You are on page 1of 5

Sanayang Papel sa Araling Panlipunan

Layunin: Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito


Code: AP4AAB – Ie – f – 8
Takdang Panahon: 1- 5 araw, WEEK 4
Sanggunian: AP Kagamitan ng Mag-aaral, p. 21-26 , AP Test Item Bank, p. 1-6

Ang Pilipinas ay Isang Bansang Tropikal

Tuklasin

Pag-aralan ang mapa.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa pagtukoy sa kinalalagyan ng ating
bansa?
A. globo at mapa C. lokasyon
B. imaginary lines D. mga bansa
2. Kung titingnan mo ang globo o mapa, ang kinalalagyan ng Pilipinas ay nasa
______.
A. ekwador C. tapat ng ekwador
B. itaas ng ekwador D. ibaba ng ekwador

3. Batay sa globo o mapa, ang kinalalagyan ng Pilipinas ay nasa pagitan ng latitud na


_______.
A. 4º - 21º hilagang latitud at 116º - 127º silangang longhitud
B. 4º - 21º timog latitud at 116º - 127º silangang longhitud
C. 10º - 21º hilagang latitud at 116º - 120º silangang longhitud
D. 10º - 20º timog latitud at 100º - 110º silangang longhitud
4. Ang karagatang Pasipiko ay nasa _________ ng Pilipinas.
A. hilaga B. kanluran C. silangan D. timog
5. Dahil sa kinalalagyan ng Pilipinas, tinagurian itong _______.
A. Bahay ng Asya C. Pintuan ng Asya
B. Haligi ng Asya D. Tahanan ng Asya

Pagyamanin

A. Lagyan ng tsek ( ) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang


lugar para maituring na isang bansa at ekis (X) naman ung hindi.
_______1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
_______2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
_______3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang.
_______4. May sariling pamahalaan
_______5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

B. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.


_______1. Ito ay tumutukoy sa isang samahang politikal na namamahala sa isang bansa.
_______2. Ito ay tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa na magpatupad ng mga programa na
hindi pinapakialaman ng ibang bansa.
_______3. Ito ay bumubuo sa populasyon ng bansa.
_______4. Ito ay tumutukoy sa mga lupain at mga bahaging tubig na nakapalibot sa bansa.
_______5. Ito ay binubuo ng apat na elemento.

Isagawa

Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa patlang.


1. Ano ang kahulugan ng bansa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bukod sa Pilipinas, anu-ano pang mga bansa ang alam mo? Magbigay nga sampung
(10) halimbawa ng bansa.

___________________ ___________________ __________________


___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________

Tayahin

Test I
Direksiyon: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa mga buwan ng Abril at Mayo sa Samar at Leyte, anong klima ang kadalasang
nararanasan?
A. maalinsangan B. mainit C. malamig D. maulan
2. Ang Pilipinas ay may anong uri ng klima?
A. taglagas B. taglamig C. tagtuyot D. tropikal
3. Ang sumusunod ay mga katangian ng klimang tropikal maliban sa isa?
A. basa B. mahalumigmig C. malamig D. tuyo
4. Anong klima mayroon ang lugar na kadalasang binabaha at nagagamit ang mga payong at
kapote?
A. taglagas B. tagtuyot C. tag-ulan D. tropikal
5. Bakit tinawag na bansang tropikal ang Pilipinas?
A. Dahil sa klima ng ating bansa
B. Dahil kaunti ang sikat ng araw dito
C. Dahil ang Pilipinas ay malapit sa ekwador
D. Dahil mayaman sa likas na yaman ang bansa
Test II
Direksiyon: Hanapin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang naglalarawan sa isang
bansang tropikal.
B H A M O Y L K G A A M
M A H A L U M I G M I G
A W A L T S A G L T R R
E O B A S A I H A R H B
D P L M N G N O A G I N
S O J I E S I O K U E H
S M N G O A T U Y O A S

Test III
Direksiyon: Basahin ang mga pangungusap . Lagyan ng tsek( / ) ang patlang kung ito ay
naglalarawan ng katangian ng isang bansang tropikal at ekis ( x ) kung hindi.
_______ 11. Matindi ang sikat ng araw.
_______ 12. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw.
_______ 13. Malapit sa ekwador.
_______ 14. Nakararanas ng taglagas.
_______ 15. Ito ay nasa mataas na latitud.

Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin

A. 1.
2. X
3. X
4.
5.

B. 1. pamahalaan
2. soberanya o ganap na Kalayaan
3. mamamayan
4. teritoryo
5. bansa

Isagawa

1. Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saaan makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
2. (10 halimbawa ng bansa)

Tayahin

A. 1. B
2. D
3. C
4. C
5. D

B. 6. kalayaan
7. apat
8. bansa
9. teritoryo
10. pamahalaan

You might also like