You are on page 1of 4

Paaralan: Lapidario Elementary School Baitang at Pangkat: I-Santol

Guro: Jocelyn P. Bolando Asignatura: Filipino I


Grade 1 to 12
DAILY LESSON LOG Petsa: Enero__, 2023/ 9:10-9:50 Markahan: Ikalawa/Week 8

Grade Level Standards: Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-
pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa
mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan
sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
Pinakamahalagang Ang mag-aaral ay…
Kasanayan sa Pagkatuto F1PN-IIf-8
(MELC) Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawan at
pamatnubay na tanong
I. LAYUNIN 1. KNOWLEDGE.
Nakasusunod sa napakinggang panuto na may 1-2 hakbang
2. SKILLS.
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento sa tulong ng mga
larawan at pamatnubay na tanong
3. ATTITUDE.
Naipakikita ang kasiglahan sa paglahok sa mga Gawain.
II. NILALAMAN
A. PAKSA Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento
B. KAGAMITANG Mga larawan , bidyo at PPt
PANTURO
C. PEDAGOHIYANG Contructivist Approach
DULOG AT Strategy: Direct Instruction
ISTRATEHIYA Collaborative Learning – in this approach, students are given opportunities to work with their fellow
(APPROACH &
students.
STRATEGY)
D. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa PIVOT Module
Kagamitang Pang Mag- pah. 30-32
aaral MELC pp. 145
BOW pp. 14
3. Mga Pahina sa Teksbuk K to12 Teacher’s Guide
pah. 81-86
4. katagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resources o ibang website
E. IBA PANG TV, Laptop at mga larawan
KAGAMITANG
PANTURO
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa PAUNANG GAWAIN
nakaraang aralin at/o  Panalangin
pagsisimula ng bagong  Pagbati sa Mag-aaral
aralin.
 Patalista
Tignan ang mga sumusunod na larawan. Sabihin ang pangalan ng bawat isa at pantigin ito.

kabayo = ka + ba + yo ubas = u + bas payong = pa + yong


B. Paghahabi sa layunin ng Babasahin ko ang bawat aytem . Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
aralin pagsulat ng bilang 1 -unang pangyayari, 2- para sa sumunod na pangyayari at 3 – para sa huling
pangyayari. Isulat ang bilang sa ibaba ng larawan.
1.

2.

3.
C. Pag-uugnay ng mga Makinig sa kuwentong babasahin ko.
halimbawa sa bagong Sina Betsie at Botsie
aralin. ni Daisy M. Boral at guhit ni Jayson Casareno

Isang maulang umaga dumungaw sa bintana si Botsie.


“ Maghanda na kayo, isuot na ninyo ang inyong kapote at bota,” ang wika ni nanay Bing.
Agad na sumunod si Betsie at isinuot niya ang kanyang lilng kapote at bota.
“Opps, Oops, Oops! Lampas tuhod na ang tubig-baha! Basang-basa na ang medyas at
sapatos ko,” sambit ni Botsie.
“Hindi ka kasi nag-iingat sa paglakad,” wika ni Betsie. Ipinagpatuloy nila ang kanilang
paglalakad patungo sa kalapit na barangay, sa bahay ni tita Betty.
Narating nila ang bahay ni tita Betty. Nang hindi kalaunan sumakit ang kanyang tiyan at
nakaramdam ng pagsusuka. Isinugod agad siya ni tita Betty sa Rural health Unit.
Pagkalipas ng dalawang arawa, maayos na ang kalgayan ni Botsie. Masaya na siyang
muli. Naglalaro na sila ng kanyang kakambal na si Betsie nang marinig nila ang kanilang nanay
Bing. “Pumasok na kayo at matindi na ang sikat ng araw.”
Agad na sumunod s autos ng nanay ang magkapatid at masayang pinagsaluhan ang
inihandang kakanin at prutas ng kanilang nanay Bing.
D. Pagtalakay ng bagong Tingnan ang mga larawan. Buuin ang kuwento sa tulong ng mga larawan.
konsepto at paglalahad ng Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
bagong kasanayan #1 1. Alin sa mga larawan ang naunang nagyari?
2. Pangalawa?
3. Pangatlo
4. Panghuli?
E. Pagtalakay ng bagong Pakinggan ang babasahin kong kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga larawan batay sa kuwento. Isulat ang
konsepto at paglalahad ng bilang 1 hanggang 3.
bagong kasanayan #2 Si Rambo
Kuwento ni Daisy M. Doral
Guhit ni Domingo G. Radam

Masayang naglalaro sina Faye at Erick sa likuran ng kanyang silid-aralan. Hindi nila napansin si
Rambo, ang aso ni Gng. Malou Valdez, na mahimbing na natutulog sa ilalaim ng puno ng manga.

“Naku! Tinamaan natin ng bola si Rambo,” gulat na sabi ni Erick. Nilapitan niya ang aso upang kunin
ang bola na tumama ditto. Nang biglang kinagat ang kanyang binti.
“Aray!” biglang napatakbo papalayo sa aso si Erick. Nabigla din si Faye.

Humingi sila ng tulong kay Bb. Ana. Agad na dinala si Erick sa gripo, at itinapat ang bahaging
nakagat. Sumunod ay hinugasan ng sabon sa loob ng limang minute. Pagkatapos ay dinala sa Animal Bite
Center upang mabigyan ng Antirabies vaccine.

Mula noon, hindi na sila naglalaro o lumaapit sa hindi nila alagang aso.

Pagsunod-sunurin ang mga larawan batay sa kuwento. Isulat ang bilang 1 hanggang 3.

F. Paglinang sa Gámit ang mga larawan, sa ibaba, pagsunod-sunurin ang mga ito upang makabuo ng maikling kuwento .
Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment)

G. Paglalapat ng aralin sa KONTEKSTUWALISASYON/LOKALISASYON


pang-araw- araw na buhay Paano mo napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento?
Anong mga salitang pang-ugnay ang ginamit mo?
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan;
Ang mga pangyayari sa kuwento ay napagsusunod -sunod sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitáng
pang-ugnay tulad ng una, pangalawa, sunod, pagkatapos, at huli.
I. Pagtataya ng Aralin Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng malinaw na kuwento. Lagyan ng bílang 1–5 ang
patlang.
____ 1. Namasyal ang magkakaibigan sa parke.
____ 2. Natutuhan nila na mahalaga ang pagsunod sa mga babala.
____ 3. May nakita siláng karatula na “Bawal Magbisikleta”.
____ 4. May batang hindi sumunod sa babala.
____ 5. Hinuli ng pulis ang batang hindi sumunod sa babala.
J. Karagdagang Gawain
para sa takdang-aralin at
remediation

V. Mga Tala

VI PAGNINILAY
Inihanda ni:

Jocelyn P. Bolando

Ipinasa kay:

Rosalie P. Gorgonio
Dalub-Guro I

You might also like