzle
tungkol sa heograpiyang pantao sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
inilalarawan ng bawat bilang.
At isasagawa ang Pagpili ng isang
bansa na nais miyang bigyan ng
malalim na pag-intindi ang kanyang
heograpiyang pantao.

Gawain 5:
Ang mag-aaral ay babasahin at
unawain ang mga katanungan. at
Pipiliin at isusulat ang titik ng
tamang sagot.

__________________________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like