You are on page 1of 6

Luis Y. Ferrer Jr.

North National High School

Mary Cris Complex, Pasong Camchile II, General Trias City, Cavite

Araling Panlipunan

Unang Markahan
WORKSHEETS
GAWAIN BILANG 1: (√) o (X)

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang kahon pagkatapos ng
numero kung ang nakasalungguhit sa pahayag ay tama, samantalang ekis (X) kung ito ay mali. Isulat ang
iyong sagot sa isang hiwalay na sagutang papel.

Ang kasaysayan ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang


pisikal ng daigdig.
1.

Tinatawag ang heograpiya bilang pag-aaral sa pisikal na katangian ng isang


lugar o rehiyon.
2.

Ang prime meridian ay humahati sa Timog at Hilagang Hemispero.

3.

Ang tangway ay tumutukoy sa anyong lupa na pahaba at nakausling lupa na


napaliligiran ng tubig.
4.

Tumutukoy ang klima sa isa pang atmosperang kondisyon sa isang maliit na


parte ng lugar sa pangmadaliang panahon.
5.

6. Si Herodotus ang tinaguriang “Ama ng Heograpiya.”

Pinaniniwalaan ni Alfred Wegener na ang mga kontinente milyon-milyong


taon na ang nakakaraan ay iisang masa ng lupa lamang at tinatawag itong
7. Pangaea.

Ang kontinente ng Africa ang siyang pinakamalaking kontinente sa daigdig.


Taglay nito ang 1/3 ng lupa ng daigdig.
8.

Ang polar climate ay klima na nararanasan malapit sa ekwador.

9.

Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay o biyaya na nakukuha natin


mula sa kalikasan.
10.
GAWAIN BILANG 2: MULTIPLE CHOICE

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay uri ng yamang likas maliban sa _____.


A. Yamang Lupa C. Yamang Tao
B. Yamang Mineral D. Yamang Tubig

2. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.


A. Heograpiya C. Kasaysayan
B. Heologo D. Topograpiya

3. Ito ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikitan ng araw at matatagpuan ito
sa 23.5 degrees hilagang ekwador.
A. Prime Meridian C. Tropic of Capricorn
B. Tropic of Cancer D. Tropical Region

4. Sa tema ng heograpiya, ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar.


A. Interaksyon C. Lugar
B. Lokasyon D. Rehiyon

5. Siya ang tinaguriang Ama ng Heograpiya.


A. Alfred Wegener C. Herodotus
B. Eratosthenes D. Wala sa nabanggit

6. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa crust MALIBAN sa isa.


A. Ito ang pinakabalat ng daigdig
B. Ito ang panahanan ng lahat ng nabubuhay
C. Binubuo ito ng mga tunaw na batong mainit
D. Ito ay may habang 3 hanggang 30 milya pailailim

7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?


A. Upang masamantala natin ang paggamit sa mga likas na yaman
B. Upang mapangalagaan natin ang ating daigdig mula sa mga penomena
C. Dahil ito ay nakatutulong upang alamin ang katangian ng ating daidgig
D. B at C ay wasto

8. Ito ang bulubundukin na tinaguriang “Roof of the Word”.


A. Andes Mountains C. Rocky Mountains
B. Himalayas Mountains D. Ural Mountain

9. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang kondisyong atmospera sa isang rehiyon.


A. Klima C. Paggalaw
B. Lokasyon D. Panahon

10. Ito ay tumutukoy sa pinakamaliit na kontinente sa buong mundo.


A. Antarctica C. Australia
B. Asya and Oceania D. Europe

GAWAIN BILANG 3: MULTIPLE CHOICE

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat numero. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot.
Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura.
A. Lahi B. Pulitika C. Relihiyon D. Wika

2. Alin sa limang (5) pangunahing wika ang may pinakamaraming bansang gumagamit nito bilang opisyal na
wika?
A. Arabic B. English C. French D. Portuguese

3. Ito ang uri ng lahi sa daigdig na may pinakamalaking bilang.


A. African-American C. Caucasian
B. Black D. Mongolian

4. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura at pinagmulan.


A. Bansa B. Lahi C. Mamamayan D. Pangkat-etniko

5. Ang salitang etniko ay nagmula sa salitang Griyego na ethnos na nangangahulugang ______________.


A. Lahi B. Mamamayan C. Pulitika D. Wika

6. Alin sa mga sumusunod na pamilya ng wika sa mundo ang nagtataglay ng pinakamaraming native
speakers?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo
Tayahin

7. Ang mga sumusunod ay limang (5) pangunahing pangkat-etniko sa daigdig MALIBAN sa isa _________.
A. Arabs B. Han-Chinese C. Hindustani D. Punjabi

8. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa konsepto ng heograpiyang pantao ng daigdig


MALIBAN sa isa __________.
A. Ito ay ikalawang sangay ng heograpiya.
B. Saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang mga katangiang pisikal ng daigdig.
C. Pinag-aaralan sa heograpiyang pantao ang mga iba’t ibang wika, lahi/ pangkat-etniko at relihiyon sa
daigdig.
D. Ang heograpiyang pantao ay nagiging tulay sa pagkamit ng pagkakaisa ng mga bansa sa daigdig.

9. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Maraming sigalot sa mga bansa.
B. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
C. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
D.May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan

10. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tao sa daigdig sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang lahi
at wika?
A. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na lahi
B. Huwag pansinin ang mga taong may ibang wika
C. Dapat ipagamit sa kanila ang wika mo upang maging magkaibigan kayo D.Panatilihin ang paggalang sa
bawat isa kahit may magkakaiba ang pinagmulan.
GAWAIN BILANG 4: TAMA O MALI

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kapag ang mga pahayag na nagsasaad ng
Katotohanan at Mali kung ito’y taliwas sa katotohanan.

PAHAYAG KASAGUTAN

1. “Mahusay lumikha ng kasangkapang bato ang mga sinaunang tao”

2. Bato lamang ang materyales na ginagamit ng mga tao noon dahil ito ang
materyales na madaling makuha.

3. “Ang kakayahang lumikha ng sining ay hindi pa natututunan ng mga tao noong


Panahong Preshistoriko”

4. “Pagala-gala ang pamumuhay ng mga sinaunang tao noong Panahon ng Metal.

5. “Nagkaroon ng permanenteng pamayanan noong Panahong Neolitiko dahil sa


kakayahan ng tao na makapagsaka.”

6. “Ang pagpapalayok o “pottery” ay kaalamang nalinang ng mga tao na nakatulong


sa pagluluto at pag-iimbak ng pagkain at inumin.”

7. Ang Catal Huyuk ang itinuturing pinkamatandang pamayanang naitatag sa


kasaysayan.

8. “Sa Gobekli Tepe matatagpuan ang mga guho (ruins) ng mga gusaling
pinagdarausan ng mga seremonyang panrelihiyon noong Panahong Neolitiko.”

9. “Ang pagpapanday ay isang kaalaman na nakatulong sa paglikha ng mas


matitibay na kagamitan na mula sa bato.”

10. “Tanging kasangkapang bato at bakal lamang ang natuklasan at nilinang ng


mga sinaunang tao.”

GAWAIN BILANG 5:

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat numero. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Isulat ang napiling sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mataas na lebel ng pamumuhay ng tao at kakikitaan ng mga elemento tulad ng
organisadong pamahalaan, relihiyon, ekonomiya, at mahusay na sistema ng pagsulat.
A. Agham B. Kasanayan C. Teknolohiya D. Kabihasnan o Sibilisasyon

2. Ito ay nagsisilbing pwersa nagbubuklod sa mga tao sa isang pamayanan. Nag-ugat ito sa mga hindi
maipaliwanag na phenomena na nagbigay-daan sa paniniwala sa mga makapangyarihang nilalalang na may
kakayahang kontrolin ang mga pangyayari.
A. Politika B. Relihiyon C. Pilosopiya D. Ekonomiya

3. Ang pagkatuto ng mga sinaunang tao sa larangan ng agrikultura ay nagbunga ng pag-unlad sa ibat-ibang
gawain at kasanayan tulad ng pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, paggawa ng mga banga, alahas, sasakyang
pandagat, at mga sandata. Dito nagsimulang umunlad ang kakayahan ng tao sa larangan ng paggawa at
pakikipagkalakalan.
A. Politika B. Relihiyon C. Pilosopiya D. Ekonomiya

4. Ito ang pakikilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pamamahala o pamumuno sa isang lugar o
grupo ng tao at paggawa ng mga pagpapasyang makabubuti sa lahat.
A. Politika B. Ekonomiya C. Teknolohiya D. Sistema ng Pag-sulat

5. Sa pamamagitan ng kasanayang ito, naitala ang mga mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan at
natuto ang tao na makipag-ugnayan sa isa’t-isa na naging dahilan upang maisalin ang kaalaman at kasanayan
na nagbigay-daan sa kaunlaran.
A. Politika B. Ekonomiya C. Teknolohiya D. Sistema ng Pag-sulat

GAWAIN BILANG 6:

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap, iguhit ang kung tama at kung mali.
Palitan ang salitang may salungguhit kung ito ay nagpapamali sa pangungusap.

_____________ 1. Si Abraham ay nanirahan sa Mesopotamia na nagpasimula ng kasaysayan ng Hebreo.

_____________ 2. Ang imperyong Phoenician ay tinaguriang “tagapagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang ang
produkto ang kanilang naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na
napuntahan.

_____________ 3. Si Reyna Hatshepsut ay ang maganda at karismatikong reyna ng Ehipto, tagapanguna ni Julius
Caesar at kinilala bilang huling reyna ng Ehipto.

_____________ 4. Ang Hebreo ang tinaguriang “tagapagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang ang produkto ang
kanilang naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan.

_____________ 5. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagtayo ng mga pamayanan sa kagubatan hindi lamang
dahil mataba ang lupa roon kundi ang nakapaligid na disyerto at mga kabundukan ay hindi akma para sa
pagtatanim o pagsasaka.

You might also like