You are on page 1of 2

Lyceum of Cebu, Inc.

Capitol Hills, Brgy. Kalunasan, Cebu City


Tel. Fax #255-1981/254-7074 (Main Campus)
E-Mail Address: lyceum_of_cebu@yahoo.com

UNANG LAGUMANG PASULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: ____________ Petsa: ________ SY: ______


Guro: __________________________ Marka: _______

I. A. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung mali ang pahayag, salungguhitan ang
maling salita at isulat sa patlang ang tamang sagot.
_________________ 1. Ang Pambansang Ekonomiya ang pangunahing paksa na pinag-aaralan sa
Araling Panlipunan 8.
_________________ 2. Ang heograpiya ay tumutukoy sa komprehensibong pag-aaral ng katangiang
pisikal ng daigdig.
_________________ 3. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: anyong lupa at
anyong tubig, likas na yaman, at gawi ng tao.
_________________ 4. Hango ang heograpiya sa salitang Griyego na “geo” at “graphia”, na ang ibig
sabihin ay paglalarawan ng bahay.
_________________ 5. Ang klima ay ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa
takdang panahon.
_________________ 6. Ang Baybayin ng Bengal ay isang halimbawa ng anyong lupa.
_________________ 7. Tinatawag na kabihasnan ang mataas na antas ng pamumuhay ng isang lipunan
na masasalamin sa ilang pangunahin at sekundaryang katangian.
_________________ 8. Ang Mesopotamia ay isang lambak-ilog sa Timog-Kanlurang Asya na nasa
pagitan ng mga ilog Euphrates at Tiger.
_________________ 9. Patriyarkal ang tawag sa sistema ng lipunan na ang pamamalakad ay nakaatas
sa mga lalaki.
_________________ 10. Nagmula sa Akkad ang mga dayo na tinawag na Chaldean.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Isang konseptong panlipunan na binuo upang pangkatin ang mga tao batay sa pagkakaiba sa
katangiang pisikal at kaasalan.
a. Lahi b. Wika c. Pangkat Etniko d. Relihiyon
2. Ito ay saloobin at opinyon na walang katanggap-tanggap na batayan na nagreresulta sa
pagwawalang-bahala ng karapatan ng isang tao.
a. Prehuwisyo b. Diskriminasyon c. Inekwalidad d. Imoralidad
3. Ito ay ang hindi pantay na pagtrato ng tao sa ibang tao.
a. Prehuwisyo b. Diskriminasyon c. Inekwalidad d. Imoralidad
4. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain.
a. Lahi b. Wika c. Pangkat Etniko d. Relihiyon
5. Kalipunan ng mga tao na may pagkakatulad sa wika, relihiyon, pagkain, paniniwala, kaasalan, at
kultural na pagkakakilanlan.
a. Lahi b. Wika c. Pangkat Etniko d. Relihiyon
6. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura at ang nagsisilbing paraan sa pagbuo ng kanilang
pagkakakilanlan.
a. Lahi b. Wika c. Pangkat Etniko d. Relihiyon
7. Relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Islam d. Hinduismo
8. Kinabibilangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyon ng mga "pang-araw
araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Islam d. Hinduismo
9. Ang komunikasyon at kalakalan sa malawak na lugar.
a. Wika b. Pidgin Language c. Lingua Franca d. wala sa pagpipilian
10. Nangangahulugan din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyosa.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Islam d. Hinduismo

II. Kumpletuhin ang graphic organizer.

Heograpiyang Heograpiyang
Pisikal Pantao

III. Sagutin ang mga katanungan nang maayos at komprehensibo. Limitahan ito sa 3 – 5 salita. (5 pts.
Each)
1. Bigyan ng puna (critique) ang paraan ng pamamahala ng mga Assyrian. Mainam ba itong tularan sa
pamamahala sa kasalukuyan? Pangatwiranan ang iyong sagot.

2. Paano nakaapekto ang paglikha ng mga kasangkapan at teknolohiya sa ebolusyon?

3. Paano nakakamit ng isang lipunan ang antas ng kabihasnan?

4. Base sa mga natutunan mo tungkol sa iba’t ibang kabihasnan, bakit kailangan patuloy na pagbutihin
o magkaroon ng inobasyon ang ating pamahalaan?

You might also like