You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 5

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


TAUNANG PANURUAN 2023-2024

Pangalan:
Baitang at Pangkat:

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag at piliin ang pinakamabuting sagot
sa bawat aytem. Isulat ang kasagutan sa papel na inihanda.

1.Ang giyera sa pagitan ng Israel at Palestine ngayon ay nagbigay ng matinding


epekto para sa mga bata. Bilang bata, ano sa palagay mo ang pinaka-una mong
gagawin para malampasan ang mga pagsubok na ito?
A. Hanapin ang mga kaibigan at tulungan sila.
B. Ipagpatuloy ang iyong pag-aaral kahit sa ganitong sitwasyon.
C. Makiisa sa pagdarasal at manalig sa Diyos na malampasan ang mga
ganitong pagsubok.
D. Sumali sa mga organisasyon na nagpaplanong gumanti sa mga taong
sumira sa inyong pamayanan.

2.Isa sa inyong pakikilahok sa komunidad ang pagbisita sa mga tahanan ng mga


matatanda. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawa sa
kaugaliang ipinakita ng mga bata sa larawan?
A. Pagmamalasakit sa kapaligiran.
B. Pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat.
C. Pagkalinga at pagtulong sa kapwa lalong-lalo na sa mga
nangangailangan.
D. Nakapagpakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong
pampaaralan.

3.Sinabihan ka ng iyong guro na makipaglaro sa kaklase mong may kapansanan.


Susundin mo ba ang sabi ng iyong guro?
A. Oo, dahil kailangan din nilang makipaghalubilo at maranasan ang
ginagawa ng mga batang walang kapansanan.
B. Oo, dahil bibigyan ako ng dagdag na puntos sa aking grado kung
susundin ko ang utos ng aking guro.
C. Hindi, dahil mahihirapan siyang makipaglaro sa kanyang sitwasyon.
D. Hindi, dahil marami naman siyang pwedeng gawin maliban sa
paglalaro.

4.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtulong sa kapwa.


A. Titingnan ko lang ang aming guro habang nagwawalis ng aming silid.

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
B. Tutulungan ko ang aking guro sa pagdadala ng kayang gamit sa aming
silid.
C. Uupo sa tabi habang nagtatanim ang aming mga kaklase ng gulay sa
hardin
D. Magkibit balikat habang naghahanap ang aming guro ng tutulong
upang maglinis ng palikuran.

5.Lumapit sa iyo ang kaklase mo upang turuan mo siya sa asignatura sa


Matematika. Magaling ka rito at alam mong matalino rin ang kaklase mo. Tama
bang turuan mo siya sa Matematika?
A. Oo, dahil magkakaroon siya ng utang na loob sa akin
B. Oo, dahil masaya akong maibahagi ang aking kakayahan sa iba
C. Hindi, dahil kung matalino siya ay hindi na niya kailangan ng tulong
ko.
D. Hindi, dahil baka tumaas ang kanyang marka sa Matematika kaysa sa
akin

6.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa?


A. magselfie habang inaabot ang tulong sa nangangailangan
B. iabot ang tulong sa pamilya ng may pagmamalasakit at pagmamahal.
C. ipost sa social media ang mga tulong na ginagawa upang maraming
views
D. ipagyagyabang ang mga tulong at mga naiambag mo sa
nangangailangan

7.Oras ng recess, napansin mong walang pagkain ang iyong kaklase. Siya ay
nangangayayat at mukhang gutom na gutom. Ano ang nararapat mong gawin?
A. huwag siyang pansinin
B. sabihan ang ibang kaklase na bigyan siya
C. pagtawanan dahil wala siyang baon na makakain
D. bigyan siya mula sa iyong dalang pagkain nang may pagmamalasakit

8.Malalim na ang gabi at may mga batang nagsisigawan at nambabato sa kalye.


Ano ang nararapat mong gawin?
A. tumawag at ireport sa kinauukulan
B. lalabas at kakausapin at baka tumigil sila
C. babatuhin ko rin sila dahil sila ay nakakaistorbo
D. ipagsawalang bahala ang kanilang masamang ginagawa

9.Nabahaan ang inyong kaklase at nangangailangan ng agarang tulong. Anong


tulong ang maaari mong maibahagi?
A. papatirahin ko sila sa bahay
B. wala akong maitutulong sa kaniya
C. magbibigay ako ng pagkain, inumin at damit

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
D. hihingi ako ng tulong sa social media upang malaki ang maiipon kong
pera

10.Nadaanan ninyo ng mga kaibigan mo ang isang pulubing humihingi ng


pagkain sa mga dumadaan. Pinagtawanan at pinaglaruan siya ng isa sa mga
kaibigan mo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. magsawalang bahala na lamang ako
B. pagsabihan ko sila na mali ang paglaruan ang kapwa
C. pagsabihan ko ang pulubi na huwag mamalimos sa daan
D. sasabayan ko ang aking mga kaibigan na paglaruan ang kawawang
pulubi

11.Kumakain ang pamilya mo sa restaurant. Sa labas ay may batang pulubi na


nakatingin sa inyo habang kumakain. Marumi at mabaho ito kaya naman
itinataboy siya ng ibang mga pumapasok. Ano ang nararapat mong gawin?
A. papabayaan ko siya dahil hindi ko siya kapatid
B. pagtatawanan ko siya dahil kawawa siyang tingnan
C. bibigyan ko siya ng pagkain pagkatapos naming kumain
D. itataboy ko ang batang pulubi dahil marumi at mabaho siya

12.Nagmamadali kang pumasok sa paaralan dahil ayaw mong mahuli sa klase.


Nakita mong may nakakalat na balat ng saging sa daan. Alam mong delikado
itong maapakan. Ano ang nararapat mong gagawin?
A. pupulutin ko at itatapon ko kung saan
B. hahayaan ko na lamang na pulutin iyon ng tagalinis ng paaralan
C. hahayaan ko nalang dahil baka mahuli pa ako sa pagpasok sa klase.
D.pupulutin ko ito at itataapon ko ng maayos dahil baka may ma
aksidente pa

13.May parating na bagyo sa inyong lugar, ang lahat ay balisa na kung anong
gagawin.
Ikaw, ano kaya ang magiging ambag mo para sa kabutihan ng lahat?
A. Maghahanap ako ng matataguan.
B. Maghahakot ako ng mga kagamitan.
C. Maglalaro muna ako habang ang iba ay abala sa pagliligpit.
D. Makiisa ako sa pagdarasal ng taimtim sa Maykapal na ilayo kami sa
kapahamakan

14.Bawat pamilya ay may mga pagsubok sa buhay na nararanasan bilang


miyembro ng iyong pamilya, ano ang mabuti mong gawin?
A. hihingi ng tulong sa kapitbahay o mga kakilala.
B. hahayaan ko lang ang mga magulang ko ang maghahanap ng solusyon.

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
C. hindi ako makikialam kung anuman ang mga nangyayari sa aking
pamilya.
D. Ipagdarasal ko na malalampasan ng pamilya ko ang anumang
pagsubok na ibibigay.

15.Batid ng lahat ang mga nangyayaring kalamidad sa buong mundo, kagaya ng


bagyo, baha, lindol at iba pa. Bilang isang bata, ano ang iyong maaaring
maitulong sa lahat?
A. hikayatin ang mga kapwa bata ko na maglaan kami ng oras para
magdasal.
B. huwag pansinin kung anuman ang mga nangyayari sa aking palibot.
C. mamimigay ng mga damit, pagkain, kumot at iba pang kailangan.
D. panoorin ang mga pangyayari sa youtube.

16.Ano ang dapat gawin kapag may sunog kang nasaksihang sa inyong barangay?
A. tatakbo at sisigaw ng salitang, sunog!
B. mangunguha ng mga kagamitan ng iba
C. kukunan ko ng video ang nasabing sakuna
D. tatawag ng tulong at ipagdadasal na maapula na kaagad ang sunog

17.Nabalitaan mong may labanan o giyera sa iba’t-ibang bansa, ano ang iyong
gagawin para sa lahat?
A. magkibit-balikat lang at ipagpatuloy ang ginagawa.
B. yayain ang mga kapwa bata na maglaro ng giyera-giyerahan.
C. ipagdasal na matatapos na ang giyera at wala ng labanan na
mangyayari.
D. makikibalita kung ano na ang nangyayari sa mga bansang kasali sa
labanan o giyera.

18.Biglaang nakaranas kayo ng malakas na lindol habang nasa silid-aralan. Ano


ang dapat mong gagawin na ikakabuti ng lahat?
A. makipagkarerahan palabas ng silid-aralan.
B. makipagtulakan para maunang makapagtago sa ilalim ng mesa
C. uupo lang at panonoorin ko kung ano ang ginagawa ng mga kaklase.
D. gawin ang DOCK, COVER and HOLD at magdasal na ilayo kami sa
disgrasya.

19.Isang araw habang ikaw ay nakasakay sa bus, may isang matanda na


sumakay at wala na siyang mauupuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Gagamit ako ng headset habang nakikinig ng musika upang hindi
mapansin ang matanda.
B. Iaalok ko sa matanda ang aking upuan at hahawak nalng ako ng
mahigpit sa hawakan.
C. Titingnan ko na lamang ang matanda hanggang siya ay bumaba.

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
D. Magtutulug-tulugan upang hindi ko siya mapansin.

20.Tuwing Sabado ay pumupunta ang iyong pamilya sa isang pasyalan. Lagi


mong nakikita ang isang batang ulila na namamalimos upang siya ay may
makain. Alin sa sumusunod ang tamang gawin?
A. Bibigyan mo siya ng tira-tirang pagkain.
B. Hindi papansinin ang bata dahil ito ay madungis.
C. Bibigyan mo siya ng dala mong tinapay at tubig upang siya ay may
makain.
D. Pagsasabihan ang bata na humingi ng makakain sa malapit na
karinderya.

21.Sobrang pagod galing sa trabaho ang iyong ina. Paano mo maipapakita sa


kanya ang iyong pag aalaga?
A. Hihilingin ko kay nanay na siya na lang ang mag-luto.
B. Ipaghahain ko si nanay ng masarap na pagkain at maiinom.
C. Sasabihan ko si tatay na siya na lang ang mag- alaga kay nanay.
D. Tatawagin ko ang kapatid para siya ng ang magluto para kay nanay.

22.Nadapa ang iyong kamag- aral dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo. Paano mo
maipapakita ang pagmamalasakit sa kanya?
A. Pagtatawanan siya dahil sa hindi pag iingat.
B. Tutulungan siya para makaahon sa pagkadapa.
C. Tatawagin ang guard para tulungan ang kamag -aral.
D. Magsusumbong sa prinsipal na nadapa ang iyong kamag- aral

23.May nangyaring sunog sa inyong lugar. Marami sa inyong mga kapitbahay ang
na apektuhan. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa?
A. Tignan na lamang sila habang nahihirapan sa paglikas.
B. Bibilihan sila ng mga bagong damit kahit kunti na lng ang pera.
C. Tutulong ka sa pamamagitan ng pagbigay ng mga lumang damit at
pagkain.
D. Makikipag unahan ka sa pagpulot ng mga gamit habang hindi nila
nakikita.

24.Ano ang tamang hakbang na dapat gawin kapag nakakita ng isang taong
nangangailangan ng tulong?
A. baliwalain na lamang ito.
B. lumampas na lng ng tahimik.
C. lumapit at tanungin kung paano ka makakatulong.
D. mag-selfie at ipost sa social media para maraming tutulong sa kanya.

25.Bakit mahalaga ang empatiya o damdamin sa pagtulong sa kapwa?


A. dahil ito ay uso

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
B. dahil tataas ang grado sa EsP.
C. upang maunawaan natin ang nararamdaman ng iba
D. para mas lalong mapaunlad ang ating sariling interes

26.Sa pang-araw-araw na gawain mo, paano mo pinahahalagahan ang nagawang


kabutihan ng iyong kapwa sa iyo?
A. Naiinggit sa kanila.
B. Babalewalain ang kanilang kabutihan.
C. Ipinagdarasal at pinasasalamatan sila.
D. Hindi pinapansin kahit ano ang ginagawa.

27.Dahil sa kahirapang nararanasan ng aking pinsan, nakalimutan niya nang


manalangin at magpasalamat sa Diyos. Ayaw niyang tumulong sa iba dahil
katuwiran niya hindi siya naman tinulungan ng Diyos. Ano ang maaaring
maipayo mo sa kanya?
A. Ipaalala sa kanya na ang lahat ng ito’y pagsubok lamang ng Diyos.
B. Iwasan ang pagtulong sa iba dahil nakadagdag sa gastusin.
C. Pagsabihan siya na tama ang kanyang ginawa.
D. Walang maipapayo sa kanya.

28.Ano ang maaaring maging epekto ng pagtulong sa kapwa sa ating sariling


pakiramdam?
A. Makapagdudulot ito ng pagtaas ng stress sa sarili.
B. Makapagdudulot ito ng pagod at pagkasira ng araw.
C. Makapagdudulot ito ng pagseselos at pag-aaway sa ibang tao
D. Makapagdudulot ito ng kasiyahan at kagalakan ng damdamin.

29.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa


Diyos maliban sa isa.
A. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga
biyayang natatanggap.
B. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan.
C. Pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na natanggap araw-araw.
D.Pagpapasalamat lamang kung may biyayang natanggap.

30.Ang pamilya ng kaibigan ko ay laging nagsisimba tuwing araw ng Linggo at


mga pistang pangilin. Hindi nila nalilimutan ang magpasalamat sa Diyos sa
tuwi-tuwina. Ang pamilyang ito ay________.
A. Makakalikasan
B. Maka-Diyos
C. Makabansa
D. Makatao

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-5
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
TAONG PANURUAN 2023-2024

SUSI SA PAGWAWASTO

1. C 16. D
2. C 17. C
3. A 18. D
4. B 19. B
5. B 20. B
6. B 21. B
7. D 22. B
8. A 23. C
9. C 24. C
10. B 25. C
11. C 26. C
12. D 27. A
13. D 28. D
14. D 29. D
15. A 30. B

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 5
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
TAONG PANURUAN 2023-2024

TALAHANAYAN NG PAGTITIYAK SA IKALIMANG BAITANG

Paglalapa Pagtat
Pag-unawa
Bilang ng Kaalaman t Pagsusuri aya Sintesis
Mga Kasanayan sa (Understan
Aytem (Remembering) (Applying (Analyzing) (Evalu (Creating)
Pampagkatuto ding)
) ating)
Ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
1. Nakapagpapakita nang tunay
na pagmamahal sa kapwa tulad
5, 8,
ng:
9,10,
1.1. pagsasaalang-alang sa 21,22
1,2,3 13,14,
kapakanan ng kapwa at sa 1-27 4,6,7 23,24,25,
15,16,
kinabibilangang pamayanan 26,27
17,18,
1.2. pakikiisa sa pagdarasal
19,20
para sa kabutihan ng lahat
1.3. pagkalinga at pagtulong sa
kapwa
EsP5PD - IVa-d –14
2. . Nakapagpapakita ng iba’t
28,
ibang paraan ng pasasalamat sa
29,
Diyos
28-30 30
EsP5PD - IVe-i –15
TOTAL 30 3 3 12 7 3

ISO 9001:2015 – Certified

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 29
1-1665; (082) 221-6147

You might also like