PANGARAP
Noon ay wala pang kasiguraduhan
Hindi pa mawari ang patutunguhan.
Napakaraming magkakaibang daan
‘Di alam kung ano’t saan pupuntahan.
Mayro’ng ibang sumasagi sa isipan
Ngunit puso’y iba ang nararamdaman.
Nagsimulang mamuo ang kaguluhan
Hanggang mapasok sa ‘di inaasahan.
Sa simula’y binalot ng kalituhan
Napakaraming hindi maintindihan.
Pinipilit na alamin ang dahilan
Nang malaman kung paano kakalmahan.
Nakapagdulot naman ng kasiyahan
Subalit lungkot ay ‘di rin maiwasan.
Nadarama ang pagsisisi kung minsan
Ngunit ‘di pa rin sinubukang mang-iwan.
Palalim na nang palalim ang samahan
Pag-ibig unti-unting nararamdaman.
Lalong sineryoso’t pinagsumikapan
‘Pagkat nasilayan ang katotohanan.
Wala nang ibang maisip na dahilan
Bakit puso’y bigla itong pinayagan.
Basta sa isip ang tanging nalalaman
Ang bigay nitong lubos na kagalakan.
Rinig mga negatibong kaisipan
Subalit ito lamang hinahayaan.
Tuloy pa rin sa kung anong nasimulan
Para rin sa magandang kinabukasan.
Pagsubok ay ‘di mawawala kailanman
Tiwala’y ‘di rin mawawala kailanman.
Kaunting-kaunti pa ang lalakbayan
Bukas, ang lahat mapagtatagumpayan.
NINGNING SA PASKO
Papalapit na ang kapaskuhan
Na pinakahihintay natin.
Muli na namang nararamdaman
Malamig na haplos ng hangin.
Sa pagkakataong ito
Kakaibang hangin ang dala mo