Professional Documents
Culture Documents
Laro Tayo
By Sean Y.T.
"Laro tayo?"
Ang madalas mong sabihin sa tuwing gusto mo ng mapaglilibangan
At dahil mahal kita ay hindi ko matanggihan
Ngunit ngayon ay natuto na ako, ayoko na ng laro, gusto ko'y totoong
pagmamahal
Salamat nga pala sa mga bulaklak na pinitas mo sa daan
Ito na ang huli nating laro, ayoko nang maulit kahit kailan
Oo nga't masaya kang nakipaglaro sa akin ngunit hindi mo alam kung gaano
kasakit mapaglaruan.