100% found this document useful (1 vote)
165 views7 pages

AP Worksheets

Ang dokumento ay tungkol sa araling panlipunan activity sheet na nagbibigay ng mga tanong tungkol sa konsepto ng bansa, heograpiya at klima. Ang mga tanong ay kailangang punan ng tamang sagot mula sa ibinigay na opsyon. Ang layunin ay matuto tungkol sa mga konsepto sa araling panlipunan.

Uploaded by

JULIUS SABLAY
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
165 views7 pages

AP Worksheets

Ang dokumento ay tungkol sa araling panlipunan activity sheet na nagbibigay ng mga tanong tungkol sa konsepto ng bansa, heograpiya at klima. Ang mga tanong ay kailangang punan ng tamang sagot mula sa ibinigay na opsyon. Ang layunin ay matuto tungkol sa mga konsepto sa araling panlipunan.

Uploaded by

JULIUS SABLAY
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Pangalan: _____________________________________ Iskor: _________________

ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET


MODULE 1

Punan ng tamang sagot ang bawat puwang. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
tao Lahi bansa panloob
teritoryo panlabas pamahalaan panloob na soberanya
soberanya o ganap na kalayaan panlabas na soberanya
1. Ang ____________________ ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng mga tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.
2. Ang ______________________ ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo at
gumagalaw bilang isang lipunan. Sila ang bumubuo ng populasyon ng isang bansa
3. Ang _______________________ ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan, kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
4. Ang ______________________ ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo
ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong lipunan.
5. Ang _____________________ ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamamahala sa
kanyang nasasakupan. Ito rin ay tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.
May dalawang anyo ng soberanya, ito ay ang 6. _________________________ at
7.______________________.
Ang 8. _______________ ay ang pangangalaga ng sariling kalayan. Ang
9.__________________________naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayang ito.
10. Ang _____ ay populasyon ng mga tao kung saan pare-pareho ang kanilang hitsura, pananalita at
kagawian
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( / ) ang bilang ng pangungusap na
nagpapatunay na ang Pilipinasay isang bansa at ekis (X) kung ito ay hindi.
____1. Walang ganap na kalayaan ang Pilipinas.
____2. Ang Pilipinas ay gumagamit ng iba’t ibang wika.
____3. Ang Pilipinas ay hindi maaring pakialaman ng ibang bansa.
____4. May mahigit na 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
____5. Paglipat ng lahat ng tao sa Pilipinas patungong ibang bansa.
____6. Pagbenta sa kabuo-ang teritoryo ng Pilipinas sa ibang bansa.
____7. Wika ng ibang bansa ang ipinapatutupad at sinusunod bilang pambansang wika.
____8. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 mga isla.
____9. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
___10. Umaasa ang Pilipinas sa desisyong ng ibang bansa ukol sa pamamahala nito.

_________________________________
Lagda ng mga magulang
ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET
MODULE 2

A. Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.


____ 1. Ang globo ay isang representasyon o modelo ng mundo.
____ 2. Mayroong limang pangunahing direksiyon.
____ 3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog Silangang Asya sa
kontinente o lupalop ng Asya.
____ 4. Kapag nakaharap ka sa mapa, ang direksiyon sa itaas ay ang timog.
____ 5. Dagat Celebes ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas.

B. Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa timog, at K
kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba.
____ 1. Dagat Celebes
____ 2. Vietnam
____ 3. Indonesia
____ 4. Bashi Channel
____ 5. Japan

C. Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon at isulat sa


patlang ang titik ng wastong sagot.
____ 1. modelo ng mundo.
____ 2. kaugnay na kinalalagyan ng bansa
____ 3. anyong tubig sa silangang bahagi ng Pilipinas
____ 4. rehiyon ng mundo na na matatagpuan ang Pilipinas
____ 5. pintuan ng Asya

A. Globo D. Karagatang Pasipiko


B. Pilipinas E. relatibong lokasyon
C. Timog-silangang Asya F. Estados Unidos
ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET
MODULE 3

A. Isulat sa patlang ang letrang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at


M naman kung mali.

_____ 1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa bahagi ng kontinente ng Asya at


nabibilang sa rehiyong Timog-silangang Asya.
_____ 2. Napapalibutan ang kapuluang Pilipinas ng mga anyong tubig.
_____ 3. Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop sa isang lugar.
_____ 4. Pinakamalapit sa Pilipinas ang bansang United States at kontinente ng
Europa.
_____ 5. Ang iskala ay ginagamit sa pagguhit ng mapa upang maipakita ang katumbas o
aktuwal na laki o distansiya sa sa pagitan ng dalawang lugar sa daigdig.

B. Piliin sa loob ng hugis oblong ang tamang sagot. Isulat sa patlang.

1. ________ at __________ ang dalawang bahagi ng mundo .


2. Ang modelo ng mundo ay ang ___________.
3. Ang pinakamalaking karagatan sa bahaging silangan ng mundo ay _______________.
4. Ang Pilipinas ay binubuo ng ________ mga pulo.
5. _________ ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar. Kasama rito ang
mga katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang
itaas na katapat nito.

Lupa globo tubig

Teritoryo 7,107 direksiyon

Karagatang Pasipiko

ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET


MODULE 4

Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas?
A. Tropikal B. Tagsibol C. Taglagas D. Tag-ulan
_2. Saan nakabatay ang klima ng isang lugar o bansa?
A. Sa pagkakaiba-iba ng klima C. Sa pag-ikot ng daigdaig sa araw.
B. Sa kinalalagyan nito sa mundo D. Sa pag-ikot ng mundo sa sariling axis
3. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran gaya ng taglamig at tag-init.
A. Klima B. Lokasyon C. Panahon D. Topograpiya
4. Ano ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may
kinalaman sa atmospera, temperatura at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng
mga nilalang dito?
A. Klima B. Panahon C. Tropikal D. Taglamig
_5. Bakit nararanasan sa gitnang latitud ang panahon ng tagsibol, tag- init, taglagas at
taglamig?
A. Dahil pahilis ang sikat ng araw dito C. Dahil hindi ito tinatamaan ng sikat ng araw
B. Dahil direkta itong nasisikatan ng araw D. Dahil kaunting sikat ng araw ang nakararating dito
_6. Ano ang tawag sa rehiyong napapaligiran ng makakapal na yelo?
A. Rehiyong Polar B. Rehiyong Tropikal C. Rehiyon ng Kanser D. Rehiyong Temperate
_7. Ano ang tawag sa bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn?
A. Polong Timog B. Gitnang Latitud C. Rehiyong Polar D. Mababang Latitud
_8. Ano ang tawag sa bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at
ang nasa pagitan ng kabilugang Antarktiko at Tropiko ng Kaprikorn?
A. Rehiyong Polar B. Gitnang Latitud C. Mababang Latitud D. Rehiyong Tropikal
_9. Ito ay may malaking kaugnayan sa uri ng klima sa mga lugar sa daigdig.
A. Init B. Ulan C. Panahon D. Guhit latitud
10. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw.
A. Gitnang Latitud B. Rehiyong Polar C. Rehiyong Tropikal D. Rehiyong Temperate

. Kumpletuhin ang talata. Punan ang patlang ng tamang salita at piliin ang sagot na makikita sa loob ng
kahon.

tropikal axis araw


mababang latitud klima panahon

Ang Pilipinas ay isang bansang (1) ______________ dahil ito ay malapit sa ekwador
at nasa (2)________________. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t
mainit at maalinsangan ang klima rito. Ang (3)____________ ng isang bansa ay nababatay
sa kinalalagyan nito sa mundo. Dahil sa pag-ikot ng daigdig sa (4) _________ at pag-inog
sa sarili nitong (5) ___________, nagkakaibaiba ang klima sa iba’t-ibang lugar.
ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET
MODULE 5

Ayusin ang mga nagulong letra upang makabuo ng isang salita na natutugma sa kanyang
kahulugan

taagd 1. Bahagi ng karagatan

kundbo 2. Pinakamataas na angyong lupa

saatlamp 3. Mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw

ogil 4. Mahaba at paliko-likong angyong tubig na tumutuloy sa dagat.


oatnl 5. Umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok

lrbuo 6. Mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok. Pabilog ang hugis ng

itaas nito.

kaubl 7. Tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa

aaaangrkt 8. Pinakamalalim, pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig.

knaubl 9. Bundok na may bunganga ang tuktok.

loogp 10. Bahagi ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat

ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET


MODULE 6

Punan ang mga pangungusap ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

PHIVOLCS Pasipiko
Signal No. 4 Pacific Ring of Fire
Timog-Silangang tsunami
earthquake drill storm surge
DRRMC hazard map

1. Ang Pilipinas ay nasa bahaging kanluran ng Karagatang ___________________.


2. Ang _________________________________ ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang
maraming aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas na mga paglindol.
3. Ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan ay ang
___________________________________.
4. Ang _______________________ ay mapang nagpapakita ng mga lugar na panganib sa mga
kalamidad.
5. Ang ______________________________ ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan dulot ng lakas ng hanging dulot ng bagyo.
6. Ang _______________________ ay epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal
na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.
7. Ang _________________ ang ahensiya na nangangasiwa sa mga pagsasanay para sa kaligtasan ng
bawat mamamayan.
8. Tumutukoy sa babala ng bagyo kung saan ang bilis ng hangin ay mahigit sa 185 kph at inaasahan
sa loob ng 12 oras.
9. Mahalaga ang pagsasagawa ng ________________________ sa mga paaralan at iba pang
ahensiya o institusyon upang maging handa ang mga tao sa hindi inaasahan paglindol.
10.Sa _______________________ kadalasang nabubuo ang malalakas na bagyo na sumasalanta sa
iba’t ibang bansa.
ARALING PANLIPUNAN 4 ACTIVITY SHEET
MODULE 7

Basahin at unawain. Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano ipinapakita ang kahalagahan ng katangiang pisikal sa pagunlad ng bansa?


A. Sa pamamagitan ng pagkakaingin sa mga kabundukan.
B. Sa pamamagitan ng paggamit ng dinamita para malaki ang kita sa pangingisda.
C. Sa pamamagitan ng turismo at kalakalan ng Tsina sa ating bansa na ginagamit ang kanilang produkto.
D. Sa pamamagitan ng katangiang pisikal katulad ng yamang lupa at tubig na pinapasigla at pinapaunlad
ang turismo at kalakalan sa ating bansa.
2. Ang mga sumusunod ay mga katangiang pisikal na dapat mong ipagmalaki, maliban sa isa.
A. ilog B. dagat C. bundok D. laruan
3. Anong gawain ang nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mamamayan ang mga katangiang pisikal ng
bansa?
A. Pagsasaka B. Pag-kakaingin C. Pag-gamit ng dinamita D. Paglalaro ng computer
4. Ano ang mga ugaling Pilipino na naidudulot ng pagiging mayaman sa katangiang pisikal ng ating bansa?
A.Pagiging masipag sa pagtrotroso.
B.Pagiging malupit sa mga taong nakapaligid sa iyo.
C.Pagiging matatag at determinado, masipag at may pagkakaisa tungo sa kaunlaran ng bansa.
D.Pagiging maingay, malupit, at maaasahan ng mga mayayaman ng ating bansa at sa iba’t ibang bansa na
maraming pera.
5. Paano mo hinihikayat upang lalong dayuhin ng mga turista ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas?
A. Gumawa katulad ng mga isyung politikal.
B. Gumawa ng hindi kaaya-ayang gawain.
C. Gumawa ng maliliit na hakbang katulad ng mga isyung politikal.
D. Gumawa ng mga magagandang patalastas na naghahayag ng paghihikayat na pumunta sa ating bansa sa
pamamagitan ng social media.
6. Ang Pilipinas ay isang______________.
A. Kapuluan B. Kalangitan C. Kasangkapan D. Komunidad
7. Ito ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at malilit na mga pulo.
A. Arkilago B. Arkipelago C. Arpilargon D. Arrckipelago
8. Bakit malaki ang pakinabang ng bansa sa turismo?
A. Dahil lumiit ang kita ng ating bansa.
B. Dahil lumaki ang kita ng mga mayayamang tao sa bansa.
C. Dahil lumaki ang kita ng mga dayuhang namumuhunan sa iba’t ibang panig ng bansa.
D. Dahil lumaki at tumaas ang kita ng 15 bahagdan at nakakatulong ito sa ekonomiya ng ating bansa.
9. Ano-ano ang mga katangiang pisikal na ipinagmamalaki ng Pilipinas?
A. Yamang Uri B. Yamang Lupa at Tubig C. Yamang Pag-aari D. Yamang Perlas at Tanzo
10. Ano-ano ang pakinabang o ibinibigay ng mga katangiang pisikal sa ating bansa?
A. Nagsisilbi itong transportasyon.
B. Nagsisilbi itong pampalipas ng oras.
C. Nagsisilbi itong pagkabuhayan, pasyalan a pagsulong ng kaunlaran.
D. Nagsisilbi itong pagpapayaman ng mga tiwaling politiko at mga mayayamang gahaman sa pera.

You might also like