You are on page 1of 2

Pamagat: Tara!

Laro Tayo

PAG-IBIG...
Isang salita pero bakit napakakomplikado
Sa katunayan,parang paglalaro lang iyan ng patintero
Sa una lang madali pero kapag nasa gitna ka na ang hirap pa lang takasan.

Ngayon,simulan natin ang laro


Syempre ikaw ang taya tapos ako ang pa-in
Gusto kitang lagpasan pero bakit di ako makawala
Gusto kitang takasan pero kamay mo nakaabang.

Isang maling kilos ko lang maaaring kapahamakan


Maaaring mahulog ako sa'yo o di kaya'y mabigo
Kasi para sa'yo,
Sa simula pa lang laro lang ang lahat ng ito.

Isa...dalawa...tatlo...
Sa wakas nakalagpas din ako
Pero bakit andami pa ring nakaharang
Akala ko tapos na,iyon pala nag-uumpisa pa lng.

Ayokong manatili sa isang lugar


Na animo'y kulungan tapos maraming bantay
Pakiramdam ko nakakulong ako
Di ko alam kung saan ako patungo.

May nagdidiktang manatili ako


Pero bakit gusto kong mapalapit sa'yo
Ayokong magpadaig sa isinisigaw ng puso ko
Kasi alam ko balewala lang ako sa'yo.

Akala ko lulunurin na ako ng aking nararamdaman


Gusto ko ng tapusin at sukuan
Kasi kahit laro lang ito
Unti-unti na akong nahuhulog sa'yo.

Isang hakbang nalang tapos na ang lahat ng ito


Ngunit hinihila pa rin ako pabalik sa'yo
Gustuhin ko mang iwasan ka
Pero bakit hindi ko magawa.

Ayoko na,
Pagod na ako
Tanggap ko naman eh
Ako lang naman si tanga na sa mga laro mo binigyan ko nang malisya.

You might also like