You are on page 1of 6

Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Reg

Project SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-Based Teaching)


Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4
Pangkalahatang Panuto:

a. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 40 aytem tungkol sa mga kasanayang pampagkatutong


binigyang-tuon sa buong markahan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem bago
sumagot.
b. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat ang titik nito sa iyong
sagutang papel.
c. Huwag sulatan ang talatanungang ito.
_____________________________________________________________________________
1. Ang soberanya ay isa sa mga salik na bumubuo sa isang bansa. Alin sa mga sumusunod
ang nagsasaad ng pagkakaroon ng soberanya ng isang lugar?
a. ang kalayaan ng lugar ay nakasalalay sa desisyon ng katabing lugar
b. kayang magpatupad ng mga programa ayon sa utos ng karatig lugar
c. mayroong pamahalaan na pinamumunuan ng mga galling sa mas maunlad na lugar
d. mayroong sariling programa at mayroong pamahalaang namamahala sa nasasakupan

2. Ang isang lugar ay hindi basta bastang masasabing isang bansa. Kailan lamang maituturing
na bansa ang isang lugar?
a. mayroong taong naninirahan
b. mayroong sariling pamahalaan
c. may mamamayan, pamahalaan at teritoryo
d. may mamamayan, teritoryo, pamahalaan at soberanya

3. Isa sa mga salik ng isang bansa ay nahahati sa dalawang uri. Alin sa mga naibigay na salik
sa ibaba ang tinutukoy dito?
a. pamahalaan
b. soberanya
c. tao
d. teritoryo

4. Ang Pilipinas ay maituturing na bansa dahil ito ay mayroong sariling pamahalaan. Sino ang
namumuno sa pamahalaan ng Pilipinas?
a. Gobernador
b. Presidente
c. Prime Minister
d. Senador
5. Ito ay isang representansyon o sumisimbolo sa mundo na nakakatulong sa pagtukoy ng
kinalalagyan ng isang lugar?
a. Globo
b. Kumpas
c. Mapa
d. North arrow

6. Ito ay isang uri ng bagay o instrumentong ginagamit upang makatulong sa pagtukoy ng


direksyon sa isang lugar. Ano ang tinutukoy na instrument dito?
a. Iskala
b. Kompas
c. North Arrow
d. True North Map

7. Ang Pilipinas ay kabilang sa kontinenteng Asya. Ano ang taguri sa Pilipinas ayon sa
kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng Asya?
a. Bayang Magiliw
b. Lupang Pangako
c. Perlas ng Silangan
d. Pintuan ng Asya

8. Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking kapuluan na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya,


sa dakong itaas ng isa sa mga guhit sa globo. Anong linya ang tinutukoy dito? a. Ekwador
b. Latitude
c. Longitude
d. Prime Meridian

9. Ang north arrow ay isa sa mga panandang ginagamit o matatagpuan sa mapa. Alin sa mga
direksyon ang tinuturo nito?
a. Hilaga
b. Kanluran
c. Silangan
d. Timog

10. Maraming isla at katubigan ang nakapalibot sa bansang Pilipinas. Saang banda ng Pilipinas
matatagpuan ang Mariana Island?
a. Hilaga
b. Kanluran
c. Silangan
d. Timog

11. Ang bansang Pilipinas ay matatagpuan sa Kontinenteng Asya. Saang bahagi ng Asya
matatagpuan ang Pilipinas?
a. Hilagang-Kanlurang Asya
b. Hilagang-Silangang Asya
c. Timog-Kanlurang Asya
d. Timog-Silangang Asya

12. Ang hangganan at lawak ng Pilipinas ay nakabase sa Saligang batas ng 1987. Anong
Artikulo sa Saligang Batas 1987 matatagupaan ang pambansang teritoryo ng Pilipinas?
a. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987
b. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987
c. Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987
d. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987

13. Bukod sa Malaysia at Brunei, ano pang bansa ang makikita sa dakong Timog ng Pilipinas?
a. Thailand
b. Indonesia
c. Vietnam
d. Laos

14. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mga pulo. Humigit kumulang sa ilang
pulo ang bumubuo rito?
a. 7 641
b. 7 761
c. 7 861
d. 7 961

15. Mayroong mga teritoryo na kabilang sa hurisdiksyon ng teritoryo ng Pilipinas. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang rito?
a. Kalawakan
b. Katubgan
c. Himpapawirin
d. dagat teritoryal

16. Mayroong iba’t ibang pag-aaral tungkol sa mga bagay bagay sa ating kapaligiran. Anong uri
ng pag-aaral ang tumatalakay sa katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat,
lawak at klima?
a. arkeolohiya
b. heograpiya
c. pisika
d. agham

17. Ang pamahalaan ay kalimitang hirap na maiparating ang tulong pang kalusugan, pang-
edukasyon at pangkabuhayan sa mga liblib na lugar. Alin sa mga sumusunod ang maaaring
dahilan nito?
a. kakulangan sa kaalaman
b. pag-aatubili ng nga opisyales ng gobyerno
c. kakulangan ng maayos at sementadong daan at elektrisidad
d. walang oras o panahon na iginugugol sa mga iba’t ibang proyekto

18. Ang bansang Pilipinas ay nabiyayaan ng maraming anyong lupa. Alin sa mga sumusunod
ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng maraming bulkan sa ating bansa sa ating
mga taniman?
a. nagpapaunlad ng turismo
b. napapatag ang mga lupain
c. nagsisilbing atraksiyon sa mga turista
d. nakakatulong sa pagpapataba ng ating mga lupa

19. Dahil sa pagkakaroon ng watak watak na kapuluan, hindi lubos ang pagkakabuklod at
pagkakaisa ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang sanhi nito?
a. edukasyon
b. edukasyon at paniniwala
c. paniniwala, tradisyon at wika
d. paniniwala, tradisyon at edukasyon

20. Marami tayong magagandang anyong tubig at lupa sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang
napapaunlad dahil dito?
a. Edukasyon
b. kasaysayan
c. kultura.
d. Turismo

21. Ano ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman
sa atmospera, temperature, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito?
a. Klima
b. Panahon
c. Tag-init
d. Taglamig

22. Ang Pilipinas ay matatagpuan malapit sa ekwador at nasa mababang latitud. Dahil dito
anong klima ang nararanasan dito?
a. Tag-init
b. Taglagas
c. Taglamig
d. Tropikal

23. Dahil sa mga gawain ng tao, nagkakaroon ng pagbabago sa komposisyon ng atmospera at


nagkakaroon ng hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan. Ano ang tawag sa
panyayaring ito?
a. Climate Change
b. Global Warming
c. Greenhouse Effect
d. Deforestation

24. Ang PAGASA ang siyang sumusubaybay sa lagay ng panahon sa ating bansa. Ano ang ibig
sabihin ng PAGASA?
a. Philippine Atmospheric Geophysical and Astrological Services Administration
b. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administrator
c. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administrating
d. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration

25. Ang Chocolate Hills ang pinakatanyag na burol sa Pilipinas. Saan ito matatagpuan? a. Albay
b. Baguio
c. Bohol
d. Cotabato

26. Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag na bulkan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin
sa ibang bansa dahil sa hugis nitong halos may perpektong kono. Saan sa Pilipinas
matatagpuan ang bulkang ito?
a. Albay, Bicol
b. Baguio, Benguet
c. Carmen, Bohol
d. Taal, Batangas

27. Ang tulay ng San Juanico ang itinuturing na pinakamahabang tulay sa buong Asya na
pinaguugnay ang lalawigan ng Samar at Leyte. Anong anyong tubig ang nasa ilalim ng tulay
ng San Juanico?
a. Ilog
b. Look
c. Kipot
d. Lawa

28. Ayon sa sosyolohiya, ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng tao na naninirahan sa isang
tiyak na lugar o rehiyon. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Pilipinas? a. 15
b. 16
c. 17
d. 18

29. Batay sa sensus ng 2010, anong rehiyon ang may pinakamalaking bilang ng naninirahan? a.
CALABARZON
b. Gitnang Luzon
c. MIMAROPA
d. National Capital Region

30. Binubuo ng maraming rehiyon ang bansang Pilipinas. Sa anong rehiyon matatagpuan ang
sentro ng komersiyo ng bansa?
A. Gitnang Luzon
B. Lambak ng Cagayan
C. National Capital Region
D. SOCCSKSARGEN
31. Ang baha ang pagtaas ng tubig sa mga kalupaan. Ano ang nararapat gawin kapag inaabutan
ng baha sa daan?
a. Maglaro sa baha
b. Iwasan ang baha.
c. Lumangoy sa baha.
d. Subukan tawirin ang baha.
32. Mayroong iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan ng mga tao. Anong uri ng kalamidad
ang tinutukoy kapag ang ipinapaalala ay ang pagiging alerto sa usok at amoy sa bahay? a.
baha
b. landslide
c. lindol
d. sunog

33. Dumapa at gumapang papalabas sa bahay. Anong uri ng kalamidad ang tinutukoy ng
paalalang ito?
a. baha
b. landslide
c. lindol
d. sunog

34. Gumagamit ng kulay ang mga awtoridad sa pagbibigay ng mga flood warning? Ano ang
kahulugan ng RED Flood warning?
a. Hindi babaha.
b. Maaring bumaha ngunit walang kailangang gawin.
c. Maaaring bumaha sa ilang oras kaya kailangang maghanda.
d. Maaring bumaha ano man oras kaya kailangang lumikas.

35. Mayoong ibat ibang ahensiya ang pamahalaan na nangangalaga sa bansa. Anong ahensya
ang tumutulong sa oras ng kalamidad ang nagbibigay ng mga update sa mga epekto at
hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa? a. DENR
b. DSWD
c. NDRRM
d. NOAH

36. Mayroong maraming pasyalan ang matatagpuan sa ating bansa. Alin dito ang nagbibigay ng
turismo upang umunlad ang ating bansa?
a. Burham Park
b. paaralan
c. Palengke
d. uri ng mga halaman

37. Isa ito sa mga katangiang pisikal na napakahalaga at may pakinabang dahil nagbibigay ito ng
hydropower at nanghihikayat sa mga turista.
a. Bulkan
b. Dalampasigan
c. Kapatagan
d. Talon

38. Alin sa mga sumusunod na katangiang pisikal ng bansa ang pwedeng ipagmalaki?
i. kabahayan ii. Kapaligiran iii. Kapatagan iv. Katubigan
a. i
b. i, ii at iv
c. i, iii, at iv
d. ii, iii at iv

39. Ito ay katangiang pisikal na mapanganib ngunit nagsisilbi rin itong pasyalan at nagbibigay ng
matabang lupa pagkatapos pumutok.
a. Bulkan
b. Bulubundukin
c. Dalampasigan
d. Kapatagan

40. Ang bulubundukin ay nagsisilbing pananggalang natin sa malakas na bagyo na


nakakapaminsala sa bansa. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang ating
bulubundukin?
a. Tumulong sa pagmimina.
b. Tumulong sa pagpapalawak ng agrikultura.
c. Tumulong sa pagputol ng mga punongkahoy.
d. Tumulong sa pagtatanim ng punongkahoy.

You might also like