You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Palawan
BERONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Berong, Quezon, Palawan
Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII

Pangalan:________________________________ Petsa:___________
Baitang at Seksyon:________________________ Iskor:___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng
daigdig?
A. antropolohiya B. heograpiya C. ekonomiks D. kasaysayan
2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar?
A. lokasyon B. paggalaw C. lugar D. rehiyon
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang kinalaman ng
araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig
6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan.
Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?
A. interaksiyon B. lokasyon C. paggalaw D. rehiyon
7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?
A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao
8. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at
southern hemisphere?
A. equator B. longitude C. latitude D. prime meridian
9. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?
A. Annapurna B. Lhotse C. Everest D. Makalu
10. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
A. core B. cover C. crust D. mantle

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot.
11. Ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig ay ang Hinduismo na pangunahing paniniwala sa bansang India.
12. Ang wika ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat.
13. Anong relihiyong kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo.
14. Ang konsepto ng etniko ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan.
15. Ang relihiyon ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat.
16. Ang relihiyong Islam ang sinasamba ng mga Arabe.
17. Ang etnolinggwistiko ang tumutukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay
sa wika.
18. Ang relihiyong Budhismo ang may pinakamaliit na bilang ng tagasunod sa buong mundo
19. Sa panahong neolitiko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao.
20. Sa panahong neolitiko nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura.

Hinduismo Neolitiko Wika Budismo Kristiyanismo


Neolitiko Etnolinggwistiko Etniko Islam Relihiyon

Panuto: Pillin ang tamang sagot sa Hanay A mula sa mga pagpipilian sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot bagpo ang bilang.
HANAY A HANAY B
A 21. Kabilang sa mga pangkat na sumakop sa A. Akkadian
lupain ng Mesopotamia
D 22. Anyong lupa na makikita sa hilagang bahagi B. Mesopotamia
ng India
F 23. Kabihasnang umunlad sa India C. Nile
H 24. Pinakamatandang kabihasnan ang nananatili
D. Kabundukan
pa rin hanggang
sa kasalukuyan
E. Mediterranean Sea
G 25. Ilog na nagpabago sa kabihasnan sa Tsina
E 26. Makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Egypt F. Indus
C 27. Ilog na nagbigay biyaya sa Egypt
B 28. Pinakamatandang kabihasnan sa buong G. Huang Ho
daigdig
T 29. Rehiyon sa Asya na matatagpuan ang H. Ehipto
sinaunang kabihasnan ng Indus
I 30. Pinagmumulan ng tubig na dumadaloy sa I. Himalayas
Indus River
J. Timog

K. Karagatan

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pahayag ay tama. Isulat ang MALI kung ang isnasaad ng pahayag
ay mali. Isulat ang sagot bago ang bilang.
TAMA 31. Ang apoy ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko.
TAMA 32. Prehistoriko ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan.
MALI 33. Ang panahong Paleolitiko ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan
TAMA 34. Sa panahong Paleolitiko ay hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan.
MALI 35. Sa panahong Mesolitiko ay naganap ang paglikha ng mga makabagong kagamitan.
TAMA 36. Ang Mesolitiko ay nangangahulugang Gitnang Bato.
MALI 37. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
TAMA 38. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit nasila ng metal.
MALI 39. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse sa panahong Paleolitiko
MALI 40. Ang masamang panahon ang pangunahing dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenting lugar
sa panahon ng Neolitiko.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag. Gamitin ang pamantayan sa pagsagot.
Pamantayan:
Mahusay na naipahayag ang sagot 4
Malinaw at nauunawaan 3
May kaugnayan sa tanong 3
Kabuuan 10

1. Ano ang iyong sariling pagkakaunawa sa konsepto ng kabihasnan? Magbigay ng halimbawa.


2. Magtala ng mga bagay na naging kontribusyon ng sinaunang kabihasnan na
pwedeng gamitin ng tao sa kasalukuyan.
Inihanda nina: JULIE I. ABERA
AIREN D. BALBUTIN
Mga Guro sa Araling Panlipunan 8

“Magtiwala ka sa Diyos buong puso at isipan at huwag mananahan sa sariling karunungan” -Kawikaan 3:5

You might also like