You are on page 1of 3

UNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan: Iskor:
Guro: Baitang:
Lagda ng mga Magulang: Petsa:
Lagda ng Punong-guro:

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang elemento ng estado.


a. teritoryo b. soberanya c. mamamayan d. Pamahalaan

2. Kailan matatawag na bansa ang isang lugar?


a. Kapag taglay nito ang limang katangian
b. Kapag mayaman ang isang lugar
c. Kapag dinarayo ito ng turista
d. Kapag maraming mamamayan

3.Paano napapangkat ang mga bansa sa buong mundo?


a. Ayon sa likas na yaman
b. Ayon sa karatig na lugar
c. Ayon sa mga kontinente
d. Ayon sa laki ng kalupaan

4.Ito ang tawag sa elementong nagbibigay karapatan sa estado na ipatupad ang mga
layunin nito sa pamamagitan ng batas.
a. Estado b. Soberanya c. Teritoryo d. Pamahalaan

5.Sino ang nakabuo ng “Continental Drift Theory” na nagsasaad na ang pagkabuo ng


mga kontinente ay sanhi ng paggalaw sa ilalim ng lupa?
a. Alfred Vargas c. Crates
b. Alfred Wegener d. Prof Bailey Willis

6. Ayon sa 1987 konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, ang pambansang teritoryo ay


binubuo ng?
a. karagatan
b. kalupaan
c. himpapawirin
d. kalupaan, karagatan, himpapawirin, at mga pook submarina
7. Ito ay ang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng katangiang pisikal ng lupa at ng mga
gawain ng tao.
a. heograpiya c. lokasyong pangheograpiya
b. lokasyon d. relatibo
8. Sa anong rehiyon ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
a. Timog-Silangan c. Hilang-Silangan
b. Timog-Kanluran d. Hilagang-Kanluran

9. Ano ang tawag sa isang bansa kung ang ibang bahagi nito ay nakakabit sa isang
kontinente?
a. Insular b. Kontinental c. Archiphelago d. Kontinente

10. Ang Pilipinas ay tinatayang binubuo ng ilang mga pulo?


a. 7,640 b. 6,741 c. 7,641 d. 7,461

II. TAMA O MALI


Panuto: Basahin at intindihin ang bawat pahayag. Isulat ang T kung ang pahayag ay
TAMA at M naman kung ang pahayag ay MALI. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

______11.Lahat ng nakapaloob sa teritoryo ng isang bansa na nakasaad sa batas ay


pagmamay-ari nito.
______ 12.May pitong kontinente sa buong mundo.
______ 13Ang pinakamalaki sa lahat ng kontinente ay ang Asya.
______ 14.Itinuturing namang pinakamaliit sa pitong kontinente ang Africa.
______ 15.Ang wika ay isang katangian ng isang bansa na ginamit upang
magkaunawaan.
______16. Malaki ang naitutulong ng lokasyon ng isang bansa upang umunlad ito.
______17. Ang Maynila, Rizal, Calamba, Batanes, at Leyte ay mga halimbawa ng mga
bansa.
______18. Ang Pilipinas ay hindi ganap na bansa.
______19. Ang Pilipinas ay nasa gitnang bahagi ng Asya kaya naging sentro ito ng
pangangalakal.
______20. Hindi pinahihintulutan ng Pilipinas ang pagdaan ng sasakyang pantubig ng
ibang bansa na dumaan sa ating teritoryo.

Pagsusulit III. Pagtatapat- tapatin


Panuto: Pagtapatin ang nasa Hanay A at nasa Hanay B. Guhitan ito at ipagdugtong
sa kabilang bilog

Hanay A Hanay B

____21. Soberanya a. Teorya ng tulay na lupa

____22. Relatibong lokasyon b. katangiang pisikal ng isang lugar

____23. Absolute c. kalayaan

____24. Lahi d. pinakatimog ng Pilipinas


____25. Bulkanismo e. paggalaw ng balat ng lupa

____26. Kultura f. tradisyon ng isang lahi

____27. Heograpiya g. tiyak na lokasyon

____28. Saluag Island h. karatig na lugar

____29. Diyastropismo i. may kinalaman sa mga bulkan

____30. Gradasyon j. Likas na angkin

k. iisang pinagmulan o pamana

IV. IDENTIPIKASYON

A. Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang bansa. Lagyan ng tsek ang
kahon bago ang bilang kung ito ay bansa at ekis naman kung ito ay hindi.

31. Italy 36. New Zealand

32. Vatican 37. Chile

33. Manila 38. England

34. East Timor 39. Dumaguete

35. South Africa 40. Argentina

A. Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba. Ano- anong mga bansa ang makikita sa gawing
Hilaga, Timog, Kanluran, at Silangan ng Pilipinas? Magbigay ng sampu (10). Isulat sa
kahon ang iyong sasagot. (41-50)
Hilaga

Timog

Kanluran

Silangan

You might also like